Kabanata 7

3146 Words
"Ano gusto ko siya?" Napailing siya bago hinampas ang kanyang noo "G*go asa siya, kahit kailan talaga napaka tindi ng hangin ng isang iyon. daig pa ang bagyo sa sobrang hangin! bilib na bilib sa sarili niya, kapal ng mukha sabihing pogi siya at may gusto ako sa kanya," Well gwapo naman talaga siya, matangkad siya, yung mga mata niya ang ganda parang napaka-amo, parang sa tuwing tititigan mo 'yong mata niya parang nakakalasing. Yong lips niya, napaka kissable. Yong tipong sarap kagat kagatin. Tapos yung ilong niya ang tangos. At saka the other time 'di lang dila niya yung makapangyarihan kasi sinabayan niya ng ilong like syet may use ang kanyang ilong maliban lang sa pagsinghot. 'Yong mga kamay niya na masarap din hawakan, kasi napakalambot. Nakakapaso 'yong mga hawak niya na pag dumikit sa balat mo parang gusto mong wag ka na niyang bitawan.  Tumango-tango siya bago ngumiti pinagmasdan ang binata na nakatalikod at nagluluto sa may kusina, nasa higaan pa rin siya pero tanaw niya ang makisig na likod nito "Yong body, niya syet!" Maganda ang katawan. Nakatalikod lang 'yan pero ulam na, mas lalo na pag nakaharap at makita ang nagtitigasan niyang dibdib at abs. Na kahit hindi masyadong nakaporma nagkakasala pa rin kasi daig mo pa ang nag buffet sa isang 5 star restaurant na 3500 pesos per head. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi. Bwisit 'to ang macho-macho talaga sarap pangigilan. Nakakapanglawa nga ang kanyang kakisigan, well sabihin na natin na 'di lang sa pagtindig siya makisig . Kundi pati na rin sa romansahan. Hindi ko idedeny yon. Hindi ko alam sa feeling sa iba kasi siya ang first ko at tanging lalaki na nag padama sa akin ng pagiging tunay na babae. Pero, syet naman! napaka swerte ko pa rin kasi 'yong nakauna sakin ang yummy-yummy. Sayang nga lang gusto ko pa sana na ang makakauna sakin ay 'yon na rin ang huli. Kaso naisip ko rin naman kapag naging binukot ako ikakasal din ako sa gusto nilang itakda. Sa lalaking alam ko hindi naman ako mahal. Sa lalaking ‘di ko rin gusto, tapos makakasama ko lang kapag in heat siya. Like, tang*na ano ako aso? lalahian lang? dahil wala silang gagawin kundi ibukod ako. Hindi ko man lang mararamdaman ang feeling ng talagang pamilya. ‘Yong  tipo na ako ang mag aasikaso. Makakasama ko ‘yong asawa ko araw-araw, 'di lang kapag kailangan ko lang magdalang tao o kaya pag kailangan niya ako. Kung ganoon lang din edi mag-eenjoy muna ako diba?. Bahala na, pero magsasaya muna ako at gagawin lahat ng gusto ko bago nila ako ikulong na parang aso.  Muli siyang napabuntong hininga at pinagmasdan si Agos "Hayy buti na lang din at nakilala ko 'tong mokong na 'to at least nagkaroon ng thrill ang buhay ko," Pero 'di ibig sabihin 'non gusto ko siya ah?, oo may ibang pakiramdam siguro dahil siya lang 'yong kauna-unahang lalaki na nakasama ko. Kaya parang may iba sakin pag kasama ko siya. O kaya pag nakikita ko siya pero hindi ko siya gusto. Muli siyang napakagat labi ng makita ito na humarap. Sakto para tumambad sa mga mata niya ang abs nito. Tila bumagal ang paligid. Sabay nang pagkurap niya habang lumakad ito papalapit sa kanya. Sh*t ang pogi talaga.  "Stop eye-raping me, Peanut." Napaubo siya bago umiwas ng tingin, "Gago 'di no," Ngumiti si Agos bago inilapag ang plato sa kama niya, "Hindi? pero yung laway mo tumutulo?, Kumain ka ulit, konti ng kinain mo kanina," "Ha?" nanlaki ang mata niya bago pinunasan ang gilid ng bibig niya. Agad naman siyang napasimangot ng tumawa si Agos. Napagtanto niya na inaasar lang siya nito. "Papansin ka kamo," "So napansin mo nga ko?" itinaas nito ang braso at ipinakita ang muscles niya "So effective ba?" "Yuck !" natawa si Agos at inayos ang kakainin niya, "Joke lang, cute mo talaga. Ngayon pa lang ang cute mo na pag naasar ano pa kaya if your pregnant," Nanlaki ang mata nito "Ano?" halos maibuga nito ang iniinom niya kaya muling tumawa si Agos. "Paano pa kako kapag buntis ka?, Just imagine it," Hinampas siya ni Cecilia.  "Anong, imagine? baliw ka ba?" "Baliw sayo?" asar pa ni Agos bagi muli siyang kinindatan. "F*ck you!" mura ni Cecilia sa kanya.  "Later babe, you need to eat again. Para bumalik ang lakas mo, or maybe you want to eat me instead?" "Aba!" Nanlaki ang mata nito at halos mas pamulahan ang mukha, kung nakikita niya siguro ang sarili sa salamin malamang kakulay na niya ang mansanas. "Just kidding, Peanut." Napa-kunot ang noo nito, "Or maybe gusto mo rin na alam mo na? willing ako, ang tanong ikaw ba?" ibubuka na sana niya ang bibig para murahin ito ng malutong pero agad na isinubo nito sa kanya ang hotdog na nakatusok sa tinidor. Napamura siya sa isip-isip niya. Parang gusto niyang pagtatadyakan ang mukha nito. "Ano masarap ba ang hotdog ko?" Napairap na lang siya, alam naman niya na inaasar lang siya nito at kapag pinatulan niya pa malamang aasarin lang din siya nito pabalik. Paulit-ulit hanggang sa sobrang mainis na siya at baka patayin na niya ng tuluyan ang lalaking ito. Wala siyang nagawa sa hotdog na nakasalpak sa bibig niya. Nginuya na lang niya iyon habang tawa pa rin ng tawa si  Agos na nasa harapan niya. "Binibiro lang naman kita para makalimutan mo ang hapdi sa braso mo." Tumuloy siya sa pagkain habang ito ay tumabi sa gilid niya at sinuri ang sugat niya. Inalis nito ang gasa upang linisin uli iyon "Masakit pa ba?" "Hindi, malayo yan sa bituka. Mas masakit pa rin siguro kapag binayagan kita kapag 'di ka pa tumigil sa pang-aasar sa akin" Aniya habang may laman ang bibig kaya mas lumapad ang ngiti ni Agos at ipinagpatuloy lang ang paglilinis ng sugat niya. "Mukha nga, haha pero seryoso Cecilia, bilib ako sa'yo dahil hindi ka nasasaktan" Totoo naman eh, hindi naman masakit. Walang-wala ang daplis na 'yon sa training niya, para lang sa paghahanda sa misyon niya. Siguro limang taong gulang lang siya noong unang nakahawak ng baril at unang beses din na makatamo ng sugat para paghandaan ang misyon niya. Para paghandaan ang mas matinding digmaan upang maipaghiganti ang Salinglahi kaya wala na ito at parang saludsod na lang. Kung tutuusin pwede na siyang umuwi dahil malamang nag-aalala na rin si Gabbi. “Ano nga ulit ang pangalan mo?” tanong ni Cecilia, naiisip niya na kilala na siya nito pero siya hindi man lang maalala ang pangalan nito.  “Interesado ka na ngayon na malaman ang pangalan ko?”  “Edi wag” “Tawagin mo na lang ako sa pangalang Agos” Saglit siyang napatahimik bago napatingin sa kanyang sugat, “Salamat sa pagkupkop sa’kin at paglinis pa ng sugat ko” pasasalamat niya sa binata. "Ano bang nangyari? saan mo nakuha ‘to? bakit may ganito?" Seryosong tanong ni Agos kaya napatigil siya sa pagkain. Tinitigan niya ito nag-iisip ng maaring idahilan. Kung sabagay wala naman siyang dapat sabihin o ipaliwanag dito dahil sino ba siya ‘diba? tinulungan niya lang ako at 'di na dapat ako magpaliwanag kasi 'di pa rin naman ako sigurado sa lalaking 'to. "Wala," Seryoso lang siyang tinitigan nito na tila hindi tinatangap ang sagot niya. Umiwas siya ng tingin at narinig niya ang pagbuntong hininga nito "Ayan kaka-suot mo sa kung saan-saan napagkamalan kang kawatan no? akala nila dr*ga binebenta mo imbis na mani?" biro nito kaya napasimangot siya. Maraming pwedeng sabihin pero kawatan talaga?. Pakiramdam niya ay nagiinit nanaman ang dugo nito sa kanya. "Kawatan? ako mukhang kawatan?" "Naka all black ka kasi napagkamalan ka tuloy may bisyo na kawatan" Hinampas niya ito kaya muling natawa si Agos "Gago ka talaga anong kawatan?" Well, ninakaw niya ang artifact sa kalaban. Pinasok at sumuot sa kisame para lang makatakas sa kuta ng mga Lucan. Nakipagbarilan, pwede siguro siyang tawagin na ninja o kaya assassin o kaya naman super hero na lang dahil gusto niyang iligtas ang buong Salinglahi. Pero tang*na kawatan talaga ang naisip ng isang ito? "Napagkamalan ka atang kawatan na lalaki. Ang brusko mo kasi" "Aba ang judgemental mo!" sigaw niya kay Agos kaya napahalakhak ito. Maski siya hindi niya napigilan ang sarili at natawa na rin "Ikaw kamo kawatan! bigla ka na lang sumusulpot. Saka tignan mo nga oh!-" itinuro nito ang katawan ni Agos "Magdamit ka nga! Daig mo pa tambay sa kanto," "Ang pogi ko naman pa lang tambay," Napailing si Agos habang hindi pa din naalis ang ngiti sa mga labi nito "Tsk.. inaakit pa naman kita-ayaw mo bang nakikita ang sexy body ko? pagtapos mong pagnasahan kanina ay gaganituhin mo ako?" "Pagnasahan? Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha mo? magdamit ka na nga!" At baka di ako makapagpigil kagatin ko yang abs mo. Tumayo si Agos at kinindatan siya. Sabay silang napangiti habang sa naglakad ito palayo upang tumungo sa kabinet kung nasaan ang mga damit nito, ‘di mapawi ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Hindi na napansin ni Cecilia na halos mapunit ang kanyang labi sa sobrang laki ng ngiti niya. Sunod niyang naramdamn ang pamumula ng kanyang pisngi sabay ang pag bilis ng t***k ng puso niya. Sh*t! keep your t**s together Cill--wag mong sabihin na may gusto ka na nga sa kanya?. Siguro attracted, but gusto? nah!! that's not gonna happen. Muli, sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita na nagsasayaw ito habang nagsusuot ng damit pang itaas. Napapaypay siya sa kanyang sarili ng mag-init ang magkabilang pisngi niya. *** Nangingisi niyang kinuha ang mango shake na ginawa niya bago siya bumalik sa kwarto para ibigay iyon kay Cecilia. Ngunit imbis na nakahiga ito sa kama at nagpapahinga katulad ng inaasahan niya ay nakabihis na ito at nag sa-sapatos "Saan ka pupunta?" Saglit itong tumingin sa kanya bago ngumiti "Aalis na, Saan pa ba ako pupunta?" umiwas ito ng tingin at itinuon ulit sa sapatos niya. "Teka, mamaya na. Inumin mo muna ‘to, saka yung braso mo medyo dumudugo pa," lumapit siya bago sinuri ang balikat nito pero inalis ni Cecilia ang pagkakahawak niya dito bago kinuha ang mango shake na ginawa niya "Ayos lang ako.  Uubusin ko na lang itong ginawa mo, nakakahiya naman."  At ‘yon na nga, tila muli siyang na-gago ng biglang ngumiti ito. Hindi ‘yong ngiti na pilit kundi iyong ngiti na tunay. "Ahhm" nauutal pero pilit niyang hindi pinahalata, katulad ng lagi niyang ginagawa nag pa-charm nanaman siya. Smiling back at her showing his pearly whites dahil alam niyang kahinaan iyon ng mga babae. Ngunit bukod pa ‘don gusto niyang daanin ito sa charm para naman manatili pa ito kahit ilang saglit lang.  Siyempre para lang makasiguro siya. Na mas makilala pa ito, na malaman ang pagkatao nito. Ganoon pa man, nagaalala rin siya dito dahil medyo malalim ang sugat nito sa balikat.  Kung isang ordinaryong babae lang si Cecilia, malamang nagtitili ito o kaya naka confine na ngayon sa hospital pero iba siya. Parang wala lang nangyari. Parang sanay na sanay na ito.  "I-check muna natin yung sugat mo baka lagnatin ka o kaya naman dalhin na talaga kita sa hospital" "No need na Agos, okay lang ako,"  "Are you sure?" tanong niya ulit at tinitigan siya ni Cecilia.   "Yes I'm sure" napabuntong hininga siya "Are you sure?" napabungisngis si Cecilia bago isinuot ang jacket na ipinahiram sa kanya ni Agos "Yes I'm sure" "Okay, ihatid na kita sa inyo," "No thank you, Agos. Thank you pala ulit sa pagtulong sa akin, saka nga pala dito sa jacket mo. Ibabalik ko na lang pag nagkita tayo, kung magkikita pa tayo," aniya bago dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya si Agos kaya napaatras siya. "I'll make sure na magkikita pa tayo" "Paano mo naman nasabi?" lumapad ang ngiti niya bago hinawi ang iilang hibla ng buhok ni Cecilia na tumatama sa magandang mukha nito, "You can have my jacket , but I'm sure na magkikita tayo," "Talaga lang ha?" "Yes I can feel it my peanut butter berry jam," Ngisi nito habang nakatingin sa mga mata ni Cecilia. Si Cecilia naman hindi napigilan ang matawa.  "Ang baduy, ayos na sana yung peanut, kaso may berry jam. Tingin mo sakin merienda? yung jam na inaalok sa baguio na tig tatlo 100?" "Nope, you are my priceless little jam, and you taste a lot better than those jam sweet cupcake" Muling napamulahan ng pisngi si Cecila. Ngunit hindi niya iyon pinahalata, pasimple niyang hinaplos ang kanyang pisngi at inayos ang kwelyo ng suot niyang jacket. Kahit aircon pa at sobrang lamig ng bahay ni Agos ay tila bumuhos ang pawis niya. "Sweet tongue you have," "Yours are sweeter than mine Babe," ngumiti si Cecilia bago hinaplos ang pisngi niya. Mas lumpait pa si Agos at halos napaka iksi na lang ng pagitan ay magtatama na ang mga labi nila. Akmang hahalikan na siya ni Agos ng tinapik ni Cecilia ang pisngi nito "Nice move, hindi ka lang mayabang at bolero, mabilis ka rin," Napangisi si Agos bago tila nailing kaya napangiti si Cecilia at dinampot na ang bag pack niya  "Tama na landi, aalis na ako. Yung jacket mo arbor ko na to," Napakindat si Agos at sumunod na sa may pinto.  "Cecilia!" tawag niya ng pansin kaya tumigil ito sa paglalakad. Lumingon ito sa kanya ngunit bago pa man ito makapag salita ay agad niya itong hinapit bago hinalikan sa noo  "Ingat ka love," *** "Message mo ‘ko pag nakauwi ka na," Napakunot ang noo niya ng makita ang mensahe mula sa isang unregistered number  “Sino kaya ‘to?” Tanong niya ngunit bago pa man siya makapag reply ay isang mensahe muli rito ang ang kanyang natangap . "Si Agos ‘to love. Save mo number ko lagay mo Agos my loves," May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi ngunit agad siyang napailing. Muli niyang naalala ang pagtawag sa kanya nito kanina ng Love at pag-halik sa kanyang noo. May naramdaman siyang kilig ngunit pilit niya iyong ipinagsasawalang bahala.  She's in denial of what's happening with her feelings towards Agos. Hindi naman na kasi dapat pansinin ito dahil alam niyang magiging sagabal lang ang binata sa kanyang nararamdaman.  Pero deep inside, kahit papano, mga 2% lang siguro na gusto niya ito. Siguro dahil makulit ito at mataas ng sense of confidence at humor. Ganon kasi ang gusto niya sa lalaki, ‘yong tipong papatawanin siya, yung makulit at kwela pero gentleman. Nasasakyan nito ang gusto niya at halos magkatulad sila ng trip. Siguro kung ordinaryong babae lang siya at walang dapat intindihin na misyon malamang sinungaban niya na iyon. Sino ba ‘di magkakagusto sa kanya? Gwapo, matikas, gentleman tapos alam niya dalhin sarili niya, mukhang may kaya at maganda ang trabaho. Well, she can tell that dahil maganda ang condo nito saka mamahalin ang mga damit at isa pa napakalinis na lalaki, sobrang bango. Almost perfect na nga eh Minus na lang siguro ang pagkahangin nito at pagiging bolero, pero pwede na rin. Teka-teka Cecilia, wag ka papalinlang sa lalaking ‘yon wala siyang magandang maidudulot sa misyon mo. Kailangan mong mag focus okay?. Ilang saglit niyang tinitigan ang numero nito. Iniisip niya kung papano nakuha nito ang number niya. "Pakialamero! malamang pinakailaman niya yung cellphone ko habang tulog ako" Walang hiya siya, mabuti na lang naka-lock ang ilan sa mga apps, galery at ibang phone naman ang ginagamit niya pag kausap si Gabbi kaya wala siyang makikitang kahina hinala. “Haay, Gago talaga!” Pinag-iisipan niya i-delete na lang ba niya ang number nito at magpapalit ng numero o hahayaan na lang niya?. Ngunit bago pa man siya makapag desisyon ay isang message na naman ang kanyang natanggap. "Love wag mong i-delete itong number ko ah? magtatampo ako basta message mo ko pag nakauwi ka na," Napairap siya "Gago! edi mag-tampo ka sino ka ba? Boyfriend ba kita?" wika niya bago pinindot niya ang delete button pero anag nag-error. "Unable to delete number, please enter password to verify if you want to delete it permanently" "Ay tangina!" inis na wika niya kaya napatingin sa kanya yung driver ng grab na sinsakyan niya. Mokong na ‘to ang kapal ng mukha niya! ‘Di ko alam na may ganitong keme pala ang phone ko paano niya kaya nakalikot to?. Hay, basta! Kung ayaw ma-delete i-block ko na lang! Tama! I-block ko na lang siya. Pinindot niya ang block pero katulad kanina ay may nag-notify "Unable to block number, please enter password to verify if you want to avoid receiving messages from this number." Napasinghal na naman siya bago nagtipa sa cellphone. Talagang inuubos nito ang pasensya niya. "f**k you ka!" Text niya sa number nito at di nagtagal ay nag-reply ito sa kanya. Napairap na lang siya ng makita ang message nito na may kasama "Miss you too my peanut,"  “Ma’am dito na po tayo" inilagay niya sa bag ang cellphone niya bago napatingin sa labas. Tama nandito na siya sa lugar ni Gabbi, dali-dali siyang nagbayad sa driver at pumasok na sa loob. Saglit siyang napatingin sa cellphone niya at hindi napigilan ang kanyang ngiti ng maalala ang message na sinend nito. Lakas talaga mangalaska ng isang ‘yon Sarap i-torture! "Cecilia! Oh gosh Cill, ikaw nga!" "Gab," Dali-daling lumapit ang kaibigan niya sa kanya at niyakap siya "nag-alala ako sayo. Saan ka galing bakit hindi ka man lang sumasagot sa tawag ko? Saka teka may sugat ka, Napano ka?! sabihin mo sa akin," Napailing siya sa kaibigan at nginitian ito "Ayos lang ako Gab, daplis lang ng bala ‘to ,malayo sa bituka," Pero yong nag-linis ng sugat niya parang malapit na sa puso niya. Sapul eh ‘’Hindi, Mamaya ma-infect iyan,' "Gab wag OA. Ayos lang ako, saka mission accomplished tayo! I got the clue at isa pa may surpresa ako sa’yo"Inilabas niya ang clue maski na din ang kayamanan na nakuha niya "Oh God, Cill!" "Yes! I know, I know!" masayang sabi niya habang tinitignan ang isa sa mga importanteng kayamanan ng Salinlahi" Ikaw na bahala diyan. I need to take a rest," sagot niya bago minasahe ang kanyang balikat, tumango naman si Gabbi at niyakap siya. "Mabuti pa nga-ako na bahala dito magpahinga ka na--oo nga pala san ka natulog kagabi?" Napahinto siya bago napatingin sa cellphone niya May isa uli mensahe mula kay Agos. "Can you be my peanut butter to my jelly?. Joke lang, nakauwi ka na?" Muli siyang npangiti bago napahawak sa kanyang magkabilang pisngi. Gusto niyang matawa "Hoy ano, saan ka tumuloy?" "Doon lang," Wala siya sa sarili na sagot dito bago Tuluyan ng tumungo sa kanyang silid. Napasandal sa likod ng pinto habang hindi pa rin mapawi ang ngiti sa mga labi niya at nireplyan ang text nito "Nakauwi na po ako,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD