Kabanata 6

2384 Words
Pinalitan niya muna ang tubig bago nilagyan iyon ng yelo at bumalik sa silid. Pagkabukas na pagkabukas niya ay ang maamo nitong mukha ang bumungad sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit at ibinaba ang hawak na tray sa side table, bago kinuha ang bimpo sa noo ng babae. Tulog pa rin ito simula kagabi, hindi niya inaasahan na makikita si Cecilia sa lugar na iyon. Nang umugong kasi ang malakas na alarm ay agad siyang lumabas at minantyagan din ang paligid, at sa hindi inaasahan ay nakita niya nga si Cecilia.  Anong ginagawa mo sa lugar na iyon?, tanong niya iyan sa kanyang isipan pagkatapos ay napatingin siya sa binti nito na may daplis ng bala. Saan mo nakuha yan?, Sino ka nga ba talaga? Ano bang kaugnayan nating dalawa?  Ang dami niyang gustong itanong sa babae na ito. Ngunit hangat hindi siya nakakasiguro sa tunay na anyo nito ay hindi siya dapat mag pakampante na magtanong lang basta-basta.  Hindi niya alam kung kakampi nga ba o kalaban ang babaeng ito. Saan ba talaga siya panig? 'yon ang kanyang aalamin. Gagawin niya ang lahat, mapaamin ang babaeng ito.  Pag-ibig.. isa iyon sa mga kahinaan ng mga babae. Kung malakas sa pisikalan ang baabeng ito malamang madali niya lang madadaan ito pagdating sa emosyon.  Madali lang iyon, sa dami nang nagkakandarapa sa kanya malamang agad niyang mapapaikot sa kanyang mga palad si Cecilia. At kapag nangyari iyon malalaman niya lahat-lahat ng itinatago nito. At kapag lumabas ang katotohanan, madali na lang siyang makakapagdesisyon sa kanyang susunod na hakbang. Pinigaan niya ang bimpo mula sa maliit na palangana na may malamig na tubig at alcohol. Ipinahid iyon sa mukha ni Cecilia para bumaba ang init sa katawan nito. Habang ginagawa niya iyon hindi niya maiwasan na mamangha sa kagandahan nito. Totoo maganda ito at nakakahalinang tunay, nakakatuwa na mukhang mabait lang ito habang tulog.  Napangisi siya ng maalala ang nangyari sa restaurant. Halata nga na hindi basta-basta si Cecilia ngunit hindi naman nito kayang kontrolin ang libido niya. Kung sa bagay naiintindihan naman niya ito, sino ba ang babae na hindi makakahindi sa kanya?.  Kung wala lang kame sa restaurant malamang higit pa doon ang ginwa ko sa kanya Mula siyang napangisi sa kanyang naisip. Ngunit kung sakali na kalaban nga si Cecilia, sayang naman. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang gabi na iyon, ang gabi na ilang beses na may nangyari sa kanila ni Cecilia. Hindi niya namalayan ang butil-butil na pawis mula sa kanyang mukha. Parang biglang uminit ang kanyang pakiramdam Ano 'yan libog? tanong niya sa kanyang isipan. Ngunit hindi, Dahil simula ng gabing iyon na matikman niya ang halik at pag-angkin sa kanya ni Cecilia ay tila may nabago sa kanya. Hindi niya masiguro, ang tanging alam niya lang ay parang may kulang sa kanya. Hindi naman si Cecilia ang unang babaeng na i-kama  niya. Kung init lang ng katawan ang habol niya madami diyan na buong loob na ibibigay ang sarili nila sa kanya ng walang pag aalinlangan. Kung gugustuhin niya kahit sinong babae pa 'yan madali niya lang makukuha pero iba si Cecilia. Ibang-iba siya, Tila ito lang nakakapagbigay sa kanya ng kakaibang init at epekto na hindi niya din maintindihan. Pag nakikita niya ito parang may kung ano sa sarili niya na tila gustong kumawala. Bumibilis ang t***k ng puso niya at parang hindi siya makapag-isip ng maayos. Nakakahibang, Nahihibang siya kay Cecilia. Napa-ling siya at halos pokpukin ang kanyang ulo sa bagay na naisip.  G*go mo, kung s*x lang yan madami sa iba. Pero wag mong sabihin na higit pa doon ang nararamdaman mo sa kanya?  Muli siyang napailing. Imposible, hindi ako nahawakan ng babae na 'to sa leeg ng dahil lang nakipag-s*x ako sa kanya.  Malayo na mangyari iyon sa isang katulad ko. Iniisip niya kung isang Lucan din ba si Cecilia dahil sa tattoo nito sa kanyang likuran.  Hindi din kasi maalis sa isipan niya na baka dahil sa parehas nilang marka, ang isang dahilan kung bakit tila hindi niya mapigilan ang sarili pagdating kay Cecilia. Bukod sa mga bagay na gusto niyang malaman sa dalaga ay hindi niya rin maiwasan ang tila nagbabagang apoy sa pagitan nila. Pilit nalang niyang iniwaksi sa isipan ang mga bagay-bagay. Bumalik siya sa pagpupunas sa mukha ng dalaga hanggang sa bumaba ang tingin niya sa bandang leeg nito.  Inalis niya ang damit nito at tanging ang manipis na tshirt niya pati ang pambaba nito ang kanyang iniwan. Pagkatapos ay sinuotan niya ito ng pajama. Sino ba kasi ang magiging komportable kapag suot-suot mo ang maong mo na pants at  jacket na may dugo?, siyempre kailangan niya din gamotin ang sugat nito sa braso kaya kailangan niya itong hubaran.  Hindi rin tuloy naiwasan na makita niya uli ang marka sa likuran nito. Ang marka sa kanyang panaginip. At ang marka na may roon siya ay iisa. Napalingon siya nang makita na nag-bi-blink sa mesa, agad niya ito kinuha at sinagot kung sino man ang tumatawag. "Khal may balita ba?"  Hininaan niya ang boses niya bago bahagyang lumayo, hindi pwedeng marinig o mapansin ni Cecilia na may alam ito sa kanya.  Kung kalaban man siya di dapat siya makahalata na isa ako sa mga kalaban. Mahirap na, kaya kailangan magingat. "Tol , wala eh, ganoon pa rin, napaka imposible na isang babae ay magkaroon ng ganoong marka alam mo 'yan" Napailing siya,  imposible nga pero ano ang dahilan kung bakit siya may ganoong marka? "Sigurado ka ba?" "Bro alam mong sigurado ako, naiiba ang marka mo pero alam mo na tanging mga lalaki lang sa tribo ang may ganoong marka kaya napakaimposible na magka-marka ang isang babae kahit saang tribo pa 'yan," Kung ganoon bakit nga may marka si Cecilia, kung tanging mga lalaki lang ang pwedeng magkaroon 'non? "Saka isa pa tol, matagal ng nabali ang tradisyon ng mga marka na yan. Alam mong wala nang natira sa bawat Salinlahi. Tanging ikaw na lang ang mayroon diba? kaya bakit mo naman naitanong ngayon?" 'Yon na nga ang pagkakaalam ko. Ako na lang ang may ganito, pero bakit si Cecilia meron? "Sigurado ka ba talaga, Khal?" "Siguradong sigurado. Babae? imposible, di bali na lang siguro kung," napatahimik si Khal kaya mas lalo siyang nagtaka  "Di bale kung ano?" "Di bale na lang kung, Una nakita niya yong tattoo sa kung saan tapos ipina-tattoo niya which is imposible dahil alam natin na matagal ng Binura ng Lucan ang kahit anong bagay na makakapag-turo sa Salinlahi," Imposible alam ko na natural at hindi lang basta ipina-ttoo iyon sa likuran niya. "Pangalawa," natawa ito "Pare 'di bale na lang kung lalaki siya tapos nagpaka babae lang? you know what I mean bro" Tang*na! napapikit ako bago napailing, hindi naman siguro. Pinatay ko ang telepono at bumalik  kay Cecilia. Muli ko siyang pinagmasdan, parang napaka imposible naman na isa siyang lalake? natural na natural ang kagandaahan niya. Her voice, her body... Dahan-dahan bumaba ang tingin niya sa dibdib nito na natatakpan ng kumot  Her boobs, it's soft imposible na retoke lang 'yon. At ang p********e nito--- Napailing siya, muling bumalik sa kanyang isipan ang ala-ala habang sinasamba iyon Napamura siya, ang imposible talaga na isang trans si Cecilia. Agad niyang kinuha uli ang cellphone niya at nag-search sa internet ng kung ano-ano, kung papano malalaman na tunay at hindi tunay na babae ang isang babae ?  Teka ano? ano pinagkaiba ng retokada sa natural?  Sunod-sunod na mura ang binanggit niya ng mabasa ang isang article na nagsasabi na halos walang pinagkaiba. Well hindi mo naman na mapapansin yun during s*x lalo na pag alam mo talaga na babae ang partner mo. At as long as na walang lumabas na lawit malamang talagang papasok sa isipan mo na babae siya.  "Tang*na naman Agos oh,"                                                                                                                                                       "Tang*na ka talaga, ano ginagawa ko dito?!" napasapo na lang ako sa noo ko ng maramdama ko ang matigas na bagay na tumama sa noo ko. Inihagis niya lng naman sakin yung remote ng aircon na kanina nakapatong sa side table. "Ano ginawa mo sakin g*go ka?!" dinampot niya ang isang unan at inihagis din iyon sakin. Mabuti na lang at agad ko iyon nasalo. Naghalo-halo sa isipan ko ang mga bagay na gumugulo sakin. Yung bagay na bading ba talaga siya? o babae? pati ang idadalhilan ko kung bakit ko siya dinala sa unit ko. Pinilit kong ngumiti at nagpanggap na walang nangyari at tila hindi naapektuhan.  "Good Morning Babe, gising ka na pala?" "Ano nga ang ginawa mo sakin?" galit na tanong niya pa sakin. Umupo ako sa tabi niya at dinampot ang bimpo na nakapatong sa ulo niya kanina. "Gutom ka na ba? gusto mo na kumain?" "Tang*na wag mong iniiba usapan anong nangyari?" Kunyari hindi niya ito narinig, "Siguro nga gutom ka na, mukhang napagod ka nga kagabi," "Gago anong napagod? manyak ka talaga!"  Napahilot siya sa kanyang braso ng hampasin siya nito ng unan. Patuloy lang siyang inaatake nito hanggang sa hawakan ni Agos ang magkabilang braso nito at pangubabawan sa kama.  "Easy honey, parang wala kang sakit ah?" tinitigan niya ito sa mga mata at nginitian "Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa'yo alam mo ba 'yon?" "You? umm ano?-" Nanlalaki ang mata nito at tila namula ang mukha. Kita niya rin ang sunod-sunod na paglunok nito at ng mas tumagal ang pagtitig niya sa mga mata ni Cecilia ay tila nahipnotismo ito. Dahan-dahan siyang yumuko, ang akala ni Cecilia ay hahalikan siya nito pero bumulong lamang si Agos sa kanyang taenga. "Bakit ka ba ganyan sa'kin ha? Sabi nila ang masungit ay siguradong magiging misis. Willing ka ba maging misis ko? Peanut?" "Ano ba kasi nangyari ha? bakit ako nandito? at bakit ako nakahubad?" "Hindi ka naman nakahubad, suot mo ang damit ko" Sagot niya habang hindi pa rin binibitawan si Cecilia. "Eh bakit nga suot ko ang damit mo ha? Nasaan na 'yong mga damit ko? manyak ka talaga!" tila nalungkot ang mukha ni Agos "Cecilia hindi ako manyak," "Anong hindi? eh papano mapupunta 'tong damit mo sa'kin kundi mo ako hinubaran at binihisan?" "So pag hinubaran kita manyak na ko agad? 'di ba pwedeng nagmamagandang loob lang at binihisan kita?" Umiling si Cecilia "Gago ka ba ? walang pahintulot ko na hubaran mo ako at bihisan!" "Ano pala? dapat lang ba hubad lang? gusto mo hubaran kita ngayon din?" Muling namula ang mukha ni Cecilia "Oo, ay este g*go ka ba?! hindi 'yon ang ibig kong sabihin," "So kung hindi 'yon, ano pala?" "Na manyak ka! walang pahintulot ko na hubaran mo ako at bihisan! ang kapal ng mukha mo! kahit di mo ako hinawakan at walang nangyari kawalan pa rin ng respeto yon. Sana naman ginalang mo p********e ko," Ngumisi si Agos at bahagyang inilapit ang kanyang mukha kay Cecilia kaya muling napalunok ito "Ginalang ko naman p********e mo eh, sinamba ko pa nga yan," "G*go!" "Matindi ang respeto ko sayo Cecilia at kahit kelan 'di kita pagsasamantalahan. Kahit makita kong nakahubad ka at makatabi ka ng hubad hinding-hindi kita pag sasamantalahan at pipilitin. Sakin pwede mo gawin 'yon, pwede mo ko gapangin any time pero kahit kelan hindi ko gagawin 'yon sayo," Nanlaki ang mata ni Cecilia "Ang kap-" "Gwapo-- I know, I know, maraming nagsasabi na napaka ganda kong lalaki. Kaya hindi na rin iba kung may pag-nanas ka sa'kin.  Naiintindihan kita Cecilia, Alam kong mahirap mag-pigil kaya kung ako sa'yo wag mo na pigilan ang sarili mo," "Ano?!" kinindatan niya si Cecilia kaya tila mas lalo itong nairita.  "Ikaw lang may karapatan sa katawang 'to Cecilia. Ibibigay ko ng buong-buo sayo. Wag lang ngayon kasi nag-aalala ako sa sugat mo. Pag humilom na, pwede mo na ako angkinin ulit. Kahit ilang beses pa" Napaubo si Cecilia bago inirapan siya kahit ba halos mamula na ang mukha nito. "Gago ka" "Thank you honey bunch," Napaiwas siya ng tingin bago napabuntong hininga "Umalis ka nga sa ibabaw ko? ang bigat-bigat mo kaya," "So you want to be on top?" Napasigaw ito ng biglang pagpalitin ni Agos ang pwesto nila ngayon nasa ibabaw na niya si Cecilia "Ano ba kasi!" Ngumisi siya bago kumindat at tuluyang pinakawalan si Cecilia, pinagmasdan niya ito ng muling umupo ng maayos sa higaan.  "So, I'm gonna ask you again? Ano gusto mo ba akong kainin, ay este anong gusto mong kainin?" Inirapan siya ni Cecilia bago napatingin sa sugat sa kanyang braso.  "You want me to order something for you? o you want me to cook something? kaso kapag nilutuan kita ng pagkain talagang mahulog ka na sakin ng tuluyan honey bunch" kindat pa nito.  "Just give me water nauuhaw ako, then after that aalis na 'ko" Napailing si Agos "I'll give you water then you'll stay" Umiling si Cecillia bago sinubukang tumayo ngunit agad nakaramdam ng hilo dulot din ng kanyang trankaso "I can't let you go, I don't want you to go babe wag mo kong iwan hindi ko kayang mawala ka irog ko' "Alam mo ang corni mo? sa sobrang corni lakas makagago" Sagot niya dito kaya muling napangisi si Agos. "Corni ba ako para sa'yo? akala ko pa naman effective na ang sense of humor ko.  Mukhang mahihirapan akong pasagutin ka sweet peanut," "Bakit nanliligaw ka ba?" pabalang na sagot ni Cecilia sa kanya na tila sinusubukan siya ngunit tila bumalik sa kanya.  "Bakit pag niligawan ba kita sasagutin mo 'ko? handa ka na bang pakasalan ako?" Naubo si Cecilia kaya lumapad ang ngiti ni Agos tinaas baba pa nito ang kanyang kilay tila inaasar ang dalaga  "So?" "I'm thirsty" "Ay oo nga pala no, sorry naman my loves," aniya pa bago kumuha ng malamig na tubig sa ref at agad na bumalik kay Cecilia, "Here's your water mahal na reyna," tinagap iyon ni Cecilia at agad na ininom. "Ubusin mo 'yan, punong-puo 'yan ng pagmamahal ko--ikaw lang nasa isip ko habang isinasalin ko yan sa baso" Halos mabilaukan siya kaya agad siyang inalalayan ni Agos na saglit pang pinunasan ag mga tubig sa kanyang mga labi "Dahan-dahan lang kasi" Tinitigan siya ni Cecilia ng matagal at habang patagal ng patagal ang pagtitig nito sa kanya ay siya naman na mas lalong lumalapad ang mga ngiti niya  "Bakit ka ba nakakainis ka Agos?' ngumisi pa ito lalo "Siguro dahil gusto mo na ako?" Saglit itong napatitig kay Agos bago muling inirapan "Asa"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD