Chapter 5 (Sarcasm)

1593 Words
MASAYANG naghapunan sina Flex habang hindi pa rin maawat ang kwento niya kanina sa opisina ng Hettleworth. "Naku 'tay, amoy mayaman ang building, ang daming seksi tapos malamig, may aircon." Sambit ni Flex na hindi magkamayaw habang kumakain nang naka-kamay. "Aba! ganoon ba hijo? Siguro'y pwede akong dumalaw sa'yo roon, ano?" nakangiting ani ni tatay Berto niya. "Naku, tigil-tigilan mo 'yan Berto ah, ang tanda mo na, manyakis ka pa rin!" sita ni nanay Dorang sa kapareha. "Nay, 'tay ano po ang manyakis?" walang kamuwang-muwang na sambit ni Luntian. "Naku naku, wala ineng h'wag kang makinig sa tatay mo, walang aral ang mga salita niya, puro kabastusan lang ay!" pinamulatan lang nito si mang Berto. "Sus, nagseselos ka siguro," lambing pa ni mang Berto sa asawa na noo'y pakipot lang na dumistansya sa bangkong kinauupuan nila. Nagtawanan si Flex at Luntian sa pangyayari, iyon madalas ang eksena nila habang nasa hapag. Puro tawanan at kwentuhan ang pumupuno sa kanilang ulam na kahit isa lang itong tuyo o kakarampot na isda ay masaya na sila. Matapos ang kanilang hapunan ay nagpahangin muna si Flex sa labas ng kanilang barong-barong. Tanaw niya ang kabilugan ng buwan habang naka-upo sa bangko. "Malalim na ang gabi, hijo, hindi ka pa ba matutulog?" wari ni nanay Dorang sa binata. "Hindi pa ako inaantok 'nay." "Iniisip mo pa rin sila?" himig nito na tumabi sa kaniya. Tumango siya bilang pagtugon at hinimas ang kaniyang balikat. "Hayaan mo muna ang sarili mong makapag-isip, huwag ka munang magmadali sa mga bagay-bagay." Iyon ang sambit ni nanay Dorang sa kaniya. "Oh siya, mauna na ako ha, lalagyan ko lang ng katol ang tatay mo, baka nilalamok na iyon," wika ng ginang na nawala na sa kaniyang paningin. Napag-isip niyang tama nga naman ang sinabi ng ina niya, he must be positive on what he chooses, and be concerned on what makes him happy as of now, he must look what is today rather than worrying for tomorrow's what-ifs. Nang gabing iyon, iisa lang ang dapat niyang asikasuhin, at iyon ay ang bagong buhay niya bilang isang modelo. Iyon ang dapat pahalagahan niya, he must sleep now, he will work his ass tomorrow. He is indeed needed money! *** Sa kabilang banda, nakalukot ang mukha ni Natasha nang pumasok sa kotseng maghahatid sa mansion nila. She glare to mang June's face through the reflection in the mirror. "The hell, mang June? Nakainom ka ba?" sita niya rito. Hindi ito umimik at nagsimulang paandarin ang kaniyang kotse. Ito ang bagong driver nila since kinick-out niya noong nakaraang buwan ang driver nila dati. Kinalaguyo kasi nito ang isa sa mga katulong nila sa mansion, and as it goes, parang ibang sistema naman ni mang June ngayon, may pagka-alcoholic ito, at madalas ito ang inaangal niya rito. She sighed. Hindi niya makapaniwala sa katagal ng panahon, wala talagang mapirme na driver sa kanila. Puro ito may issue! Una, nag-quit dahil pinag-quit ng asawa, the hell! Ikalawa, pina-police dahil nagnakaw ng mga gulong at spare parts ng mga kotse niya. Ikatlo, palaging absent, pang-apat, laging nakakabangga. Pang-lima, naging kaaway niya dahil masyadong manyakis to the point na hinipuan siya, actually, sinampahan nga niya ito ng kaso. At ang sinundan naman ni mang June, iyon nga, kinalantaran ang kasambahay niya. Nakita pa niyang nakikipag-s*x mismo sa sasakyang sinasakyan niya ngayon. "Hell of a life," ani niya saka napahilot sa sintidong sumasakit. Kanina pa niya iniinda ang pagkirot n'on kaya siguro umabot ng half day ang meeting nila kanina sa conference room. She ease her pain while pinning her fingers to her head. Mariin siyang pumikit at sumandal. Sa katahimikan ng biyahe ay nagtanong si mang June. "Maam?" "Hmmm.." himig niya na hindi dumidilat. "Maam, pwede po ba akong bumale?" tanong nito na hindi niya agad tinugunan. "Manganganak na po kasi ang asawa ko ngayong buwan maam, kailangan ko po ng pandagdag sa pampahospital niya," nagmamaka-awa ang boses nito. Nagmulat siya ng mata at sinuri ang sinsiridad sa boses nito, baka kasi nagpapanggap lang ito sa kaniya para makadelihensya ng pera. "Ilan na ba ang anak mo?" tanong pa niya pabalik. "Sampu na po, pang onse na po ang ilalabas niya ngayong buwan," masayang pahayag pa ni mang Juan na tila proud na proud sa nagawang anak. "God, paano mo binubuhay ang mga anak mo, mang June, kasya ba ang sahod mo gayong lagi kang nag-iinom?" sa sinabi niya'y bumalik ang seryosong mukha nito. "Kung p-pwede lang sana, kung hindi, okey lang naman, isasangla ko na lang ang singsing namin," pagkukunsensya nito sa kaniya. "Magkano ba?" "Kung pwede sana, kwarenta," narinig niyang naging demanding ang boses nito. Tumaas ang kilay niya saka pa nagkibit-balikat. "Ang laki naman yata? Wala ba kayong Philhealth o insurance, hindi ba mayroon?" pagtatanong pa niya rito. Kumpleto ang hulog niya sa mga tauhan niya ng lahat ng benepisyo, dahil alam niyang hindi madali ang magkasakit, ramdam at napagdaanan na niya ang lahat ng daot ng buhay, and that's why she knew to consider like this matter. Pero sa kaso ni mang June, parang hindi ito nagsasabi ng totoo. Bumuntung-hininga si Natasha saka pa nagsalita. "Okey, I'll give a check to your wife, ipapangalan ko sa kaniya ang cheke," siguristang saad ni Natasha na tinututulan ni mang June. "Naku ma'am! Ako na lang po ang kukuha, hindi po iyon marunong sa mga ganiyang bagay, iliterada po iyon, grade three lang ang natapos n'on," lasing na ani ni mang June. Malapit na sila sa mansion kaya naman naibsan ang pagkabahala niya sa daan gayong naka-inom ang mismong driver niya. She knew it! Halatang nagsisinungaling si mang June kaya hindi siya tumugon sa pinagsasasalita nito hanggang makaparada na sila sa garahe ng mansion nila. "Ma'am, ano po? Papautangin niyo po ako?" mabilis itong humabol nang mapansing mabilis siyang naglakad sa bukana ng pinto. "Pag-iisipan ko," ani ni Natasha saka pa binuksan ang pinto at agad na binalibag pasara. Sa lahat ng ayaw niya, ay ang ginagawa siyang tanga. Ayaw niya sa mga taong sinungaling! Nang makapasok sa bahay ay alam niyang nasa taas na si Levi at tulog na. Siguro'y tulog na rin ang mga katulong niya kaya siya na lamang ang pumunta sa kusina ta naghanap ng makakain. Nakita niya sa refrigerator ang isang supot ng sliced bread, lettuce, mayonaise at ilang cucumber na naka-slice na, siguro'y request ito ni Levi kaninang umaga at may natira. Agad siyang gumawa ng sandwich at inilagay sa microwave oven. Tiningnan din niya ang coffeemaker at sinipat ang beans na nandoon, ini-on niya iyon at nag-antay para uminit. She cleared her mind and look to the plain counter table. Nang matapos ay tumunog ang coffee maker, tanda na pwede na siyang magsalok ng tasa. She managed her meal for that night, umupo siya sa may kataasang stool at maganang sinimot ang sandwich. Blangko ang isip niya, sa oras na iyon, ang nasa isip lang niya ay ang lasa ng mayonaise at ang ingredients ng sandwich, it is perfectly good to her taste buds. She felt contented. Nang maubos ay humigop siya ng kape at tumayo. Bitbit niya iyon papunta sa kwarto niya, pero bago pa man makapunta sa kwarto niya'y dinaanan niya si Levi. Ipinatong muna niya ang tasa sa isang cabinet na nasa hallway bago pa pinasok ang kwarto ng anak. Marahan niyang tiningnan ang mahimbing na pagtulog nito, tabon ito ng kumot habang yakap-yakap ang isang unan na binihisan nito ng sinuot na damit niya. "Oh my dear," sambit niya habang natutop ang sariling bibig. Nasabi na ng isang kasambahay niya na may mga damit siya na kinukuha umano ng anak niya dahil gusto umano nitong maamoy ang bango niya habang wala siya sa mansion. Nakaramdam siya ng awa sa nag-iisang anak. Alam niyang nangungulila ito sa kaniya. Palagi itong naiiwan kapag may out of town business trip siya. Lalo pa noong napirme siya sa London para asikasuhin ang kompanyang naiwan ng yumao niyang asawa. Marahan siyang tumabi sa kama at hinamas ang malambot nitong mukha. Medyo pawisan ito kaya kumuha siya ng bimpo at pinunasan ang noo nito at ang likod nito. She managed to check also the aircon, pero naka-full iyon. Siguro'y pawisin lang talaga ang anak niya, hindi niya ito natutukan kaya madalas, sa mga yaya na lang siya kumukuha ng updates kung ano ang nangyayari rito. Mayamaya pa ay hinalikan niya ito sa noo habang nangingiti. Kopyang-kopya ni Levi ang mukha ni Hernan, habang nakikita naman niya ang sarili niya sa pagiging matatag at matapang ni Levi. Ni hindi niya ito nakitang umiyak noong namatay ang daddy niya, hindi rin ito nagpapakita sa kaniya ng kahinaan. Iyon ang namana ni Levi sa kaniya. They both can stand with their own feet, even it's barely swollen. "Good night, dear...mommy love's you so much," himig niya saka pa tumayo at tinungo ang labasan ng kwarto. Marahan niyang sinara iyon at bumalik sa daanan papunta sa kwarto niya, kinuha rin niya ang kapeng ipinatong sa furniture na iyon. Nang makapasok sa kwarto'y bumungad ang malamig na hangin sa kaniya. Bukas ang balkonahe at doo'y tanaw niya ang kurtinang sumasayaw sa hangin. She exclaimed while staring the moon outside. It is talking to her, it is easing her loneliness that time. Mapait siyang ngumiti saka hinigop ang tasang kanina pa niya dala. "Cheers for loneliness, moon." Ani niya saka pa mahinang naluha sa kaniyang pag-iisa. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD