"Ten million, Mr. and Mrs. Aguilar, kapalit ng inyong anak." Saka ako mariing tumitig sa mag-asawa.
Napangisi naman ako nang makita ko sa itsura ng mga ito ang labis na pagkagulat. Hindi ko alam kung dahil sa malaking halaga o sa buhay ng kanilang anak.
"P-Pero, sir– hindi po namin ibenibenta ang aming anak. H-Hindi po s'ya h-hayop para ipamig–––"
Ngumisi ako. "Ayaw kong daanin kayo sa dahas, Mr. and Mrs. Aguilar, pero kung hindi kayo papayag sa kagustuhan ko at magmamatigas kayo mapipilitan akong gawin 'yon, at siguradong pagsisisihan n'yo ang araw na 'to."
Nakita ko ang pamumutla sa mukha ng mag-asawang Aguilar, kasabay nang sunod-sunod na paglunok ng mga ito. At sa puntong iyon ay lalo lamang akong nakaramdam ng katuwaan sa aking dibdib dahil nakikita kong labis na takot sa mga ito.
Hanggang sa tuloyan na ngang nanahimik ang mag-asawa at sabay na tumungo. Napailing na lamang ako saka ko sinenyasan si Amida at ipinadala rito ang ilang malalaking bag na naglalaman ng pera maging ang dokumento ng kasunduan.
"'Wag kayong mag-alala, dahil nakasaad sa kontratang 'yan na mananatili pa rin sa poder n'yo ang anak n'yo hangga't wala pa s'ya sa hustong edad. Pero pagtapak n'ya ng disiotso ay magiging akin na s'ya at kung lumabag kayo sa kasunduang 'yan, alam n'yo na ang mangyayari." Pagkatapos ay saka ako tumayo at tinalikuran na ang mga ito.
Narinig ko pa ang malakas na paghikbi ng ginang habang inaalo ito ng asawa bago pa man ako tuloyan makalabas opisina.
"Ikaw na bahala sa kanila, Amida. At tiyakin mong mapapapirma mo sila pati ang dalaga sa Certificate of Marriage namin oras na magising s'ya." Utos ko. Tumango naman ito at muli nang bumalik sa loob ng opisina.
TAHIMIK lamang akong nakamasid sa malawak na lupaing naipundar ko. Walang alam ang aking ina sa kung ano man ang kinatatayuan ko ngayon dahil ang pagiging mafia ko ay nananatili pa ring isang lihim dito.
Hindi sa wala akong planong sabihin, hindi pa lang ako handang ipaalam ang lahat hangga't hindi ko pa nababawi ang lahat ng karapatang ninakaw sa amin.
Natagpuan ko na rin ang aking ama na ilang taon ko na ring hinanap, maging ang aking bunsong kapatid na si Alexandra. At natunton ko ang katotohanang iyon ay dahil kay Director Oxford nang malaman kong ang asawa nito ay nagngangalang Alexandra Galliguez.
Simula nang araw na malaman ko iyon ay agad kong pinaimbestigan nang hindi nalalalam ni Director Oxford. At nalaman kong ang aking ama ay si Alexander Galliguez.
Subalit ang katotohanang iyon ay nananatili pa ring isang lihim at hindi ko pa rin nakakaharap ang aking ama, maging ang aking kapatid na si Alexandra.
Gusto kong maisayos muna ang lahat bago ako lumitaw bilang isang panganay na anak at tunay na tagapagmana ng lahat ng ari-arian ni Alexander at hindi ang demonyong tulad ni Grace Roco na ginamit ang lahat upang maagaw ang aking ama sa aking ina, at pagkatapos ay pinagtangkaan pa nitong patayin ang aking ina.
Maliit pa lamang ako noon nang dumating sa bahay si Grace at sapiliting kinuha si Alexandra na nasa isang taon pa lamang habang ako'y nasa walong taong gulang pa lamang.
Kitang-kita ng aking dalawang mga mata ang ginawa nitong pananaksak sa aking ina at ang pangyayaring iyon ay waring nakaukit na sa aking puso at isipan lalo na ang itsura ni Grace Roco na hinding-hindi ko makakalimutan.
Matalik itong kaibigan ng aking ina kaya't nang magkaisip ako ay muli kong binalikan ang ala-alang iyon at hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ni Grace sa aking ina. Hanggang sa tuluyan ko nang napagtanto ang lahat noong nasa kolehiyo na ako.
Pera at kapangyarihan ang naging dahilan kung bakit nagawa ni Grace Roco ang ganoong krimen sa aking ina at ang pagnanakaw nito sa aming karapatan.
Ginamit din nito ang aking bunsong kapatid upang makuha ang loob ng aking ama at sinira nito ang pangalan at pagmamahal ng aking ina sa aking ama kaya ganoon na lang kalaki ang galit ng aking ama sa aking ina dahil sa mga kasinungalingang binuo ni Grace Roco.
Hanggang sa tuloyan na nga itong nagtagumpay at pinakasalan na rin ng aking ama. Kaya't lalo lamang lumawig ang galit sa aking puso para kay Grace Roco.
"Boss, nakalabas na po ng hospital si Mrs. Galliguez." Imporma nito na agad kong ikinalingon dahil sa huling dalawang salitang narinig ko mula rito.
Sumilay ang nakakalokong ngisi sa aking labi. "So, napirmahan n'ya na ba ang marriage contract namin?" tanong ko habang nananatiling nakapaskil ang nakakalokong ngisi sa aking labi.
Tumango ito. "Yes, boss. Ang mag-asawang Aguilar po ang nagpapirma sa kanya, pero hindi po sinabi ng mag-asawa kung para saan ang pinirmahan n'yo. At hinihiling din po pala ng mag-asawa na kung maaari raw po ay maging lihim na lang muna ang pagiging Mrs. Galliguez ng kanilang anak at manatili pa rin bilang isang Aguilar nang sa gan'on ay hindi raw po mapag-usapan ang dalaga sa kanilang lugar at sa eskwelahang pinapasukan, dahil gusto pa rin daw po nilang mamuhay ng normal ang kanilang anak."
Tumango ako. "Okay, if that's what they want. Siguraduhin n'yo lang na mababantayan n'yo ang dalaga at walang mga langaw na makakalapit sa kanya at kung mayr'on man ilibing n'yo na agad ng buhay."
Tumango ito. "Copy, boss," tugon nito pagkatapos ay iniabot nito sa akin ang ilang dokumento. "Dumating na rin po, boss, ang mga panibagong armas mula US. And may meeting po kayo mamayang 7 P.M with Director Oxford."
"Good! Siguraduhin mo lang na walang problema sa lahat ng mga armas na dumating." Pagkatapos ay tinalikuran ko na uli ito at muli nang humarap sa malawak na lupain.
Hindi ko napigilan ang muling pag-alpas ng malapad na ngiti sa aking labi sa kaalamang tuloyan ko nang naging asawa at pag-aari ang inosenteng dalaga.
Hahayaan na muna kitang gawin ang ano mang gusto mo pero makalipas ang isang taon ay kukunin na kita at dadalhin kita sa langit. Ipapatikim ko sa 'yo ang totoong sarap sa aking mga bisig.
Napailing na lamang ako habang nakangisi sa itinatakbo ng aking isipan tungkol sa dalaga.
PAGDATING ko sa warehouse ay bumungad sa akin ang iba't-ibang klase ng mga armas na inangkat ko pa sa ibang bansa.
Ito ang aking negosyo, at sa negosyong ito ako bumuo ng sariling pangalan at dahil na rin tulong sa akin ni Mr. Morrison noon ay nakilala ako at napabilang sa mahuhusay na mafia sa buong mundo hanggang sa tuloyan ko ring naabot ang pangalawang puwesto sa mundo ng mga mafia.
Nasa kolehiyo ako nang mag-cross ang landas naming dalawa ni Mr. Morrison nasa unang puwesto ito ng mga mafia. Tinilungan at tinuruan ako nito na maging isang mahusay at matapang na mafia.
Walang kinatatakutang laban at hindi takot pumatay at mamatay. Kaya simula nang maging isang ganap na mafia na ako ay lalo lang naging marumi ang aking mga kamay. Dumadanak ang dugo sa aking mga palad at ni minsan ay hindi ko iyon pinagsisihan dahil mga salot lang sa lipunan ang mga taong aking pinapatay.
"Good job, Amida! Kumusta ang mga kargamento, naipadala na ba?" tanong ko saka ko kinuha ang isang uri ng baril at mariin ko iyong sinuri.
Tumango ito. "Nasa ayos po ang lahat, boss. Mamayang ala-una ng madaling araw ay ibabiyahe na rin po nila."
"Good! Ayaw kong magkakaroon ng ano mang aberya, Amida. Kilala mo ang ugali ko at alam mo kung paano ako magalit." Saka ko binitawan ang baril at lumakad na rin palabas ng warehouse.
Mabilis namang sumunod si Amida at bago pa man ako tuloyang makapasok sa kotse ay muli itong nagsalita. "Boss, nasa restaurant na raw po si Director Oxford."
Tumango lamang ako at nagpatuloy na rin papasok ng sasakyan. Agad na rin naman pinaharurot ni Dolfo ang kotse papuntang restaurant kung saan naghihintay si Director Oxford.
PAGDATING namin ng restaurant ay nauna nang pumasok sa loob si Amida tulad na rin ng nakasanayan nito.
Sinisigurado muna nitong maayos ang lugar bago ako pumasok sa loob. Habang ang aking mga tauhan ay nakapalibot sa loob at labas ng lugar.
Agad na tumayo si Director Oxford nang makita ako. "Good evening, Mr. Galliguez." Saka nito inilahad ang kamay.
Tumango ako saka ko tinanggap ang kamay nitong nakahalahad. "What is the latest news about human trafficking victims?" tanong ko nang makaupo na ako sa harapan nito.
Tumango ito at ipinatong sa aking harapan ang ilang dokumento. "Some of the victims have been returned to their families, while others are being held by the DSWD because they have no family."
Napatango naman ako sa naging tugon nito habang inisa-isang tingnan ang nilalaman ng mga dokumento. At agad akong natigilan nang makita ko ang ilang mga larawang nakalakip sa mga dokumentong iyon.
"Those are images from the entrapment's CCTV footage. And Miss Cassandra Arguillez, better known as Miss Cassandra Monteverde, was caught on camera getting into her car. Pero hindi namin 'yan basta puwedeng gawing ebidensya para magdiin sa kanya." Imporma pa nito.
Nag-angat ako ng mukha at tumingin ditong nagtatanong dahil sa huling apelyidong binigkas nito. "Who is Monteverde?" tanong ko.
"Monteverde is her husband, and they've been married for a year in an arranged marriage for the sake of the family businesses. Alam kong labas na sa kasong ito si James Monteverde dahil kilala kong malinis at marangal itong tao, pero hindi pa rin maiaalis ang anggolong may kaugnayan siya kay Miss Cassandra, at malaki ang posibilidad na baka sa pamamagitan ni James Monteverde ay may makuha tayong impormasyon." Paliwanag nito.
"Then do something." Saka ko binitiwan ang mga dokumento.
Tumango ito. "Yes, Mr. Galliguez. Naglagay na rin ako ng tao upang bantayan lahat ng kilos ni James Monteverde."
"Good, then! I need all of the information about Montevede as soon as possible." Huling salita ko pagkatapos ay tumayo na rin ako upang umalis.
Agad naman itong nakipagkamay at nagpasalamat. "I know this isn't the appropriate place or time to say this, but I'd like to invite you to my house so you can meet my wife."
Lihim akong natigilan at agad napakunot ang aking mga kilay sa mga salitang sinabi nito dahil aaminin kong hindi ako handa o hindi ko napaghandaan ang sinabi nito. At sa pagkakataong iyon ay malakas ang kutob kong maaaring may alam na rin ito sa aking tunay na pagkatao.
"Don't think too much about what I said, Mr. Galliguez. I just told my wife that you are both Galliguez, so she invited you to our house." Ulit pa nito na marahil ay napansin ang pagkunot ng aking mga kilay.
Tumango ako. "Other times, Director Oxford, and please send my regards to your wife."
Bahagya naman itong ngumiti kasabay ng marahang pagtango. Tumalikod na rin ako at dumiretso na palabas ng restaurant.
MALALIM na ang gabi ngunit hindi pa rin mawala sa aking isip ang sinabi ni Director Oxford. Ang kagustuhan ng asawa nito na makilala ako.
Hindi sa ayaw ko itong kausapin o harapin kundi waring hindi pa rin ako handang makaharap ito hangga't hindi pa rin maayos ang lahat.
Aaminin kong malaki rin ang pasasalamat ko kay Director Oxford dahil nailabas na nito si Alexandra sa masalimuot na sitwasyon sa puder ng kinilala nitong ina na si Grace Roco.
Naging sunod-sunuran din ito na animo ay isang robbot. At nang malaman ko iyon ay ganoon na lamang ang matinding awang naramdaman ko para sa aking kapatid.
Mula nang magkaisip ito ay wala na itong ginawa kundi sundin ang mga utos ni Grace at nagmistula itong isang tauhan na hindi puwedeng tumanggi o umayaw sa lahat ng kagustuhan ng madrasta nito. At lahat nang iyon ay naging lihim sa aming ama, dahil walang ginawa si Grace kundi pagbantaan si Alexandra oras na magsumbong ito.
Naging maayos lang ang buhay nito noong napangasawa na ito ni Director Oxford.
Napa buntonghininga na lamang ako iniwasan na lamang isipin ang tungkol sa bagay na iyon.
Kumuha ako ng alak at nagpasyang pumunta sa terrace at doon uminom. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iinom ng bigla na naman sumagi sa aking isip ang magandang mukha ng aking asawa.
Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa salitang asawa na naglalaro sa aking isipan. Sa edad kong ito ay ni minsan hindi ko pa nararanasan o nararamdaman ang ganitong klaseng damdamin na parang binabalot ako ng kaligayan na ultimong pagngiti sa aking labi ay hindi ko mapigilan dahil lang sa isang simpleng babaeng iyon na iniligtas ko mula sa mga kamay ng sindikato.
Isang disisyete anyos na dalaga ang umagaw sa aking atensyon at ang atensyong iyon ay nagbigay rito ng kakaibang damdamin na nagtulak sa aking sarili na angkinin ito at maging pag-aari, kaya't lihim sa kaalaman ng dalaga ay kasal na ito sa murang edad. At pag-aari na ito ng isang mafia.
Kaunting panahon pa, baby, magkakasama na rin tayo, at oras na kayanin mo na ang magbuntis ay taon-taon kitang aanakan.
Muli akong napangisi kasabay ng aking pag-iling.
My wife!