CHAPTER 4 - Unexpected strength

1356 Words
"Hindi kinakain balat niyan Maly!" Nag-aagahan lang naman kami ngayon at itong si Maly basta na lang isinubo iyong saging ng hindi binabalatan. Kaunti na lang talaga swear, mababaliw na ko dahil sa kaniya! Feeling ko nag-aalaga ako ng bata, batang adones. 'Yong tipong, lahat ituturo mo sa kaniya. Although, mabilis naman niyang napi-pick up. Kaso minsan talaga nakakaubos ng pasensiya. Kung hindi lang 'to yummy, naku! Isang linggo na siya dito. Ewan, parang inampon ko na talaga siya. Baka kasi kung mapaano 'to kapag basta na lang nagpakalat-kalat sa labas. Eh diba nga, wala siyang muwang? Mamaya niyan, magahasa pa siya. Mas better ng mauna ako. Char! Iniluwa naman niya 'yong sinubo niya. Itinuro ko sa kaniya kung paano iyon balatan na nakuha niya naman agad. "Naku, mukhang kailangan na nating bumili ng mga damit mo. Baka polmonia na abutin mo. Lumalamig na rin ang panahon." Tutal naman day off ko ngayon. Ito maganda dito eh, ganda palagi ng view ko. Insert evil grin here. Hindi ko pa kasi siya nabibilhan ng mga damit. Dadal'wa nga lang 'yong short niya na pinagpapalit-palitan niya tapos wala pa siya maski isang pang-itaas. Kotang-kota tuloy itong mata ko sa kakatitig sa hawt niyang mga pandesal. Minsan nga hinahawan ko iyon eh. Oh well, wala naman siyang palag kaya gora lang. "Ibig sabihin lalabas tayo?" Bakas sa mukha niya ang pananabik. 'Pag umaalis kasi ako, binibilinan ko siya lagi na huwag na huwag lalabas ng bahay. Buti naman at masunurin siyang bata. "Oo, pero huwag makulit ha? Ayoko ng makulit!" Tumango naman siya ng sunod-sunod. "Good. Dali, kiss mo si Maty." Inilapit niya naman ang mukha niya sa'kin saka ako ginawaran ng isang matunog at mabilis na halik...sa labi. Oh diba, baby sitting with benefits lang ang peg ko! Takam na takam kasi talaga ko sa mapupula at very luscious niyang mga labi. Kaya ayon, tinuruan ko siya ng smack at syempre sarili ko ang pinagpraktisan namin. I'm so brilliant, right? Napangiti na lang ako habang tinititigan ko siyang tapusin ang pagkain niya. Ang totoo niyan, nakakaramdam ako ng kakaiba simula ng dumating siya. Para bang naaaliw at natutuwa ako sa kaniya. 'Yong pakiramdam na masaya ka kahit wala naman siyang ginagawa?Basta titignan mo lang siya mapapangiti ka na lang. Ganoon kalakas ang epekto niya sakin. "Ang tanga mo naman Maly." Napatingin lang siya sa'kin na para bang nagtatanong. Pinagpatuloy ko lang iyong sinasabi ko. "Kasi naman, tatawid ka na nga lang sa isip ko, nahulog ka pa dito sa puso ko." ------------------------------ "Ate, sabi ko heto na 'yong bayad!" Kaloka 'tong tindera ng mga damit na ito ha! Kung makatitig kay Maly ko parang wala ng bukas! Pagkakuha na pagkakuha ko ng mga damit na binili ko ay agad akong kumuha ng isa at isinuot ko iyon kay Maly. Kanina pa kasi parang magnet ang mga mata ng tao dito sa palengke. Lahat kay Maly at sa topless nitong katawan nakatutok. "Bakit ka sumisigaw Maty? Galit ka ba?" Inosente niyang tanong. "Oo! Galit ako sa mga hipon dito na nag-aala higad! Tara na nga!" Naku! Kumukulo talaga dugo ko. Simula ngayon, Maly's hawt body is for my eyes only! No more, no less! Naramdaman ko na lang ang marahan niyang pagyakap mula sa likod ko ng huminto kami sa paglalakad. Sabi ko nga pala sa kaniya yakapin niya ko kapag nagagalit ako. Napapawi kasi talaga ng malapit niyang presensya ang lahat ng pagka-imbyerna ko sa katawan lalo na minsan kapag nasasagad niya 'yong pasensya ko sa katuturo sa kaniya. "Galit ka pa rin?" Narinig kong tanong niya sa punong tainga ko. "Hmm? Kaunti na lang. As in, super duper slight. Siguro kailangan mo na lang higpitan iyang yakap mo. Pagkatapos magiging okay na ko." Wala kayong pake kung lumalandi ako. Ginawa niya naman ang sinabi ko. "Ano ba 'yan, dito pa nag-PDA!" Nasira naman ang momentom dahil sa inggitirang mga palaka na dumaan! "Tse! Inggit ka lang! Mukha kasing hippopotamus iyang kasama mo!" Pahabol na sigaw ko doon sa inggitirang kokak na nagparinig. Niyaya ko na lang agad na umuwi si Maly at baka makahanap pa ko ng kasabunutan kapag nagtagal pa kami sa labas. Inabot na kami ng gabi dahil sa paglilibot-libot namin kanina bago bumili ng damit ni Maly. Mukha namang manghang-mangha siya sa mga nakita niya kanina. Lahat na lang ng madakuan ng mata niya itinatanong niya sakin kung ano. Nang mapadaan na kami sa may kanto malapit sa bahay ay agad akong kinabahan ng makita ko ang ilan sa mga tauhan ni boy n***o. Susubukan pa sana naming mag-iba ng daan kaso huli na, dahil nakita na nila kami. "Long taym no si Mate, at sinu naman 'tong kutong lupang kasama mo? Syota mo? Aba't ayos ha, tisoy." Nagtawanan naman ang mga kampon niya. "Puwede ba, boy n***o, kakahulog ko lang sa'yo kaya tantanan mo muna ko." Kinakabahan ako. Sa mga tingin kasi nila para bang may pinaplano silang masama. Mamaya baka pagtripan nila si Maly, eh ano naman magagawa nito sa kanila. Malaki nga katawan nito, kaso may saltik naman. "Kuryos lang kami dito sa syota mo. Pa'no mo nabingwit 'to ha? Magaling ba to sa suntukan?" Sabi na nga ba! Iniharang ko muna ang katawan ko kay Maly bago nagsalita. "Puwede ba, wag niyo siyang idamay dito! Sa'kin kayo may problema diba? Ako ang may atraso kaya ako lang ang balingan niyo!" Mas lalo pa akong kinabahan ng magsalita si Maly. "Sino ba 'yang mga pangit na yan Maty?" Patay na! Kung anu-ano kasi itinuturo ko sa kaniya! Ang tanga mo Maty, ang syonga syonga mo! "Aba't! Siraulo pala 'tong gag*ng to ah! Mga bata alam niyo na!" Napapikit na lang ako ng mariin ng itulak ako ng isa sa kanila at akmang aatakihin na nila si Maly. Magkakasunod na tunog ng lagabog. Iyan lang ang mga ingay na narinig ko habang nakapikit ako. Ayokong makita na binubugbog si Maly kaya noong matapos na ang ingay ay saka lang ako dumilat. Literal na nahulog ang panga ko ng makita kong nakahandusay na sina boy n***o sa kalsada! Napalingon ako kay Maly habang prente itong naglalakad palapit sa'kin na wala man lang maski anong galos sa katawan. Itinayo niya ako mula sa pagkakaupo ko sa semento saka nagtanong kung ayos lang ba daw ako. "Pi-pinatumba mo sila ng mag-isa?" Hindi ko na mapigilang sumigaw dahil sa sobrang pagtataka. Marahan lang siyang tumango at inakay na ko para maglakad paalis. Lutang parin ang isip ko hanggang sa makarating na kami sa bahay. "Ayos ka lang ba talaga Maty? Hindi ka kasi nagsasalita simula pa kanina." Napukaw lang ang atensyon ko ng kausapin niya na ko. "Maly, pa'no mo nagawa 'yon? Iyong kanina? " Hindi kasi talaga ako makaget-over! Imagine, si Maly na walang kamalay-malay sa mundo eh basta na lang nagpabagsak ng kilalang mga sanggano! sinong hindi matutunawan? Hindi naman siya sumagot, ni hindi nga siya makatingin sa mata ko. Nakakutob tuloy ako na may inililihim siya sa'kin. "Maly, tumingin ka sa mata ko. Magsabi ka ng totoo. Sabihin mo sa'kin lahat, lahat-lahat." Sinunod naman niya ko. Nang tumingin siya sa mga mata ko ay doon ko nakita ang samu't saring emosyon. Nakikita ko sa abuhin niyang mga mata ang pag-aalinlangan at...takot? Takot para saan? "Hindi ka magagalit?" Tumango lang ako. "Hindi mo ako itataboy?" Tumango ulit ako. "Hindi mo ako paaalisin dito sa bahay mo?" Tumango pa ako bago ako nagsalita. Ang dami niya pa kasing pasakalye. Ayaw sabihin na lang. "Sabihin mo na lang Maly. Okay. Hindi ako magagalit, hindi kita itataboy at hindi rin kita paaalisin. Dito ka lang kasama ko. Ayos na ba iyon? Ngayon, sabihin mo na." Nagkaroon muna ng mahabang katahimikan at ilang pagbuntong-hininga niya ng malalim bago niya tuluyang ipinagtapat sa'kin ang lahat. Mga bagay na kulang na lang injectionan ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko talaga ay sasabog na ang utak ko ano mang oras. "Maty..." Umpisa nito. "Nakapatay na ko ng tao." Dugtong nito na nagpatigil yata sa paghinga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD