"Ah ano ba ang sinasabi mo diyan!" Nauutal kong sabi na pilit iniiwas ang paningin ko sa kaniya. Napahinga naman siya nang malalim at saka ako binitiwan. "Birthday ko next week, gusto kitang ipakilala nang personal kay Dad pati na rin sa mga kaibigan ko" sabi niya sa akin kaya nagulat nanaman ako. "Birthday mo na?" Tanong kong muli kaya binigyan niya ako nang masamang tingin. Napanguso naman ako sa kaniya. Psh! Akala ko ba gusto niya ako eh bakit sinusungitan niya ako. "Pumunta ka ah!" Paalala pa niya kaya napa-crossed arms ako at saka nagpakipot sa kaniya. "Pilitin mo muna ako!" Sabi ko at tumingin sa malayo. Hindi ko naman inaasahan ang isasagot niya kaya napalingon akong muli sa kaniya. "Edi huwag! Napaka-ingratitude mo talaga!" Sabi niya na nagtatampo at akmang tatalikod na pero