Nagpunta kami sa Intramuros Golf Club at doon ay muling naglaro. "Na-miss ko 'to," sabi niya sa akin habang naglalaro kami. "Akala ko ba ako ang na-miss mo?" nakasimangot kong sabi sa kaniya sabay tira sa bola. "Tss, iniwan mo nga ako eh kasalanan mo ito," sagot naman niya. "Tss, may pa amin amin ka pa ng nararamdaman mo sa akin pero mas gusto mo si Megumi iligtas," nagtatampong tono kong sabi kaya hinarap niya ako at tinignan. "Importante sa akin si Megumi pero hindi ibig sabihin n'on eh wala na akong pakielam sa 'yo," sabi niya. Hindi ako umimik at nag-crossed arms sa harap niya. "Aminin mo na kasing mahal mo na ako, selos selos ka pa diyan!" nang-aasar na sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Tss, kahit magsama pa kayo ni Megumi o ni Lerry wala akong paki!" masungit na sab