Miyuki Grabe kinakabahan ako sa kalokohan ng kapatid ko. Ako ang choice kapag no choice. Napahinga naman ako nang malalim saka tinawagan ang number ni Timothy. Ilang ring pa lang ay sinagot niya na kaagad. "Miyuki?" "Ah ehm papunta na ako na saan ka?" nauutal na tanong ko. "Nandito ako sa gilid mo" sagot naman niya, kaya napalingon ako sa gilid ko at nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya at... Nakangiti habang kumakaway sa akin. Alam kong kahit papalubog pa lang ang araw ay namumula ang mga pisngi ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at saka inilahad ang kamay niya. "Shall we?" Sabi niya sa akin. Nag-aalinlangan man ako pero tinanggap ko pa rin ang kamay niya at para naman akong kinuryente nang maglapat ang mga ito. Inalalayan niya ako sa kotse niya at saka nagsimula nang