7

1888 Words
Bakit mo tinakas ang bata. Sabi ko hwag mong payagan diba? Halang ang kaluluwa ng lalaking iyon. Mabait naman sya at major sponsor sya. Di naman namin sinasadya ang nangyari. Sorry na mars. Paano kung may nangyaring masama sa bata? “H-hello sir Prince Tumawag ang lalaki kay Gladys. Itatanong ko po. Sige po. Ano daw? Kung pwede ka daw makausap. Ano pa nga ba? Mangungulit lang yan lalo kung di ko kakausapin. Pinuntahan ko si Prince na nasa office. Nanginginig ang buong katawan ko. Kaba, at galit ang nararamdaman ko. Pagpasok ko sa office ay napatayo sya sa kinauupuang couch. Kunot ang noo na puno ng kalungkutan ang mukha. Mabilis at malakas na dumampi ang palad ko sa kanyang pisngi. Ang kapal talaga ng mukha mo. Anong ginagawa mo dito? Balak mo bang mangidnap ng mga bata at ibenta? Hindi. Natuwa lang ako kay Ivan at sa ibang mga bata dito. Kung nagkataon ay kasing laki na sya siguro ng anak natin. Wala kang karapatan sa kahit sinong bata dito dahil mamamatay tao ka. Lumayas ka na at di namin kailangan ang donations mo. Isaksak mo sa baga mo ang pera mong galing sa masama. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko at pigilan akong umalis. Patawarin mo ako,” agad siyang lumuhod sa harapan ko at niyakap ako. Inilalayo ko sya pero mahigpit ang kapit niya sa akin. Hinding-hindi kahit kailan,” puno ng poot ang puso ko para sa kanya. Walang kahit anong awa at ang dating pagmamahal ko ay nabura na. Bell, please, mag-usap tayo ng ayos. Miss na miss na kita. Umalis ka na. Ayoko na kitang makita. Iniwan ko sya sa opisina at bumalik na ako sa bahay para makapagpahinga na. Umaga at nag-aalmusal kami ni Ate Gladys sa bahay. Kinalimutan ko na ang pagtakas niya sa anak ko. Nagtitimpla ako ng kape ng may marinig na mga bata sa labas. Ano yun? Ang aga namang maglaro ng mga bata. Oo nga no. Wait, sisilipin ko. Usisera ka talaga. Mayamaya ay bumalik ito at pilit akong pinalalabas ng bahay. Halika tingnan mong sinong naroon sa play ground. Nakita kong nagtuturo ng basketball si Prince sa mga bata. Napalingon pa nga ito sa amin ni Ate Gladys at kumindat pa. Kinilig naman ang kasama kong talandi. Hay, ang aga-aga nasisira ang araw ko. Bumalik ako sa bahay para mag-almusal. Si ate Gladys naman ay sayang-saya parin hanggang sa bahay mula nang makita si Prince. Kilig na kilig ka dyan. Ang gwapo naman kasi ng Prince Charming mo Isa. Hindi sya prince charming. Kilala mo si Gaston sa beauty ang the beast, sya yun o kaya sya yung frog prince. Mag-iikot mun ako at magchecheck ng mga supplies sa mga bahay. Paalam ko kay ate. Ok, ingat ka sa daan baka may matapakan kang palaka. Halikan mo agad. Biro pa nito sa akin na akala mo walang atraso. Ewanko sayo. Sabay kurot ko sa kaibigan. Naging abala ako sa pag babahay-bahay sa loob ng bahay ampunan. Ang mga bata kasi ay nakatira sa mga bahay para maranasan nilang nasa totoo silang bahay at meron silang mga parents doon. Madalas ay mommy lang at madalang naman ang mga volunteers na lalaki. Bell, samahan na kita. I want to meet the babies. Mag-ikot kang mag-isa at ayoko kitang kasama. Saan pala si Ivan? Tanong ng lalaki. Hwag ka ngang makalapit-lapit sa mga bata. Di ko pa nakakalimutan ang ginawa mo kahapon at maaari kitang kasuhan. Patawarin mo na ako. Di ko naman sinasadya yun Go to hell. Inis na saad ko Pumasok na ako sa unang bahay. Nangcheck ng mga ubos nang stocks na mga gamit ng mga bata. Hi! Sumunod pa rin ang mokong sa akin. Bumati sa mga parents at sa mga batang naroon. Ako naman ay lumabas na agad at napansin kong agad akong sinundan ng lalaking ito. Hinarap ko sya at namewang ako. Kelan ka pa natuwa sa mga bata? Ayaw mo ng mga bata di ba? Walang hiya ka. Hinampas ko sya ng dala kong malaking listahan ko. Alam kong malaki at marami akong pagkakamali. Gusto kong bumawi at magbagong buhay. Di na mabubura ang mga kasalanan mo at tiyak na susunugin ka sa impyerno. Paano kung napalaglag ko nga si Ivan noon. Buong buhay kong pagsisisihan ang pagkakamaling iyon. Pasalamat akong natakot ako sa gagawing iyon. Bell naman. Humingi na ako ng tawad sa Diyos. Nagsisi ako ng lubos. Hindi sapat yun sa pagpatay mo ng mga bata. Sa anak mo,” mahina lang ang pagsasalita ko ngunit may galit at nangilid ang luha sa aking mga mata. Di ko mapapatawad ang sarili ko kung naituloy ko talaga yun. Kaya nga babawi ako. Paano pa? Maibabalik mo ba ang patay na? Hindi nga pero itong pagtulong ko dito sa bahay ampunan ang pagbawi ko sa mga kasalanan ko. Sa ibang bata ko ipaparanas ang mg blessings para sa mga batang naipaabort. Hwag mo akong sundan dahil sukdulan ang galit ko sayo. Baka mapatay kita Prince. Binabalaan na kita. Sa sumunod na bahay ay di na ako nito sinundan pa. Natapos ko ang sampung bahay at di ko na nakita ang anino ng lalaki. Ramdam nya naman siguro ang galit ko sa kanya. Sobrang galit talaga. Nasaan kaya sya? Umuwi na kaya? Sana naman. Tanghalian ng makita ko ito sa kusina. Mag-aayos na sana kami ng pagkain ng makita ko itong nagluluto. Nakakagulat na marunong pala sya. Bakit nandito yan? Tanong kong pabulong kay Ate Carmen na cook namin Mag-aadobo daw sya. Bulong din nito sa akin Ano naman kayang lasa? Mukha namang masarap. Mamaya tikman natin sya. Ha? Yung ulam. Titikman. Nagulat ako sa tikimang sinasabi niya. Ulam pala. Isang lutuan lang ang ulam at irarasyon sa mga bahay bahay. Para talagang pamilya sa isang bahay ang mga parents at kids. Sama samang kakain sa kanilang hapag. Kumuha na ako ng para sa amin ni Ate Gladys naalala kong magigising na rin pala si Ivan. Sabay na tayong mag lunch,” nakasunod nanaman pala sa akin ang lalaking ito. Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan siya ng matalim. Ilang bess ko bang sasabihin na naiirita ako sayo? Kahit ilang beses mo pang sabihin, hindi kita susukuan hanagang sa matanggap mo ulit ako at mapatawad. Sabi ko sayo di ba, go to hell. Naglakad ako ng mabilis pero nakasunod pa rin ito sa akin. Tito prince, salubong ni Ivan na naghihintay sa labas ng bahay. Hello baby. Miss me? Yes po. Play tayo tito. No baby, may gagawin pa sya at aalis na sya? Kontra ko sa plano nilang dalawa. Nagiging close na talaga sila at hindi pwede yun. Play muna tayo please tito. Please mommy. Nagmamadali sya ivan. next time na lang. Ayaw ko talagang payagan at ayaw kong maging close sila. Hindi nagpaawat ang bata at agad hinila si prince sa loob ng bahay. Hoy, Alis na, saad ko sa lalaki pero nginitian lang ako nito ng nakakaloko. Hayaan mo na. Masaya naman si Ivan. Saad ni Ate Gladys na kinukumbinsi pa ako.. Ivan, kain muna. Later mommy. Mommy? Takang tanong ni Prince at napatingin ito sa akin. Mommy ang lahat ng babae dito. We are parents to all the kids. Paliwanag ni Ate Gladys. Pero ikaw ninang. di kita mommy. Sabat naman ng bata. Oo nga pala. Ninang ako. Baka malito kasi ang bata kapag dalawang mommy kaya isang mommy lang sa household. Kain na tayo Sir Prince. Mamaya na. Busog pa ako. Kumain na tayo ate Gladys. Mamaya susubuan ko si Ivan. Anyaya ko sa babae. Ako nang magsusubo kay Ivan. Ok ba yun baby? Ok po tito prince. Thank you, ngiting ngiting saad ng bata na tuwang tuwang magkasama sila Happy sya oh. Need talaga ng mga batang lalaki ang magkaroon ng ama. Same din naman sa girls na kailangan din ng ama pero mas higit ang mga batang lalaki. Mommy lang sapat na. Kontra ko kay Ate Gladys. Sabay ismid ko. Di ako naniniwala sa kanya. Kaya kong ibigay lahat ng pagmamahal kay Ivan kahit mag-isa lang ako. Ikaw talaga. Ayaw patalo. Pagkakain ko ay hinanda ko na ang pagkain ni Ivan. Hiniwa hiwa ko ang mga manok sa maliliit na piraso at hinalo sa kanin. Ako na dyan,” nasa tabi ko ang lalaking halos dumikit na ang katawan sa akin kaya iniwan ko ang pagkain sa mesa at saka pumasok na lang sa aking kwarto. Ayoko na ring mapalapit pa sa kanya Ivan kain ng marami ha. Saad ko habang nasa loob ng aking kwarto Opo sagot ng bata. Ilang minuto ako sa kwarto at lumabas din ako. Nakita kong kumakain pa rin ang mag-ama. Si ate naman ay naghuhugas ng mga plato sa kusina. Sa office lang ako paalam ko kay Ate. Mommy where are you going? Tanong ni Ivan Sa office lang ni mother. Dyan ka lang ha. Ok mommy. Pinasa ko lang ang lists na kailangan ni mother. Habang nasa opisina ni mother ay di ako mapakali. Ako kayang ginagawa ng mag-ama? Hindi kaya itakas itong muli ni Prince? Bumalik ako sa bahay para silipin sila. Nakita kong naglalaro lang naman sila sa salas. Mommy your back. Nakita agad ako ni Ivan. Maligo ka na. Later na mommy. Naglalaro pa kami ni tito prince. Para presko ka na. Ako na ang magpapaligo kay Ivan. Ako na. Di ka marunong. Saad ko sa lalaki. Kaya ko. Ako na ang magpapaligo sayo ivan. Sige po tito. Maggagawa tayo ng bubbles.excited nanaman ang bata sa bonding nila ng lalaking iyon. Ok baby. Lets go. Close na talaga sila. Wala ka nang magagawa. Bulong ni ate sa akin Hindi maaari. Paghihiwalayin ko sila. Ang mean parang evil queen. Ikaw ba ang fairy god mother? Wala kang magagawa/ Pwede namang ako na lang ang princess. Tapos kami na lang ni prince Charming. Sayo na talaga. Ayoko na dyan sa lalaking yan. He’s selfish. Nagkuwentuhan pa kami ng sumilip si Prince sa pintuan ng banyo. Pwedeng makahiram ng damit? Nabasa ni Ivan ang damit ko. Hay,ayan, ang harot kasi. Inis na saad ko pero pumasok ako sa kwarto para hanapan siya ng damit na kakasya sa kanya. Matapos pasayahin ni Prince ag bata ay bigla itong naglahong parang bula. Ilang araw nang di nagpapakita at madalas itong hanapin ni Ivan. Ang walang hiya, paasa. Akala ko ba gusto mong magkahiwalay pero bakit ngayon nagagalit ka na di nagpapakita si Frog Prince. Inaalala ko lang naman si Ivan na namimiss na yung lalaking palaka na yun. Kawawa naman kasi eh. Hindi ba dapat masaya ka na wala sya o baka naman namimiss mo rin. Hindi ha. Si ivan nga ang inaalala ko at tsaka magpapasko na rin. Dyan ka na nga at roronda muna ako sa mga bahay bahay. Lagi na lang ako tinutukso ng babaing ito. Nakakainis nang kausap. Hoy teka, habol nito sa akin. Ang alam nya kasi may mag aadopt kay Ivan this Christmas yung sa adopt a chuld program natin kaya siguro di nagpapakita ang lalaking yun. Siguro nga. So anong gagawin ko? Naghahanap ang bata at paniguradong tatanungin nya si Prince kapag nagkita sila. Kailangang may pagkaabalahan si Ivan ng dalawang linggo. Saan natin isosoga ang batang yan para hindi hanapin ang ama at di tayo mabuking ni Prince? Isipin ko pa. Babalik ako at mag-isip ka na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD