6

1223 Words
6 GLADYS Isa, narito nanaman ang masugid nating sponsor. Bakit nanaman kaya? pag aalalang tanong ni Isa. Lalabas lang ako at susundan sya. sabi ko at mamatyagan ang gagawin ng lalaki. Hwag mong hahayaang makuha si Ivan ha. Remember, gangster sya at sangkot sa mga human trafficking. Baka kidnapin pa ang anak ko. ramdam ko ang takot na nararamdaman ni Isa. Malay mo naman nagbago na. Teka lalapitan ko na nga muna. Nilapitan ko ang isa sa mga major sponsor namin ngayon. Malaki ito magbigay at giliw na giliw kay Ivan kaso lang ay natakot ako sa sinabi ni Isa na baka kidnapin ang bata. Hi sir, napapadalas po kayo," saad ko sa lalaki. Gusto ko sanang magtreat sa mga bata. Foods at toys. Kelan pwede?" Sa office po tayo ni mother mag usap at titingnan ko ang schedule. At isa pa sana Gladys. Yes po sir. Ano po yun? Nais ko sana na dagdagan ang sponsorship ko kaso lang pwede ko bang iadopt si Ivan? prankang saad nito Po? S-sir, hindi po pwede. M-may ano po kasi. May naka pili na po sa kanya. Sorry at nalate kayo. pagdadahilan ko. bilin ni Isa ay hwag ibigay sa lalaki ang batang iyon Ahh ganon ba. Sayang naman. May naalala kasi ako sa kanya. Malamang magkasing edad na sila ngayon. paliwqnang pa ng lalaki habang kabadi na ako sa aming pag uusap. M-may iba pa po kaming 4 years old. Malusog at nakakatuwa rin po. kailangang mabaling sa iba ang atensyon niya kundi ay mawawqlay sa amin si Ivan. How about, ilang days na adopt a child this Christmas? suhestiyon nito na mukhang interesado talaga sa bata. Eh di ba po, may nakauna na rin po sa inyo. mabilis na sagot ko. ang kukit nya talaga. New year? Sa new year na lang. Once lang po kasi yung program sir at medyo strict po kami sa paglabas ng mga bata. mahiral na po at baka may mangyaring masama sa mga bata o kata magkasakit. Ms. Gladys naman, I’m a major sponsor here. Pwede akong mag back out anytime. Kahit anong request ko ayaw mo akong pagbigyan. ramdam ko ang pagtatampo at pagkadismaya nito. lagot ako kapag nag backout ito. Sir naman. Sige na nga po. Gagawan ko ng paraan para makasama ninyo ang bata. Pangako ko sa lalaki pero hindi ko alam kung anong magagawa ko. Lagot ako kay Isa. Ok thanks. Call me when and where I can pick him up. Nakakatuwa kasi talaga sya. Can I see him now? Sure po nasa playroom sila. Agad akong bumalik sa bahay namin ni Isa at kinuwento ang mga pangyayari. Kinumbinsi ko si Isa na pasamahin na ang bata at sasama rin naman ako para magbantay. Ipapasyal lang naman for one day at para di na mangulit ang lalaki. Nagtatampo na rin dahil di mapagbigyan. sayang kung iwiwithdraw niya ang sponsorship niya. Nakasalalay sa kanya ang fund ng ampunan.. ate, Marami tayong sponsors. Di sya kawalan at isa pa, galing sa masama ang pera niya. Hwag ka ngang magpabulag sa yaman ng mokong na yun at hwag na hwag kang magpapadala sa kagwapuhan niya. saad ni Isay na ayaw pumayag sa suhestiyon ko. Sobra ka naman. Di naman ako marupok tsaka mukhang mabait naman yung tao. pagtatanggol ko pa sa lalaki. Di na rin ako nakipagtalo pa sa babae pero Nang mga panahong naging busy si Isa sa kanyang pag-aaral ay nakakuha ako ng tiyempo. Magbabakasyon pa lang sila sa school at marami syang projects bago mag pasko. Tinext ko agad si Sir Prince at sinabing pede nyang ipasyal si Ivan ngunit kasama ako. Walang ibang nakakaalam kundi kami lang at kahit si Mother ay di alam. Ang paalam ko ay kami lang ni Ivan ang aalis. Nagkita kami sa isang lugar na di gaanong kalayuan sa simbahan. Hi ivan. Papasyal tayo. sabi ng lalaki sa bata nang magkita sila. Yehey, masayang saad ng bata na excited pa. Saan mo gustong pumunta? I want to ride, tito prince Sa archade daw po sir. paliwanag ko sa lalaki. may mga rides doon at yun ang gusto ng bata. Ahh sa mall ba? Ok lets go and anong gusto mong kainin? tanong nitong muli. Chocolate ice cream and fried chicken. masayang sagot ng bata. Wow, magana ka pala kumain ha. Halata naman po sa katawan, sir. sabat ko sa usapan ng dalawa. pareho silang excited sa lakad naming iyon kaya siguro naman ay magiging maayos ang lahat. Naging para kaming isang pamilya. Ako ang mommy si sir ang daddy at ang unico iho namin na si Ivan. Masaya kaming kumain at naglaro. Maya maya ay nagtext si Isa at tinatanong si Ivan. Busy ako sa pagsagot sa aking kaibigan. Ang dami kong palusot at pagsisinungaling na sinabi kay Isa para di nito malaman na kasama namin ang lalaking kunamumuhian niya. Hay lagot talaga ako. Di ko namalayan na si Sir pala ay may kausap naman sa phone. Saglit na paglingat ay nawala ang bata. Sir si Ivan? tanong ko Hawak mo diba. saad nito sa akin Hindi po may ka text ako. May kausap ako sa phone. Natense ako at hinanap maigi ang bata. Patakbong hinahalughog ang mall na napakalaki at sa dami ng tao ay di namin makita si Ivan. Tumawag na rin kami ng security at pinasara ni Prince ang buong mall. Kausap namin ang mga gwardiya at nasa cctv room kami. Di ko alam ang gagawin at tinawagan agad si Isa. Natatakot na kasi ako. Halos 30 minutes bago ito nakarating sa mall. ang lakas ng kaba ko at takot na takot. Nasaan si Ivan? Anong ginagawa mo? Galit na saad nito kay Prince. Ang lalaki naman ay natulala sa pagkakita sa aking kaibigan. Di nakapagsalita at di makagalaw sa kinatatayuan. Pahamak ka talaga at wala kang ginawang mabuti. galit na saad ni Isa Bell, bakit nandito ka? takang tanong ng lalaki Staff ako ng bahay ampunan at kargo ko ang mga bata pero anong ginawa mo? Tinakas mo si Ivan. O pinakidnap mo na sya? Walang hiya ka talaga. Lumipad ang mga kamay ni Isa na papunta kay Prince. Sinalag naman ito ng lalaki at ako naman ay takot na takot na kay Isa na galit na galit. im sorry, tanging saad ng lalaki Maya-maya ay nakarinig kami ng iyak ng bata. Karga ng gwardiya. Agad sumama kay Isa at inalo ang anak. himas nito ang likod ng bata. Ok stop crying na. Nandito na ako. Sa may tindahan po sya ng balloon nakita. Bakit kasi lumalayo ka kay Ninang Gladys,” galit na saad ni Isa sa bata. I saw a hello kitty balloon. Want mo yun di ba? Kahit na. Gusto mong madampot ka ng bad guys? naiinis ito pero naaawa din kay Ivan. Sya pala ang inaalala niya kaya sya nawala. Nagpaalam na kami sa mga gwardiya at nagpasalamat sa paghahanap sa kay Ivan. Ako na nanginginig sa takot ay pinagbantaan ni Isa na mag-uusap mamaya. Si Prince wala ring imik at guilty sa ginawa namin. Halatang nabigla sa pagkikita nila ni Isa at di pa rin makapagsalita. Hinatid kami ulit ni Prince sa bahay ampunan. Nasa office lang siya ni Mother at doon nagpahinga. Mabuting wala doon ang madre kung hindi ay masesermunan kaming dalawa. Pinatulog na ni Isa si Ivan at ako naman ay nasa living room lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD