8

1276 Words
Habang nalalapit nag pasko ay may iabng bata na ang nakuha at inadopt pansamantala. Ang iba naman ay naiwan sa bahay ampunan ay may pailan ilang nagpaparty na ibat ibang organization. Nawili naman si Ivan lalo na nang isang pamilyar na mukha ang nakilala ko na naroon sa ampunan.. Lola,” masayang saad ko at sinalubong ang matanda. Isabel jusko pong bata ka. Ikaw ba talaga yan? Ang apo ko. Ako nga po lola nagyakap kami at laking pasasalamat kong nagkita kami at nakasama siya sa isang event sa bahay ampunan. Sinong mkasama mo lola? Saan ka napadpad? Ikaw ang saan napadpad bakit bigla kang nawala. Manang,” tawag ng isang babae na parang nagtataka, nagulat at di ko maipaliwanag ang emosyon niya ng makita kaming magkausap. Luluha ba ang babae? Bakit naman kaya? Anabelle, nakita ko na sya. Ang anak mo. Ito na sya. Sabi ni lola sa babaeng lumapit. Bigla akong niyakap ng babae. Nagulat ako at nanigas ang aking katawan. Anak niya ako? May ina pa pala ako? Pero bakit nya ako hinayaan lang kay lola. Isabelle anak ko. Hinahanap ka namin ng lola mo pero nawala ka daw sa pier. M-may mga lalaki kasing isinakay ako sa van at dinala sa isang lugar na may bumibiling mayayaman pero kinupkop ako ng isang lalaki at ngayon may a-apo na kayo. Mabilis na paliwanag at kwento ko sa kanila. “M-may anak ka? Opo. Nabuntis nya ako pero ayaw nya akong panagutan. Kaya heto, narito kaming mag-ina sa ampunan. Walang hiya yun ha. Ipakukulong natin sya. Sabihin mo sa akin kung sino. H-hindi na po kailangan. Masaya naman akong nagkaanak. Ayun po ang anak ko. Yung malusog na lalaki na naka blue sando. Ivan po ang name niya. Napaka cute naman pala niya. Natuwa ang dalawa sa pagkabibo ng aking anak at talagang cute ito dahil sa bilugang mukha. Sumama ka na sa amin. Doon ka tumira sa bahay ko anak. Saad ng babae. “P-po? Kasi may trabaho po ako dito. Di ko rin kayang iwan ang mga bata pero dadalaw ako kung saan kayo nakatira, mommy. Anak ko. Miss namiss kita. Patawad sa pag-iwan ko sayo kay manang. Kailangan kitang ilayo sa ama mo. Gaya mo, ayaw rin niya akong panagutan at nais ka pang ipalaglag. Hindi ako pumayag kaya tumakas ako sa kanya. Kaso ang totoong lolo mo, ayaw nya rin sa pinagbubuntis ko. Itatakwil nya raw ako kaya kay manang ka lumaki. Patawad, nagsisisi akong di kita naalagaan noon. Dahil sa tagpong iyon at halos ang lahay ng bata ay nakuha ng mga pamilyang nais magampon ay napaunlakan ko ang aking ina na sa bahay niya muna kami mamalagi ni Ivan. Wala naman akong galit sa kanya. Mahal na mahal ako ni lolo at lola at kuntento ako sa pagmamahal na iyon. Swerte ko na lang na may ina pa pala ako at laking pasasalamat kong nagkita na kaming muli ng lola ko. Si Ate Gladys ay umuwi rin sa kanyang mga magulang para makasama sila at makapagpahinga sa trabaho. Malaki ang bahay ni mommy. Mayaman ang kanyang ama. Si lolo na ayaw sa akin. Pinamana sa kanya ang mga ari arian ng mamatay ang kanyang mga magulang at sya ang kaisa-isang anak. Noon daw ay naging suwail siya at dahil sa paghihigpit ng kanyang ama sa lahat ng bagay ay napilitan siyang lumayas. Nakilala niya ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso at nainlove ng todo dito. Agad siyang sumama sa lalaki at sa murang edad niya ay nabulag siya sa pag-ibig. Naging maayos naman daw ang lahat sa kanila kahit na isa itong gangster at kaanib ng isang mafia. Mabait daw ang lalaki at mahal na mahal siya. Ibinibigay ang lahat ng bagay kahit hindi niya hilingin ngunit nang malaman na nagdadalang tao siya ay agad itong nagpasya na ipalaglag ang ipinagbubuntis at ako iyon. Hindi sya nagdalawang isip at lumayo sa lalaki. Bumalik sa kanyang mga magulang at tinanggap siya ngunit hindi ako kasama sa pagtanggap nila sa kanya Pero ang lalaki ay di sya tinigilan at nahanap siya sa kanyang tinitirahan kaya kasama ang kanilang kasambahay na si lola ay sa probinsya siya nanirahan. Ayaw na daw nya ng mga panahong iyon sa aking ama. Galit daw sya kaya lumayo sya kasama ako. Nagpaalam lang syang magbabakasyon sa kanyang mga magulang. Ngunit isang trahedya ang nagpahiwalay sa aming dalawa. Nadisgrasya ang mga magulang ni Mommy nang dalawang taong gulang pa lamang ako. Namatay sila sa aksidente at dahil doon ay kailangang sya ang humalili sa kanyang ama sa kompanya at ako ay naiwan sa probinsya para may mag-alaga sa akin. Para hindi rin daw ako makita ng aking ama. Ang gulo pero inintindi ko na lang. Alam niyang magiging busy siya sa trabaho at si lola lang ang tanging pwedeng mag-alaga sa akin. Kailangan nya rin akong itago sa aking ama dahil natatakot siyang gawan ako nito ng masama. Dukutin ako o kung ano pa man. Halos pareho ang kapalaran namin na di matanggap ng mga lalaking ito ang anak na binuo rin naman nila. Paano nila naiisip na pumatay ng walang muwang na sanggol? Nakapangingilaboit ang ganoong kaisipan. Masaya si Ivan sa bahay ng kanyang lola na may swimming pool pa. Nalimutan na yata ang lalaking ilang araw siyang napasaya at nagpapasalamat naman akong di nya na iniisip pa si Prince. Bisperas ng pasko ng yayain ko si Ate Gladys na magpasko kasama sina mommy sa bahay nito. Wala namang pagdadalawang isip at agad pumayag. Wow, ang laki ng bahay nyo Isa Kay mommy ito. Hindi sa amin. Bisita lang din ako. Sira, anak ka kaya sa inyo rin ito. Ang swerte mo pala. After all this years na akala mo wala kang pamilya yun pala meron. Una ang ama ni Ivan ang dumating at ngayon naman ang true mother mo. Pinagpapala ka dahil tama ang mga naging desisyon mo sa buhay. Hay nakakainggit. Oo pinagpala nga talaga at unti unti na akong nabubuo ulit. Maswete rin kaya akong nakilala kita at tinulungan mo ako sa pag-aalaga kay Ivan. Ano ba yan. Ang cheesy. So, bubuo ka na ng pamilya? Kay palaka? Hay, ayan ka nanaman kay palaka. Hindi nga. Umamin kana kay palaka. Mahal ka noon at naduwag lang yun noon. Mahal mo pa rin naman di ba? Kulang pa. Kailangan nya pang magsisi ng husto. Pakipot. Tumagal kami hangang new year sa bahay ni mommy anabelle. Maraming pagkain araw araw. May patoys at maraming damit sa anak ko. Pati kami ni Ate ay may pa shopping din. Naalala mo noon na sa palengke lang tayo nabili? Ngayon sa mall na. Oo nga pero aminin mong magaganda rin naman ang design sa palengke. Oo at mura pa. Pagbalik sa ampunan, mamalengke na tayo ulit. Sige. Tapos sa ukay ha. New arrivals na daw. Nagdatingan na rin ang mga bata after new year at nagbalikan na sa bahay ampunan. Kailangan na rin naming bumalik ni Ate Gladys at marami nang asikasuhin. Papasok na rin ako sa school at nangako naman ako kay mommy at kay lola na dadalaw kami ni Ivan tuwing weekend sa kanila. Doon lang din bumalik si Prince sa bahay ampunan para dalawin ang mga bata at si Ivan. Hi baby, miss me? Tito prince. Wow! Gift. What will you say, Ivan? Thank you. Nakita kong may mga dala nanaman itong laruan. Dalawang paper bag na malaki at puno. Ang dami naman nito ivan, saad ni Ate Gladys. Naroon sila sa salas at ako naman ay nakikinig lamang. Nasa kusina ako at nagluluto ng spaghetti. Request kasi ito ni ivan at paborito niyang pagkain. Nagkataon na noong araw na yon dumating si Prince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD