Shin’s POV
“Oo, naaalala ko na. Nahilo kasi ako matapos kong mag-banyo. Tapos nawalan na pala ako ng malay, geez! Salamat at nakita n’yo agad ako,” agad na palusot ko sa dalawang babae na aking kaharap.
Hindi ako hangal para ipaalam na nahimatay ako dahil sa nakita kong nagpalit-anyo na malalaking aso ang mga ito. Kahit pa ilubog ako sa isang drum na puno ng tubig, hindi ko sabihin na, “Oh, I know your secret, duh!”
Kailangan maging kalmado lang ako. Isa pa, hindi naman ako ganoon kaeksaherada. Dahil sa ilang araw na pama-malagi ko sa lugar na ito ay wala pa namang nagtangka na gawan ako ng masama. Tila may munting tinig ang nagsasabi sa akin na kahit ilang araw pa akong manatili dito ay mananatili akong ligtas.
Sa ilang araw ko ngang pamamalagi rito, parang unti-unti akong nakakaramdam ng peace and safety. I don’t even know why and I can’t even explain, pero `yun ang nararamdaman ko. Though gusto ko pa rin naman bumalik sa Adamson City siyempre. Because my life is there. Naligaw lang ako sa lugar ng mga ito.
Matapos ang ilan pang pagpapalitan ng mga salita ay nagpaalam na ang aking mga kausap. Ako naman ay dumiretso na sa dining room kasunod ang aking bantay.
Ten minutes later...
Tahimik ang dinning room. Everybody’s eating while their eyes were focused on their foods. Napahalumbaba ako sa ibabaw ng lamesa at napabuntong-hininga.
Raffa is not here. Saan kaya pumunta ang ungas na iyon? Maging si Ella ay wala rin. Napaisip tuloy ako. Pati ba ang magkapatid ay may inililihim din? O hindi kaya lahat ng mga nasa compound ay may malalaking sikreto sa kanilang mga pagkatao, na itinatago nila sa loob ng matataas na pader at gate ng lugar na ito? Kaya ba ayaw nila akong palayain ay dahil natatakot silang may makaalam ng tungkol doon?
I snorted loudly. Eh ano namang kayang tingin nila sa akin? Walang utak na basta-basta na lang ipagsasabi sa iba na totoo ang lahi ni Jacob Black? Masyado naman akong maganda para mapagkamalang nasisiraan ng ulo, ano!
“I mean, ugh! Wolf in real life?! I must be nuts! Walang matinong tao ang basta maniniwala roon, duh!”
I heard muffle noises from the surrounding, and that snapped my attention back to reality. Bumaling ako sa mga kasabay kong mag-agahan. At ganoon na lang ang aking pag-ngiwi when I noticed that they were looking at me like they wanted to eat me alive.
I scratched my chin. Okay, mukhang nasabi ko na naman kung ano ang nasa aking isip. Nagpalusot na lang ako sabay nag-peace sign sa mga ito. “Sorry guys, Teen Wolf fever lang! Try to watch it, makakarelate kayo.” I face-palmed as they growled. Damn me and my big mouth!
***
Shin’s POV
Later that day...
“Samahan mo ako sa labas. Gusto kong mamasyal,” kausap ko sa aking bantay na nagpakilala kanina sa akin na Harvey.
Nakakaramdam ako ng pagka-inip. Halos isang linggo rin akong nadetain kaya medyo nasasakal na ako sa loob ng kuwarto. Harvey stared me suspiciously that made me rolled my eyes at him.
“Don’t worry, hindi ako tatakas. Sa palagay mo mag-oover the bakod ako para lang makalabas sa compound na ito? I’d rather dance twerking like Miley than do that.”
Mukhang nakita naman nito ang katapatan sa aking mukha kaya napabuntong-hininga ito sabay tango.
“And please, magsalita ka naman paminsan-minsan, okay? Mapapanis ang laway mo niyan. And that would smell eww.” I patted his tummy and walked towards the door. Napa-iling na sumunod na lang sa akin si Harvey.
Nang makalabas na kami ay hindi ko maiwasang lubos na matuwa. “Sa wakas!” malakas kong bulalas nang masinagan ng araw ang aking balat. “Oh how I miss you, Mr. Sun!” dumipa ako. “I miss you too, Mrs. Wind!” Niyakap ko ang aking sarili. “And oh, how I long for you, Freedom!”
Daig ko pa ang nagna-narrate sa gitna ng entablado, kaya napahinto ang lahat ng nasa labas ng malaking bahay ni Raffa Greyson at sabay-sabay na bumungisngis.
Bumaling ako sa mga ito at napanguso. “What? Masama bang maging makata?” Huminto ang mga ito sa pagtawa.
“Pasensiya na po, Luna,” hinging paumanhin ng isa.
Napahawak ako sa magkabilang gilid ng aking balakang. “Shin ang name ko at hindi Luna. Capital S-H-I-N, intiendes?” Muling bumungisngis ang mga ito. Aba’t! Ano’ng nakaka-tawa?! Masagwa ba ang pangalan ko?!
“Ms. Shin, gusto mong tumagay?” tawag pansin sa aking atensyon ng isa sa mga binatang nagbabatuhan ng mga unan sa sala nang nakaraang gabi.
Nasa ilalim ng isang punong mangga ang mga ungas, kasama ang mag-jowa na nakita kong naglalampungan ng gabi ring iyon. Magkakaharap ang mga ito sa isang lamesa at mukhang nagsisimula pa lang sa pag-inom ng alak.
Agad na pumagitan sa amin si Harvey. “Neil!” saway nito sa nag-aya sa akin.
Tinapik ko ito. “Chillax, dude.”
Nilagpasan ko ang aking bantay at dumeretso sa grupo. Ipinakilala na sa akin ni Ella ang mga ito kagabi at masasabi kong mukhang makakasundo ko ang mga kumag. Nang hustong makalapit ako sa puwesto ng mga ito, tumutok ang aking paningin sa nakapatong na pana at palaso sa ibabaw ng lamesa.
“Hindi ako mahilig uminom ng alak, mga bata.” Dinampot ko ang palaso at sinuri ang matulis na dulo niyon. “Kanino ito?”
“Sa akin, Ms. Shin,” tugon ni Alley habang nakaupo sa kandungan nito ang kasintahan.
I nodded. Isang ideya ang biglang pumasok sa aking naiinip na pag-iisip. “Do you think I can beat the four of you with this?”
Naibuga ni Neil ang kaiinom pa lang na alak. Samantalang sabay-sabay naman na napanganga ang mga kaharap nito dahil sa narinig mula sa akin.
I gave them a challenging look. “Best of ten guys, and here’s the catch; kapag nagmiss ang tira ko sa target, tatagay ako.” Iginalaw ko ang aking mga kilay. “Pero kapag natalo ko kayo…” Naghintay ang mga ito sa susunod kong sasabihin. Thrill is reflecting from their eyes. I smirked. “Do the twerking, boys!”
“GAME ON!” sabay-sabay na sigaw ng mga ito.
Ako naman ang napamaang. What? Mas lalo yatang na-excite sa twerking punishment ang mga unggoy?