CHAPTER 1

1142 Words
PROLOGUE I'm Sandino Galliguez, and I was born with a golden spoon in my mouth, but I didn't have the life I deserved because those riches and luxuries were stolen and denied to me by people who were greedy for money and power. A 30-year-old Mafia boss whom everyone fears. Arrogant, cruel, dominant, and powerful, but there is one woman I will never forget. Seven years ago, a seventeen-year-old girl captured my heart. And she was the one I was most afraid of losing. Hawak ko sa aking mga kamay ang batas. At lahat ng mga taong nagkakasala ay aking pinarurusahan. Hindi ako tao dahil hindi ko kilala ang salitang awa at patawad. Hindi ako tao kung pumatay, sa mga kamay ko dumadanak ang dugo ngunit ang mga taong dumadaan lamang sa aking mga kamay ay ang mga taong karapat-dapat lamang mamatay. Ang mga taong salot sa lipunan at mga basurang dapat lamang sunugin. Mga kriminal. Hindi ako marunong magmahal at para sa akin ay laruan lamang ang mga babae. Mga babaeng tanging hangad lamang ay ang aking pera at kapangyarihan tulad ng babaeng umangkin at nagnakaw ng karapatan sa amin ng aking ina. Ang babaeng ngayon ay nagtatamasa sa pera at karangyaan sa piling ng aking ama. Subalit isang araw ay nagising na lamang akong waring hindi ko na kilala ang aking sarili simula nang makita ko ang isang dalagang walang malay na biktima ng human trafficking. Natutunan ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig at kung paano tumitibok ang puso para sa taong minamahal. Ngunit sa kabila ng pagbabagong iyon ay hindi ko rin maitatanggi ang takot na aking nararamdam para sa babaeng umpisa pa lamang ay nagmamay-ari na ng aking puso. Ang tanging babaeng aking minamahal. Natatakot akong maging ang dalaga ay mawala sa akin tulad ng aking ina dahil sa trabaho at pagkataong mayroon ako. At sa mga taong walang ibang hangad kundi mapabagsak ako. Ang isang Sandino Galliguez. Ang pangalawa sa pinakamataas na hanay ng mga Mafia na kinatatakutan ng lahat at niluluhuran ng mga taong nakapalibot sa akin. CHAPTER 1 •YEAR 2015• "What happened to her?" tanong ko kay Dolfo habang mariing nakatitig sa walang malay na dalaga na nasa mga bisig nito. "Inabutan po naming walang malay habang nakahiga sa kama at nakatali ang mga kamay at paa." Imporma nito saka ako lumapit at tititigan ko ang mukha ng dalagang walang malay. Hindi maitatanggi ang taglay na ganda ng dalaga, ngunit dahil sa mga demonyong iyon na gustong sirain ang buhay nito at ng iba pa ay nabangasan ang maganda nitong mukha at makinis na balat. Namumula ang tigkabila nitong pisngi na marahil ay mula sa malakas na pagkakasampal habang sa gilid ng labi nito ay bakas pa ang dugo at sariwang sugat ang makikita at bahagya pang nagkukulay ube ang kaliwa nitong mata. Tumango ako at saka bumuntonghininga. "Take all of the victims to the hospital for examination, and call their parents once the authorities have finished speaking with them." Tumango naman sina Dolfo at Amida dahil ang dalawa lamang mas higit kong pinagkakatiwalaan sa lahat ng aking mga tauhan. Tangka na sana akong tatalikod nang bigla naman akong tinawag ni Amida. "Boss, confirmed po, si Miss Cassandra Arguillez ang sakay nang kotseng pula at nakipag-usap sa leader ng kabilang sindikito." Mariing napakuyom ang aking mga kamao mula sa impormasyong sinabi ni Amida. Matagal na namin itong pinaghihinalaan ngunit hindi namin magawang galawin maging ng Shadow Organization na katuwang ko sa paglinis sa mga basura sa lipunan dahil wala pa rin kaming hawak na konkretong ebidensya laban kay Cassandra Arguillez Monteverde. "Hawak na rin po nina Lieutenant Lopez at Director Oxford ang lahat ng kopya ng CCTV footage at ang mga tauhang nahuli." Tumango ako. "Good! Mag-set ka ng meeting bukas para sa kanila." Utos ko pagkatapos ay sumakay na rin ako sa kotse at agad na ring sumunod si Dolfo. Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay muling sumagi sa aking isipan ang magandang mukha ng dalaga kanina. At sa puntong iyon ay para bang may kung anong kakaibang damdamin sa akin ang sumibol na bago lamang sa aking sistema kasabay nang malakas na pagkabog ng aking dibdib na para bang may kung anong mga bagay ang nais mag-alpasan mula sa loob. Bumuntonghininga ako at lumingon kay Dolfo. "Direstso tayo sa ospital, Dolfo. Alamin mo kung saang hospital dinala ang mga biktima." Nakita ko naman ang pagtango nito pagkatapos ay agad na rin pinindot ang cellphone. PAGDATING namin sa Delgado's Hospital ay agad na ring sumalubong sa akin si Amida at sinabi kung nasaan ang mga babaeng nailigtas namin kanina mula sa mga bentahang nagaganap sa pagitan ng mga sindikato at mga parokyano. Mariin akong nakatitig sa dalagang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. At sa hindi ko maintindihan ay lalo lamang lumakas ang kabog ng aking dibdib kumpara sa naramdaman ko kanina habang mariin ko itong tinititigan. I own you now, lady. Impit kong sambit sa aking isipan kasabay nang pagsilay ng aking ngisi, saka ako lumapit sa dalaga at marahan kong hinaplos ang mga bakas ng karahasan sa maganda at makinis nitong mukha. "Boss, sabi po ng doktor na sumuri sa kanya ay wala naman daw pong malaking pinasalang natamo ang dalaga. At maya-maya lang ay maaari na rin daw pong magising ang dalaga." Imporma ni Amida mula sa aking likuran. Humarap ako rito na agad namang bahagyang yumukod maging si Dolfo. "Good! Ipaalam n'yo agad sa akin oras na magising na s'ya at kontakin n'yo agad ang pamilya n'ya." Muli akong bumaling ng tingin sa dalaga. Katam-taman lamang ang tangos ng ilong nito na medyo bilogan ang pisngi taliwas naman sa katawan nito na hindi mo kakikitaan ng taba sa katawan. At ang medyo may kakapalang hugis ng labi nito na para bang ang sarap halikan at angkinin. Sunod-sunod akong napalunok kasabay ng bahagyang pagkabuhay ng aking sandata dahil sa tinakbo ng aking isipan. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at muling bumaling kay Amida. "Ilipat mo s'ya sa malaking silid at tiyakin mong magiging kumportable s'ya habang nagpapagaling. At alam mo na ang gagawin mo oras na makontak mo ang pamilya n'ya." Pagkatapos ay lumabas na rin ako ng silid at dumiretso na rin palabas ng hospital. "Dolfo, sa mansyon tayo at magpadala ka ng mga babae." Utos ko at agad na ring sumukay sa loob ng kotse. Tumango naman ito at kita kong may tinawagan ito bago pa man sumakay ng sasakyan. Napa buntonghininga na lamang ako at marahang napisil ang aking p****i upang kahit paano ay mabawasan ang pagwawala nito dahil lamang sa magandang hugis ng labi ng dalaga na para bang ang sarap angkinin at huwag tigilan hangga't hindi ko pinagsasawaan. "D*mn it!" mariin kong sambit kasabay ng muling pagpisil ko sa aking p****i dahil lalo lamang iyong nagwawala sa halip na kumalma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD