4

1267 Words
Bell Sa isang probinsyang di kalayuan ako napadpad. Sa simbahan ako unang nagpunta. Pinakain ako at pinainom ngunit hindi daw ako matutulungan para manatili at tumira doon. Nagtanong tanong naman ang babaeng naroon sa mga kakilalang pwede kong pasukan na trabaho ngunit sa kasawiang palad ay wala daw bakante. Sa palengke ako sumunod na nagpunta pagkaalis ko ng simbahan. May mga nangangailangan ng tindera at libreng pagkain din daw. Pwede rin daw akong magstay-in sa tindahan at doon matulog sa gabi. Tinanggap ko ang trabaho. Mga damit ang paninda at binigyan naman ako ng amo ko ng mga bagong damit. Ang iba ay mga luma para di ko na raw bayaran. Maayos naman ang lahat kaso lang ay nag-umpisa na ang pagduduwal ko. Nagmakaawa akong hwag paalisin at gagawin ko ng maayos ang trabaho. Naawa sila sa akin lalo na sa sitwasyon ko. Kinuwento ko sa kanila na nagkahiwalay kami ni lola at nakidnap ako. Nabuntis ng isang gangster at nais ipalaglag ang bata. Sa awa nila sa akin ay nanatili pa ako sa aking trabaho. Ilang buwan din ako sa palengke at lumalaki na rin ang aking tiyan. Sa kasamaang palad ay nagkaroon ng pagbabago at binili ng mayamang negosyante ang palengke. Tatayuan daw ito ng malaking mall at pinaalis ang mga nagtitinda. Wala akong nagawa kundi umalis din at wala na ring ipapasweldo sa akin ang aking amo. Sa isang simbahan ulit ako napadpad na may bahay ampunan. Naawa sila sa akin at tinangggap ako roon. Tumutulong ako sa mga gawain kahit ayaw nila. Naaawa sila dahil buntis ako pero nagpupumilit ako kaya wala na rin silang magawa. Gabi gabi akong naiiyak sa aking sitwasyon. Nananalangin na sana ay makapanganak ako ng maayos. Nangako naman sa akin si Mother superior na pwede kaming manatili ng anak ko sa bahay ampunan. Labis labis ang pasasalamat ko sa kanya at napakalaki ng utang na loob ko sa mga madre at kay Father. Lumipas pa ang ilang buwan at kabuwanan ko na. Panalangin ko rin na kayanin ko ang panganganak sa murang edad ko pa lamang at tinugon naman ako ng Diyos. Maayos ang bata at ang kalagayan ko. Naalala ko ang ama ng aking anak na si Prince. Miss ko na sya kahit pa nais nyang ipalaglag ang bata. Alam kong minahal niya ako ngunit takot lang ito sa responsibilidad. Naiintindihan ko sya kahit papaano. Wala kasi syang mga magulang kaya takot sya sa maraming bagay. Naging katuwang ko ang mga tagapag-alaga sa bahay ampunan. Giliw na giliw sila sa anak kong lalaki na si Ivan. Malusog ito at palangiti. Ako naman ay nagpalit ng pangalan at nagpakilala akong si Isa. Hanapin nya man ako ay di nya ako matatagpuan pa kahit kailan. Masama ang loob ko sa kanya. Mas matanda sya sa akin at dapat ay may pagkamature na syang mag-isip. Di nya nga dapat pabayaan ang anak namin at di dapat matulad sa kanya. Talagang napakabuti sa akin ng Panginoon dahil natagpuan ko ang mga madre na pilit din akong pinag-aral. Ayaw ko man dahil sa hiya ay nagpumilit sila at nagpursigi na rin ako para sa amin ni Ivan. Maalwan naman ang pag-aalaga dahil sa dami ng volunteer sa bahay ampunan. Madalas pa ngang may padiaper at pagatas. My nagbibigay ng mg laruan at nga damit. Napakaswerte ko talaga kaya lalo kong pinag-iigi ang trabaho at pag-aaral. Sa ika-isang taon ni Ivan ay pinaghanda pa ng mga madre ang anak ko. Engrande at maraming handa. Naroon ang lahat ng staffs, mga sisters, si Father at ang mga bata na masayang-masaya. May palaro at maraming give aways. Maraming salapat po sa inyong lahat. Utang namin ni Ivan ang buhay namin sa inyo. Paano kaya kami kung wala kayo. Napapaiyak na saad ko ng sabihin nilang mag speech daw ako. Mabuti kang bata kaya mabuti rin ang Diyos sayo. Education ang kinuha ko para sa pagbubukas din ng eskwelahan ng simbahan. Doon ako magtuturo at maglilingkod. Dahil labis ang pasasalamat ko sa kumupkop sa akin. Habang nag-aaral ay staff na rin ako ng simbahan. Nakikipag-usap sa mga sponsors at nag-aayos ng mga event kapag may mga gustong magcelebrate kasama ang mga bata. Lalo na kapag december na maraming gustong magdonate para sa mga bata. Isang grand party ang gagawin namin. Pinag-sama-sama kasi ang ilang sponsors. Christmas party na rin at may program na kakanta at sasayaw ang mga bata. Maraming guests daw ang pupunta kaya busy kaming mga staffs sa pagpe-prepare. Isa, itong mga kailangang bilhin. Ang pagkain naayos na ba isa? Idagdag mo na rin ang pangdecors at paano ang mga kakanta at sasayaw? Di sila magkanda ugaga pero sa akin naman lahat pinapasa ang mga gawain. Teka lang po. Isa isa lang ok. Mahina ang kalaban. Kasi naman kung kelan may event saka nag-alisan ang mga volunteers natin. Kokonti tuloy tayo dito. Sabi ni ate Gladys at nagrereklamo na rin sa dami ng gagawin. Kaya natin yan kahit kakaunti lang tayong staffs. Windang naman kasi kayo agad. Relax lang ok. Sabi ko sa kanila na tense na tense na sa event Anong relax ka dyan. Nakakastress na talaga. Tinawagan naman ni sister ang catering at ok na daw iyon. Nakacontact din ng magaayos ng stage at magdedecorate sa murang halaga. Sila na rin ang mamimili ng gagamitin nila kaya wala na masyadong intindihin. May ilang volunteers pa naman na bahala na rin sa pagsayaw at pagkanta ng mga bata. Ewan ko ba kay Ate Gladys kung bakit stress na stress sa kanyang buhay. Hwag ka nang mag-alala. Ok na ang lahat at kakain ka na lang sa Party natin. Napatawa kong saad at si ate naman ay napatitig ng masama sa akin. Stresin mo pa ang buhay mo para di ka magkajowa. Biro pa nito sa akin Hay, puro ka kalokohan. Tigilan mo ko sa pagkakaroon ng jowa na yan. Di yan ang priority ko Marami daw pupunta na sponsors. Mayayaman yun kaya magpaganda ka. Malay mo makita mo na ang Prince Charming mo. Sa pagbibiruan namain ay naalala ko tuloy si Prince. Ako tuloy ang nalungkot at na stress. Sigurado kang ok na ang lahat? Oo nga. Anong isusuot mo? Mamili tayo bukas. Anyaya ko kay Ate Gusto ko yan. Sige, sige. Kinabukasan ay nagpaalam kaming pupunta lang sa bayan para mamili. Nakapagrelax din kami ni Ate Gladys at nakapasyal. Bumili kami ng damit para sa party at binilan ko din si Ivan para isuot nito sa event. Ang cute. Ang gwapo ng inaanak ko dyan sa damit na yan. Kaso wala pang sapatos. Ang pangit naman kung nakatsinelas ang inaanak mo. Parinig ko kay ate. Hay, budol ka talaga. Sige, sagot ko na ang sapatos ni Ivan. Bakit di mo pa sagutin din ang sapatos ng mare mo. Biro ko. Hoy, sobra ka. Kay Ivan lang. Ibili mo na rin kaya ako. Sige na mars. Lambing ko kay ate. Tight ang budget ko dahil sa pag-aaral at gastos kay Ivan. Mars ka dyan. Sige na nga pumili ka na. Hanggang 150 lang ha. Anong sapatos ang 150. 350 na ate mars please. Bakit ba napasama pa ako dito sa bayan? Papasko mo na sa akin pero kay Ivan iba pa ang sa pasko ha. Di ka abusado? Ate Gla.” maktol ko na parang bata at pamimilit na bilhan niya ako. Oo na. Oo na. Pasalamat ka at mahal ko kayo. Thank you so much! Masayang saad ko at yumakap pa ako dito. Para akong bata na bibilhan ng aking ina ng sapatos sa aking tuwa. Naalala ko tuloy si Lola. Kawawa naman ang matanda na nag-aalala na rin siguro sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD