ISANG MAINIT na yakap ang nagpagising kay Natasha sa umagang iyon. It is from her son, Levi na hindi magkamayaw sa tuwa. "Good morning, mommy, nakauwi na po kayo, ang saya-saya ko po," wika nito habang nakalingkis sa kaniya ang malambot nitong braso.
She smiled and hugged him back.
"Good morning baby, mommy miss you so much, I'm sorry for being busy, okey?"
"Okey lang po, ang importante, you're now here." Masuyong sambit ni Levi na nakangiti sa kaniyang harapan.
"I love you, mommy."
"I love you too, baby." Isang mainit na halik ang ibinigay niya sa noo nito saka pa niya ginulo ang buhok.
"You smell stinky ah, you must take a bath na." Tudyo niya sa anak na ngumisi lang.
"Okey po, you know what mom, ako na po ang naliligo sa sarili ko, I don't wanna have yaya anymore, I'm a big boy na po," napaka-cute na turan nito. Proud na proud itong nagsalita habang nakanguso sa ina.
"Oh, that's good to hear, anak. Mommy is very proud for you," puri pa niya rito.
"Opo, daddy always said before he gone, I must be strong, para po ma-protect po kita, I will protect you from bad guys, mommy." Sa pagkakataong iyon ay natigilan si Natasha, she's not aware that Levi is becoming matured for his own purpose, and she's delightedly happy knowing that his late dad told him for her safetyness. Kahit patay na si Hernan ay ramdam pa rin niya ito sa presensya ni Levi, and that's all she care the most.
"Tara na baby, let's eat some breakfast na sa baba, after that we will take a bath na rin, we will go out for shopping, you like that?" Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito saka pa pinisil.
"Opo, opo! I'd love too, mommy, basta po kasama kita!"
"Okey, then pupunta tayo sa company, okey?"
Sumimangot ito. "Work again?"
Babawiin sana niya kaso nasabi na niya.
"Okey," pagpapaubaya pa ni Levi sa gusto niya.
"Thank you, baby, come here, let me kiss you," ani niya saka pa pinapak ng halik ang pisngi ng anak.
Matapos n'on ay bumaba na sila sa kusina para mag-agahan, maganang kumain si Levi sa unang pagkakataon dahil nandito ang mommy niya. Nagpakitang gilas ito sa ina na kumakain na umano siya ng gulay, especially ampalaya.
"Oh, that's good to know, anak. You will be a healthy boy." Puri pa niya rito.
"Yes mommy, para mas strong ako paglaki ko." She heard from him, knowing that Levi is just a six years old boy who aren't capable to protect her at all. Ngumiti siya rito.
Matapos kumain ay naligo na rin sila at nagbihis ng naka-ootd pa. She wear her plain white balenciaga shoes. Khaki pants at isang NYC collection white sando na pinatungan niya ng pink gucci autumn collection cardigan. Si Levi naman ay naka white balenciaga shoes, white polo shirt and his khaki pants na akma sa kulay ng suot niya. Nakasuot din ito ng spyder shades at paborito nitong sumbrero—si Baymax.
Nasa kotse na sila nang umagang iyon habang walang imik pa rin si mang June na siyang magda-drive sa kanila, usually babati ito pero ngayo'y masama yata ang timpla nito at hindi man lang nagsasalita.
"Sa Robinsons Mall tayo mang June." Ani niya pero hindi man lang ito umimik.
Nabahala siya.
"I changed my mind," putol niya nang hindi pa napapa-andar nito ang sasakyan. Lumingon ito sa kaniya at tila naguluhan.
"Come on, baby. Let's go out, mommy will drive for us," protesta niya saka pa hinila palabas si Levi.
"Maam," tawag pa ni mang June sa kaniya. Masyado na itong kampante at nagiging bastos na ito sa kaniya.
"Mang June, nagbakasyon muna ho kayo, kung gusto niyong umalis at mag-resign, okay lang. We can replace you, hindi ganito...hindi ka lang mapagbigyan sa hinihingi mong kantidad, nagiging bastos ka na sa akin. Remember, amo mo ako and for you're information..alam kong nagsisinungaling ka lang." Asik niya rito habang hawak si Levi. Bumaba si mang June at matamang nakatingin sa kaniya.
"Aalis na po ako," ani nito na walang lingon-lingon sa kanila. Siguro'y alam nito na tama ang sinabi niya. She can't tolerate this kind of actions, hindi niya binabayaran ang mga tauhan niya para lang gawin siyang tanga. She literally hate that!
"Mommy, are you fine?" putol pa ni Levi sa init ng ulo niya.
"Okey baby, let's go. Sorry nagalit si momny, but mang June is a bad guy!" ani niya.
"Yeah, I know. I saw him once in the kitchen, I saw him making his own cigarette, then he smoke it." Nabahala si Natasha sa narinig. Baka tama ang kutob niyang lulong sa droga si mang June.
Nasa kotse na sila at noo'y nakalabas na sa mansion. While driving the car, tinawagan niya si manang Duday na sabihan ang mga security personnel sa mansion nila na palayasin na si mang June kung naroroon pa, sinabi niyang 'fired' na ito, and its for sure.
"I'm sorry baby that mommy didn't know, mommy is very busy working," sabi niya sa anak.
"I understand." Tipid na tugon ni Levi na ngumiti lang. Kung may masasabi man siya ngayon, she's choosing to be strong and stand up just for Levi. Ito na lang ang kinakapitan niya ng lakas at pag-asa.
Nang marating nila ang mall ay agad silang nag-parking at doo'y pumasok. Makikita ni Natasha ang saya sa mukha ng anak. Bumili siya ng mga bagong damit nito, and mostly mga cartoon characters ang pinipili nito, like baymax. Ben Ten, at Mickey Mouse. Binilhan niya rin ito ng learning items, mga libro at isang tutorial tape para sa home-based lessons. Pumunta rin sila sa isang pet shop para bumili ng tinatangi nitong alaga. Noon pa man kasi'y kinukulit na siya ni Levi na bumili ng tuta. Ayaw niya noon, but she thinks that it will be more necessary para malibang ang anak niya kapag wala siya.
"Aw, look at her mommy, she's so cute!" puna ni Levi sa isang puting pomerenian na sinasabi nito. She smiled back and asked for the price of it.
"It's seventy thousand po, she's from abroad, and have papers. Fully vaccinated na rin po siya and she's we'll trained." Sabi pa ng staff sa kaniya.
"Okey, we'll get it." Tipid na sambit niya sa staff.
"Aw, thank you mommy, thanks for this gift. I like it...from now on, I will named her Lala!" bakas sa mukha nito ang sigla at tuwa. Ngumiti si Natasha sa anak at ginulo ang buhok nito.
"Okey, as you wish. Welcome to the family, Lala." Ani niya saka pa hinimas ang mukha ng cute na asong iyon. Sinagad na rin nila ang pamimili. Bumili sila ng sash, collar, accessories si Lala, pampers, damit, hair clips, pati na rin sapatos. Nagmukhang cute na baby ito nang matapos i-grooming. "She's perfect," puna ni Natasha sa aso, hawak ito ni Levi na parang ayaw maagawan ng kendi. Yakap-yakap niya ito.
Muli silang lumabas at napagpasyahan na kumain muna sa isang restaurant bago dumiretso sa H Modelling Company.
They went to have lunch sa isang Filipino restaurant, doon madalas kumakain sila noon with Hernan. Iyon ang paborito nilang restaurant, and aside of that doon din sinabi ni Natasha kay Hernan na buntis siya kay Levi.
It is Aling Bebang's Restaurant.
Nang makaupo na sila ay agad um-order si Levi na halatang kabisado ang ang naturang kainan.
Lumapit ang waiter sa kanila.
"Hello madam, ano po ang order ninyo?" masayang tanong ng isang waiter sa kanila. Ngumiti siya at tiningnan si Levi.
Hawak nito ang menu.
"We want chopsuey, fish fillet and tortang talong po," he politely said. Ngumiti si Natasha.
"You always remember it well, baby." Masayang ani niya sa anak. Iyon kasi madalas ang kinakain nila roon, mas nabubusog sila sa mga lutong bahay ni aling Bebang kaysa sa mga fast foods sa malls, and she's thankful that Levi got his father's virtues and views in life.
"Okey po, one order chopsuey, one order fish fillet and a plate of tortang talong. How about rice po?" pabalik na tanong ng waiter.
"One plain sa'kin." Ani ni Natasha.
"I want garlic rice po, thank you." Sabi naman ni Levi na ngumiti lang sa waiter.
"Okey, right away po." Sabi pa nito saka umalis na sa kanilang harapan. Katabi ni Levi si Lala na behave lang habang nakaupo. Masayang-masaya ang mag-ina sa oras na iyon, until they finsihed their dishes and go to their company.
Pagkabukas sa pintuan ng kanilang kotse ay ang pagbungad ng isang staff para alalayan siya sa pagbaba at i-assist papasok sa main door. Nandoon din ang mga guard na halatang kabado sa presensya niya. Kasunod niya lang si Levi na hatak-hatak si Lala.
"Good afternoon, madam." Bati ng sekyu sa kaniya. Gumanti siya ng ngiti rito.
"Where's Donatela?" agad niyang hinanap ang pagmumukha ng kaniyang sekretarya.
"Nandoon po sa photoshoot area," narinig niya sa isang empleyado. Nakalimutan niyang ngayon na pala ang simula ni Flex bilang isang modelo. She's heading to that room while holding Levi's hands. Binuksan niya ang kwarto at doon tumambad ang pagmumukha ng lalaking nagpatigil sa t***k ng kaniyang puso, as if iyon lang ang nakikita niya sa oras na iyon. She was cast by his spell. Oh noes!
A glimpse of light, a space he stood, a cloth he wear, and a face he owned. Para siyang na batubalani sa presensya ni Flex.
Teka tama ba ang pangyayari? Bakit siya nakanganga?
Damn this averagae Joe!
Itutuloy.