Shin’s POV
Dapat ba akong maamuse o makulili? Parang ako yata ang nakakaramdam ng pangangalay ng panga, habang tuloy pa rin sa pagdada si Ella. Samantalang ang damuhong si Raffa Greyson ay bigla na lang nag-evaporate at iniwan akong walang laban sa madaldal nitong kapatid, na kasama ko pa rin sa loob ng silid hanggang sa mga sandaling ito.
“Oh, I think it’s time for dinner!” Sa wakas ay naka-ramdam din ang kuneho. “Come on, sabay na tayong bumaba para kumain.” Hinila ako nito sa aking kanang kamay. Agad akong tumayo mula sa pagkakasalampak ng upo sa ibabaw ng kama, na bahagyang nasorpresa. This rabbit girl is unbelievably strong.
“Teka! Wait, time out muna, hija,” pigil ko rito. Awtomatikong huminto ang dalagita at may pagtatakang lumingon sa akin. “Uhm, saan mo ako dadalhin?” medyo alanganing tanong ko rito.
“Sa dinning room po. Oras na para sa hapunan, Ate—” Napatingin ito sa kisame. “Come to think of it, hindi ko pa pala alam ang pangalan mo, ate.”
“Shin.”
Halos sabay kaming bumaling ni Ella sa sumagot sa katanungan nito. And I huffed as my eyes landed to Raffa Greyson who is now entering the room.
“Mauna ka na sa ibaba, Ella,” mabining utos nito sa kapatid. Napanguso ang dalagita, but she smiled afterwards.
“Okay! So see you there, Ate Shin!” Ella happily hugged me before walking out. I mentally sighed. Napaka-energetic naman ng isang iyon. She’s full of life. Hindi ko tuloy maiwasan na maaliw dito, unlike her jerk of a brother.
Matalim na tiningnan ko si Raffa Greyson. Paano naman nalaman ng ungas na ito ang aking pangalan, aber? Wala akong matandaan na nagpakilala ako rito. So, how did he guess my name correctly?
Ibubuka ko pa lang ang aking bibig upang isaboses ang aking katanungan, ngunit inunahan na ako ni Raffa Greyson. Ini-abot nito sa akin ang isang maliit na blue shoulder bag.
Napasinghap ako. “Oh, my gee!” Kinuha ko iyon at nang makilala ko ito ay agad kong niyakap. “Ang bag ko!”
“Nasa kotse mo `yan na narecover nina Ridge malapit sa pack—erm, sa compound. Paumanhin kung kinai-langan kong paki-alaman ang wallet mo. I need to verify the owner’s identity.”
I nodded. “Yes, of course I understand. S-salamat.” Tila bigla kong nakalimutan ang walang kapantay na inis ko rito. Well, he just gave back my expensive bag and I should feel grateful right? “But, where is my car?”
Ang totoo, kaya napunta ako sa lugar na ito ay dahil naflat ang gulong ng aking CRV. At dahil hindi rin ako marunong mag-palit ng gulong, naisip kong humingi na lang ng tulong.
Sa kalalakad ko ay nakita at natresspass ko ang compound na kinaroroonan ko ngayon. Papunta talaga ako dapat sa kasal ng pinsan ko sa Howling Point. Pero hindi na ako nakarating dahil simula nga nang makapasok ako rito, ayaw na akong palabasin ng Raffa Greyson na ito.
“Ginawan na ng paraan ng isa sa mga kaibigan ko. Nasa garahe na nasa likuran ng bahay ang sasakyan mo,” may pagka-aliw sa tinig na tugon nito, habang pinapanood kung paano ko i-baby ang pinakamamahal kong bag.
“Oh, thank you!” Napatalon ako sa tuwa nang malamang ligtas din ang isa pa sa pinakamahalaga kong gamit. “Geez! Napakahalaga ng sasakyang iyon para sa akin. So, thank you so much.”
Hindi naman pala ganoon kasama ang tsinitong lalaking ito na nasa aking harapan. May natitira pa rin pala itong kabaitan.
Nagkibit-balikat si Raffa Greyson. “No harm done.” I smiled at him. Ngunit nang may bigla akong maalala ay mabilis kong binuksan ang aking shoulder bag at kinapa sa loob ang aking cellphone.
“Wala d’yan ang hinahanap mo. I confiscated it,” Raffa Greyson immediately informed me as if he already knew what I’m looking for.
Napamaang na tinitigan ko ang binata. “Y-you what? B-but I thought...” Umiling ito upang ipaintinding hindi nito iyon basta-basta ibibigay sa akin. Nagsalubong ang aking mga kilay at muling nakuyumos ang aking mukha. Mautak ang unggoy! Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang hindi ito gano’n kasama.
Binigyan ko ito ng matalim na tingin. “ You know what? I really hate you!”
Saglit na natigilan si Raffa Greyson. His brows furrowed as he stared at me with unreadable expression. But after half a minute, he instantly composed himself and smiled cockily. “ I wish that I could say it back.”
Napabuga ako ng hangin. “You’re impossible. I really, really hate you!”
He shrugged. “They say that the boundary between hate and love is very thin.” He crooked an irresistable smile and then turned around. “Come on, it’s time for dinner.” At humakbang na ito palabas ng silid.
Naitirik ko na lang ang aking mga mata sa sobrang asar. Annoying jerk! Wala na rin naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.
***
Maingay na eksena ang inabutan nina Shin at Raffa nang makababa na sila at pumasok sa sala. May tatlong lalaki na pawang walang mga suot na pang-itaas na damit ang nagha-habulan at nagbabatuhan ng mga unan.
Napansin din ni Shin ang isang magkapareha na kinakain ang mukha ng isa’t isa habang nakaupo ang mga ito sa sofa. Napamulagat ang dalaga. Sa isip nito ay marahil mabubusog na ang mga ito kahit na hindi na sila mag-hapunan pa.
“Shall we eat or we will just going to watch them?” untag ni Raffa na bahagyang natawa sa pagkamaang ni Shin.
She snorted then snapped at him. “Kasalanan ko bang may live show dito? Geez, my poor innocent eyes!”
Napailing na lang si Raffa at humakbang na patungo sa dinning room. Huminto sa paghahamagan ang mga lalaki sa sala nang sa wakas ay mapansin nila ang presensiya ni Shin. Maging ang dalawang naglalam-pungan ay saglit na naglayo at bumaling sa kaniya.
The mortal scratched her face and then winced. “Uhm, you guys should use protection, okay?” pabulong na wika ng dalaga sa magkapareha bago ito sumunod kay Raffa sa dinning room.
Sabay-sabay at malakas na bumunghalit ng tawa ang mga nasa sala. And that made Shin to pout. She looked back and snapped. “Well, concern citizen lang po ang lola n’yo! Tsk, people these days.”