THE DINNER PART2

1253 Words
Shin’s POV “If you want your phone back, then behave and no more escapes.” Iyon ang ibinigay na kondisyon sa akin ni Raffa Greyson kanina habang pababa kami mula sa kaniyang kuwarto upang ibalik nito ang aking cellphone. Nagngingitngit man ang aking kalooban pero kailangan kong sundin ang gusto nito, dahil kanina pa nagrereklamo ang aking sikmura. I should be clever and wise. Also, I need to eat first and make a perfect escape plan later. Ngunit sisiguraduhin ko muna na makuha sa ungas na tsinitong lalaki ang aking cellphone. Sighing deeply, I followed Raffa Greyson in the dinning room. Katulad ng eksena sa living room, magulo rin ang pinasukan naming silid-kainan. Ngunit hindi ko na iyon pinansin pa dahil sa pagkamangha. Sobrang laki ng dinning area ng bahay. May tatlong mahahabang dining table na nakahanay sa gitna na may mga kapares na mamahaling upuan. Kulay maroon ang kabuuan ng silid at isang marangyang chandelier ang nakabitin sa kisame na nagbibigay liwanag dito. I was in awe but was distracted as my eyes settled to those men and women, who are laughing and chasing each other like toddlers. Tumikhim si Raffa Greyson upang ipabatid ang aming presensiya kaya agad na huminto at nanahimik ang mga ito. Sabay na napataas ang dalawa kong kilay nang napansin kong wala ring pang-itaas na kasuotan ang mga kalalakihan tulad ng mga nasa sala kanina. Habang halos nasa isang dangkal na lang ang suot ng mga kababaihan. “Masanay ka na sa araw-araw na ingay, Shin,” wika ni Raffa Greyson bago ito dumiretso sa dulo ng pinaka-gitnang dinning table. I pouted. At kailan pa naging first name basis ang tawagan namin? Feeling close lang ang kumag, ganern? Naiimbyernang kumilos na ako upang muling sumunod kay Raffa Greyson. Ngunit ganoon na lang ang pag-asim ng aking mukha, nang mapansin na naroon din ang muscular minion na laging kasama nito at maging ang aking ex-bantay. Those stupid jerks smirked at me. Isang nakamamatay na irap ang iginanti ko sa mga ito. “Alin sa dalawa, wala kayong pambili ng mga T-shirt? O talagang tamad lang kayong maglaba?” Hindi ko na napigilang puna sa mga ito. Nakaka-ilang kayang kumain na puro topless ang mga kaharap mo! “Huwag mo na lang silang pansinin, Ate Shin.” Biglang lumitaw si Ella malapit sa aking tagiliran. “Ay kabute!” I jumped in surprise. “Come, let’s eat!” Hindi pa man ako nakakabawi sa gulat ay hinila na ako nito pasunod sa kapatid. I blinked in amusement. Talagang malakas ang kuneho. Ipinaghila ako ng upuan ni Raffa Greyson—`yung nasa bandang kanan nito, while Ella took the seat across from me. Napanguso ako sa gesture ng lalaki. “Feeling gentleman.” Inirapan ko ang binata bago umupo sa inalok nitong puwesto. Then, Raffa Greyson took the king’s seat while having that annoying crooked smile again as he noticed me rolling my eyes. Hanggang sa dumulog na ang lahat sa hapag-kainan. Actually, may mga nakahanda ng pagkain sa lamesa. Mukhang kami na lang talaga ang hinihintay upang simulan na ang hapunan. Ten minutes later... Napansin kong panay ang sulyap sa akin ng mga nasa hapag-kainan. May ilang nagtataka at may ibang naiilang. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at kinumpronta ang mga ito. “Tell me, nagagandahan ba kayo sa akin o natatakawan?” Geez! Kumakain ang tao rito, `no! Paano ako gaganahan kung parang laser ang mga mata ng mga itong nakatutok sa akin? “Pareho.” Ang nasa kaliwa at katabi ni Ella ang sumagot. I recognized him right away. “I know you! Ikaw iyong unggoy na pumigil sa akin kanina, tama?” “Who are you referring to a monkey, woman?!” may pagka-asar na sikmat nito sa akin. “He’s Ridge, Shin. He’s my bet—my best friend. Guys, meet Shin Rivas,” pakilala ni Raffa Greyson sa akin sa mga naroon. I mentally scoffed. Kailangan pa ba ng introduction? Wala naman akong balak na magtagal sa lugar na ito, kaya bakit nag-abala pa itong ipakilala ako? But then, my curiosity kicked in again as I noticed again these creatures who are eating with me inside of this room. “Tanong ko lang ulit ha? Talaga bang hindi kayo nilalamig? You know, topless and all. Baka naman mapul-monya kayo n’yan.” Hindi ko na napigilan magtanong muli habang nakaturo sa mga nakahubad na katawan ng mga kalalakihan sa loob ng silid-kainan. Biglang natigilan sa kani-kanilang pagkain ang mga ito. “I mean, hello guys! Wala tayo sa shooting ng Twilight, duh! With those hot vampires and big creepy dogs na nagta-transform into human at laging ibinabandera ang mga katawan at muscles nila sa harap ng camera,” pagpapatuloy ko. “Big creepy dogs?!” sabay-sabay na ungol ng aking mga kasama sa pagkain. Minulagatan ko ang mga ito. “Iyong mga mababalahibo at malalaking aso sa movie. Don’t tell me, hindi n’yo pa napapanood ang mga iyon?” “Those are wolves, woman!” may iritang pagtatama sa akin ni Ridge guy. I huffed. “Ano naman ang pagkakaiba nila? Dogs or wolves, pareho rin naman ang mga iyon `no?!” Isinubo ko ang piraso ng steak sa aking bibig, ngunit muntik ko ng mailuwa iyon nang makarinig ng kakaibang ungol ng kung anong klaseng hayop sa paligid. My eyes widened. What the heck is that? I scanned the whole room. May aso ba sa loob ng dinning room? “Dogs are dogs and wolves are wolves! Malaki ang pagkakaiba nila!” Bumalik ang aking atensyon kay Ridge nang muli akong itama nito. Ano ba ang ipinaglalaban ng ungas na ito?! Why is he making a big deal about dogs and wolves? Is this monkey picking a fight with me?! “What’s the biggies? Don’t tell me na naniniwala kayo sa mga fictional characters na iyon? They’re just mere imaginations. Sa mga libro at mga movies lang sila nag-eexist. Gosh, grow up guys!” sermon ko sa mga ito. Ngunit katatapos ko lang magsalita nang muli kong marinig ang kakaibang ungol na naulinigan ko kanina. “s**t!” Muntik na tuloy akong mapatalon sa ibabaw ng lamesa dahil sa gulat. “Seriously, what the f**k is that?!” Sa pagkakataong iyon, mas malakas ito kay sa naunang ungol. Tila hindi na lang sa iisa nanggaling kung `di sa isang grupo na nagmula. Minulagatan ko ang lahat ng mga kasama ko sa dinning room at may paghihinalang tiningnan ang bawat isa sa mga ito. “Sabihin n’yo nga. K-kayo ba iyong nag-grrrrr?” They automatically avoided my gaze. Maging ang unggoy na si Ridge ay mabilis na itinutok sa sarili nitong pinggan ang mga mata. I made a “tsk” sound and turned to Raffa Greyson. Sinapo nito ang kaniyang sentido at bumuntong-hininga. He was about to say something, but I immediately beat him to it. “Seriously dude, payuhan mo silang magpatingin sa doktor. Baka lumala ang tonsilitis nila. Grrr talaga? Sakit no’n sa throat ha.” Sa aking pagkagulat at pagtataka ay sabay na bumung-halit ng tawa sina Raffa Greyson at Ella. Hanggang sa sabayan na iyon ng lahat. I frowned. What’s so funny?! “Kung ayaw ninyong magpatingin sa doktor, magsalabat or kalamansi juice na lang kayo!” Asar na sikmat ko sa mga ito. Concern citizen na nga ako, pinagtatawanan pa nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD