Kabanata 4

3752 Words
Pinagmamasdan niya ang malaking marka ng dragon sa kanyang likuran mula sa salamin sa kanyang silid. Binaklas niya pa ang tuwalya sa kanyang katawan upang pagmasdan ang magandang marka sa kanyang likuran, papunta sa kanyang pigi.  Kumikintab pa iyon dahil sa tubig na nagmumula sa kanyang basang buhok. Ang totoo hanggang ngayon ay namamangha pa rin s’ya sa tinataglay na marka. Na sa kanyang kabuohan,  kung may parte man siya na pinaka paborito ay ‘yon ang kanyang likuran. Kung pwede lang sana na hindi na niya takpan. Kung sana hindi komplikado ang sitwasyon niya at hindi lang mapanganib na baka may makakita na iba ay ibinalandra na niya iyon. Ang totoo hindi niya alam kung bakit siya may marka na ganoon, pero simula bata siya ay nasa likuran na niya iyon. Parang imposible, pero totoo. Ipinanganak siya na may marka na siyang ganoon, at iyon ang dahilan kung bakit itinago siya ng angkan. Kung ano ang dahilan hindi niya din alam ngunit isa lang ang nasisiguro niya. Na ang marka na iyon ay ang dahilan kung bakit siya isang binukot. Kung bakit siya ang kailangan magsakripisyo para ipagpatuloy ang tradisyon kahit sa makabagong henerasyon.   Kung siguro hindi nangyari ang trahedya na umubos sa angkan niya malamang nakakulong pa rin siya. Walang makakaalam na nag-e-exist siya. Siguro kasama niya lang si Gab at naka-bukod sa lahat. Walang alam mula sa mundo na meron sila ngayon at tangging ang tradisyon na meron lamang sila ang kanyang pinagkakaabalahan.  Ang tradisyon na pinapahalagahan. Ang tradisyon na natatanging kayamanan. At hindi ba?, kapag mahalaga ang isang bagay dapat ibinubukod?, dapat pakaingatan?, hindi pinapakita sa kung sino-sino man.  Ang sining, ang kayamanan, ang mga awit, mga gawi pati ang mga literatura ‘yon ang kayamanan ng kanilang angkan. Na ang kasaysayan ay kinakanta upang ikwento at ipamana. Ang isang tulad niya ay nabuhay upang pag-aralan ang mga iyon. Sa mga iyon na iikot ang buhay niya para sa kanyang angkan. Sa kasaysayan, ang mga pangalan ng bawat importante at mataas sa kanilang angkan, siya ang magsisilbing taga-pangalaga at taga-bukod ng lahat ng iyon. At kapag dumating ang panahon may itatakda para pasahan niya ng pagiging binukot. Ang bagong henerasyon ng kanilang angkan na magpapatuloy ng tradisyon.  Para sa mga ninuno nila karangalan ang maging binukot, ngunit sa iba isa iyong sumpa.  Sino ba ang gustong ilayo? na sa edad na apat ay ilalayo ka sa ina mo para maging isang binukot. Na sa buong buhay mo ikukubli ka sa lahat, kung nakakasalamuha ka sa iba ay kailangang takpan ang mukha mo. Bawal itapak ang mga paa sa sahig, bawal gumawa ng bagay na salungat sa tradisyon, at higit sa lahat bawal magmahal ng hindi itinakda sa’yo. May itatakda sa’yo na asawa ngunit hindi rin kayo magsasama. Magiging mag-asawa lamang kayo dahil sa tradisyon. Parang wala lang rin. Parang ang kwento ng kanyang ina at ama na hindi naman magkakilala ngunit itinakda. Ang mga magulang na hindi man niya kahit kailan nasilayan. Sa sitwasyon niya hindi niya nakapiling ang ina ng apat na taon bago pa man siya ibukod dahil nangyari ang trahedya sanggol pa lamang siya. Maaga siyang siningil ng tadhana, hindi man lang siya hinayaang maging masaya sa piling ng mga magulang. Napatingin siya sa kanyang sarili sa salamin. Oo, na taliwas ang tradisyon dahil sa mga nangyari. Nabali ang ilan sa mga batas. Nararamdam niya ang kanyang mga paa na naka-tapak sa sahig. Hindi nakakubli ang kanyang mukha. Natuto rin siya ng sining ng iba, malaya man na sa paningin ng iba alam niya, na sa loob-loob niya lahat ng ito ay may hangganan. Dahil may sinumpaan sila bago pa man siya isinilang. Bago pa man siya mag ka-huwisto hinubog na ang kinabukasan niya ng mga tradisyon.  Siya na lang ngayon ang naiwan, marami siyang hindi alam, kaya may mga bagay na hanggang ngayon ay naguguluhan siya. Ngunit isa lang ang nasisiguro niya. Na nasa mga kamay niya nakasalalay ang susunod na Salinlahi. Na nasa kapalaran niya ang huhubog sa bagong kinabukasan.  Ipinaglandas niya ang kanyang palad sa kanyang likuran upang haplusin ang marka sa kanyang likuran. Nakatatak sa mga balat niya ang pangalan ng kanilang angkan. Ang kanyang angkan na nagbuwis ng buhay para lang mailigtas siya at maipagpatuloy ang Salinlahi. Na bago pa man siya isilang nakatatak na sa kanyang katauhan ang mga responsibilidad at ang misyon niya sa mundong ito. At iyon ang maipagpatuloy ang lahi ng Hiraya, ang mabawi lahat ng ninakaw sa Salinlahi, ang ipaghiganti ang kanyang buong angkan.  "Sinisusumpa ko na magbabayad lahat ang nag alipusta sa angkan na’tin, para sa Hiraya, at lalong-lalo na para sa Salinlahi" Wika ni Cecilia habang nakatingin sa kanyang marka. ... 'Hi, good evening!What are you doing?," Malakas na basa ni Cecilia sa message mula sa cellphone ni Gabbi. Napabalikwas tuloy ang kaibigan at agad na itinago ang cellphone nito. Kanina pa siya nasa likuran nito habang abala lang na nakatingin sa mga chat pero hindi naman nirereplyan. "Naks! may ka chat? bakit naman seen mo lang?,' napailing si Gabbi at tila walang balak umamin sa kaniya “Kanina ka pa riyan ?" "Hindi naman, mga 30 mins ago lang," "Cill!" napahalakhak si Cecilia at umupo sa tabi niya, iniabot nito sa kanya ang isang can ng red horse. Pagkatapos ito naman ay tinunga ang orange juice niya kaya napa-kunot ang noo ni Gabbi. "Akala ko ba treat mo?" Tanong pa ni Gabbi sa pagaakala na sasaluha siya nito sa inuman. "Tropicana lang sa akin, mahirap na baka maging kabayo ang tattoo ko sa likuran" Biro ni Cecilia kaya natawa ito. "Pero teka, so who's the guy? ano inlove ka na?" Napailing si Gabbi bago napatingin uli sa cellphone nito ng muling umilaw "Anong inlove sinasabi mo diyan? He's just one of those annoying guy I met in class," Pagdadahilan nito kaya tila mas lalong lumaki ang mga ngiti ni Cecilia. "Wow, annoying!  Wow, I met in class! hahah estudyante mo?" "No! ‘di ako pumapatol sa estudyante no," Sagot ni Gabbi kaya napatango si Cecilia bago lumapad ang ngiti "So ito yung co-teacher mo?" Teacher ang trabaho ni Gabbi sa umaga at isa siyang Ms. Minchin sa gabi.  Kung sabagay parang Ms. Minchin pa rin naman siya umaga so 24 hours ang pagiging Ms. minchin niya. Nagtuturo siya ng history subject sa isa sa mga University dito sa Maynila, alam niyo na kailangan naming itago ang katauhan namin sa ibang katauhan para hindi kame mahalata o mahanap ng mga kalaban. Di’ba? ang rangal ng trabaho niya yung akin parang ewan?.  Ano magagawa ko eh ‘yon yong may opening, ‘di ko naman kasalanan.  "So siya yong co-teacher na sinasabi mo?" Hindi ito nakasagot kaya mas lalo si Cecilia na napangiti "Akala ko ba bwisit ka sa kanya? na sinusungitan ka? na nagsusungitan kayong dalawa? eh mukha naman sweet oh! Nag-good evening pa, bakit ‘di ka mag-reply?" "Anong sweet? anong re-replyan? gago ba siya? no way! wala akong time sa mga katulad niya. May misyon ako Cill kaya walang ganyanan," "Talaga ba ?" pinangsingkitan siya ng mata ni Cecilia dahil tila mas lalong namula ang mukha ni Gabbi sa ginagawa n’yang pang-aasar "Talaga ba?, bakit parang nagliligawan kayong dalawa?" Agad na sumama ang mukha nito, "Yuck! anong nagliligawan na sinasabi mo? baka siya ang iligaw ko sa gubat! ipapakain ko sa mga hayop," Napahalakhak si Cecilia bago hinampas ang balikat ni Gabbi "Ang obvious mo alam mo ‘yon?" pailing-iling ito at pinasingkitan siya ng mata.  "May itatanong ako," "Ano na naman ‘yon ha?" "Ano ba siya? tahimik lang or yung maingay?” gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Gabbi bago hinawahan ang malamig na beer at tinunga iyon. "Nakakakaba ‘yang mga tanong mo na ganyan Cecilia, sinasabi ko sayo ha!" "Ito naman! sasagutin mo lang naman kung anong side siya? doon sa tahimik na masungit? o doon sa medyo madaldal na may pagka mahangin? Saan na dali," niyugyog pa n’ya ang balikat ni Gabbi para sumagot ito sa tanong niya. "Ano ba ‘yan!" "Dali na! KJ nito parang others!" "Bakit ba kasi natin siya pinaguusapan---aray! Cecilia naman!" sigaw pa nito ng biglang pinduti ni Cill ang dibdib nito na natatakpan ng malaking tshirt  , parehas silang walang suot na bra pag nasa bahay, ginagawa niya iyon kay Gabbi kapag gusto niya itong paaminin dahil na bwisit si Gabbi kapag ginagawa niya iyon. "Ano na dali?"  "Bakit kailangang doorbellin ang u***g ko? gaga ka talaga!" "Virgin! ano na dali!" akmang aamba uli si Cecilia ng biglang lumayo si Gabbi  "Masungit! masungit siya na tahimik! Cecilia ha! I swear to you kakalimutan ko kung sino ka.  Kapag ginawa mo uli ‘yon masasapak na talaga kita" naiinis na sabi ni Gabbi kaya napahagalpak si Cecilia.  "Sagutin mo na siya Gab, good for the health and the heart," "Ano bang sinasabi mo diyan? anong sasagutin?" "Alam mo Gab base doon sa article ko sa MEG, at dahil na rin sa survey. Study finds that yung mga lalaking tahimik at masungit are more good in bed other than those men na maboka at puro salita lang. So kung ako sayo mag pasalamat ka na medyo nasusungitan ka niya kesa yung pa bibo lang at papogi points. Dahil men like those are not good in bed, and also yung mga ganon daw ay 3 inches smaller than the average pen*s. Like, gosh! makakabuo pa ba ‘yon?"  "Gago ka! ano ba yang sinasabi mo? kadiri ah," "I'm just stating a f*ck ay fact pala base sa mga readers at studies. Same applications to women, yung mga babae daw na tahimik at hindi masyado nag o-open about sensitive things like that. Are women who have wild imaginations when it comes to s*x and intercourse, so ikaw Gabbi ganon ka ba?" bigla siyang binato ni Gabbi ng unan kaya napahalakhak siya.  'I'm open to that kind of topic but I also have wild imaginations, like duh! ang saya kaya mag imagine!" pero mas masaya ang application ng imagination aniya niya pa sa sarili "Baliw ka talaga, tama na nga yan!" nailing si Gab kaya mas lalong napahagalpak ng tawa si Cecilia "I promised to dedicate my life to you Cill, that after this mission I will stay with you no matter what, even if it means na kailangan kong piliin ka kesa sa lalaking mamahalin ko," "At hindi naman ako makakapayag na ganon Gabbi. After this mission malaya ka na, you don't need to stay with me and live just for the traditions. Ako na bahala roon, ako na lang tutal iyon ang responsibilidad ko," "No, Cecilia. Ako ang apid mo and i will dedicate my life to you. Ikaw ang prinsesa--' "No-- hindi lang ikaw basta isang apid para sakin Gabbi. Ikaw na ang kapatid ko, nakababatang kapatid ko. At bilang nakakatanda, gagawin ko ang lahat para sa kapatid ko. I want you to have a better life, malayo sa gulo na’to," Biglang pag seryoso ni Cecilia kaya napatitig lalo sa kanya si Gabbi. "But this is my like, Cill. Kahit ilayo mo ako sa gulo naka-dugtong na ang pusod ko sa angkan niyo," Napangiti si Gabbi "Katulad mo may sinumpaan ako kay Inay, at yon ay ang alagaan ka katulad ng pag-aalaga niya sa Inay mo. That's the tradition at ‘yon naman ang goal na’tin ‘diba? na maipag patuloy ang Salinlahi, na ma-ibalik ang lahat?. Kung mag sa-sacrifice ka, ako rin Cill. Dahil katulad ng angkan niyo inubos din nila ang angkan ko,"  Sabay kaming lumaki ni Gabbi. Ang sabi ni Ina na isa sa mga nagpalaki sa amin, simula ng maging binukot ako ay itinalaga na si Gabbi na siya ang magiging apid ko o tagapag alaga kapag malalaki na kami. Isa rin siya sa mga sanggol na ipinadala para kasamang lumaki ko. Na sa limang apid na ipinadala siya lang ang nakaligtas. Maski ang mga Apid na nag aalaga sa amin ay hindi pinalagpas ng angkan nila Lucan. Akala namin maayos na makakapag-tago na kami kasama si Ima pero ng mag siyam na taong gulang na kami ni Gabbi ay may nakakilala kay Ima na isa sa mga apid ng pamilya Hiraya kaya pinatay rin siya ng mga Lucan. Simula noon wala na kaming inasahan na tutulong sa amin kundi kaming dalawa na lang. Nasaksihan ko ang pangungulila ni Gabbi sa kanyang Inay kaya naiintindihan ko ang dedikasyon niya para sa sinumpaan namin sa angkan.  “Ngunit habang hindi pa naman tapos ang misyon pwede ka naman lumandi, Gabbi. Kaya sagutin mo na yang co-teacher mo," Napairap si Gabbi "Ewan ko sayo, Cill.” "Hahaha! ayan na naman po siya Ms. Minchin na naman. Haay... Sabi ko naman kasi sa’yo basahin mo nga magazines ko" tila may na alala na isang bagay na kamuntikan na niyang makalimutan "I forgot to tell you something," "Ano ‘yon?, party tayo? Tara ! Bago simulan ‘yong next mission," "Nope, I want you to quit your Job" napakunot ang noo ni Cecilia. Nag e-enjoy kaya siya sa trabaho niya. Tapos ngayon kailangan na naman niyang umalis. "Why? ang saya-saya kaya ng trabaho ko, saka close ko na sila Maha." "Someone tried to get your information background sa system ng kumpanya na pinapasukan mo" wika ni Gabbi kaya nanlaki ang mga mata ni Cill.  "What? anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako sigurado. Pero, mukhang may gustong humanap sayo. Ang akin lang kahit hindi tayo sigurado na hindi kampo ng Lucan iyon dapat maging maagap na tayo. Kaya umalis ka na roon bago pa man tuluyan mabunyag ang katauhan mo,”  Napatango si Cecilia, “Mukhang kailangan ko na maghanap ng panibagong hanapbuhay,” *** "Mani! nilagang mani kayo diyan! may pritong mani rin ako fresh na fresh! kaka-prito at laga lang!" Sigaw ni Cecilia habang bitbit ang bag na punong-puno ng nilagang mani. Nandito siya sa tapat ng IKOR, isang malaking kumpanya na minamanmanan niya. Base sa mga information na nalakap nila mula sa itim na sulat ay sa isang malaking company building sa makati ang itinuturo kung saan naroon ang isa pa sa mga clue na kakailanganin nila para matunton ang kayamanan. At dahil na rin sa panganib na dulot ng kung sino man na naghahanap sa kanya sa dati niyang kumpanya ay minabuti niya na mag-resign na at mag-benta na lang ng mani.  From columnist to mani vendor real quick, pero ayos na rin.  At least walang makakahalata kung sino man siya, kundi isang di hamak na mani vendor lamang.  Sakto rin dahil magandang disguise rin ito para sa misyon niya. Magmumukha lang talaga siyang nagbebenta sa labas ng company at walang balak na masama pero kanina pa niya pinagmamantyagan ang mga tao na labas masok sa loob  "Ate, Kuya, mani kayo diyan! Ale, bili ka na ng mani. Maganda to sa health mo," alok niya pa sa isang babae na dumaan sa harap niya. "Magkano ‘to miss?"  "Ay, para sayo Ate bente na lang, bagong-bago yan," "Sige, pabili ng dalawang takal," wika ng Ale bago naglabas ng pera sa wallet nito "Ay, salamat! May benta na rin ako sa wakas," nag-takal siya at inilagay iyon sa plastic "Ate pritong mani gusto mo? madami bawang ‘yan," "Ay, ako Ate pritong mani pa-sobrahan ng bawang,” Wika naman ng isang empleyado na napadaan. Unti-unti na may bumibili na sa kanya kaya naman ay napangiti siya. Mukhang epektibo ang kanyang pag di-disguise habang nagmamanman. "Ay, sure! Kahit isang buong bawang pa," nag-takal pa siya ng paninda habang pasimpleang sinusulyapan ang entrance ng kumpanya. Medyo madami na rin siyang na-benta dahil mukha talagang in demand ang mani niya.  "Mani kayo diyan! masarap ‘tong mani ko!" "Miss, pabili nga," wika ng isang lalaki pero hindi niya agad napansin ito dahil nakatuon ang pansin niya sa isang sasakyan na huminto sa tapat ng building. Madaming bumababa roon na naka itim kaya ayaw niyang iwaglit ang kanyang paningin  "Miss, Mani!" "Ay, kuya!” gulat na wila n’ya sa lalaki “Bili ka na masarap to, ano bang gusto mo? nilaga o pritong mani?. Meron dito yung may balat or gusto mo yung hubad na mani?" tanong niya pa habang hindi nakatingin sa lalaki. "Yung hubad na mani gusto ko," tugon ng lalaking may baritonong boses  "Ay hubad ba gusto mo?" "Oo, pero miss ayoko ng medyo maalat na mani ah?" Nakangising sabi pa nito kaya nag-takal si Cecilia ng mani habang nakatuon pa rin ang tingin sa may sasakyan sa tapat ng building. Ngayon kasi may lumabas na lalaki na agad kinausap ng isa pang naka itim.  "Naku Kuya, manamis-namis ‘tong mani ko, Fresh na fresh para sa iyo."  napaubo ang lalaki "Mukha nga?" "Hay naku Kuya, sinasabi ko sa’yo masarap ‘tong mani ko-" Aniya bago humarap sa lalaki, ngunit halos manlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino iyon.  Patay kang mani ka Parang gusto niyang kainin ng lupa ngayon din. Dahil kahit na madilim noong gabing iyon hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha nito. “Tang*na” "kung sa bagay totoo nga," wika pa nito kaya nabitawan niya ang pang-takal, "Masarap nga ang mani mo," Napairap siya bago isinara ang lalagyan "Gago!" Akmang tatalikod na siya ng bigla siyang hawakan nito sa balikat. Nagtataka siya pero mas nangingibabaw ang hiya na nararamdaman niya.  "Saglit lang, akala ko ba pag bilhan mo ko?" "Wala na, sirado na. Panis na ‘tong mga mani na ‘to, sa iba ka na lang bumili," pagsusungit niya sa lalaki kaya napangiti ito. "Akala ko ba sabi mo fresh na fresh yan? pwede ko bang tikman baka pwede pa?" Parang bigla siyang kinilabutan ng magtama ang mga mata nila. Tila bumalik ang mga alaala nung gabing iyon na nagtama rin ang mga mata nila habang ang binata ay nasa pagitan ng mga hita niya at pinapaligaya siya gamit ang bibig nito. "Gag--ay este, wala na, scam lang ‘yon, uso ‘yon kaya wag ka nagpapaniwala. Last week ko pa niluto ‘tong mga mani na ‘to kaya sa iba ka na lang bumili," Tang*na, tang*na, tang*na! Paulit-ulit na mura niya sa kanyang isipan habang papalayo sa binata pero nararamdaman niya na naka sunod ito sa kanya. Imposibleng hindi niya iyon maramdaman, malakas ang pakiramdam niya lalo pang humahalimuyak din ang bango nito. Humahalimuyak na tila tumatawag sa pansin niya. Humahalimuyak na tila nagpapagising sa p********e niya, at talagang nanghahalina. "Miss, saglit lang!" tawag pa sa kanya ng lalaki habang hindi talaga siya tinatantanan. Lumayo ka sa tukso, tama na ang isang pagkakamali wag ng uulitin pa. Wag na wag ka ng mag-aalok ng mani sa lalakeng yan. Hayaan mo siya Cecilia, wag na wag mo siyang papansinin pa. Mani lang habol niya sa’yo "Miss, saglit lang!" Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad, umaasa na lalayuan siya nito pero hindi talaga siya tinigilan ng lalaki. "Miss just one sec, I just want to talk to you," "Ano bang problema Kuya?" Inis na tanong niya ng bigla siyang lumingon kaya halos tumama ang mukha niya sa dibdib nito, tila mas lalo siyang kinabahan, naramdaman niya rin ang pagtayo ng balahibo niya at ang kakaibang epekto ng amoy nito sa kanyang katawan. Para siyang bubuyog na nahumaling sa amoy ng bulaklak at ang bulaklak ay ang lalaking ito.  Oo masarap siya Cill pero minsan kung ano pa ang masarap ay ‘yon ang masama para sa’tin. Na ang sobrang tamis nakaka-cause ng diabetes. Ang sobrang malinamnam malamang puro Ajinomoto yan, puro preservatives. Minsan sa sobrang sarap, napapadami at nagiging masama, maari kang mabilaukan at worse mamatay dahil nabulunan. "Miss-" "Kuya hindi na ko papaligoy-ligoy pa. Alam ko naman na alam mo kung saan huli tayo nagkita pero gusto ko lang sabihin sa’yo na wala lang ‘yon, walang dapat habulal na nagaganap ngayon. Oo ikaw naka-virgin sakin pero ‘di kita hahabulin. Hindi ko rin alam kung bakit mo ako hinahabol? ako ba naka-virgin sayo?" Napakunot ang noo ng lalaki "What the f*ck?" "Okay Kuya kung ano man sorry, hindi ko sinasadya na kunin virginity mo. Hindi ko sadya na kunin yung bagay na mahalaga sa’yo. It's just, nadala lang ako, tayo, pero tapos na ‘yon. At sana hindi mo na ako hinabol pa," “Ha?” hindi makapaniwala na wika ng lalaki kay Cecilia. Si Cecilia na man ay napapahimas na lang sa kanyang mukha, hindi alam kung paano niya tatakasan ang lalaking ito. "Okay, so please stop following me?" akmang tatalikod siya pero mabilis na hinapit siya ng lalaki "But why ?" deretsong tanong nito habang nakatingin sa mga mata ni Cecilia. Matiim na tinititigan iyon habang hawak-hawak niya ang bewang nito at magkadikit ang mga katawan nila  "Bakit mo ba ako pinag-tutulakan?" Napabuntong hininga si Cecilia bago napakagat sa kanyang labi, "Because I want to forget everything happened that night okay? lahat ng ‘yon gusto ko ng kalimutan pati ikaw," aniya ngunit pagkabigla ang bumalot sa buong katawan niya ng biglang ilapat ng binata ang mga labi nito sa kanya. Hinalikan siya nito at nung una ay naramdaman niya ang paninigas ng kanyang mga labi. Ngunit ang lalaki ay hindi inalis ang bibig sa kanya. Ayaw niyang magpadala pero iba ang kinilos ng katawan niya. Nagpakawala siya ng mumunting ingit. He took that as an opportunity to push his tongue inside her mouth, to kiss her fully. At hindi nagtagal, tumugon siya at sinuklian ng halik ang lalaki. Napatingkayad siya upang ilapit pa ang kanyang mga labi dahil din sa katangkaran nito. Napakapit siya sa batok ng lalaki habang ito ay sinusoportahan rin ang baywang niya. Mas lumalim pa ang bawat halik nila sa isa't isa na maski siya hindi niya alam kung bakit parang naadik siya habang mas tumatagal ang paghahalikan nila. Nalulunod siya at hindi alam kung papaano kakawala sa halik nito, hangang sa ang binata na mismo ang tumapos sa paghahalikan nila. But she wanted to kiss him again, to taste his lips, no, she wants all of him, now.  "How about that? sapat na ba ang halik ko na ‘yan para hindi mo ako makalimutan?" Napakagat siya sa kanyang mga labi bago hinihingal na tinignan ito sa mga mata . "No! it's not enough" Pagkasabi ‘non ay inilapit niya ang sarili sa lalaki at siya mismo ang humalik dito, Tila ibinalik ang mainit na halik na iginawad nito sa kanya kanina lamang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD