Bumili na kami ng kaniya-kaniya naming mga ticket para sa horror booth at sumabay na rin sa pila. Ang awkward lang kasi hindi kami nag-uusap ni Maggy, samantalang ang dalawang magkasintahan kanina pa naghaharutan, kakairita! Siguro kung nandito si Misaki meron akong inaasar at kausap. Hindi ko na kaya 'to, nakaka-miss ang mga panahong palagi kaming nag-aasaran at nag-uusap ni Maggy. Parang ang sama ko naman yata dahil ako mismo ang umiiwas sa kaniya. Habang nakapila kami ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na kausapin si Maggy na nasa bandang likuran ko, bali nasa harap namin ngayon sila Chinie at Harold. "Maggy." "Chris." Sabay naming sabi sa isa't isa habang magkatitigan kaming dalawa. Bigla naman akong natawa at natawa na rin siya sa hindi namin malamang dahilan. "Bakit