IT WAS A COLD RAINY SUNDAY morning.
Dahan-dahang bumaba si Natasha mula sa kaniyang private plane habang inaalalayan ng kaniyang mga tauhan. May humahawak ng payong para sa kaniya, may taga-bitbit ng gamit niya, at si Donatela na siyang sekretarya niya. She is now in Philippines, not for a vacation but for her companies reports, updates and even issues about departments, manpowers—sa madaling salita.. nandito siya para ayusin ang mga problema.
Matalim niyang tiningnan si Donatela at nagsalita. "Updates," bungad niya rito.
"Good morning maam..w-welcome h-home, ahm, we're about to have updates po, I am waiting for the..."
"Isn't it done yet?" padabog na litanya niya saka pa ito tumigil sa paglakad, halatang natatameme si Donatela sa presensya niya. She glare Donatela from her messy bun to her wet pair of shoes.
"Sorry po, maam. Pero may nakita na po kaming papalit na model," ani nito na ikinataas lamang ng mga kilay niya.
"Oh well... better." Walang emosyon na sambit niya na hindi man lang pinagsilong si Donatela mula sa hagupit ng ulan. Tuloy-tuloy siyang naglakad papasok sa van na hinihintay siya. Kasunod niya ang mga tauhan niya na hindi man lang nagsasalita. They're all wearing a perfect black suit and black shades. Nang makapasok at maka-upo ay bumuntung-hininga siya, tiningnan niya ang bintanang nag-fog dahil sa malakas na ulan. Hindi niya akalain na maulan pala ngayon sa Pinas which is autumn naman sa London.
Tamad niyang kinuha ang telepono niya mula sa kaniyang limited edition na Prada bag. Suot din niya ang kaniyang cocktail black business attire dress na pinatungan niya ng coat na kulay pula. Sinipat pa niya ang kasamahan na walang imik lamang, she glare to Donatela na hindi man lang makatingin sa kaniya. Papunta na sila sa kanilang building, at kahit linggo sa araw na iyon, pinatawagan niya ang mga board of directors at managers para makausap niya sa isang bagay.
"Donatela, tell me something about that model?" walang emosyong tanong niya.
"Ahm, he is Feliciano Carnacion po, twenty-eight years old, 5'9, muscle-built body, huge abs."
"Great," tipid na sambit niya, sumilay ang ngiti niya at nagtanong ulit.
"American?"
"Hindi po, pinoy po."
"What?" histerikal na ani niya.
"But he's half," bawi ni Donatela.
"Make sure to impress me, lady. Hindi ako madaling surpresahin, baka pipitsugin lang ang nakuha niyong lalaki... baka maging bangketa lang ang mga produkto natin," mariing sambit niya saka pa umupo ng maayos. Nahilot niya ang sintido niya ngayon, napaka-busy niya at halos hindi na niya maasikaso ang katawan niya, lalo pa't may migraine siya at madalas itong sumasakit lalo pa sa ganitong klima.
She's thirty five woman named, Natasha Hettleworth, a widow of her late husband, Hernan Hettleworth, a mouth-watering heir and a legitimate alta-society man. Isang bilyonaryo. But she guess, she is not lucky enough nang mamatay ito. She's been left nothing but a pressured life she must stand out bilang Hettleworth.
***
Nang makarating na siya sa gusaling iyon ay agad na tumalima ang kaniyang mga tauhan at inasikaso ang pagbaba niya hanggang sa pag-open ng glass window, parang mga tulilig ang mga ito na halatang kabado sa presensya niya. Wala siyang ka-ngiti-ngiti at halatang dominanteng naglalakad sa aisle ng gusali.
She heard her pointed stilettos tick-tacking the marmol floor. "Handa na ba ang lahat?" tanong niya kay Donatela na nasa likuran niya habang nakasunod. Wala siyang lingon-lingon habang dire-diretsong binuksan ang pintuan ng conference room.
Tila natuklaw ng ahas ang mga mukha ng nandoon dahil sa pagdating niya. Agad siyang tumungo sa sentro ng 'U-shaped' table.
"Are we here to tackle funny things or to our problem?" sita niya sa mga ito. Nagkakatuwaan kasi ito kanina na hindi napansin ang presenya niya. Tila natulaw ito ng makamandag na dila niya, she pinned her eyes to both of them.
Walang nagsalita kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"I'm here for the reports," nagkibit-balikat pa siya saka simpleng umupo sa swivel chair na nandoon.
"The linens are now delivered from Madrid, madam," ani ng baklang manager sa shipping at iba pang incoming reports sa bodega.
"Good."
"The venue is settled, we just want for your confirmation, madam." Anang bagitang empleyado nila.
"Good."
"The caterings and all receptionist are ready for the event, may photographer na rin po kaming nahanap," sabi pa ni Donatela na kampanteng nagsasalita.
"Okey, how about the model?" bara niya rito. Tumikhim ito saka pa sumagot.
"He's right here, madam. Papapasukin ko po ba?" Atubiling saad ni Donatela.
Hindi siya sumagot, pero dahil sa features ng mukha niya, alam nitong ayaw na ayaw niyang pag-hintayin.
"Right away, madam. Wait lang po," aligagang lumabas si Donatela at kasunod n'on ay ang pagluwa ng isang lalaking may katangkaran. Simple lang ang pagmumukha nito, kumbaga classic average Joe lamang. She sighed, staring all his features from his head, his calm rough cold face, perfectly ark thick eyebrows, hard jawline and his masculine lips that she thinks flavorful.
Napakagat-labi siya. Hindi man aminin, but this guy hooks her taste. May kung ano sa kaniya na gusto niyang matuklasan. Nagpatuloy ang pagsusuri niya nang biglang nagsalita ito.
"Good day, I am Feliciano Carnacion, twenty-eight years old, single and willing to train for any position," baritonong sambit nito sa kaniya. Bukod sa akma ang boses nito sa laki ng katawan niya, masyado itong hot sa suot niyang simpleng T-shirt at jacket, may pagka-out dated na rin ang maong na jeans nito, pero hindi niya akalain na mas malakas pala ang appeal ng lalaki kapag may pagka-dirty look.
"You're Flex, right?" tanong pa ni Natasha sa binata. Ngumiti ito saka pa tumango.
"So, I guess you're flexible enough for this management, right?" She asked him teasingly.
Umarko ang ngiti nito at doo'y nakita ni Natasha ang magagandang ngipin na pumupukaw sa kaniyang malikot na imahinasyon.
"So you can drive?" wala sa isip na tanong niya sa binata na para bang sila lamang dalawa ang nandoon.
"Yes, I can. I can drive, and i can drive it— well." Tila may meaning na diin nito sa huling salita. Napatango si Natasha na tila napipe sa sinabi nito.
"Aside po sa pagmomodelo, Forestry graduate po ako, and I do love nature, I can contribute to your company," paglalahad pa ni Flex sa sarili. Hinayaan niyang gamitin ang tonong nakasanayan niya. Animo'y nagka-counseling ng mga miyembro sa organisasyon niya noon sa school.
"And how can you do it?" saad ni Natasha.
"Maybe I can raise a fund through your company and give it to eco-friendly institutions. That way, makikilala at tatangkilikin nila ang products po ng kompaniya ninyo." Naririnig ni Natasha na matalino ito, not the way he talked but the way he deals to negotiate to them. Tumaas ang kilay niya bilang pagkamangha sa sinabi nito.
"And how you can say, you can be our asset?" dagdag pa ni Natasha.
"Siguro po'y nasa inyo po ang kasagutan, kayo po ang makakapagsabi niyan at hindi ako," malaman na tugon nito saka pa ngumiti. Pasimpleng isiniksik lang nito ang mga kamay sa bulsa ng pantalon na tila nag-aantay ng hatol mula sa kaniya. Speechless lang din ang mga taong nandoon na parang sang-ayon sa panig ni Flex.
"You have guts," Natasha smiled back to him.
"Maybe I am born with it?" Ngiti nito saka pa tumingin sa mga taong kasama nila.
"You're hired." Walang gatol na sabi niya na naging relieved din sa nga taong nandoon, kapwa napa-inom ang mga ito ng tubig at halatang nakahinga sa desisyon niya. Alam nitong pasado na rin sila sa meetings na iyon, little Flex didn't know, she can do control anything on this company with her evil hands.
"Well, good job guys," puna ni Natasha sa bulwagan ng conference room.
"Thank you po maam," dinig niya kay Flex na malagkit na nakatingin sa kaniya. Nabahala siya. Ano kaya ang ibig sabihin ng tingin na 'yon? O sadyang malikot lang talaga ang isip niya.
She swallowed her own liquid, parang nauuhaw na rin siya sa presensya nito.
"Kailan po ako magsisimula?" wala sa isip na tanong ni Flex sa kanila. Natigilan ang mga tao at sinipat ang gawi ni Natasha na noo'y pinapay-payan ang sariling mukha. Natigilan siya at tila slow-learner student na hindi alam ang isasagot.
"What?" patay malisyang sambit niya.
"Kailan daw po siya magsisimula?" sabi pa ng baklang nangahas na nagsalita.
"Oh, you can start starting tomorrow," walang emosyong sambit niya saka pa niya tiningnan ng malagkit ang kabuuan nito. His jeans was so tight, kaya unintentionally, napako ang paningin niya sa central heating point nito.
Godness! Damn you, self! Bakit ayaw umiwas ng mata niya sa parteng iyon?
Napansin na rin iyon ni Flex kaya napayuko rin ito sa bahagi niya.
Sumilay sa mukha nitong napangiti siya.
"I'm born natural large," ani nito na siyang iwas ni Natasha.
"s**t!" litanya ni Natasha sa sarili. Parang napahiya siya sa ginawa. Ramdam niyang nag-init ang pisngi niya, and exactly that time, sure siyang namumula na siya.
"Okay, you may go now," sabi pa niya kay Flex na hindi maalis ang ngiti sa labi. Naisahan yata siya sa oras na iyon, feel niya'y pati sarili niya'y pinagtataksilan siya. When Flex go outside napukol ang tingin niya sa mga empleyado niya.
"What?!" bulalas niya sa mga mukha ng tauhang nakatulala ring nakatingin sa kaniya. Parang naninibago ang mga ito sa kilos niya.
"Go back to work!"
"But, maam, we're all settled?" sabi pa ni Donatela na kanina pa nakatayo.
"Oh, so what do you wait for? Pasko? Chop! Chop! Meeting adjourned!" litanya niya na itinatago ang hiya sa sarili.
Tila mga langgam naman itong nagpulasan at halatang naka-iwas sa hagupit niya. She's now feeling stranged, iba ang pakiramdam niya sa lalaking iyon, balak tuloy niyang bawiin ang desisyon niya, pero na-settled na lahat and now she's ready to have business between that average guy.
Muli niyang pinaypay ang sarili at naupo sa swivel chair. Siguro'y pakakalmahin muna niya ang sarili bago bumaba at umuwi.
...itutuloy.