An hour later…
“Explain.” Pasalampak na umupo si Ridge sa couch na nasa isang sulok ng private office ni Raffa. Naabutan nitong may binabasang mga importanteng papeles ang alpha ng Blue Moon na nasa office table sa east side ng silid na iyon.
“Unfortunately, my wolf, Rusher, and I found out that she’s our mate,” simpleng paliwanag nito na hindi man lang nag-aangat ng tingin.
“Mortal siya,” Ridge said simply.
Huminto sa ginagawa si Raffa sabay hilig sa backrest ng kinauupuan nito. “Pasaway na mortal. Yeah, she is,” nakangising tugon naman nito.
Napailing ang beta. “Bro, alam na ba niya ang tungkol sa atin?” Kung ang babaeng iyon ang pinili ng Moon Goddess para sa kanilang pinuno, dapat lang na malaman nito ang lahat.
Sa pagkakataong iyon, napatingin na si Raffa kay Ridge. “Masyado pang maaga para malaman niya, Ridge.”
“I think you should tell her soon. Nahihirapan na ang ilang mga pack members na magpalit-anyo sa labas ng main pack house. Hindi magtatagal at malalaman din naman niya ang ating sikreto.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Raffa. “I couldn’t risk the consequences of telling her about us. Not at least until next month.”
Tumaas ang isang kilay ni Ridge. “What about next month?”
“Look, kahit siya pa ang aking mate, isa pa rin siyang mortal. Bilang alpha ng pack na ito, ayokong isugal ang kaligtasan nating lahat. Walang nalalaman ang mga tao sa labas ng bayan tungkol sa sikreto ng lugar na ito. In one month, I want her to prove that she’s worthy. Until then, saka ako magdedesisyon kung sasabihin ko ang tungkol sa ating lahi. And until then, I want each one of you to be careful while shifting inside the compound. Am I clear?”
Sunod-sunod na napatango ang beta. Hindi na ito nagtataka pa kung bakit ito ang naging leader nila. Raffa made a tough decision, but he made it right for the sake of Blue Moon pack. Walang sinomang werewolf ang kayang isantabi muna ang mate nito para sa kapakanan ng iba. Kaya kahanga-hanga para kay Ridge ang isang katulad ni Raffa Greyson.
“And what if she failed?” The muscular second-in-command suddenly asked.
Nagkibit-balikat ang alpha. “Pakakawalan ko na siya.”
Ridge groaned. That’s just crazy. Mawawalan ng luna ang teritoryong iyon kapag nagkataon. Kilala nito si Raffa na kapag nagpasya na ito ay hindi na magbabago pa. He cursed mentally. Alam niya kung ano ang mangyayari at magiging epekto sa leader ng Blue Moon, oras na pakawalan nito ang kaniyang mate. Ngunit alam din ni Ridge na hindi naging pasaway ang ordinaryong babaeng bihag nila para lang sa wala. Ang Moon Goddess ang pumili rito kaya imposibleng walang dahilan.
***
Shin’s POV
“How I hate him! I really really really hate him!” Ang walang hiyang lalaking iyon! Hindi lang pala siya kidnaper, mag-nanakaw din ito!
How dare that jerk stole my very first kiss?! Pagsisisihan ng singkit na iyon ang ginawa nitong katampalasan sa inosente kong mga labi! Hindi ako hangal para sakyan ang trip na proposition ng unggoy na iyon. Kahit isang segundo lang ay hinding-hindi ako papayag na maging pag-aari nito ang aking kagandahan.
“Ang guwapo-guwapo, tapos may sayad naman pala. Sayang ang genes ng anak ng dilim na iyon!” Muli akong umatungal ng iyak.
Eh ano naman kung mabingi ang lahat ng mga nakatira sa lugar na ito dahil sa lakas ng aking boses? May pinag-daraanan ang tao rito, duh! Because that Raffa Greyson guy is 100% sick. He’s a lunatic. Bagamat alam kong totoong maganda ako, kaya siguro hindi na napigilan pa ng ungas na iyon ang ma-inlove sa akin. Pero, naman! Kailangan bang maging “his” ako agad nito? Agad? As in nagmamadali lang? Wala ng ligawan stage? No flowers and gifts? Ni wala akong time para magpakipot, ganoon?
“So, you find me attractive.”
Speaking of the devil! Napapitlag ako nang marinig na magsalita ang yours truly, the devil himself. Inangat ko ang aking mukha mula sa pagkakayupyop sa ibabaw ng kamang may black bed cover na nasa gitna ng silid. Halos bawat sulok ng kuwartong ito ay may shades ng black and dark colors, from walls to the tiled floor. But somehow, it gives me comfort and warmth na kabaliktaran ng may-ari nito.
Naningkit ang mga mata ko nang magtama ang mga paningin namin ni Raffa Greyson. Nakasandal ang tampa-lasan sa hamba ng pinto habang nakakrus ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib. At kailan pa ito lumitaw doon?
“Ikaw!” Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad akong tumayo buhat sa kinauupuan kong sahig at akmang susugurin ito. Ngunit awtomatiko akong napahinto nang biglang tumalon sa harapan ko ang isang patpating babaeng teenager.
“Hi!” What the heck?! Nasapo ko ang aking dibdib dahil sa gulat. “Oh my.” She giggled and stared at me with awe. I groaned and rolled my eyes. Oh, come on. Sino naman ang kunehong ito?
Her presence distracted me from attacking Raffa Greyson. Lalo na nang bigla itong tumili at patalon akong niyakap. Swak sa malulusog kong dibdib ang ulo nito.
“Oh em gee! Totoo nga!” My eyes widened. WTF? Anyare?! Sino ba ang dalagitang ito na kung makayakap ay wagas?
“Hoy, kumag! Ano ‘to?!” iritang tanong ko kay Raffa Greyson. Naaamuse na ngumisi lang ito at nagkibit-balikat. Napanguso tuloy ako. Bakit kaya kahit anong klaseng ngiti ay bumabagay sa ungas na ito?
“I’m Ella. Kuya Raff’s younger sister. At siyempre, alam ko na ikaw ang girlfriend niya. Oh my golly, I can’t wait to tell Mom about this!” Matapos masuffocate sa pagkakasubsob sa aking dibdib ay bahagya itong lumayo, ngunit mala-octopus namang yumakap sa akin.
Napangiwi ako at hindi makapaniwalang tinitigan ang dalagita. Ano ba’ng pinagsasasabi ng kunehong ito, na girlfriend ako ni Raffa Greyson? Gusto ba nitong masuka ako nang wala sa oras?
As she smiled widely at me again, I couldn’t help but to snicker. Okay, she’s really cute. “Kuya’s right. You’re pretty”. I huffed. But, she seems dangerous too. Pakiramdam ko magaling itong mambola.
Muli akong bumaling sa nakatatanda raw nitong kapatid na lubos kong kinaiinisan. At nang muling magsalubong ang mga paningin namin ni Raffa Greyson ay muntik ko ng masaklot muli ang aking dibdib, nang muling lumukso ang aking puso dahil sa kaguwapuhan nito.
Then, Raffa Greyson suddenly grinned charmingly and winked at me. Boom! Buti na lang talaga, matibay ang garter ng panty ko.