TO SEE IS TO BELIEVE

1251 Words
“Meeting at twelve midnight,” Raffa informed his members through mind link. Batid ng binata na bagamat nakaligtas sila sa sitwasyon kanina, ay mahirap ng maulit pa iyong muli. Hindi pa panahon para malaman ni Shin Rivas ang tungkol sa lihim ng compound. Habang patungo si Raffa sa kaniyang private office, nakasalubong niya sa corridor si Warren—ang pinuno ng mga trackers ng Blue Moon pack. “Alpha,” seryosong tawag nito na tila may importanteng sasabihin. “Sa loob na, Warren.” Nilagpasan niya ito at binuksan ang pinto ng pribadong silid. Diretsong pumasok ang binata sa loob at hinintay ang pagsunod nito. He heard Warren’s heavy footsteps behind him. Katulad ni Ridge ay may kalakihan din ang katawan ng tracker. But Raffa is their leader and he can’t be easily intimidated by him or by anyone. “Mate.” Biglang sumingit at umungol si Rusher sa sulok ng isip ng binatang alpha. Napabuntong-hininga na lang ito dahil wala pang sampung minuto nang iwanan niya si Shin Rivas kasama ng mga babaeng miyembro ng pack, hindi na agad mapakali ang kaniyang inner wolf. “Later, Rusher,” saway ni Raffa rito. “Hangal, napakabagal mo talaga!” At nanahimik na ito. Napabuga siya ng hangin sabay kamot sa leeg. Hindi nito inaasahan ang pagsikmat ni Rusher sa kaniya. Warren cleared his throat. “Alpha Raffa,” agaw pansin nito sa alpha nang mapansing wala sa kaniya ang atensyon nito. “Sorry dude, Rusher’s tantrum.” Umupo ang alpha sa leather chair na nasa likod ng office table. “Kumusta ang pina-gagawa ko? Any sign of rogues?” “May mga bakas ng mga rebelde sa labas ng compound. Sa timog ng teritoryo, may namataan din si Hayne na apat sa mga ito. Mukhang napadaan lang daw, ngunit minamatyagan pa rin ng mga nagroronda. Mabuti na ang nag-iingat,” the tracker immediately replied. Napailing si Raffa. “Two weeks ago, may isang grupo rin ng mga rogues ang nakitang nagmamatyag sa compound. Mag-ingat kayo at maging alerto. Iba ang kutob ko sa mga iyon.” Tumango si Warren. “Sasabihan ko na rin ang iba na pagbutihin ang pagroronda.” “Okay, mamaya sa meeting ay uulitin ko ang tungkol sa bagay na ito. Those mutts are up to something. Sabihin sa mga nagroronda na higpitan ang pagbabantay sa mga hangganan.” “Copy, Alpha.” Raffa dismissed him and Warren nodded then left. “No one leaves the compound tonight, maliban sa mga magroronda ngayong gabi,” the alpha ordered to all his pack members. Bilang pinuno ng pack na iyon kailangang masiguro ng binata ang kaligtasan ng kaniyang mga nasasakupan. Masyadong mapanganib ang mga rebelde. Marahas ang mga ito at laging gulo ang kinalalabasan sa tuwing makaka-engkwentro ng mga bantay ng teritoryo. They are ruthless and couldn’t be trusted. Raffa took a long deep breath and stood from his seat. That day was very tiring for him, but somewhat memorable. Bumalik sa isip niya si Shin Rivas. Hindi maiwasang makaramdam ang binata ng fulfillment dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang babaeng nakatadhana sa kaniya. Although Shin seems like a little weird for a normal human, but she’s still his mate. “Kuya,” biglang mind link si Ella nang papalabas na siya ng opisina. “Yeah, kid?” tugon ni Raffa dito. “Uhm, I think she’s missing.” He froze. “Missing?” “Ate Shin is missing, kuya.” “Damn it!” the alpha cursed and hurriedly walked out of his private office. Both Rusher and him growled from disappointment. Pasaway talaga ang babaeng iyon! *** Shin’s POV Restroom! Restroom! Nawiwiwi na ako! At dahil hindi ko makita ang kuwarto ni Raffa Greyson ay kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng malaking bahay na ito sa kahahanap ng banyo. Kung bakit kasi napakahina kong tumanda ng direksyon. Nakalimutan ko agad kung saan ako ikinulong ng singkit na iyon kanina. Marami akong nadaanang kuwarto pero pawang mga nakalock lahat. Umakyat ako sa pangatlong palapag at sa awa ng langit ay nakakita rin ako sa wakas ng restroom sa isang lumang silid. “Ang laki naman kasi talaga ng bahay na ito.” Sa palagay ko mga twenty rooms ang mayro’n ito. Pero nakapagtataka lang na tila hindi naman magkakamag-anak lahat ang mga nakatira dito. Alin kaya sa dalawa: ampon sila or boarders ni Raffa Greyson? Nang ipinakilala ako ni Ella sa mga residente ng bahay na kasabay rin namin sa dinner kanina, nalaman kong maayos naman silang makisama. But there is something weird about them. Minsan matagal na nagkakatinginan ang mga ito, pero hindi naman nagsasalita. It’s like they’re having a conversation in a secret way. Are those people somewhat practicing mental telepathy? Napaka-creepy na nga ng lugar, super weird pa ng mga nakatira. Pero infairness, wala akong napansin na masagwa ang hitsura sa mga ito. Lahat sila ay halos tila mga model na hinugot sa loob ng sikat na magazine. Hindi kaya may fountain of beauty and youth sa lugar na ito kaya super possessive sila sa buong compound? I made a “tsk” sound then shook my head. Kalokohan. “Parang ako yata ang mas weird mag-isip ngayon. Seriously, fountain of beauty and youth? Imposible.” I shrugged the crazy idea out of my mind at minabuting tapusin na lang agad ang sadya ko sa loob ng banyo kay sa mag-isip ng kung ano-ano. Pagkalipas ng limang minuto, palabas na sana ako ng restroom nang biglang bumukas ang pinto ng silid at diretsong pumasok sa loob ang dalawang nilalang. Napihit ko na ang door knob at nabuksan ng kaunti ang pinto, but I automatically froze from my spot as their conversation started. “Saan naman kaya pumunta ang mortal na iyon?” said by a female voice. “Bilisan mo ng magpalit.” Isa pang pambabaeng boses ang sunod na nagsalita. “Kung bakit kasi hindi ko maamoy ang scent niya. Pero siguro naman ay mahahanap siya ni Alpha Raffa. Ano pa at naging mate niya ang pasaway na mortal na iyon.” Ugh! Ano bang ka-echosan pa ang pinag-uusapan ng dalawang bruhang ito? Kasi sa totoo lang, mahirap ang maging estatwa dito sa banyo. Hindi ako makagalaw dahil baka mapansin nila ako. “Bilisan na natin!” Muli kong naulinigan. I sighed. Finally! Dahil sa may katalasan ang aking paningin, nakita ko nang kumilos ang mga ito. Nakatalikod sila sa akin. Akala ko ay magpapalit lang ng damit ang mga bruha. Ngunit may iba pa palang drama ang mga ito na sobrang ikinamulagat ng aking mga mata. Lalo akong natuod sa aking pagkakatayo at napakapit nang mahigpit sa frame ng pinto ng banyo. Breathe, Shin Rivas. Breathe! I tried to remain calm but failed. Noon may isang kasabihan akong pinaniniwalaan, and that is “To see is to believe.” That’s why I’m a little skeptic when it comes to supernaturals. But this day is an exemption because right in front of me, kitang-kita ko ang dalawang bruha na nag-transform into huge furry dogs, or should I say wolves? Because yeah, that Ridge guy is right, there’s a big difference between dogs and wolves. I felt my knees buckled and iiimy body swayed. I already knew what’s going to happen next—and that’s I’m going to pass out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD