CHAPTER 3 - Psycho bastard

1502 Words
"Himala, wala ka talagang planong mag-overtime? saka ba't ka ba nagmamadaling umuwi ha?" Usisa ni Maggie sa'kin. "Wala. Trip ko lang." Nauutal kong sagot habang pilit iniiwas ang paningin sa kaniya. Pinaningkitan niya naman ako ng mata. Akalain mo 'yon, may isisingkit pa pala 'yong singkit niyang mata? Amazing! "Your lying! Ba't ka nauutal?" Nginiwian ko na lang siya. Ibang klase talaga ang pang-amoy ng isang 'to. At doon ay sinabi ko na lang sa kaniya ang totoo. Wala eh. "What! Siraulo ka ba? Paano kung magnanakaw pala 'yon? Adik o kaya nama'y durugista?" Pinagpawisan naman ako ng malamig sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko kasi talaga naisip 'yon noong una. Paano kung totoo nga? Patay kang Matutina ka! Nabulag kasi ako sa mala-model ng bench niyang itsura! ------------------------------- Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinipihit ang seradura ng pinto ng bahay ko. "Teka nga, ba't ba ko kinakabahan eh wala naman siyang kahit na anong puwedeng nakawin sa bahay ko?" Naibulong ko na lang. Ingot ko rin eh, nakalimutan ko na dukha nga pala ako. Dumere-deretso na ako papasok ng bahay at nang nasa bungad na ako.... Anak ka ng----- "Susme! Baliw ka ba! Bakit mo iniinom itong lotion ko!" Laking gulat ko talaga nang mabungaran ko siya na hawak-hawak ang bote ng lotion ko at subu-subo ang bandang bibig nito! Mabilis ko iyong hinablot sa kamay niya. "L-Lotion?" Utal nitong bigkas sa nag-iisang salita saka niya tinikman ang nasa bibig niya nang laman ng lotion ko. Hindi naman maipinta ang mukha nito, marahil sa sama ng lasa noon. Kahit naguguluhan pa sa mga nakakawindang na pangyayari ay inalalayan ko siya papuntang lababo. Sinahod ko gamit ng palad ko ang tubig sa gripo saka ko ito itinapat sa bigbig niya para sana ipamumog. Ang kaso, ininom niya 'yong tubig imbes na iluwa! "Siraulo ka ba talaga ha! Bakit mo ininom?" Hindi man lang niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa'kin habang nakakunot ang noo. "Hoy ikaw! Umamin ka nga sa'kin, sabog ka ba? Baka naman adik ka nga talaga at high ka ngayon o kaya isa kang durugistang nasa watch list ng pulisya kaya ka sugatan ng makita kita?" Hindi ito umimik. "Puwede ba, sumagot ka!" Mas lalo niya lang ikinunot ang kaniyang noo bago nagsalita. "H-Hindi kita maintindihan." Ako naman ngayon ang napakunot ng noo. "Anong pangalan mo? Ilang taon ka na at sa'n ka nakatira?" Siguro naman ayon masasagot niya na ng matino. Or so I thought? Sampung minuto na kasi't lahat-lahat pero nakatitig pa rin siya sa'kin at hindi man lang sinagot maski isa sa tanong ko! "Labas!" Pasensiya, ngunit hindi ganoon kahaba ang pasensiya ko. Tila naman mas iniinis pa ako ng isang ito. Ultimo daliri niya kasi ay hindi man lang kumilos. "Sinabi ng labas!" Wow grabe, stay still si kuya! "Ah, ayaw mo ha." Ako na mismo ang humila sa kaniya palabas ng bahay at nang nasa labas na siya ay saka ko pabagsak na isinara ang pinto. "Diyos ko naman! Baliw pala 'yong lalaking 'yon!" Naisigaw ko na lang pagkaupo ko. Akala ko pa naman talaga naka-jackpot na ko ng pogi at maskuladong puwedeng syotain. Eh may sayad naman pala! Mukha yatang hindi na pinapasahod ni San Pedro si Kupido. Ang tamad eh! Hindi man lang mamana ng kung sinong malaking isda para sa'kin! Napasentido ako dahil sa frustration. Tsk, sayang lahi ni kuya. Sumobra nga sa itsura nagkulang naman sa tornilyo. Nagluto na lang ako ng hapunan para malibang at hindi na maalala pa ang guwapong psycho na iyon. "Mukha pa naman siyang malinamna---ay peste! ano bang malinamnam ang pinagsasabi ko rito! Ano siya, magic sarap?" Ayan, dahil sa kaniya kinakausap ko na ang sarili ko! Naku, sana dumeretso na siya sa mental! Wala akong planong sumunod ano. Speaking of magic sarap, wala na pala dito. Baka walang lasa 'tong niluluto ko kapag asin lang ang inilagay ko. Makabili nga. "Ay malinamnam! Wengya naman! Andiyan ka pa rin?" Pagbukas ko ng pinto ayon, nasa tapat siya nito at parang istatwang nakatayo. "Diba sinabi ko umalis ka na! Wala akong planong magdagdag ng palamuning baliw dito sa pamamahay ko! Shooo. shooo. Alis!" Ngunit imbes na siya eh 'yong tiyan ang sumagot sa'kin. Malakas itong kumalam tanda ng matinding gutom. Para namang piniga ang atay ko ng makita ko na hinawakan niya lang iyon at bahagyang hinimas saka siya yumuko. Pero gaya ng dati, hindi pa rin siya umaalis sa tapat ng pinto ko. "Aist! Sige na nga! Pero ngayon lang ha!" Hinawakan ko na siya sa braso at pinapasok sa loob. Swear, ngayon lang! "Pagkain." Wow ha! Nahiya naman ako sa kaniya. Kung makahingi wagas! "Tsk! Sandali, ito na. Huwag kang magreklamo kung wala 'tong lasa ha." Sabi ko at ipinagsandok ko na siya ng kanin at ng ulam kong sinabawang galung-gong. Grabe lang, para siyang isang taong hindi pinakain kung makalamon. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain at napanganga ako nang maski ulo ng isda ay walang pagdadalawang-isip niyang isinubo. Kawawa naman ang pusa sa kaniya. "Oh, uminom ka at baka mabulunan ka diyan. Konsensya ko pa kapag namatay ka." Inabutan ko na agad siya ng tubig pagkasabi ko noon. Ininom naman niya iyon at pagkatapos, back to silent mode na siya. Nawiwirduhan na talaga ako sa kaniya. Mukha naman siyang matino. Kaya lang parang 'di siya makaintindi. "Sa'n ka ba kasi galing ha? Oh pinakain na kita, baka gusto mo ng magsalita di'ba?" Hindi kasi talaga ako makatiis hangga't 'di ko nalalaman. Nang tumitig siya sa mga mata ko ay may napansin ako bigla. Dahil doon kaya inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at... "Shoot! Kulay abo pala 'yang mata mo? Bangis!" Ba't ba ngayon ko lang 'yon napansin? Ibig sabihin foreigner siya? Kaya pala ang laki niya. "N-Nilusob kami at pinasabog. Hindi ko na maalala kung paano ako nakaligtas." Parang bumukas ang langit ng magsalita na siya. Kahit pautal-utal at patigil-tigil, ayos na rin kaysa wala. Pati ba naman boses niya ang seksi rin. Greek God na Greek God ang datingan. Malalim iyon at buong-buo. Lalaking lalaki ang tunog. "Nilusob? Pinasabog? Okay ka lang tsong? Kasi ako, 'di kita gets." Ang labo niya pa rin eh. "Hindi ako normal." Weh? halata naman. "So inaamin mo talagang abnormal ka? Aba eh, kakaiba ka pa lang klase ng baliw ano? Akalain mo 'yon?" Baliw na din ba ako kasi kinakausap ko ang baliw? "A-Abnormal?" Mukhang di niya na naman ako naintindihan. "Abnormal. Iyong hindi normal, parang ikaw." Paliwanag ko na lang. "Ahhhh, iyon pala ang tawag sa'kin." Ay baliw nga! "Ituloy mo na nga lang 'yong sinasabi mo kanina. Puwede?" Maryosep! Hirap pala talaga makipag-usap sa sinto-sinto! "Ngayon lang kasi ako nakalabas." Ano daw? Hindi kaya, takas talaga siya sa mental? "Ibig mong sabihin ikinulong ka?" Teka nga, pinapatulan ko ba talaga 'yong kuwento niya? Tango lang ang isinagot niya sa tanong kong iyon. To cut his complicated story short...ayon, 'di niya daw alam kung bakit siya ikinulong. Isa lang din ang taong kilala niya doon sa pinagkulungan sa kaniya. 'Yong tinatawag niyang 'Big Papa'. 'Yon daw kasi 'yong palagi niyang nakikita at naririnig mula sa iba pang taong nandoon. 'Di naman niya masabi kung saan 'yong lugar. Basta, magulo. Noong tanungin ko naman siya tungkol sa pamilya niya...ayon, 'di niya pala alam ultimo ibig sabihin ng salitang pamilya. Pinaliwanag ko naman sa kaniya at ang ending, di niya rin alam. Sumakit pati kasu-kasuan ko sa pakikipag-usap sa kaniya. Well, medyo matino naman pala siyang kausapin. Kaso nga lang para kang nakikipag-usap sa batang nasa elementrya pa lang. Sa bagay, kung ikinulong nga talaga siya malamang wala talaga siyang alam. Ewan ko ba pero somehow, naniniwala ako sa mga sinabi niya. Kahit na parang medyo imposible. "Kanina pa pala tayo rito nagbabalitaktakan eh hindi mo pa nasasabi kung anong pangalan mo." Naalala ko lang. Hindi ko na kasi alam kung anong itatawag sa kaniya. Natahimik naman siya ulit at tila nag-isip. "D87." Naguluhan naman ako sa sagot niya. "Anong D87? Ano ka, K9 Dog? Robot?" Pinaliwanag ko na kasi kung ano ba'ng ibig sabihin ng pangalan. "Diba sabi mo 'yong pangalan 'yong itinatawag sa tao?" Sinabi ko nga 'yon. "Oo" Sagot ko na lang. "Iyon ang itinatawag nila sa'kin doon, D87." Nye, hindi ba talaga siya sa mental institution galing? Kaunti na lang, kumbinsido na talaga ko. "Ang sagwa naman pag iyon ang pangalan mo. Para ka namang aso." Nag-isip ako saglit at segundo lamang ay parang may light bulb ng nagliwanag sa toktok ng ulo ko. "Alam ko na! Ba't di na lang Maly?" Kompyansang saad ko at napahampas pa sa ibabaw ng mesa. Mukha naman siyang naguluhan sa naisip ko. "Maly?" Inosente niyang tanong. Grabe, ang cute talaga ng isang ito. Kaya bagay sa kaniya 'yong ipapangalan ko. "Maly. Pina-iksi at pinasosiyal na salita galing sa root word na...malinamnam." Parang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD