Chapter 2

1134 Words
Alex POV* Isang buwan simula nung gabing nangyari di ko na siya nakita. Hinahanap ko siya pero di ko siya makita. Lumakad ako hanggang mapunta ako sa harap ng mansion namin nakita ko sina Tito at Tita na masayang nag uusap sa taas ng balcony ng mansion namin nakuha na nga nila ang Mansion namin. Gusto kong lumaban pero di ko alam kung paano. Malapit na ang kaarawan ko at di ako excited dahil wala na sila Mom at Dad. Wala na ang mga taong nagmamahal saakin ng buo pinatay sila ng mga taong akala ko ay minahal kami nila Mom at Dad. Si Xyza ang anak nila Tito at Tita ganun din ba siya? Kayamanan din ba ang habol niya saakin at totoo ba ang pinapakita niyang ugali saakin. Di ko maisip.... Masasaktan ako kung totoo iyon. Gutom na ako wala akong makain, wala akong matirhan at uhaw na uhaw na ako. Umalis nalang ako doon at naglakad lakad nakaramdam ako ng hilo napakapit ako sa may puno. Maggagabi na kailangan kong makahanap ng matutulugan at hilong hilo na ako parang gusto ko ng humiga pero di ko na kaya napaupo ako sa gilid at napahawak sa ulo ko parang umiikot talaga ang paningin ko. Hindi ako susuko di ako pwede dito sa daan baka mapagtripan ako ng mga basagulerong tao. Kahit nahihirapan lumakad ako hanggang sa di ko namalayan nawalan na pala ako ng malay. **** Nagising ako at nasa isang magandang kwarto ako napatingin ako sa isang batang babae na nakatingin saakin. "Hello po, Ayos na po ba kayo?" sabi nung batang babae. Bakit ang putla niya? Ganyan ba ang kulay niya? "O-oo... Teka nasaan ako?" tanong ko sa kanya. "Nandito po kayo sa Mansion ng Master namin. Nakita ka po namin ni Inay sa kalsada mukhang nawalan po kayo ng malay at ang sabi ni Inay nilagnat ka po kaya dinala ka nalang namin dito sa mansion." kwento niya saakin. Napaupo naman ako at pinat siya sa ulo niya. "Salamat sa tulong niyo... Ano palang pangalan mo? Ako nga pala si Alexandra, Ate Alex nalang tawag mo saakin." sabi ko sa kanya. "Sige po, ako nga po pala si Claire. Kinagagalak ko po kayong makilala, Ate Alex." sabi nito saakin. Napangiti naman ako sa kanya. Bigla nalang may nagbukas ng pinto at pagtingin ko nakita ko ang isang babae na nasa mga 25 ang edad... "Inay." eh?  Inay niya yan? Bakit ang bata ng mukha? Eh si Claire mukhang nasa mga 9 na kasi... "Maayos na ba ang pakiramdam mo, Iha?" sabi nung Inay ni Claire. "Ah, Opo. Salamat po ng marami sa pagtulong niyo saakin." sabi ko sa kanila. Ang puputla naman ng mga balat nila. "Ako nga pala si Lisa yun nalang tawag mo saakin." tumango nalang ako. Lumapit siya saakin at hinawakan ang noo ko at mukhang tinitingnan niya kung may lagnat pa ako o wala na. "Mukhang tumalab ang pinainom ko sayo wala na ang iyong lagnat." sabi ni Lisa. "Ate, kumain ka muna ang payat payat mo na oh." sabi pa ni Claire. Nagpasalamat naman ako bago kinuha ang pagkain doon tuloy ako nakaramdam ng gutom kaya nilantakan ko iyon pero parang may kulang. Pero di ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkain. "Nasa sa iyo pala ang kwintas na iyan." napatingin ako kay Lisa na nakatingin sa kwintas na nasa leeg ko. "Bakit po? May ibig sabihin ba ang kwintas na toh? Binigay po saakin ito ni Mom bago siya namatay." naalala ko tuloy yung sulat di ko pa yun nababasa. Nako nakalimutan ko isang buwan na ang nakalipas di ko pa nababasa. "Iha, wag mo yang iwawala kahit anong mangyari. Yan ang magpoprotekta sayo kaya alagaan mo yan. Di mo pa maintindihan ngayon pero alam ko na malalaman mo din pagdating ng tamang panahon." sabi ni Lisa. Tumango nalang ako. "Maiwan ka muna namin dito babalikan ka nalang namin baka hinahanap kami ni Hilda." tumango nalang ako at nagpasalamat ulit. At lumabas na sila kinuha ko ang sulat na binigay ni Mom saakin. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang sulat at binasa ko na sa isipan ko. Dear Alexandra,    Wag kang mabibigla sa mga malalaman mo kahit wala na kami nandyan lang kami sa paligid nakabantay sayo. At tungkol sa lalaking sinabi ko sayo siya ang nakatadhana sayo gamit ng kwintas na yan makikilala mo siya. Sana maintindihan mo kami ng Dad mo ginawa namin ito para sa kabutihan mo. Di ka niya pababayaan yung taong nakatadhana sayo. Siya si Lhord Krypton Bloodstone. Sana nagtagpo na kayo. Nagmamahal Mom, Dad. Sino siya? Di pa kami nagtagpo. Nakatadhana saakin. Naalala ko yung lalaking lumigtas saakin nung gabing iyon na muntik na akong magahasa. Napatingin ako sa higaan ko may pulang rosas na nakalagay sa kama. Para ba ito saakin? Kinuha ko iyon at mabuti walang tinik pero nagagandahan ako dahil ang pula nito naalala ko ang huling tanggap ko ng rose na ganito ay noong 7 years old pa ako nandoon pa nga yun sa mansion hindi nalalanta magkatulad talaga sila di kaya nandito ang nagbigay saakin ng bulaklak na ito? At yun ang kailangan kong alamin. Tumayo ako at lumabas at muntik na akong matumba dahil ang laki di ko alam kung saan dadaan! Naglakad nalang ako hanggang makarating ako sa isang mataas na hagdanan. Eh? Nakakapagod nito! Sinimulan ko nang bumaba di ko na binilang ang mga tapak ko sa hagdan dahil sa pagod hanggang sa makababa na ako. Napahawak ako sa dalawang tuhod ko at hinihingal at nang makabawi na ng hangin agad din akong tumayo nang di ko sinasadyang nasagi ko ang isang malaking vase sa gilid at nabasag ito. "Patay. Anong gagawin ko?!" "At sino ka naman!" nagulantang ako dahil sa isang natatakot na Boses. Napatingin ako at nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinawakan sa leeg. "Aackk!" "Sabi ko sino ka!" sigaw nung babae. Paano naman ako makakapagsalita kung hawak niya leeg ko? "Hilda! Bitawan mo si Alex!" sigaw ni Lisa. Napatingin naman si Hilda kina Lisa. "Kilala mo ang basurang toh!" nakakunot noong sabi niya. "Bitawan mo siya o magkakagulo tayo dito." malamig na sabi ni Lisa. Binitawan naman ako ni Hilda at sinamaan ako ng tingin. Napaubo ubo naman ako habang hawak ang leeg ko. Ang sakit ha grabe ang lakas niya. "Pagbabayaran mo ang binasag mo." sabi niya at isang kurap wala na siya sa harapan ko. Teka paano... "Ayos ka lang ba, Alex. Pasensya na ganun talaga si Hilda." Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Ako po dapat ang humingi ng patawad dahil nabasag ko po yan." malungkot na sabi ko. Ngumiti siya at isang turo niya sa kamay niya bumalik na sa dati ang Vase. Napanganga ako paano niya nagawa yun?! "Wag kang magulat... Lahat kami dito ay mga bampira." What the V! ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD