CHAPTER 2 - Stranger's hotness

1475 Words
"Para!" Halos masubsob lahat ng pasahero nang walang pasabing inihinto ni manong driver ang jeep niya. "Ah, sarry." Nangingiwing bigkas ko saka dali-daling bumaba ng jeep. Ikaw ba naman titigan ng masama ng lahat ng pasahero, kasama pa ng driver kung hindi ka kilabutan. Nakalampas na kasi ako sa bababaan ko. Overtime lang naman ako sa trabaho kahapon kaya wala pa akong masiyadong tulog tapos ang dami pa ng ginawa ko sa ospital ngayong araw na ito. "Peste! Uuwi na lang lahat-lahat minalapas pa. Wuhhh! I love you Lord!" Sabi ko na lang habang binabaybay ko na ang daan pauwi. Malas naman talaga! Humaba pa tuloy ang lalakarin ko. Napahinto na lang ako ng may maramdaman akong...humawak sa paanan ko. Nagtayuan lahat ng balahibo ko at parang sasabak na sa karera dahil sa bilis itong t***k ng puso ko. Nasa madilim na lugar lang naman ako ngayon at malapit ito sa isang sementeryo! Slow motion akong lumingon at niyuko ang kamay na nakahawak sa paa ko. Napamura na lang ako sa isip ko matapos manlaki ng mga mata ko sa takot. "Lubayan mo ko masamang multo!" Isang pigura ng duguang lalaki ang pinagmumulan ng kamay at nakadapa ito sa kalsada habang hawak-hawak ang aking paa! Pilit ko namang ipinapagpag ang paa ko para matanggal ang pagkakakapit niya doon pero sadiyang may lahing mighty bond ata ang multong 'to! "Ano ba! Bitawan mo ko!" Tuloy lang ako sa kakasigaw ng maulinagan kong nagsalita ang multo. "Tu-tulong" Mahina at halos pabulong lang iyon ngunit sapat lang para marinig ko. "Ha?" Doon lang ako tila natauhan. Umupo ako para makita siya ng malapitan. Shocks! Ayan ang nasabi ko matapos kong mapagtanto ang lahat. Isa pala siyang taong sugatan at hindi multo! Mabilis akong humingi ng saklolo at may mga tumulong naman sa'kin para dalhin siya sa pinaka malapit na ospital. "Ah maam, kailangan ho muna ng down p*****t bago iadmit ang pasyente." Sabi 'yan ng nurse na sumalubong samin. "Anong down p*****t? Eh kita mo na ngang fifty-fifty na 'tong tao oh!" Pinandilatan ko naman ng mga mata ang atribidang nurse. "Pasensya na po pero yon po ang polisiya ng ospital na ito." Aba't sumasagot pa! "Hoy miss! Nurse din ako at alam ko na ang responsibilidad mo ay bigyan ng atensyong medikal ang taong ito na sugatan at hindi ang kanyang kaperahan!" Naman oh! Eh wala rin akong pera para ipambayad sa mukhang lapad na 'to! "Sorry po talaga maam pero ginagawa ko lang ho ang trabaho ko. Ako naman ho ang masesesante 'pag pinayagan ko kayong makapasok ng walang down payment." Huminga na lang ako ng malalim bago tinanggap ang pagkatalo ko. Pero isa parin akong nurse, at bilang isa sa mga tagapagligtas ng buhay ay napagdesisyunan ko na lang na dalhin siya sa bahay at doon gamutin. Nakakaawa naman kasi ang isang 'to. Sinubukan kong kapkapan ang suot niyang pantalon kanina habang papunta kami ng ospital, nagbabaka-sakali na may pera siya na puwede kong ipambayad. Ang kaso, maski nga wallet eh wala siya. Bukod sa suot niyang damit at kuwentas na style hiringgilya ay wala na siyang iba pang dala. Wala tuloy akong makontak na kamag-anak niya para maipaalam ang nangyari sa kaniya. Nagpasalamat na lang ako sa mga tumulong samin na hikahos din. Hayyy. Malas, malas, malas. Bakit ba nag-e-exist ang salitang iyan? Sinimulan ko ng gamutin ang mga sugat niya. Madami ito at ilan pa nga sa mga ito ay masiyadong malalalim. Buti na lang palagi akong may pasigurong mga gamot dito sa bahay ko. Halos mahigit ko pa ang hininga ko ng wasakin ko ang suot niyang damit at itira lamang ang kaniyang boxer na panloob para magamot ko ng maayos ang sugat niya. Sanay na akong nakakakita ng katawan dahil nga nurse ako. Maski nga sensitive organ ng lalaki napag-aralan na namin noon. Kaya sanay na akong makakita noon, pero anla naman kasi... ...Mala-adones ang katawam ng isang ito! Bato-bato lang naman ang katawan niya at hindi lang basta six-pack-abs ang mayroon siya kundi...yummylicious eight-pack-abs! Oh por Diyos por santong anak ng talong, gabayan niyo po sana ako. Matapos ko siyang gamutin ay sinimulan ko naman siyang linisan. Ang dumi-dumi niya kasi, halos di na nga makita ang mukha niya dahil sa mga putik na dumikit dito. Napahigpit na lang ang hawak ko sa tuwalyang pinampupunas ko sa kaniya ng tuluyan ng malantad sa mga mata ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. "Anak ka ng isang kilong prinitong ipis!" Nasambit ko na lang. Puch*! Ang guwapo niya! My Gurd! Ngayon lang ata ako nakakita ng ganito kaguwapong lalaki sa buong buhay ko! Ni mga nanligaw nga sa'kin mga hindi mukhang tao! Sapat lang kasi 'yong ganda ko kaya hindi ako makabulag ng mga artistahing gaya ng isang 'to. Napakakinis at napakaputi ng balat niya. Mahahaba at malalantik ang itim na itim na pilik-mata. Mas maganda pa kaysa sa pilik-mata ko na isang babae. Kaloka te! Matangos ang kaniyang ilong at napakasarap tignan ng maumbok at mapula niyang labi. For short, perfect! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinaplos-haplos ko na ang kaniyang mukha. Marahan kong dinama ang kaniyang noo, ilong at labi hanggang sa bumaba ito ng bumaba sa matigas niyang dibdib patungo sa yayamanin niyang mga pandesal sa tiyan. "Oh mar heaven, ito na ang tinatawag nilang langit." Gikgik ko habang pinagnanasaan ang walang kalaban-labang sugatang likha ng Panginoon. Napalunok na lang ako ng laway ng madako na sa ibaba ng kaniyang pusod ang paningin ko. Oh my, bahay kubong mahalay. Umbok na umbok ito mula sa suot niyang boxer. Tantiya ko ay napaka-laki at napakahaba ng kargada niyang iyon. Paano ba namang hindi eh ang laki niya ring tao tapos malaki pa ang katawan niya. Hirap na hirap nga iyong apat na lalaking tumulong sa'kin kanina para buhatin sya. Pustahan, makabasag bahay-bata ang isang 'to. Nang magsawa ako sa pangmomolestiya sa kaniya ay pinagpatuloy ko na ang paglilinis sa katawan niya. "Dapat bukas na bukas rin magkamalay ka na ha. Nursing ang tinapos kong kurso at hindi caregiving." Sabi ko na lang bago ko siya tuluyang iniwan at nahiga na sa mahabang upuan malapit lang din sa papag na hinihigaan niya. Maliit lang kasi itong bahay ko na gawa naman sa semento at walang kuwarto o maski kusina. Deretso na lahat. Ito na ang sala, kuwarto at maging kusina. Iilan nga lang din ang laman nito. Isang maliit na papag, mahabang upuan at plywood na mesa. Mayroon din akong mini cabinet at kahit papano may lababo. Iyong banyo ko naman tela lang yong pantakip. Wala na kasi akong perang pampagawa ng pinto. Itong bahay na ito lang ang kaya kong ipundar para sa sarili ko. Kahit na may kaliitan atleast hindi ako nangungupahan at nagbabayad buwan-buwan. Maski papaano may natutuluyan at nasisilungan pa ko. Hindi talaga naging madali ang buhay sa'kin noon pa man. Kahit na may organisasyong tumutulong sakin noon ay kinailangan ko pa rin magworking student noong nag-aaral pa ko dahil nagkukulang na sa pera ang organisasyon. Nasa ika-lawang taon ako sa kolehiyo ng magsimula ang ganoong problema. Hanggang sa ilang buwan lang ay tuluyan na nga itong nagsara. Wala akong nagawa kundi mamuhay ng mag-isa habang itinataguyod ang sarili. Lahat na nga ata ng raket pinasok ko para lang kumita ng pera. At sa awa naman ng Maykapal nagawa kong makatapos. Pero hindi parin naging magaan ang mga bagay-bagay dahil doon na ako hinunting ng mga pinagkakautangan ng magaling kong ina. Noong una tinangka ko pang magtago hanggang sa napagod na lang ako dahil palagi naman nilang natutunton ang lokasyon ko at sakit lang ng katawan ang inaabot ko kapagka nahuhuli nila ko. Kaya ito, wala akong magawa kundi bayaran iyon lahat...kasama pa ang interes na nagka-apo na yata sa laki. Naisip ko nga dati, ano kaya kung mag-asawa na lang ako ng mayaman para matapos na ang lahat? Kaso sumagi din sa'kin ang sinapit ng nanay ko. Kaya 'di ko na tinuloy. Wala namang gwapong milyonaryo ang maakit-akit sa alindog ko. Sa totoo lang kasi, hindi naman ako ganoon kaganda. Cute daw ako sabi nila, pero hanggang doon lang. Payat ang pangangatawan ko at medyo may kapatagan itong hinaharap ko. Hindi rin ganoon katambok itong puwetan ko. Tama lang naman ang kulay ng balat ko at may kaiksian ang natural na kulay brown kong buhok. Sumatutal, pangkaraniwan. Tumingala na lang ako sa kisame ng bahay at muling nagbuntong-hininga. "Kailan kaya magkakaroon ng pagbabago sa buhay ko?" Iyon lang ang huli kong nasambit bago ako tuluyang iginupo ng antok. Hindi ko alam na dininig pala ng Diyos ang dasal ko dahil kinaumagahan lamang, nangyari nga ang inaasam kong pagbabago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD