Nagpakawala siya ng mumunting halinghing habang patuloy na nilalasap ang matamis na halik ng lalaki. Sa totoo lang para siyang nasabik na hindi niya maintindihan. Hanggang sa nagtagal pa ng ilang segundo at tuluyan na siyang bumalik sa huwisto at malakas na itinulak ang lalaki, pagkatapos ay sinampal ng pagkalakas-lakas.
“Bastos!" Bulalas ni Cecilia.
"Easy, Babe!" gulat na sabi pa ng lalake habang hinihimas ang kanyang namumulang pisngi. Mukhang napa-lakas pa ang pag-sampal ni Cecilia sa kanya dahil tila bumakat ang palad nito sa mukha ng binata.
"Huwag mo kong tawaging Babe, bastos ka!"
"What?, ikaw ang humalik sa akin tapos ako pa ang bastos?" pinaamulahan siya ng mukha bago napasapo sa kanyang bibig. Tama naman siya pero di ‘yon sapat na dahilan para mag-enjoy at magpatuloy pa s’yang makipag-halikan.
"You kissed me first, ikaw ang bastos!"
"Yes I kissed you, and you kissed me back. Noong lumayo ako hinalikan mo uli ako tapos ngayon bastos ako?" nakangiting napailing ang lalaki "Pag katapos mong ma-enjoy ‘yong halik ko sasabihan mo ako ng bastos? come on Babe,"
"Eh kasi inakit mo ako!" napangisi ang lalaki kaya mas lalo siyang nainis "G*go ka, inakit mo ‘ko!"
"And you liked it, pinili mo magpaakit"
"G*go! Hindi no!" nauutal niya pa na sabi bago napatingin sa mga paninda na nagkalat sa sahig "Ayan tuloy, yung mani ko nalaglag!"
"Nalaglag ba? akala ko ba panty lang ang nalalaglag pag kinikilig bakit kasama ang mani?"
"Tang*na mo! yung mani ko! ay este yung mani na paninda ko. Pwede ba? ang kapal din ng mukha mo para sabihin na kinikilig ako sayo. Kung gusto mo ng mani, at mani lang habol mo damputin mo ‘tong mga mani na nahulog na. Tapos isaksak mo lahat sa dalawang butas ng ilong mo, bwisit ka!"
"Okay Miss, babayaran ko nalang ‘yang mani mo,"
hinampas siya ni Cecilia ng tray kaya napahimas ang lalaki sa kanyang tagiliran "Tingin mo sakin bayaran?"
"I mean yung mani na paninda mo. Chill lang kasi honeybunch,"
"Anong honeybunch?! tarantado!" akmang aalis na si Cecilia ng bigla uli siyang hawakan ng lalaki kaya halos gumuhit ang inis sa mukha niya. Habang ang lalaki naman ay hindi magkamayaw sa pagbitbit ng container at tray ng mga nilagang mani niya.
"Kuya naman, parang awa mo na tama na please? gusto mo mani sayo na lang ‘yang mga ‘yan. Gusto mo pati yung mga kita ko ngayon araw na ‘to sa’yo na rin. Tapos bumili ka ng isang damakmak na mani. Kaya please! Parang awa mo na, tantanan mo na ako." Delikado ka sa katauhan ko, mamaya ano pa magawa ko. Sayang ang lahi mo.
"Pero miss, gusto lang kitang makausap,"
"Ano ba! tama na kasi,"
wag ako, marupok ako. Aniya pa niya sa kanyang isipan. Dahil ang totoo, may kakaibang epekto ang lalaking ito sa kanya kaya natatakot siya. Iniisip niya isang demonyo lang ang lalaking ito at inaakit lang siya.
"Sige kalimutan na natin lahat. Tama na, but Miss I just want to talk to you, wala akong gagawing masama kakain lang tayo," Pagkumbinsi pa ng lalaki sa kanya.
"Wala na kong mani, wala na tayong makakain kasi natapon na lahat," sagot niya pa kaya napangisi ang lalaki
"Hindi mani papakain ko sayo" Seryosong sabi nito kaya napahinto si Cecilia at napatitig sa lalaki . Para rin biglang nanuyo ang kanyang lalamunan sa bagay na naiisip.
self taksil ka self
"A-ano ?"
"Dinner, my treat. Kahit diyan lang sa malapit na resto, makabawi man lang ako sa mga mani na nasayang. Syempre pati na rin sa kabastusan ko kanina kasi hinalikan kita," Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Gwapo pa rin , ‘di nagbabago. Maayos ang pananamit at saka bukod sa mabangong amoy nito, mukhang mapagkakatiwalaan naman.
so pag pangit at guray-guray ang nag invite sayo sasama ka?
Siyempre hindi baka ma kidnap ako. Tila pagtatalo ng isip niya, Ngunit hindi siya mapapahamak sa isang to, kaya niya naman ipagtanggol ang sarili sa lalaking ‘to.
Isang mani--ay este bala lang to tumba ‘to.
"Hindi ako sasama sa’yo okay?"
"Treat ko, please have dinner with me,"
Ano ‘yan niyaya niya ba ako mag-date? pagkatapos ng pambabastos niya yayayain niya ako magdate? Akala niya ba sasama ako sa kanya?
"Kaya ko i-treat ang sarili ko mag-dinner pwede ba?" Pagtanggi niya sa lalaki ngunit mas pinakatitigan siya nito, tila may pa-awa sa mga tingin.
"Please..."
"Hindi," muli niyang pag-tangi ngunit tila mas lalong umamo ang mukha ng lalaki
"Please… sige na, pumayag ka na,"
Hindi ako sasama sa gwapo na ‘to. Ang sabi nila ang mga kidnapers ngayon nag di-disguise na rin. Mamaya ma-kidnap ako nito o kaya naman kakampo ng Lucan ito panigurado ma-si-setup lang ako nito.
"Still a no,"
"Please.. I'll treat you any food you want--"
"Still no, Hindi mo ako mapipilit, kahit na ano pa ang gawin mo,"
***
"You said any food I want right?" tanong ko sa kanya, oo alam ko ako na ang pinaka marupok sa lahat pero isipin niyo nalang na baka pag pumayag ako sa gusto niya baka tantanan niya ako di’ba?
Let's emphasize the word “baka”. I'm not sure if this will work but then at least sumubok di’ba?. Baka talaga ako ang naka-virgin sa kanya at gusto niya ng closure kaya hinahabol niya ako ngayon. Hayaan ko na lang kawawa naman siya. Kahit sinasadya naman namin na makuha ang puri ng isa't isa, I feel sorry for him pa rin kasi mukhang mahihirapan siya mag move-on dahil kinuha ko ang bagay na pinaka mahalaga sa kanya. Tama ba ako?.
"Yeah, anything you want Sugar plum," Napa-irap ako ang baduy ng tawagan nito nakakapang-init ng ulo. Tinuon ko lang yung pansin ko sa menu bago tinignan ang mga pagkain. Lahat mamahalin saka mukhang masarap, treat naman niya at sabi niya kahit ano kaya pipili ako ng mamahalin. Tinawag ko yung waiter at agad nama lumapit "Kuya gusto ko yung rib eye steak, pasta margherita, baked new zealand mussels saka pork sisig,"
"Iyon lang po ba Madam?"
"Ay wait, samahan mo na pala ng pan honey salmon saka baked lobsters tapos extra rice," Sabi ko pa bago isinara ang menu napatingin ako sa lalaki at halatang nagulat siya sa mga order ko. Eh sabi niya anything I like diba?, gusto ko ‘yan lahat. Sakto at pancit canton lang ang kinain ko. Tapos kanina pang almusal ‘yon.
"Okay na po ‘yon Madam?"
"Yes" nginitian niya ang waiter at akmang aalis na ng napatingin siya sa lalaki, "Teka saglit, ‘di pa nakaka-order kasama ko,"
Tila nagtaka naman ang waiter dahil inakala nito na para na sa kanilang dalawa ang na-order ko. "Po? hindi n’yo pa po ba order yon dalawa?" Umiling ako at malawak na nginitian ang waiter "Hindi akin lang ‘yong mga na-order ko. Siya tanungin mo siya kung ano gusto niya," Nanlaki ang mata ng waiter pero nginitan lang siya ng lalaki
"Sir?"
"I'll just have rib eye steak and wine please. Don't mind my wife she's pregnant that's why I let her have what she wants. Alam mo naman pag naglilihi" Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala na tinitigan siya. Umalis na yung waiter pero ako nanatiling naka tingin sa kanya kasi g*go ba siya? ako buntis?.
"The hell did you say?"
"Why?"
"Anong why?" ang kapal talaga ng mukha niya may pa why why pa siya makaakto siya akala mo close kami.
"You ordered almost everything on the menu, like you're pregnant with our baby,"
"Wow! Anong baby? Gago ka ba?," sigaw ko habang halos tumayo na ako mula sa kinauupuan ko kaya lahat ng tao napatingin samin
"Oh easy, peanut binibiro lang kita,"
"Peanut mo mukha mo!" muli akong umupo sa upuan ko. Naku! nakakahighblood ‘tong lalaking to. Bakit ba pinanganak ito sa mundong ‘to?
"Masyado kang seryoso wag masyadong mainit ulo,"
"Ano ba kasi kailangan mo ha?" Uminom ako ng tubig para medyo kumalma. Nakakabwisit itong lalaking to eh. Kung gaano kasaksakan ng pogi ganoon din kasaksakan ng kabwisitan at kamanyakan. Di’ba nga hinalikan ako kanina?.
"I just want to know you more," wika nito habang hindi naaalis ang mga ngiti sa labi n’ya.
"Well I don't"
"It's fine, but I will assure you that I will make you mine," Halos maibuga ko yung tubig ‘di ko alam kung tama ang narinig ko "Ano kamo?"
"Nothing, do you have a name?" Aba g*go to, tingin niya sakin wala pangalan?
"Meron, pero hindi ko sasabihin sayo," ano siya? Sinuswerte para sabihin ko sa kanya ang pangalan ko?.
"It's okay , I'll call you peanut then,"
"Tang*na mo, bakit peanut?" pakiramdam ko may sayad na ang lalaking ‘to sayang gwapo pa naman.
"Kasi nga di’ba ayaw mo na tinatawag kitang honey bunch?, then I'll call you peanut, and besides I already ate your peanut and you're sweet as peanut" halos maibuga ko na naman ang tubig. Hindi ako makapaniwala sa pinasok kong ‘to. bakit ko ba kausap to?. Hindi, paano ba ako ako nakumbinsi nito na sumama?
"May pangalan ako, Okay?!"
"Eh ayaw mo ibigay ang pangalan mo eh," ano ‘to bi-na-blackmail niya ako? mamaya talagang kidnaper to tapos hanapin niya sa Philippine statistics ang pangalan ko tapos ayon ipadukot niya ako. Kung ganon hindi niya ako masisisi kung mapatay ko siya. Kaso iniisip ko talaga na sayang naman lahi niya. Magandang lalaki pa naman. lalaking lalaki saka yung ano, yung ano niya? iilan na lang ang gwapo na mabango pa tapos malaki pa ang ano.
Baka pwede ko siya bigyan ng chance?
"At bakit ko ibibigay ang pangalan ko aber?"
"Kasi may pinagsamahan tayo," wika pa nito kaya mas tinaasan ko siya ng kilay.
"Saan banda?" ngumisi siya bago nagpalumbaba sa lamesa at tinitigan ako
"You can't remember?," Napalunok ako ng halos hindi ko maiwas ang tingin ko at wala akong magawa kundi ang titigan din siya sa mga mata. And that moment tila nanumbalik lahat ng nangyari ng gabing iyon. Malinaw pa sa tubig na nasa baso ko. Naalala ko yung halikan namin, yung mga haplos niya sa katawan ko. ‘Yong paraan kung paano niya sambahin ang mga dibdib ko pababa sa pusunan ko hangang sa magtama ang mga mata namin habang nasa pagitan siya ng mga hita ko. Tila naramdaman ko pa ang mainit niyang labi na dumampi sa p********e ko na naghatid ng libo-libong kuryente mula sa aking kaibituran. Ramdam na ramdam ko ang daliri niya dahan-dahang humahalplos sa hita ko, dahdan-dahang inaangat ang palda ko, umaangat hangang sa marating ng mga kamay niya ang pagitan ng hita ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at napakagat ako sa pangibabang labi ko ng maramdaman na haplosin niya ang p********e ko na natatakpan pa ng underware ko. Onti-unting iginigilid iyon hanggang sa nararamdaman ko ang daliri niya. Rubbing my sensitive spot, spreading my wetness on his two fingers
"You are wet babe,' napatitig ako sa kanya , sa mga mata niya ,
Nanaginip pa ba ako o totoo na to? Totoo na to. Blanko lang ang mukha niya na tila akala mo walang ginagawang kababalaghan ang malilikot niyang kamay sa ilalim ng mesa. Napaawang ang mga labi ko when I felt his thumb pressing and rubbing my cl*t
"Oh God"
"Don't worry babe, I'll take care of it--but keep it down I don't want them to know what we're doing," napatango siya na tila alipin sa lalaking ito. Nanatili lang siyang nakakagat sa ibabang labi niya upang pigilan ang mga ungol habang pabilis ng pabilis ang pag paghimod ng daliri nito sa hiyas niya.
"I'm c--"
"Shhh I know" pagka-sabi niya ‘non ay naramdaman niya na ipasok nito ang dalawang daliri sa loob niya ,
"Oh.." napasapo siya sa kanyang mukha at ilang segundo lang ay nararamdaman niya ang sariling katas na bumalot sa daliri nito. Nanginginig ang kanyang mga binti at halos mamutla siya sa sarap na pinalasap sa kanya ng lalaking ito.
"Feels good?" muli siyang tumango at napabuntong hininga pakiramdam niya mawawalan siya ng malay napangiti ang lalaki at hinaplos ang mukha nya "Still not going to tell me your name?'
"Cill---Cecilia, ---You are?"
"Hi Cecilia" kinuha nito ang palad ni Cecilia at hinalikan "I'm yours,"
***
I'm yours I'm yours ,hayop na ‘yon! nasa resto kame nilapastangan niya ang mani ay este p********e ko. ‘Di na nahiya!, ‘Di namili ng lugar! Napaka bastos talaga!. Napasapo ako sa mukha ko ng maalala ‘yong lalaking ‘yon. napaka bastos talaga, ‘di na namili ng lugar, tapos si ako naman pumayag din. Kung ‘di ka rin gaga, napaka-rupok mo talaga!
"Marupok! marupok! saksakan ka ng rupok!, tinalo mo pa ang otap sa karupoukan" naiinis niyang sabi sa sarili at binatukan ang sarili.
"Marupok? sinong marupok?” narinig niya sa ear piece na kanyang suot. Boses iyon ni gabbi, bakit niya nakalimutan na naririnig pala siya ‘nong babaeng iyon
Tignan mo di lang marupok, ang tanga pa.
"Yong bangko na inuupuan ng bantay marupok, any time babagsak na siya,"
"Ha?"
"Ay, wala wag mo na ako pansinin," Muling natahimik sa pagitan nila. Kasalukuyan siyang nasa kisame sa loob ng building na minamatyagan niya. Mabuti na lang ay napasok niya ito ng madali kanina. Sa ngayon kumukuha siya ng tyempo para malusutan yung apat na bantay sa may tapat ng pintuan ng silid, kung saan nakatago ang susunod na clue at ang isa sa mga posibleng kayamanan.
Kanina pa siya nasa kisame ngunit sa tuwing matatahimik siya at lilipas ang oras na nakatitig siya sa may pintuan ay hindi niya mapigilan na maalala ang lalaking iyon
Ang tanga-tanga ko rin, ni minsan sa talambuhay ko ni hindi pumasok sa isipan ko ‘yong ganon. Isa pa, hindi ko maisip na sasabihin ko ang totoong pangalan ko sa lalaking ‘yon na para akong na-gayuma talaga. Ni wala man lang paligoy-ligoy?
Cecilia and you?
Di’ba ? Tanga-tanga?!
"Tang*na" hindi niya sinasadyang masabi kaya tila napatingin ang mga bantay sa paligid nila.
"Shhhh.. Cill anong problema?" tanong ni Gabbi kaya napangiwi siya, hindi naman niya sinasadya na magsabi pa ng kung ano-ano na salita.
"Wala"
"Cill, focus. May misyon tayo, wag muna mag isip ng kung ano-ano"
"Wala naman akong iniisip" Syet talaga, ikakapahamak ko pa yung mga iniisip ko ngayon eh. Isa pa, talagang lagot ako pag nalaman ni Gab na sinabi ko ang tunay kong pangalan sa ibang tao. Malamang mag-ala Ms. Minchin na naman ‘yon
"Kahit na, baka mapahamak ka diyan, isa pa posible na isa sa mga kayamanan ay nakatago rin sa silid na ‘yan kaya mag ingat ka,"
"Alam ko ‘yon Gab wag kang mag-alala" Narinig na lang niya na napabuntong hininga si Gabbi sa kabilang linya.
Muli siyang umayos mula sa pagkakadapa sa maliit na siwang sa kisame. kung tutuusin kayang kaya niyang patayin ang apat na lalaki na bantay sa silid ngunit magiging mapanganib dahil maaring may mga trap sa loob o kaya naman makatawag ng pansin sa mga bantay pa mula sa labas. Kaya kumukuha pa siya ng tamang tyempo na mag-palit o mabawasan man lang ang mga bantay bago siya bumaba at kunin ang clue sa vault. Ilang saglit lang ay may limang lalaki na pumasok sa silid na iyon. Hindi niya kilala ang mga iyon pero nakakasiguro siya na mataas ang tungkulin ng mga iyon sa pamilya ng Lucan. Sinundan ito ng lima pang lalaki na mukhang bantay ng naunang lima at paniguradong mayroon din sa labas ng silid.
Hindi iyon ang inaasahan niya dahil paniguradong mahihirapan siya ng tiyempo para umatake, tiyak na magiging mapanganib ang misyon. Ngunit sa hindi niya pa inaasahan ay may isa pang lalaki na pumasok sa silid. Naka-itim ito at nakasuot ng maskarang itim, matangkad at matipuno ang katawan. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya ngunit nakaramdam siya ng kakaiba ng makita ito.
Parang bigla siyang pinagpawisan at kinabahan. Parang pamilyar ang lalaki pero hindi niya alam kung saan niya nakita ito. O nagkita na ba sila nito?.Ito ba ay isang lucan?. Tila nakaramdam siya ng galit at kaba. Kung ito nga ay si Olivero, parang napakadali naman ata na pag-tagpuin ang landas nila. Kung si Olivero nga, napaka dali na lang niyang bunutin ang baril at patamaan ito sa puso. Na kahit alam niyang wala siyang lusot kung mangyari iyon ay wala na siyang pakialam. Kaya niyang ibuwis ang buhay niya matapos lang ang kasamaan ng lalakeng iyan at ng buong angkan niya. Ngunit hindi rin malabo na hindi ito si Olivero. Maingat ang isang iyon at bahag ang buntot sa pagharap sa mga kalaban. Kung kinakailangan ubusin niya muna ang mga tauhan niya ay gagawin niya bago pa siya tuluyang kumilos at harapin ka. Marami ang galamay ng demonyong iyon at alam niya na maaring nililito lamang sila nito lalo na matapos noong gabi na namatay si Isidro malamang matinding pag-iingat ang ginagawa ng kampon nito.
Kinuha niya ang pin sa kanyang damit at mas iginaya pa sa maliit na siwang na kanyang dinudungawan. Kumuha siya ng ilang litrato gamit ang pin na iyon na maari nilang gamitin ni gabi para mas maging pamilyar sa mga kalaban nila. Pagkatapos ay muling tumuon ang pansin niya sa mga tao sa loob ng silid. Dahan-dahang naglakad ang lalaki papunta sa may vault. May isang lalaki na lumapit sa lalaking naka suot ng maskara at bumulong ito doon.
"Pinapatanong ni pinuno kung maayos ba ang pagbabantay sa vault" wika ng isa sa mga bantay na binulungan ng lalaking nakamaskamaskara. Yumuko naman ang mga bantay "Opo mahal na pinuno, matinding pagbabantay ang ginagawa namin"
Tumango ang lalaki at bumulong uli sa lalaki. Napakunot tuloy ang noo niya, mas lalong naging misteryoso ang lalaki na iyon sa kanya. Bukod sa pamilyar ang tindig nito at kung marinig niya lang sana ang boses nito maaring makilala niya ang lalaking naka maskara pero hindi eh dahil bawat sasabihin nito ay ibinubulong nito sa isa sa mga bantay.
"Nais ng pinuno na makita ang laman upang makasiguro" pinalabas ang iilan sa mga bantay at ang tanging naiwan ay ang lalaking naka maskara. Napangiti siya ng tumango ang mga bantay at binuksan ang vault. Hindi niya winaglit ang kanyang mga mata sa ginawa ng mga iyon, minabuti niya rin na naka-on ang camera niya na maari niyang gamitin mamaya kung sakaling mahirapan siya na buksan ang vault.
Tila nakakasilaw ang laman ng vault. Na bukod sa itim na sulat na nakasandig sa salamin na lalagyan ay isang kayamanan ang nakakubli at natatakpan ng mga ilaw. At alam niya kung ano iyon.
Upavita o ang Sacred Thread o “Sablay” kung tawagin nila, ten-pounds of gold lang naman ito woven into three layers of miniature balls a thousand years ago. Tanging ang mga nakakataas lamang may maaring magsuot ng upavita. Slung across the chest for religious, healing and protection purposes, isa ito sa pinaka puro at pinaka mabigat na ginto. Ito ang isa sa pinakamahalagang kayamanan ng kanilang angkan. Ilang taon ang ginugol para matapos ang isang ‘to. Isa ‘yan sa mga libo-libong mamahaling alahas na ipinaghati-hatian ng mga nagnakaw ng mga kayamanan.
Sisiguraduhin kong makukuha ko iyan.
Ilang saglit ang nagtagal ay isinara ang vault. Muli, bumulong ang lalaki sa isa sa mga bantay at muling ibinalik ang takip. Hindi niya winaglit ang kanyang pansin hanggang sa lumabas ang lalaking nakamaskara. Hinihintay niya na pumasok uli ang ilan sa mga lumabas na bantay ngunit dalawa na lang ang naiwan sa loob. Nakita niya itong pagkakataon para makuha na ang laman ng vault. Bitbit ang isa sa mga dagger niya at mabilis siyang kumilos at tumalon mula sa kisame na kinagulat ng dalawang bantay. Ngunit bago pa man makabunot ng baril ang dalawa ay sumirit na ng dugo mula sa mga lalamunan ng mga ito. Ganon siya kabilis, ganoon niya kadaling napatay ang dalawang lalaki. Napapikit pa siya ng maramdaman ang mainit na dugo na tumalsik mula sa kanyang mukha, pinahid niya iyon gamit ang likod ng kanyang palad bago mabilis na tinungo ang vault. Naalala niya pa ang code na ginamit kanina kaya madali niya lang iyon na nabuksan. Hindi mawala ang labis na tuwa ng masilayan ang isa sa mga kayamanan ng kanilang angkan. Para siyang maluluha ng hawakan niya iyon at inilagay sa kanyang bag kasama ang itim na sulat. Dinampot niya ang baril ng dalawang bantay at binitbit iyon upang tumakas na. Ngunit isang malakas na putok ng baril ang kanyang narinig, isa sa mga bantay ang muling pumasok sa silid at muli siyang pinaputukan nito. Mabuti na lang at nakaiwas siya at dali-daling tumakas mula rin sa daan na tinahak niya kanina.
Matinding kaba ang nararamdaman niya sabayan pa ng pagtulo ng pawis mula sa kanyang mukha. Alam niyang nakatawag ng pansin ang mga tunog ng baril mula sa silid at maaring may mga nakaabang na sa kanya sa labas. Ngunit hindi siya dapat panghinaan ng loob, kailangan niyang makatakas. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito ng buhay at kasama ang itim na sulat at ang kayamanan na nakuha niya. Hindi nga siya nagkamali dahil ng siya ay makalabas sa building ay ilang putok pa ng bala ang humabol sa kanya, ngunit mabilis niyang nakatakas, tumakbo lang siya ng napakabilis hanggang sa hindi na niya alam kung nasaan siya.
Naramdaman niya ang hapdi mula sa kanyang tagiliran, hinawakan niya iyon at halos pamutlaan ang kanyang mukha ng makakita ng dugo. Nanlalabo ang kanyang paningin at unti-unting nawala ang kanyang malay.