"Turn left then sa dulo may makikita ka na pinto. Nandoon ang kailangan natin."
"Copy that" dahan-dahan siyang naglakad sa madilim na hallway sa mansion na kanyang pinasok. She didn't know whose mansion is this. Maaring kay Olivero o sa iba pang kaanib nito, na pamahagian ng kayamanan noon na ninakaw sa angkan niya. Magaling kasi ang pagkakatago sa mansyon. This place is isolated, ni walang magiisip na may gantong kalaking mansyon sa gitna ng kagubatan. Tanging ang mga gwardiya sa labas ang nakita niyang nagbabantay, mabibilang pa nga ito ng daliri niya. She's expecting kanina na mas marami ang magbabantay sa loob pero ni isa wala siyang nakita. Nakakapagtaka kaya mas matindi ang kanyang pagiingat. She doesn't know any of her enemies tonight, kung malakas ba sila or isa sa mga tatanga-tanga katulad ng mga nauna niyang nakalaban. Ang tanging nasa isip niya lamang ay ang makuha ang kayamanan.
"Cill, mag-ingat ka," Tumango siya ng marinig ang boses ni Gabbi sa earpiece na suot niya. The mansion is big, so big na tila kasya na ang isang barangay. Puno ito ng mga mamahaling gamit. Mga paintings, vases at artifacts from around the world. May naglalaro tuloy sa isip niya kung ang mga gamit na iyon ay nakaw din at nagmula sa black market. Sikat ang angkan ni Olivero na magnakaw ng iilan sa mga mamahaling kayamanan ng bansa. Hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa rin ibang bansa. Pagkatapos ay binebenta sa black market, o ipagpapalit sa ilang artifact na kaparehas ng halaga nito.
Kinuha nya ang ballpen na may nakatagong camera, kinunan n'ya ng larawan ang buong paligid. Bawat sulok ng madaanan niya na pinaglalagyan ng mga gamit ay kinukuhaan niya rin. She might need this in the future para maibalik ang mga ito sa dati nilang pinanggalingan. At para mabunyag din ang itim na sikreto ng angkan ni Olivero.
Maingat ang galaw niya, tila walang iniiwan na ingay sa sahig na kanyang inaapakan. Bawat pinto na madaanan niya ay silid na magtuturo sa iba't ibang collection ng kayamanan na mayroon. Mapapagkamalan mong museum ang lugar sa dami ng mahahalagang gamit doon.
Nakakapangakit at tiyak na milyones ang halaga ng bawat isa 'non. Sinunod niya ang sinabi ni Gabbi, hanggang sa makarating siya sa dulo ng hallway. May isang pinto roon na gawa sa kahoy, kulay pula ito habang gawa naman sa ginto ang doorknob nito. Kahit luma na ang bahay ay makakapal ang bawat dingding. Hindi mo rin basta-basta mabubukasan ang pinto dahil may code iyon.
Inilapat niya ang device sa may screen. Sunod na umilaw iyon dahilan upang makita ang mga fingerprint ng mga naunang pumindot sa mga button. She took some sample at tinipa ang code habang tinatakpan ang tissue ang kanyang daliri upang hindi mag iwan ng marka na maaring magamit para matuklasan ang kakilanlan niya. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto.
Sanay na siya sa ginagawa niya ngunit kahit na ilang beses na niyang ginawa ito ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang kaba. She need to be extra careful, para sa buong hiraya.
Inaasahan niya na may makakaharap siya pag bukas ng pinto o kaya naman bigla na lang babaril sa kanya o mag a-alarm ang buong silid ngunit wala.
Sa kabilang banda ay mas namangha siya. Halos mapaawang ang kanyang bibig nang makita ang loob ng silid. Just like other rooms na puno ng mamahaling artifact. Ang kwarto naman na ito ay puno ng mamahaling alahas. Nagkikintaban ang mga ginto at naglalakihang brilyante ang bumungad sa kanya. Na maski na nakapatay ang ilaw at ang tanging ilaw lamang sa mga glass vault ang nagsisilbing liwanag sa silid, ay tila natumbasan pa ito ng mga alahas na para kang masisilaw sa kinang.
Sobrang ganda na maski siya ay halos hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Nakakamanghang tunay dahil ang ilan sa mga ito ay may disenyo na hindi mo makikita saan pa man.
Alam n'ya na ang mga alahas na ito ay hindi pagmamay-ari ng Lucan. Katulad na lang ng kanilang pakay ngayon.
"Cill," agad siyang napakurap mula sa pagkamangha "Sorry I didn't expect this place to be like this," kinuhaan niya ng litrato ang lugar hanggang sa natuon ang pansin niya sa isang set ng alahas na nasa crystal glass na stand.
"Okay be careful. May mga patibong sa loob ng silid na iyan. Na-hack ko na ang system, ngunit hindi magtatagal ay babalik din kaya bilisan mo"
"I will," Halos hindi na siya huminga habang dahan-dahan niyang iniaangat ang glass , maingat na inilapat ang kanyang kamay sa ginto na alahas na na nasa velvet na unan.
It's a set of gold jewelries na punong puno ng white and black diamonds. Ang isa sa mga pinakaiingatan na kayamanan ng Hiraya.
Agad niya iyong kinuha at inilagay sa loob ng bag, "I'm done Gab. I'll be there in 5,"
Dali-dali niyang isinara ang bag at muling dinampot ang baril na ipinatong niya kanina. Akmang aalis na siya ng mapukaw ang pansin niya ng isang bagay. Napahinto siya at napako ang pansin niya sa isang kwintas na nakasabit din sa isang crystal glass
Simple lamang iyon at may maliit na pendant na hugis puso na gawa sa blue diamond. Iyon ang pinaka simpleng alahas sa lahat ng alahas na naroroon , pero alam niyang hindi lang simpleng alahas iyon dahil namumukhaan niya ang kwintas.
Napasapo siya sa kanyang bibig ng maalala ang nagiisang litrato ng kanyang ina. Kupas na 'yon at may sunog pa sa gilid ngunit malinaw na malinaw sa kanya ang mukha nitong napakaganda habang suot-suot ang kwintas na 'yan.
Naramdaman niya ang mumunting luha na pumatak mula sa kanyang mga mata ng hawakan niya ang asul na pendant. Tila may kakaiba siyang naramdaman. Na tila nag mula sa kanyang ina.
"Cill, umalis ka na riyan! Na disabled na yung pagkaka-hack sa system alam nila na nandiyan ka! Dalian mo tumakas ka na!"
Agad siyang na alarma sa sinabi nito at walang atubuli na hinablot ang kwintas sa lalagyan dahilan upang tumunog ang malakas na alarm
"Sh*t" Kumabog ang kanyang dibdib ng isa isang nagsara ang mga pinto at bintana sa silid ngunit bago pa man tuluyang magsara ang isa sa mga bintana ay dali-dali niya iyong binasag at tumakas .
Isang malakas na kalabog ang narinig at halos mamilipit siya sa sakit ng naramdaman ang pagtama ng kanyang likuran sa matigas na bubong. Sunod ay halos sumabit na siya sa mga sanga sa malaking puno bago humambalos ang kanyang katawan sa malamig na lupa.
Napakagat siya sa kanyang ibabang labi upang pigilan ang kanyang sigaw sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman. Pilit niya iyong ininda pagkatapos ay tumayo at tuluyan ng tumakas hanggang sa marating niya ang sasakyan kung nasaan si Gabbi.
***
Halos ipaduldulan na ni Gabbi ang ice pack sa ulo ni Cecilia, tila siya ang nanay nito kung pagsabihan siya.
"Ano ba kasi ang ginawa mo? Di'ba nakuha mo na 'yong alahas na kailangan natin? Bakit ka pa nag-tagal doon?. Kamuntikan ka nilang mahuli kung 'di ka tumalon mula sa apat na palapag ng mansion malamang hawak ka na nila ngayon or worst baka patay ka na,"
Maliliit na galos at pasa lamang ang kanyang natamo mula sa pag talon sa bintana ng mansion. Mabuti na lamang ay hindi dumeretso ang katawan niya sa semento at sumabit pa siya sa mga halaman kaya buhay pa siya ngayon. Kaya ito si Gabbi walang tigil ang pagbubunganga sa kanya. Kung tutuusin dapat siya ang nagbabantay at nagbubunganga sa kaibigan dahil siya ang mas nakatatanda pero 'yon ang kabaliktaran.
"May kinailangan lang akong kunin Gab. Saka ayos lang naman ako, malilit na galos lang to ipapahinga ko lang 'to tapos okay na 'ko"
"Kahit na ! Saka ano ba yung kinuha mo? Muntik ka nang mamatay alam mo ba 'yon?"
Napangisi siya "Gab kakabit na ng misyon natin ang kamatayan. Noon pa lamang nasa hukay na ang isa sa mga paa natin. At handa akong mamatay sa misyon na 'to"
"Cecilia naman," Itinaas niya ang kwintas sa kaliwa niyang kamay "Hindi pa ba sapat na dahilan ito para mapatawad mo ko sa ginawa ko?" ngiti niyang tanong kaya napahinto rin si Gabbi at tinitigan siya.
"Kay nanay to, sa nanay ko Gabbi, hindi ako pwedeng magkamali ito yung kwintas na suot-suot niya roon sa picture. At oo, isinugal ko ang buhay ko rito dahil kay Nanay 'to,"
Lumapit si Gabbi kay Cecilia at pinagmasdan din ang kwintas.
"Oh God! Talaga?" Tumango si Cecilia bago isinuot ang kwintas. Katulad ng kanina ay hindi niya napigilan ang sarili sa pag-luha ng muli, maramdaman ang kanyang ina.
Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng yakap nito dahil wala na siyang maalala sa kanyang Ina ngunit ng i-suot niya ang kwintas ay naramdaman niya ang kanyang Ina. Ang mahigpit na yakap ng kanyang yumaong Ina. Ang presensya nito na kahit kailan hindi niya naramdaman sa buhay niya.
...
Isang malakas na iyak ng batang lalaki ang umaalingawngaw sa paligid, ngunit hindi sapat ang pag-iyak at paghiyaw nito para makakuha ng pansin ng sino man.
Humihingi ng tulong… Umaasa nang saklolo ang batang paslit.
Idagdag ang makapal na usok na bumabalot sa paligid, nagaapoy ang buong kabahayan nila. Halos magkulay dugo na ang buong dingding dulot ng talsik ng mga dugo, dugo ng mga tagapagsilbi. Dugo ng anak, ng kapatid, dugo niya mismo.
Isang babae... isang babae ang gumagapang sa sahig. Nanginginig ang duguang kamay pilit inaabot ang bata, hindi alinta ang sakit at hirap na kanyang nararamdaman. Ang kaninang malakas na iyak ay nawala. tumahan ito tila namukhaan ang babae. Inabot nito ang babae, ni wala halos kaalam-alam sa nangyayari sa paligid niya.
Halos maligo na ito sa dugo na nagkalat sa sahig. Dugo na nag-mula mismo sa naghihingalong ina.
Isang ina, isang babae na may marka ng dragon na nakahawak sa buwan. Umangat ito ng tingin sa kanya ng may paghihinagpis
"Agos!"
"Agos!"
Palakas nang palakas na halos mabingi na siya.
"Agos!"
"Agos!" Napabalikwas nang bangon si Agos. Napasapo siya sa kanyang ulo, ramdam niya ang bilis ng t***k ng puso niya. Halos manlamig ang buong katawan niya.
"Napaginipan ko na naman,"
Bakit? ano ba kasing ibig sabihin 'non?. Sino ba 'yong bata na 'yon? sino yung babae na duguan sa panaginip niya?. Hindi malinaw ang mukha nito ngunit ang Marka sa likuran nito ay sigurado siyang tanda niya. Parehas ito sa marka na mayroon sya, ang marka mismo ni Cecilia.
Iyon ang isa sa mga dahilan kaya gusto niyang makilala ng husto ang dalaga. Dahil nakakasiguro siya na hindi lang ito pangkaraniwan na babae. Hindi lang ito basta-basta dahil napaka imposible na nagkaroon ito ng Marka na halos katulad sa kanya at sa babae sa panaginip niya.
Ang panaginip na matagal ng nagmumulto sa isipan niya simula bata siya. Napapatanong tuloy siya sa nkanyang isipan na, ano nga ba ang kinalaman ni Cecilia sa labanan na 'to? Sa angkan ko, at sa nakaraan? O may kinalaman ba ito sa hinaharap?.
Hindi lang nagkataon ang lahat, alam niya na may koneksyon ito sa mga nangyayari, alam niya na magiging malaking parte si Cecilia sa buhay niya. Mabuti o masama, 'yon ang aalamin niya.
Napailing siya at napahimalos. Katulad nang nakagawian, pilit niyang winaksi muna sa isipan ang mga bagay-bagay. Napatayo siya at tinignan ang oras. Alas-dose pa lamang ng madaling araw. Napagdesisyonan n'ya na magtungo sa kusina bago kumuha ng isang lata ng beer at ininom iyon. Akmang babalik na siya ng kwarto ng may mapansin na kaluskos sa sala. Agad niyang ibinaba ang lata ng beer at naging alerto. May mga nakatagong baril sa paligid ng unit niya na siya lang ang nakakaalam. Dahan-dahan siyang nagtungo sa sala at tama nga siya ng hinala. May tao roon, maingat sa mga galaw nito,tulad ng sa kanya.
Tila kumalma naman ang sarili niya ng tila makilala na kung sino iyon dahil sa amoy ng pabango nito. Alam niya kung kanino iyon. Sumilip siya at tama nga siya nginiisip.
May inilapag ito sa lamesa at naglakad na ngunit bago pa man tuluyang makalabas ito ng pinto ay agad niyang binuksan ang ilaw.
"Hey,"
"Ay kalabaw!" gulat na sabi ni Cecilia habang nakahawak pa sa door knob, napangiti naman si Agos at nilapitan ito.
"Agos,"
"What are you doing here Princess? Gabi na ah? ganoon mo ba talaga ako na-miss?"
"Ha?" gulat pa rin na wika nito. Kinakabahan at halos kainin ng hiya dahil hindi niya akalain na mahuhuli siya ni Agos.
"Miss mo na ko no?"
"Kapal ah!"
"Alam mo naman na lagi kang welcome dito sa bahay ko, pero sana nag-advice ka para naman nakapaghanda ako ng romantic dinner para sa ating dalawa," Ngisi pa nito bago humarang sa pinto.
Napaatras si Cecilia bago umiling, may kinuha ito na paper bag sa lamesa na dapat ay iiwan niya lang kaso eto nahuli siya ni Agos.
"Para sa'yo," Napakunot ang noo ni Agos ngunit agad din nawala at nginitian si Cecilia at niyakap ng mahigpit.
"Para sakin? ang sweet naman!" agad na kumawala si Cecilia at binatukan siya "Wag ka assuming yan 'yong jacket na pinahiram mo sakin ibinalik ko lang,"
"Ay ganon, akala ko pa naman may surprise ang butter cup ko sa akin," Ngisi nito kaya napairap si Cecilia.
"Asa ka naman, at bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Eh kasi na-realised mo na gusto mo rin ako. Kaya ka rin nandito sa ganitong oras dahil you want to surprise me. And maybe may balak kang yakapin ako habang natuutulog ako,"
"Ay wow ha? san galing yan?!" asar na sabi nito kaya natawa si Agos
"Siguro nga 'ganon no? Well, Cecilia. No need to sneak out sa ganitong oras para lang mayakap mo ko dahil anytime, anywhere pwede mo akong yakapin kung kailan mo gusto. You know I'm all yours peanut,"
Napairap si Cecilia, "No thanks,"
"Talaga ba ?"
"Ibinalik ko lang yan, walang halong malisya,"
"Talaga? sa ganitong oras? eh pwede mo naman akong i-text kung gusto mo. Pwede tayo mag-kita, hindi 'yong alanganing oras diba?. Pero mas pinili mo na ganitong madaling araw na?," pinanlakihan siya ng mata ni Cecilia.
"So, ibig sabihin may iba ka pang balak gawin katulad ng yakapin at amuyin ako habang tulog? O kaya naman mag-nakaw ng halik sakin?"
"Kapal mo! May pinuntahan lang ako diyan sa may malapit. Eh napadaan ako kay inisip ko na ibalik na dito,"
"Talaga ba? pwede ka naman mag doorbell pero pinasok mo 'yong bahay ko ng walang pahintulot ko dahan-dahan ka pang maglakad kanina. Eh pano kung akala ko magnanakaw ka? paano kung bigla kitang patayin ng pagmamahal ko kasi ninakaw mo ang puso ko?"
"Agos, para kang tanga," mahinang wika nito bago umiwas ng ngiti. Bigla naman nag-seryoso si Agos at sinapo ang mukha niya "Pwera biro Cecilia? you should have called me, or sana nag-doorbell ka,"
"I'm sorry okay? Ibabalik ko lang naman 'yan dami mo pa sinabi,"
"What if napagkamalan nga kitang magnanakaw kanina at nasaktan kita? hindi ko mapapatawad sarili ko alam mo ba 'yon? hindi kita kayang saktan,"
Napakagat ng labi si Cecilia bago umiwas ng tingin kay Agos "Para kang tanga,"
"Basta sa susunod 'wag mo ng gagawin 'yon ah?"
Tumango ito "Sorry talaga,"
"Okay, gusto mo hatid na kita?" Umiling si Cecilia at napatinging sa lata ng beer na nasa lamesa "Matutulog ka na ba?"
"Bakit tatabihan mo ba ako? Pwede naman," sumama ang mukha ni Cecilia kaya mabilis niya na binawi ang kanyang sinabi.
"Hmm, I mean is nawala ang antok ko, siguro ubusin ko lang 'tong beer and I'll go to sleep, but if you want, you can stay ?"
"Can I?" lumapad ang ngiti ni Agos
"Sinasabi ko na nga may balak ka--" umasim ang mukha ni Cecilia at akmang aalis na ng pigilan siya ni Agos.
"Joke lang, ito talaga 'di na mabiro. Tara pasok ka, pasok ka sa puso ko," Iginaya niya ito paupo sa sofa at tumungo sa ref "What do you want my lady? coffee milk or me?"
Muli siyang sinimangutan ni Cecilia "Joke lang, haha! meer i mean- may sipon ako kaya na ngo-ongo lang, ano gusto mo ng meer?"
Napasapo si Cecilia sa kanyang mukha upang pigilan ang kanyang pagtawa "Yes beer please,"
"Okay one meer comming!" wika pa ni Agos bago kumuha pa ng chips sa pantry at dinala iyon kay Cecilia.
"Thanks,"
"Buti na lang nandito ka. Masarap uminom kapag pag may balak sayo yung babae,"
"Agos!"
"Joke again, I'm so funny honey!" Ipinagbuksan niya pa ng beer si Cecilia na nakairap pa rin sa kanya. Tinabihan niya ito at parehas silang napatingin sa malaking bintana kung saan tanaw ang buong syudad.
Tinunga ni Cecilia ang isang lata ng beer nang dere-deretso na halos maubos na niya ito. Kaya tila na-bilib din si Agos at napailing na lang habang hindi maalis ang tingin sa dalaga.
"Easy-han mo lang malasing ka niyan. Mahirap na,"
"Bakit may balak ka ba sakin?" Ngumisi si Agos bago tumungga uli ng alak "Mahirap na baka kasi alam mo na pilitin mo ko tiyak 'di ako makaka-hindi"
"Bwisit ka," napatingin ito sa ashtray sa gilid "Do you smoke?"
"Hmm yeah?" ngumiti si Cecilia at naglabas ng sigarilyo.
"Can I?" Tumango si Agos.
"Nag-sisigarilyo ka pala?"
"Not really, kapag stress lang. Ikaw ba? smoker ka?"
"Nope, smoking hot lang,"
"Funny?"
"Haha joke lang! I smoke sometimes. kapag stress lang din,"
"Ahh--- you want?' alok ni Cecilia sa sigarilyo pero umiling si Agos at inagaw ang sigarilyo kay Cecilia kaya napasimangot ito.
"Di naman ako stress kasi nandito ka, I can look at you all night baby. Pero di ko rin kaya na makita ang baby ko na nagsisigarilyo kung stress. Instead,eat this," may dinukot ito sa kanyang bulsa at inilagay s palad ni Cecilia. At ng tignan iyon ng dalaga na pailing nalang ito
"Are you always like that? I mean ganyan ka ba talaga? mahilig mag joke? laging nang-aasar? bolero? kinuha mo pa yosi ko at pinalitan ng kisses?"
"Why did you ask? Ayaw mo ba? Gusto mo bang totoong kisses mula sa akin?, pwede naman,"
"Baliw!"
"Eh bakit mo nga natanong?"
"Hmmm, wala lang? baka naman pwede kang magseryoso kahit minsan,"
"Baka pag nagseryoso ako himatayin ka," aniya pa bago kinindatan si Cecilia. Parehas silang natawa tapos muling uminom ng alak "So you want me to be serious no? Ano Cecilia? 'yong totoo bakit ka nandito?'
"Hindi ba, ibabalik ko yung jacket mo?" Tinitigan siya ni Agos "aside from that?" Napahinto si Cecilia sa pag-inom at napatingin ng deretso kay Agos.
"Yong totoo?"
"Yep,"
"Well, I ummm" nauutal na wika nito kaya napangiti pa lalo si Agos.
"What?"
"Umm... I... just..."
"What??"
"Wait lang kasi, I was trying to explain,"
"Hahah! bakit nga kasi? why are you here aside sa ibigay ang jacket ko?"
"Kasi nga---"
"Ano ?"
"Agos, saglit lang kasi--"
"Bakit nga?"
"I was...um"
"Ano?" napasapo si Cecilia sa kanyang mukha bago tumitig sa kanya.
"I feel so alone--"
Napahinto si Agos at tinitigan ito sa mga mata
"Then why here?" seryosong tanong ni Agos sa kanya na tila naramdaman nito lungkot na kanyang nararamdaman. Iba si Agos na kahit naiinis siya dito may parte pa rin niya na gusto lahat nang ginagawa nito. Ang totoo niyan parang nagugustuhan na niya ito bilang kaibigan.
Oo kaibigan naniniwala siya roon.
Siguro dahil benta sa kanya ang mga kalokohan nito at ang kacornihan nito. Si Gabbi para na niyang kapatid na kahit alam niya na si Gabbi lang 'yong dapat pagsabihan niya sa mga gusto niyang sabihin ay parang 'di pa rin sapat. Na si Gabbi lang 'yong dapat pagkatiwalaan niya, pero deep inside may kulang. Kulang na parang si Agos ang nagbibigay sa kanya.
Kay Agos, parang pwede siyang maging sarili niya. Siguro dahil hindi pa siya nito kilala. Na kahit mag-sabi siya ng nararamdman niya alam niya na maiintindihan siya nito. Alam niya na hindi mag-iisip ito ng kung ano. Kapag si Agos ang kasama niya nararamdaman niya na ligtas siya.
Buong buhay niya naging malakas siya para sa sarili niya. Pero kapag kasama niya si Agos, kapag kausap si ito parang pwede siyang mag pahinga sa pagiging malakas. Magpahinga sa tungkulin niya sa angkan. Sa mga responsibilidad na mayroon siya. She can put her guard down dahil alam niya nararamdaman niya na hindi siya pababayaan ni Agos.
Gusto niyang maging ordinaryo lang. 'Yong mailalabas niya yung emosyon na meron siya at kanina habang umiiyak siya at hawak-hawak ang kwintas ng ina. Umiiyak siya dahil ni hindi niya alam ang maaring mangyari sa mga susunod na araw. Na hindi niya alam kung iyon na ba ang huli niya o kaya niya bang tapusin ang misyon niya. Sa mga oras na halos madilim ang nakikita niya, sa oras na halos blangko ang isip niya. That moment na naramdaman niyang tila nag-iisa siya. Biglang pumasok sa isipan niya si Agos.
Ang maamo nitong mukha na nakangiti sa kanya. Doon niya nalaman na she wanted to see him, Alam niyang magiging okay siya ulit kapag nakita ito. Naguguluhan man siya sa kanyang nararamdaman pero kailangan niyang gawin iyon.
Kailangan niyang puntahan si Agos. At ito siya ngayon, kaharap ang lalaki.
"Because, I needed to see you." Lumapad ang ngiti ni Agos "hmm really?"
"Ang g*go mo kasi eh, I don't know Agos pero nararamdaman ko lang na I need to see you. Na I need to be with you, at magiging okay na ulit ako"
Napahinto siya ng hawakan ni Agos ang kamay niya at hinalikan ang palad niya. "Shhh.. I get it," Banayad na ngumiti ito at hinapit ng yakap si Cecilia. Saglit pang dinampian ng halik ang noo nito
"Hindi ka na malulungkot simula ngayon. Dahil nandito na ako at lagi lang akong nandito para sayo," Pumatak ang luha sa mga mata ni Cecilia bago hindi rin napigilan na yakapin si Agos at hinalikan ito.
Hinalikan ito sa mga labi niya na agad din tinugon ng binata.