Chapter 1

1011 Words
Alexandra POV* Umiiyak akong tumatakbo habang hinahabol ng limang lalaki. Nararamdaman ko pa ang sariwang sugat ko sa tuhod nadapa kasi ako kanina at dumudugo pa ito. Bakit nangyari toh saakin? Saamin? Pinatay mismo nila sa harapan ko sila Mom at Dad. Ganito kasi iyon. Flashback... Nakasakay kami sa kotse nila Mom at Dad pauwi na kami galing kaming mall bumili ng pagkain. "Saakin kaya nagmana si Alex diba anak? Matalino ka ganun din ako." sabi ni Dad natawa nalang ako dahil kumunot ang noo ni Mom. "Oo matalino ang anak natin pero ang kagandahan sa akin nagmana hindi sayo means kamukha ko anak ko. Hmp!" nagtatampong sabi ni Mom. Natawa nalang ako at niyakap sila pareho. Nandito kasi ako sa likod sa sasakyan at sila Mom at Dad nasa harapan. "Mom, Dad, wag na kayong mag away sa inyo din naman ako galing eh kaya patas lang kayong dalawa. Mahal na mahal ko kayo." kiniss ko ang mga pisnge nila. "Ang sweet naman ng anak namin." nakangiting sabi ni Mom. "Oo nga. Maswerte kami na nagkaroon kami ng anak na kagaya mo." sabi ni Dad. Natawa nalang ako nang biglang napahinto ang sasakyan at napatingin ako sa tinitingnan ni Dad. May mga armadong lalaki ang nasa harapan. "Anak, magtago ka." sabi ni Dad. Maski ako kinakabahan ako sa nangyayari ngayon. "H-hon... Umatras na tayo." kinakabahang sabi ni Mom. Aatras sana si Dad nang may sasakyan sa likuran. "Anong gagawin natin. " sabi ni Mom hinawakan naman ni Dad ang kamay ni Mom at pati saakin. "Akong bahala." "Dad." lumabas na siya umiiyak na ako. "Anak, heto soutin mo wag mong ihuhubad yan at heto basahin mo yan once makaligtas ka." sabi ni Mom sabay bigay ng kwintas at sulat. "Mom... Don't talk like that." umiiyak na sabi ko. Isang matamis na ngiti lamang ang binigay niya saakin at hinalikan ako sa noo. "Sana makita mo siya anak.." kahit di ko kilala ang sinabi niya napatango nalang ako. Napatingin kami sa harapan nang biglang may pumutok ng malakas at nakita ko na natumba si Dad at nasa harapan niya ang Tito ko.  Teka siya ang bumaril kay Dad! "Magtago ka, Anak." agad akong nagtago sa ilalim ng upuan. Tahimik na umiiyak. "Bakit mo ito ginagawa, Adolfo." malamig na sabi ni Mom. "Di kita makuha sa santong dasalan papatayin nalang kita para wala nang makakuha sayo." malamig na sabi ni Tito. Napailing iling ako nagdarasal na sana wag ituloy ang gagawin ni Tito. "Tandaan mo ito mahal na mahal ka namin ng Dad mo anak..." *Bang* Nanlaki ang mata ko at tulalang nakatingin sa ilalim ng upuan. "Alam kong nandito ka, Pamangkin." sabi ni Tito at wala na ako sa sarili. Gusto ko siyang patayin nawala lahat ang magagandang memories ni Tito sa utak ko napalitan ito lahat ng galit. Binuksan ni Tito ang pintuan dito sa likod at agad akong nilabas sa sasakyan. "Nagtatago ka pa." natatawang sabi niya pero walang buhay ko lamang siyang tiningnan. "Magsalita ka." Sasampalin niya sana ako nang biglang gumalaw ang kamay ko at gamit nung kwintas na hawak ko nasugatan ko siya ng malaki sa mukha na kinabitaw niya saakin. "Aaarrgghhh!!!  Walang hiya ka!" natauhan ako sa ginawa ko napaatras ako at napatingin sa mga tauhan na may baril na nakatutok saakin. "Sugudin siya!" sigaw ni Tito agad naman akong tumakbo papunta sa kagubatan. End Of Flashback... Hingal na hingal na ako habang tumatakbo nang hihina na din ang katawan ko gusto ko ng sumuko pero hindi pa pwede binuwis ni Dad at Mom ang buhay nila para mabuhay ako di ako pwedeng mamatay. Bigla akong nadapa dahil di ko namalayan ang ugat ng puno na nakaharang. Tatayo sana ako nang marinig ko ang kasa ng baril sa likuran ko. Napatingin ako at limang lalaki ang nakatingin saakin at nakatutok ang baril nila. "Maawa po kayo saakin." umiiyak na sabi ko. Natawa nalang sila. "Pasensya na binibini napag utusan lang pero bago ka namin patayin may masarap muna kaming gagawin bago ka patayin matagal ka na naming pinagpapatasyahan." nagulat ako at pinagkrus ang braso sa dibdib ko. "Wag po... Maawa po kayo." umiiyak na sabi ko. "Hahaha pasensya na binibini di na namin mapigilan eh." ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanila. "Maawa po kayo." umiiyak padin ako. Nakikita ko sa mga mukha nila ang pagkasabik at hahawakan sana ako nang nagulat ako dahil biglang tumilapon ang isang lalaki na kinatingin nung apat maski ako gulat na gulat kung paano tumilapon ang lalaking iyon. "Ikaw may gawa nun!" sigaw nung lalaki saakin. Agad akong napailing at napatingin tingin ako sa paligid nararamdaman ko siya di ko alam kung paano. Ililigtas ba niya ako o gaganunin din ako kagaya ng ginawa niya sa lalaking tumilapon. "S-sino ka!" sigaw nung isang lalaki habang nakatingin sa likuran ko. Bumilis ang t***k ng puso ko nasa likuran ko siya. Mamamatay na ba ako? Napatingin ako sa likuran ko at nakikita ko ang pulang mga mata niya napalunok ako at di ko siya masyadong makikita dahil sa madilim ang paligid. "H-halimaw!" tarantang sigaw nila at isang iglap nawala siya sa pwesto niya at nagulat ako dahil tumba na ang apat na lalaki sa likuran ko. Agad akong tumingin sa paligid hinahanap siya nang biglang nanindigan ang balahibo ko dahil nararamdaman ko ang hininga niya sa may bandang tenga ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya at di din nawawala na nanindigan ang balahibo ko. Di ko alam pakiramdam ko di niya ako sasaktan, pakiramdam ko poprotektahan niya ako. Naramdaman ko ang mahinang pagkagat niya sa tenga ko na kinaharap ko sa kanya at bigla nalang niya akong sinunggaban ng halik. 'Hindi pa ito ang tamang oras para magpakita sayo. Malapit na... Malapit na kitang makuha ulit at di ko hahayaang saktan ka ng ibang walang kwentang nilalang, haharapin muna nila ako bago ka nila mahawakan. Matulog ka muna..... My kitten.' Sabi niya sa aking isipan di ko alam kung paano ko iyon narinig. Hanggang sa makatulog na ako sa makisig niyang braso. 'Hihintayin ko ang araw na iyon..... My Savior.' ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD