Shin’s POV
Napamulat ako nang maaninag ang sikat ng araw na nagmumula sa siwang ng kurtina sa may bintana. Umaga na pala. Awtomatiko akong napabalikwas ng bangon ng may pagtataka. Teka lang, paano ako napunta rito? Nasa silid na akong muli ni Raffa Greyson at nasa ibabaw ng malambot nitong kama. Dito ba ako natulog?
“s**t! Ang damit ko!” Nanlaki ang aking mga mata nang mapansing iba na ang aking suot. The white summer dress was gone. It was changed into a pale yellow night gown. Napayakap ako sa aking sarili at napalunok. Anyare?!
Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari nang nakaraang gabi, ngunit mukhang hindi pa gumagana ang aking memorya. I snickered and shook my head, then knocked my temple three times. Baka kasi natutulog pa si brainy.
Biglang bumukas ang isang pinto sa kaliwang banda ng silid kaya napapitlag ko sa gulat. Anak ng kabute! Bumaling ako roon at nakitang humahakbang papalabas ang fresh na fresh at bagong paligo na si Raffa Greyson. I scoffed. Ang ungas lang pala. Kay aga-aga, anak ng dilim agad ang bumati sa akin. I opened my mouth and I’m about to snap at him. Ngunit biglang naumid ang aking dila nang mapag-aralan ang hitsura nito.
Naka-jersey shorts ito na kulay puti. Tumutulo ang tubig mula sa kaniyang mamasa-masang buhok habang tinutuyo nito ng isang tuwalya ang well-toned na katawan. Napakurap ako. Hindi ko inaasahan na very yummy pala ang katawan ng singkit na binata. Raffa Greyson noticed me and he grinned. Nag-init ang dalawa kong pisngi dahil doon. With his Asian features, his tall figure and amazing eight pack abs, my mouth began to water.
“He’s undeniably sexy, hot and damn, he seems so very delicious. Puwede kayang ang unggoy na lalaking ito na lang ang breakfast ko?”
Raffa Greyson’s grin vanished. “You want to eat me?” Isinampay nito ang towel sa kaniyang balikat. While crossing his arms above his chest, he stared at me with amusement.
My jaw dropped. Anak ng timawa! Nasabi ko ba nang malakas ang aking iniisip?! Pero ano ba ang ibig nitong sabihin na gusto ko siyang kainin? Ang salbahe naman. I mentally giggled and glared at him like he’s a piece of meat.
“My sinful eyes! Hindi ko maialis sa yummy body nito ang aking mga mapagnasang mata. Ilang mga babae na kaya ang niyakap ng matipunong bisig nito?”
“Except from my mom and Ella, wala pa,” tugon ni Raffa Greyson na may naaaliw na ngisi sa mga labi. I gasped. Did I say it aloud again?
“But he’s just so yummy!” hindi ko na napigilan pang ibulalas sabay kuyumos ng kumot na nakabalot sa aking katawan at itinakip iyon sa aking mukha. Napuno ng malulutong na halakhak ni Raffa Greyson ang apat na sulok ng silid.
“f**k! You’re an epic, Shin Rivas.” Doon ako tila nahimasmasan. And I almost strangled my own self from the embarrassment. Did I just flirt with this chinky man?!
“No! Kill me now, please!”
***
Napasobra ang pagkapahiya ni Shin kaya ibinaon nito ang sarili sa ilalim ng mga malalaking unan. Lumabas na ng silid si Raffa matapos itong sabihan sa oras ng agahan. One goofy grin appeared from the corner of the alpha’s lips.
“I am yummy?” He couldn’t believe that was what Shin thought of him. Dahil doon, muling nangulit si Rusher. “Mark her!”
He sighed deeply. Hindi maaaring payagan ng binata na mangibabaw ang kaniyang inner wolf. Hangga’t maaari ay hindi pa sa mga sandaling ito.
“Sa tamang panahon, Rusher.” Umangil ito ngunit hindi na kumontra pa.
“Alpha Raffa, kailangan ka namin sa hangganan. May nahuli kaming isang rebelde.” Raffa suddenly heard one of the trackers’ voice in his mind. It was Hayne.
Nagtagis ang mga bagang ng alpha. “I’m coming!” tugon niya rito. “Harvey, you up?”
“Nasa gym ako, Alpha,” his gamma replied.
“Ikaw na muna ang bahala kay Shin Rivas. Tell Ridge to follow me at the border.”
“Copy, alpha.”
***
At the border...
Isang matalim na tingin ang ipinukol ng babaeng rebelde kina Hayne at Warren.
“Hindi ka ba nakaiintindi, babae? Bakit nasa loob ka ng aming teritoryo? At nasaan ang mga kasama mo?” paasik na tanong ni Warren dito.
Nagtangkang pumiksi ang rebelde ngunit hawak ng isa pang pack member ng Blue Moon ang mga braso nito. “Hindi kayo ang pakay ko, kung `di ang inyong pinuno!”
Napapalatak pareho ang dalawang trackers. Ngunit hindi naman nagtagal ay dumating na si Raffa Greyson kasunod ang beta nitong si Ridge Roberts na parehong nasa anyong asong lobo.
Ridge’s wolf is a big one, while Raffa’s wolf being an alpha is even more huge. Nag-anyong tao ang dalawa at kinuha ang mga shorts na nakatago sa mga punong naroon. Pang-emergency ang mga shorts na iyon na halos sa lahat ng sulok ng teritoryo ay may nakatago.
“You dare to trespass our border, rogue!” sita ni Raffa dito gamit ang boses ng isang pinuno. Bahagyang nakitaan ng takot ang hitsura ng babae. Ngunit nang may kumaluskos mula sa hindi kalayuan ay agad na ngumisi ito.
“f**k!” Ridge cursed.
Bumaling sila sa pinagmulan ng kaluskos at nakita ang nasa sampung malalaking rogues na lumabas mula sa malalagong damuhan na pawang nasa anyong mga lobo.
“Ambush!” Nagtagis ang mga bagang ni Warren.
Raffa growled. “Bastards!” He immediately shifted into his wolf form again and then all hell got loose.
***
At the compound…
“What?” iritang sita ni Shin sa bantay niya na bubuntot-buntot na naman sa kaniya.
Nagkibit-balikat lang si Harvey. She rolled her eyes and walked pass him. Dumiretso ang dalaga sa hagdan upang bumaba at kumain ng agahan. Ngunit natigilan siya nang makasalubong ang umaakyat na dalawang babae.
“Good morning! Gising ka na pala Miss Shin,” bati ng isa sa mga ito. Napakunot-noo ang dalaga at napa-isip. Tila pamilyar sa kaniya ang boses nito.
“Nag-alala kami nang makita ka naming walang malay sa restroom na nasa third 3rd floor kagabi,” hayag naman ng isa pang may katinisan ang boses.
Napasinghap si Shin sabay turo sa dalawa. Her memories from last night hit her hard. Naalala na niya kung saan niya narinig ang mga boses ng mga ito. She saw them last night. She saw them turned into wolves!