"Gabriella, I'm back!" masayang wika ni Cecilia nang makapasok siya sa kanilang headquarters, kanina pa kasi siya hinihintay nito at alam n’ya na umuusok na ang ilong nito dahil natagalan siya. Masisisi niya ba ang sarili, eh ang hirap hirap kumilos?, She can't even move her legs kung hindi niya lang naisip na maaaring maabutan siya ng kampo ng lucan ay hindi siya mapapabalikwas nang tayo para iwan yung gwapong na lalaki na iyon. Hindi malabo na nakita na ng mga Lucan ang bangkay ni Isidro kaya hindi malabo na pinaghahanap na siya ng mga ito. Napansin niya din kanina nang paglabas niya sa silid ay may ilang kalalakihan na mukhang hindi mapakali at maaaring dahil iyon sa nangyari kay Isidro. Ganoon pa man, ang namagitan sa kanila ng misteryosong lalaking iyon ay walang ibang ibig sabihin. Nagawa niya lamang iyon para sa protektahan ang totoong dahilan ng kanyang pinunta sa lugar na iyon,
"I miss you, Sister," aniya pa bago akmang yayakapin si Gabriella ng biglang umalis ito sa dadaanan niya, baka may regla kasi ang aga-aga napakasungit.
"Oh come on, stop that,"
"Na-miss lang kita,"
"Cecilia, naman."
“Wow! I miss you more salamat ha?"
"How are you? may masakit ba sa’yo? alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa’yo?"
yung buong katawan ko masakit "Ayos lang ako,"
sagot naman niya bago kinuha ang kape na nasa lamesa. Hindi naman nawala ang titig sa kanya ni Gabriella kaya pinanlakihan niya ito ng mata, Kung makatingin kasi ito tila mapapaamin siya "Ano?" Hinatak nito ang buhok niya "You know I needed to turn off the headset," halos mabuga ni Cecilia ang iniinom niyang kape "Can you explain to me what happened last night?"
"What? ayon mission accomplished," ngumiti pa ito at itinaas ang papel na nakuha niya sa silid ni Isidro. Ito ang itim na papel kung saan makakapag-turo sa mga susunod pa na clue na kakailanganin nila para mahanap ang nawawalang kayamanan ng kanilang pamilya.
"Not about that, about last night" panuusig pa na sabi nito kaya kunwari na kumunot ang noo niya, It can't be, hindi dapat na malaman nito ang isang katangahan na ginawa niya. Ang isang katangahan na-enjoy niya, Hanggang ngayon ay namamaos at namamaga pa din ang kanyang lalamunan dahil napaka laki talaga, mabuti na lang at uminom siya ng salabat dahil may salabat sa apartment na inuupahan niya. "Yong misyon lang ang ginawa ko kagabi,"
No other than my mission, wala naman akong alam maliban sa mission ko, yun lang at ang alam kong mission. No other than that mission---nary, ay gaga!! erase, erase! hindi kasama ang isang yan.
"Mission?"
"Yes, mission—nary," nabilaukan muli siya nang hampasin siya ni Gabriella.
"Come on Cecilia, hindi ako bingi. I heard everything, Ay! hindi pala lahat dahil ayokong marinig ang mga pinagagawa mo, kaya wag ka ng magsinungaling sa akin dahil alam kong may iba ka pang ginawa kagabi,"
oo nga, yung missionary nga,
"Paano mo naman nasabi?" patay malisya muli na sabi ni Cecilia kaya napairap si Gabriella
"Because, I heard it at hindi ka sumasagot agad,"
"Talaga? eh paano mo naman nasabi?'
"Cecilia!"
"Paano mo nasabi?" muling hinatak ni Gabriella ang buhok niya. "Stop it!"
"It's nothing Gab, chill lang!, Malayo sa bituka yung nangyari, pero sa matris oo"
"Ay, gaga! meron nga?"
"Oo nga!" buntong hininga pa nito kaya napasapo si Gabriella sa mukha niya “Narinig mo nga di’ba? Pero hayaan mo na,” kahit ano naman gawin kong palusot ay mahuhuli at mahuhuli ako ni Gabriella.
"Nababaliw ka na ba? bakit?” Bakit? hindi ko din alam, it just happened at ginusto ko din naman, pero it doesn't mean na nangyari ‘yon ay may magbabago na, maliban lang sa hymen ko na winasak niya wala na siyang nakuha sa’kin na iba dahil ako pa rin ito.
"It happened kasi wala akong choice, hinahabol ako ng isang Lucan at hindi niya ako pwedeng makuha,”
“Cecilia, Alam mo ang tradisyon,”
"Na ano? na bawal akong umibig? that I should isolate myself from men? na kung may iibigin man ako ay ‘yong lalaki na maaaring ipagkasundo nila sakin? paano? eh dadalawa na nga lang tayo Gab, ni hindi natin alam kung may natitira pa na mga kalahi natin,"
Napayuko si Gabriella bago napabuntong hininga "Kapag nahanap na na’tin yung nawawalang kayamanan at maibalik yung mga nabuwag na tribo alam mo naman ang mangyayari sa’yo diba? ikaw pa rin ang Binukot at mananatili kang Binukot. Wala mang Hiraya, pero may ipagkakasundo pa rin ang Circulo sa iyo at hindi mo mapipigilan iyon,"
"Alam ko yon," totoo naman, kapag natapos na itong laban at naibalik na ang lahat, I need to follow the tradition, kailangan mag-desisyon ang mga naiwang lahi kung sino ang susunod na mamumuno and I will remain as a warrior, the untouched Princess, to be isolated from everyone at walang gagawin sa buong buhay ko kundi ang aralin ang sining at tradisyon para habang buhay iyon maisalin sa mga susunod pang Henerasyon. I need to sacrifice myself para sa Salinlahi, una pa lang siya na ang ini-alay, siya ang nakatakda na magpatuloy ng tradisyon, nawala man at nag-laho ang angkan niya kailangan niya pa rin ipagpatuloy ang tradisyon "Alam ko iyon Gab hindi ko ‘yon makakalimutan, Pero sa laban na ito paano naman kung mamatay ako? Hindi na’tin masasabi ang maaaring mangyari, kaya okay na to at least kapag natapos na ang lahat ng ito at muli nila akong ikulong sa silid na karangalan edi at least kahit isang beses sa talambuhay ko ay nakatikim naman ako t*ti" muli siyang nahampas ni Gabbi bago ito tumawa, "Oh my God! hindi kita kinakaya,"
"Edi natawa ka, masyado ka nang seryoso. Gab, I know my responsibilities, alam ko rin na ganoon ka sa tungkulin mo. But then, hindi makakapatay ng isa sa mga tauhan ng Lucan kung lagi kang nagsusungit at sisimangot, kasi kung ganoon malamang ubos na ang buong lahi nila"
napangiti si Gabbi kaya lumapad ang ngiti niya "Iyan nga, ‘di ka na mukhang si Miss. Minchin,"
ngunit ‘di nagtagal ay bumalik ang pag-aalala sa mukha nito "Pero yung marka mo? nakita ba niya?"
"Don't worry, I covered it up" naisip niya na maaaring mapanganib ang misyon niya lalo na nang makita niya ang damit na isusuot niya mabuti na lang at tinakpan niya nang foundation ang buong likod niya kaya hindi iyon kita, nanatili itong nakatago tulad ng nakagawian niya.
"Buti naman, kundi magiging delikado ang buhay mo lalo na kapag nakita nila iyon"
"Shhh--if ever naman na makita nung boy toy ko noong isang gabi yung marka ko, ‘di naman magiging big deal iyon dahil I know he's not one of them, mapagkakamalan lang ito na ordinaryong tattoo" Hindi pangkaraniwan ang kalakihan ng chenelin ng lalaking iyon pero nakakasiguro siya na pangkaraniwang lalaki lang ito. Pangit ang angkan ng Lucan at nakakasiguro siya na ‘di kabilang ito doon kundi siya mismo ang kikitil sa buhay nito.
"Kahit na dapat lagi ka pa din mag-ingat" tumango si Cecilia bago ibinaba ang kanyang tasa, napalinga-linga pa siya sa paligid na tila may hinahanap "Teka asan na si Buninay? hindi niya ako sinalubong"
"Nandiyan lang ‘yan sa tabi-tabi,tawagin mo na lang,"
"Naku! kung saan-saan talaga nagsusuot iyong pusa na iyon" napatayo siya at sinimulang tawagin si Buninay
"Buninay! ming ming ming! Mommy's here!"
"Buninay! miming swwswswsws" wika niya pa at ‘di nagtagal ay lumitaw si buninay at dali-daling tumakbo papalapit sa kanya
"Buninay! I miss you!" magiliw niyang sabi ng bigla siyang dambahan nito dahilan para matumba siya "Miss na miss ko ang pusa ko na ito,”
"Come on Cecilia, stop pretending na she's just a harmless kitten, di pusa si Buninay,"
napasimangot siya "Bakit lahing pusa naman ang mga Tigre ha? ‘di ba Buninay?" umangil ang tigre at mas lalo pang nagsumiksik sa kaniya napailing na lang si Gabriella nang makita na magharutan si Cecilia at ang alaga nitong tigre na tila akala mo maliit na pusa lang na napulot nito sa kalsada.
"Miss mo ba ako, baby? di bale lagi kitang dadalawin kapag may vacant ako at walang misyon, lagi ka bang sinusungitan ni Ate Gabbi dito? hayaan mo siya, tatanda iyang dalaga sa kasungitan niya, walang Datu ang magpapakasal sa kanya pag ganiyan siya, mas mabuburo pa ang pempem niyan sa binurong alamang sa probinsya nila"
***
"Mga bobo! ang dali-dali lang pinapagawa ko pero nalusutan kayo? papanong hindi ninyo alam kung anong nangyari? paanong hindi n’yo napansin? sige nga paano mamatay si Isidro na ni isa sa inyo walang nakapansin?. Tapos wala pang traces kung sino ang may gawa?! o ano ngayon?" galit na wika ni Arim bago hinampas ang mesa, kanina pa ito galit at nagwawala dahil nang pasukin nila ang silid ni Isidro na isa sa mga bantay nila ay patay na ito. Laslas ang leeg at halos maligo na sa sariling dugo. Walang nakapansin, walang may alam kung sino ang may gawa nito, pero isa lang ang nasisiguro nila ay nawawala ang itim na papel kung saan nakasaad ang mga impormasyon sa susunod na auction ng kayamanan. Nasa likuran ni Arim si Olivero na tahimik at nakikinig lamang. Napapaligiran ito ng kanyang mga nag-ga-gandahang asawa, na walang ginawa kundi ang pagsilbihan siya. Ang isa sa mga ito ay sinasalinan siya ng alak, ang isa ay minamasahe ang kanyang balikat habang ang isa ay nakaupo lamang sa kanyang kandungan.
"Hahanapin namin kung sino ang may sala mahal na Pinuno" sagot pa ng isa sa mga tauhan ngunit agad na bumunot ng baril at pinatamaan ito diretso sa ulo na agad ikinamatay ng lalaki.
malupit ito at walang sinasanto, ngunit ang ginawa nito sa isa sa mga tauhan niya ay hindi na bago. Tila wala nang imik ang mga tauhan niya sa paligid at matapang pa rin na naglilingkod sa kanya ang kung sino man ang makitaan niya ng kahinaan ay agad niyang kikitilin ang buhay, sapagkat walang lugar ang mahihina sa grupo nila.
"Pinatakas ninyo! sige nga paano n’yo hahanapin ni isa sa inyo walang nakakaalam kung sino ang kumuha! mga p*tangina, walang silbi!" galit ni Arim bago napatingin kay Olivero “humingi kayo nang patawad sa Pinuno!”
"Patawad, Pinuno!" lumuhod lahat ng tauhan nito, napailing at iniabot ni arim ang baril na kanyang hawak sa isang babae niya “Gumawa kayo ng paraan kundi lahat kayo papatayin ko!"
"Opo mahal na Pinuno,"
"Ano nanaman ang problema?" nakatingin sila sa isang lalaki na lumabas sa pinto na nahaharangan ng pulang tela. Matipuno ang pangangatawan nito, nakasuot ito ng itim na pantalon at pang-itaas, maayos at malinis ang itsura sa suot nito suit, may pagka-moreno, may kahabaan ang buhok na bahagyang natatakpan ang maganda at itim nitong mga mata, tila nakadagdag ng kakisigan nito ang suot nitong hikaw sa kaliwang tenga kaya halos lahat ng babae na Lucan ay napatingin sa kanya
"Mabuti naman at nandito ka na Agos" ani ni Olivero sa kanya bago inabutan siya ng baso na may alak tinanggap niya iyon ngunit hindi ininom at pasimple na lang na inilapag bago napatingin sa bangkay na nakahandusay sa sahig, Hindi na siya nagtaka at inisa-isa nalang ang mga papel sa lamesa "May problema ba?" itinaas ni Olivero ang kaliwang kamay hudyat upang iwan sila ng mga tauhan nito, at tanging sila nalang ni Agos ang naiwan.
"Patay na si Isidro" napatitig lang sa kanya si Agos nang kalmado habang hinihilot pa ang sentido nito "At hindi lang iyon dahil nawawala ang itim na papel" tila bumalik ang inis sa itsura ni Olivero kaya na-bato nito ang baso na kanyang hawak "Hindi ko talaga sila maasahan, lagi na lamang palpak sila tumabraho.”
"Mayroon ka na bang ideya kung sino ang gumawa?"
Umiling si Olivero at umupo sa pag-isahang upuan habang hinihilot pa ang kanyang sintido "Wala, pero kung sino man na kumakalaban sa atin, makakasiguro ako na hindi magtatagal ako mismo ang kikitil sa kanyang buhay. Gusto ko ang mga kamay na ito ang tatapos sa buhay niya at sisiguraduhin ko na maghihirap siya hanggang sa huli niyang hininga," nabasag sa kamay nito ang hawak niyang baso at agad na dumaloy ang dugo sa kanyang mga daliri ngunit tila manhid si Olivero upang maramdaman ang kanyang sugat "Papatayin ko rin siya katulad nang pag-patay ko sa mga humadlang sa paghahari ko," Gigil na wika pa nito bago napatingin sa mga telang may marka na naka-sabit sa malawak na dingding ng silid. Iyon ang mga simbolo ng bawat tribo, mga angkan na kinitil niya upang mapasakanya ang kapangyarihan. Mga simbolo ng mga taong nagbuwis ng buhay upang pangalagaan ang natatanging kayamanan na ninakaw niya at ng mga sakim na Lider ng Republika. Kayamanan na isinalinlahi ngunit pinag parti-partehan ng mga taong bumaliktad sa pinakamalakas na tribo na matagal na itinago ng pamahalaan. Ang simbolo na sa tuwing nakikita niya ay tila naririnig niya ang bawat iyak at sigaw ng mga tao na pinatay nila ngunit para sa kanya isa iyong musika dahil patunay iyon na siya ang pinakamalakas. Ang dalawangpu't dalawa na simbolo sa dingding niya ay ang dalawangput dalawang tribu na tila nabura sa kasaysayan na parang bula, at ang isa sa mga simbolo ay ang nasa pinaka nasa tuktok, iyon ay ang Tribo ng Hiraya. Nakasulat sa Baybayin at dalawang magkabiyak na Dragon ang nasa paligid. Napatingin si Agos sa simbolo na iyon na tinitigan din ni Lucan.
"Titignan ko ang makakaya ko, hahanapin ko kung sino man ang kumakalaban sa’yo at ako mismo ang magdadala sa kanya sa harap mo,"
Napangisi si Olivero "Kahit kailan talaga Agos maasahan ka, hinding-hindi ako nagkamali sa’yo, at alam ko balang araw maipagpapatuloy mo lahat ng nasimulan ko, ang paghahari ng angkan ng Lucan sa Bansang ito,"
****
Napabuntong hininga si Agos bago uminom ulit ang alak na kanina pa niya pinakatitigan, kulay pula ito, kulay pula na maihahalintulad sa dugo, mabango at humahalimuyak ang matapang na aroma nito sa kanyang ilong, Kulay dugo, halintulad sa mga labi na humalik sa kanya nung gabing iyon, mga labi na sumamba at tumatak sa balat at buong katauhan niya. Hanggang ngayon rinig na rinig niya pa ang mapang-akit na boses at daing nito, ang pag-lalim ng hininga at bilis ng t***k ng puso nito habang mabilis at marahas niya itong inaangkin. Ramdam niya pa rin ang hapdi ng kanyang likuran dulot nang pag-baon ng mga kuko nito sa kanya. Ang kagat nito sa balikat at leeg niya, hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip niya ang maamo at pawisan nitong mukha, ang bahagyang nakaawang na mga labi nito habang pabilis nang pabilis ang galaw nila. Tila sumikip ang kanyang pantalon nang maalala ang babaeng iyon, nang maalala niya ang pag-titig ng mga mata nito sa kanya na halos hatakin ang pagkatao niya at ngayon ay unti-unting bumubuhay sa p*********i niya. Hindi init lamang ng katawan ito, hindi pwedeng maapektuhan siya ng alindog nito. Ngunit bukod sa makakahibang na alindog nito may isa pang bagay na nakakapag pagulo sa isipan niya. Isang bagay na dahilan kung bakit halos hindi niya ma-kontrol ang sarili upang angkinin ang babaeng iyon, Kung bakit naapektuhan siya hanggang ngayon.
Muling pumasok sa kanyang isipan ang malaking marka ng dragon sa likuran nito na halos bumalot sa buong likuran ng dalaga. Magmula sa kanyang balikat pababa sa kanyang tagiliran,
sinubukan nitong itago ang marka nito sa likuran ngunit dahil sa pawis na nagmumula sa katawan nito at katawan niya ay dahilan upang unti-unting lumitaw ang napakalaking marka nito. Dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang kamay sa likuran nito, sinundan ang disenyo ng malaking dragon na nakakapit sa malaking buwan habang patuloy niyang inaangkin ang babae ng patalikod, Hinalikan niya pa ang balikat nito hanggang sa tuluyang hindi na niya napigilan ang sarili na sambahin na tila wala nang katapusan ang babaeng iyon. Ang kanyang labi, ang kanyang mga daing, bawat paghaplos at paghalik, ang paraan nang pagtitig nito sa kanya at ang malaking marka na itim dragon nito sa kanyang likuran ang dahilan kung bakit tila nawala siya sa kanyang huwisto. Ang dahilan kung bakit tila mas naging magulo ang isip niya, dahil ang Marka na iyon ay ang dragon sa panaginip niya, sa panaginip niya na matagal nang dumadalaw sa pagtulog niya simula bata pa siya ay ang iisang dragon din na nasa simbolo na nakasabit sa dingding ng silid ng kamatayan na ginawa ni Olivero. Ang dragon na simbolo ng Hiraya ang Bakunawa
"Sino ka ba?" muli niyang tinitigan ang larawan na kanyang ginuhit, ang larawan ng babaeng iyon na kanyang kaniig ng gabing iyon, muling napatingin sa marka ng dragon sa likuran nito
"Bakit may marka ka rin ng itim na dragon na katulad ng sa akin?"