Chapter 3

949 Words
Alex POV* Nakahiga ako sa kama ko at nakatingin sa kisame di ko mawari ang lahat ng nalaman ko. Maputlang mga balat, teleportation, at pagbalik ng gamit sa dati at ang mala hunted na mansiong toh. Bampira nga sila di ko mawari na may nakakasama pala akong mga di ko kauri. Di naman nila ako sinaktan kinakabahan lang ako paano nalang pag naubusan sila ng pagkain tapos ako ang hahainin nila. Wag naman sana! Huhuhu... "Ate..." napatingin ako kay Claire na nakatayo sa may pintuan malungkot ang kanyang itsura. "Bakit Claire?" sabi ko at lumapit siya saakin habang nakayuko hanggang huminto siya pero malayo padin saakin. "Natatakot ka ba saamin, Ate Alex?" nagulat ako sa sinabi niya at nakikita ko na maluha luha na ang mga mata niya. Kailangan ba na matakot ako sa kanila? Di dapat ako matakot sa kanila dahil kung masama sila matagal na sana akong patay. Tumingin ako sa kanya at ngumiti at umiling. "Hindi, halika nga dito." sabi ko sabay buka ng mga kamay ko na nagsasabi na yumakap siya saakin. "Ate!" tumakbo siya at niyakap ako. Di ako takot sa kanila dahil alam ko na di dapat sila katatakutan. Mababait sila. "Akala ko talaga Ate na takot ka saamin di ko kakayanin na matakot ka saakin, Ate. Ikaw lang ang Ate ko." napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. "Hindi yun mangyayari." "Noon kasi may mga kalaro akong mga tao noong nakatira kami sa mundo niyo. Natakot sila saakin dahil nadapa kasi yun isang bata at biglang may dugo akong naamoy galing sa tuhod niya at dahil sa sobrang bata pa ako nun di ko makontrol sarili ko at ayun nga ang nangyari naging bampira ako sa harapan nila pero ang di nila alam di naman talaga kami umiinom ng dugo ng tao tanging mga hayop lamang pero wala pa akong muwang noon kaya ganun ang nangyari." nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya habang kinukwento iyon. "Sinugod nila kami sa bahay namin at tinawag kaming Halimaw. Wala akong maintindihan nun yakap lang ako ni Inay di alam kung anong mangyayari saamin hanggang sa napapalibutan kami ng Apoy. Iyak lang kami ng iyak di namin alam ang mangyayari saamin akala namin kamatayan na namin iyon nang biglang may isang lalaki ang dumating." biglang nagliwanag ang mukha niya. "Sino naman yung lalaki?" "Master... Siya ang dumating at iniligtas niya kami ni Inay sa sunog hanggang sa dinala niya kami dito at kami na ang nagsabi na bilang kapalit sa pagligtas niya saamin magiging katulong kami sa mansion. At pumayag naman si Master ang bait talaga niya." napangiti ako may tinatago palang kabaitan ang Master nila. Eh nababasa ko sa mga story na masasama ang mga bampira lalo na yung leader kagaya ni Vladimir. "Sana Ate wag kang matakot kay Master mabait naman siya eh di lang halata sa Aura niya na nakakatakot." sabi niya. Tumango nalang ako at ngumiti. Kahit di ko pa nakikita ang Master nila pakiramdam ko mabait naman talaga siya eh sa mababait ang mga tauhan niya except kay Hilda. "Mabuti at tanggap mo na kami kung ano kami." napatingin ako sa may pintuan at nandun si Lisa. "Di naman talaga kayo kinatatakutan at salamat pala dahil iniligtas mo ko kay Hilda." sabi ko sa kanya ngumiti siya at umiling. "Wala yun. Uhmm pwede bang dito muna ako tumira? Pwede naman ako kahit anong trabaho kailangan lang talaga wala akong matuluyan." malungkot na sabi ko. "Pwede naman! Diba Inay?" sabi ni Claire at tumango naman si Lisa. At nagtalon talon naman si Claire at niyakap ako. "Yehey dito na titira si Ate!" masayang sabi niya. Mukhang may bago akong pamilya na matutuluyan ang swerte ko kahit di sila ordinaryong tao tinanggap nila ako. ****** "Linisin mo ang vase!" "Bakit ang dumi pa ng sahig!" "Ang chandelier linisin mo!" "Ano ba! An bagal mo! Ang garden bakit di mo pa sinimulang bisbisan ang mga tanim!" Yan an naririnig ko araw araw sa bibig ni Hilda. Naririndi na mga ako sa ingay niya pero kalma lang wag magalit baka magiging halimaw nanaman siya. "Oh! Anong tinutunganga mo jan." nagulat ako dahil nasa harapan ko na siya nakapamewang. Teka lang diba katulong din siya dito? Bakit parang siya atah ang may ari ng lugar na toh? "Binge ka ba?" "Tumahimik ka nga muna!" nagulat din siya sa sigaw ko. Nakakainis na eh kita naman niyang di pa ako tapos maglinis dito. "A-anong sabi mo! Sinisigawan mo ba ako! Walang kwentang Mortal!" "Uhmm Hilda di pa ako tapos dito sa paglilinis ng Vase inuutusan mo nanaman ako anong akala mo sa akin si Flash?" sabi ko sa kanya. "At sinasagot mo na ako ha!" sigaw niya at napapikit ako nang biglang may nagsalita. "Hilda, subukan mo ako ang makakalaban mo!" sabi ni Lisa. "Oh nagsama ang dalawang walang kwenta." bigla nalang sinakal ni Lisa si Hilda at nakikita ko ang pagpula ng mata ni Lisa. "Ikaw ang walang kwenta dito! Pare pareho lang naman tayo dito wag kang feeling na ikaw ang Amo namin kaya maglinis ka din wag mong ipasa lahat kay Alex dahil alam natin na mas higher tayo sa kanya dahil sa bampira tayo." galit na sabi niya. "Tsk... Magsama kayo!" sabi nito sabay back out. Napabuntong hininga naman si Lisa at humarap saakin. Balik na sa dati ang mga mata niya. "Pasensyahin mo na si Hilda ha malapit ka nanaman niyang atakehin." umiling ako at ngumiti. "Ako dapat ang magpasensya pinatulan ko pa siya di ko na sana ginawa yun nag away pa tuloy kayong dalawa." napangiti naman siya at niyakap ako. "Gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lamang para na din kitang anak dito." naramdaman ko ang yakap ng isang ina. Niyakap ko din siya pabalik. "Salamat." ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD