5
dress na puff sleeve ang suot ko na semi balloon skirt. 3 inches na heels na wedge sandals. Nasa gilid lang ako at nagmamasid sa event. May coordinator naman at host ang party na sagot ng isang sponsor para maging maganda daw ang party na iyon.
Sa pagpapakain ng mga bata ay kami ni Ate Gladys ang bantay. Si Ivan naman ay nakatulog at gigisingin ko kapag nagpalaro na ang mga hosts na pang bata sa labas. Ang mga sponsors naman ay nasa hall na aircon. Sinerve ang mga pagkain sa mesa nila at di sila pinapila. Nakakahiya naman sa mga VIP guests. Ang mga madre ang naroon na kausap ang mga sponsors. Natapos na rin ang pagkanta at pagsayaw ng mga bata.
Sa labas ay busy at masaya ang mga bata sa palaro. Walang gana si Ivan at ayaw magpababa habang karga ko.
Don’t you want to play Ivan?
No,” mahinang saad nito.
Sayang anak ang daming prices. Sali ka na dali.
Nagmamanya ito at di ko alam kung bakit. Hindi naman ito nagsusungit at first time lang itong magkaganito.
Maya-maya pa ay nagpababa na rin ito at lumapit sa mga bata at nakipaglkaro na. Bagong gising lang siguro kaya wala pa sa mood kanina.
Magbibihis na ako. Madami na tayong liligpitin mamaya.
Ok mauna ka na at ako naman ang susunod na magbibihis.
Nauna ako kay Ate. Nag-iimis na rin ako ng mga kalat at pagabi na rin. Ang ibang guests ay nag-uuwian na at may pailan-ilan na lang na tao sa hall.
Sa banyo muna ako ate gla paalam ko.
May napansin akong parating at marahil ay guests na late na. Magara ang sasakyan na itim. Nagdiretso naman ako sa banyo para maglinis.
Pagkatapos ko sa banyo ay papasok sana ako sa hall nang makita ko ang isang pamilyar na tao.
Bakit sya nandito? Kumaba ang dibdib ko at nakaramdam ako ng takot. Sinilip ko si Ivan sa play area at naroon pa pati ang nagpapalaro.
Isa, kanina pa kita hinahanap. May new sponsors na dumating. Interviewhin mo.
Y-yung nasa hall na naka suit?
Oo yun nga. Gwapo no. Ikaw talaga nakita mo na pala agad.
Hindi ako pwede. Ikaw na lang.
Hoy di ko trabaho yun. Ikaw na.
Hinila ko si Ate papasok sa banyo. Basa ako at di ko alam paano ipapaliwanag sa kanya.
Sya ang tatay ni Ivan. Sabi ko sa babae
Napanganga siya sa kanyang narinig. Di nga? Di ito makapaniwala.
Oo di ako maaaring magkamali. Si Prince yun yung ganster na kinukwento ko sayo.
So big time na pala sya ngayon? Gwapo, matipuno pero gago. Lokong lalaki yun. Gusto pang patayin ang ivan ko.
Agad lumabas ng banyo si Ate Gladys, di ko naman alam saan ako pupunta. Sinundan ko lang sya ng tingin a sumilip sa hall. Wala na doon ang loalaki. Nakahinga ako ng maluwag at tuluyan akong pumasok sa hall.
Isa, paki note mo ito at isama itong sa ating fund. We have a new sponsor.
Yes mother.
Asaan na po ang gwapong kausap nyo mother. Tanong ni Ate Gla.
Maglilibot lang daw sya saglit. Sabi ko ay may mga bata pa sa labas. Pasasamahan ko sana pero ayaw nya at sya na lang daw.
Nagkatinginan kami ni Ate Gladys.
Puntahan mo, sabi nito sa akin.
Ikaw na kaya? Nagmamakaawang saad ko.
Ikaw na, pinandilatan ako nito ng mata.
I cant. You na
Wala na itong nagawa kaya nagpunta sa playground ng mga bata. Ako naman ay sisilipin lang ang aking anak. Wala akong pakielan sa lalaki at ang nais ko ay di sila magkakilala ni Ivan.
Sa aking pagsilip ay nakita kong nakikihalubilo si Prince sa mga bata. Hinubad na nito ang coat at long sleeve na lang ang suot. Maya maya ay kinarga nito ang isang bata. Ang kinatatakot ko ay ang magpakarga din si Ivan dahil naghahanap na ito ng father figure sa edad na apat. At yun na nga, itinaas ni Ivan ang dalawang kamay sa harap ni Prince.
Ibinaba nito ang isang batang karga at si Ivan na ang binuhat. Yumakap ang bata sa lalaki at napaiyak na ako ng todo. Hinimas pa ni Prince ang ulo ng anak ko at si Ivan at tuwang tuwa sa pagkarga sa kanya. Kahit kinukuha na ito ni ASte Gladys ay ayaw sumama sa kanya ng anak ko.
Naramdaman nya ba ang lukso ng dugo o talagang naghahanap lang ito ng ama. Ano kayang mararamdaman ng lalaking yun kung malaman niyang anak niya ang karga at yakap niya. Paniguragong labis na pagsisisi at pighati. Pero baka naman wala na talaga syang puso sa ganyang bagay. Pakitang tao na tumutulong dahil sa dami ng kasalamnan na nagawa niya.
Napansin kong ayaw bumitaw ng anak ko at mukhang magkakaproblema kami. Ayaw ding sumama kay Ate Gladys. Mabuti at lumabas si Mother. Takot si Ivan sa kanya at sumunod kay mother na bumitaw na sa lalaki. Wala nang nagawa si Ivan.
Nakita kong kinausap pa ni Prince si Ivan. hinimas ang ulo at pinisil ang pisngi ng bata, tumangu-tango din ang bata na mukhang may sinasabi sa kanya si Prince at nagkasundo naman sila.
Lumapit ako sa aking anak ng wala na ang lalaki.
Mommy
Yes, baby. Sabi ko hwag kang sasama kahit kanino di ba.
Mabait po sya.
Di mo kilala yun. Nagkatinginan kami ni Ate.
Sinabihan naman kami ni Mother na papasukin na ang mga bata sa mga kwarto at paglinisin na ng katawan.
Hoy, anong gagawin mo?
Wala. Di nya malalaman.
Babalik daw sya. May deal sila ng anak mo.
Anong deal? Gulat na tanong ko
Babalik daw sya at magkikita sila ulit.
Sabi lang yun para di umiyak ang bata. Nagbubulungan kami habang busy pa si Ivan sa cellphione. Parang isang bahay ang tinutuluyan namin ni Ate kasama si Ivan.
Sa umaga, ako sa bahay ampunan at sa gabi ako pumapasok sa eskwelahan.
Baka gusto nyong magvolunteer sa bahay ampunan. Libre kain. Anyaya ko sa mga kaeskwela ko.
Stockholder ka na ba dyan? Panay promote mo ha.
Dumadami kasi ang mga bata tapos kumokonti naman ang mga nag-aalaga. Kaya kayo hwag kayong mag-aanak ng maaga ha. Saad ko sa aking mga kaklase na panay pagtambay ang alam.
May pa scholar din kung may magfufull time. Baka gusto nyo. Please please.
Totoo?
Oo nga. Like me. full scholar ako dito sa school.
Kamusta na pala ang anak mo isabel, tanong ng aming guro.
Ok naman po maam malusog at makulit.
Oo ang cute nun, namimiss ko na si Ivan. Saad ng isa kong kaklase. Noon kasi ay dinadala ko ang bata sa school kapag wala si Ate gladys.
Dalhin mo kaya isang bes.
Naku po hwag na. Wala tayong maaaaral kapag nandito yun. Napaka kulit na.
Ilang beses ko na ring nadala sa school si Ivan at giliw na giliw naman sila sa chubby cheeks nito. Masayahin kasi at madaling pasayawin kaya pinaglalaruan ng mga kaklase ko.
He’s here again. Text sa akin ni ate
Anong ginagawa? Si Ivan? Tanong ko naman
Kasama ng mga bata. Naglalaro.
Ayaw nya nga sa bata tapos ngayon, nakikipagklaro sya.
Guilty panigurado.
Oo sa dami nya sigurong naanakan lahat pinalaglag niya. Kawawang mga bata.
Bumabawi siguro ngayon dito sa ampunan. Baka nagbabagong buhay na.
Di ako mapakali sa eskwelahan kahit na hindi naman alam ni Prince na anak niya si Ivan ay kinakabahan pa rin ako.
Ano to ate? Ang dami ha, takang tanong ko pagdating sa bahay.
Bigay ni Papa. Sagot ni ate na agad kong sinaway.
Shhh ingay mo. Lahat to kay Ivan lang? Oo daw. Diretso nga yan dito sa bahay at baka makita ng ibang mga bata.
Hala ka. Bakit may special treatment?
Lukso ng dugo. Marahil. Ano paano na?
Pinapili ko lang si Ivan ng ilang gusto niyang laruan at ang iba ay nilagay ko sa playroom ng mga bata para ang lahat ay makapaglaro at di lang si Ivan.
Alam mo bang gusto nyang hiramin si Ivan at pinagpaalam ito kay Mother.
Pumayag si Mother?
Pasalamat ka at hindi dahil bawal yun. Kung isasama ang isa ay isasama ang lahat. Bawal sa mall at sa mga parke lang pwede. Kaso lang.
Anong kaso? Nakakakaba ang lahat ng pasabog sa kwento ni ate. Di ko na kinakaya pa ang mga nangyayari.
May program tayong adopt a child kapag Christmas di ba. Alam yun ng ama ni Ivan pero maagap ako at nasabi kong meron nang nakapili kay Ivan kaya lusot ka na.
Hay salamat naman at sana hwag na syang mangulit pa.