CHAPTER 4

2348 Words
PUMASOK si Laila sa apartment nila. Nakapatay ang lahat ng ilaw kaya medyo nahihirapan siyang makakita ng malinaw. Tumigil siya sa pag-humming at tahimik na naglakad patungo sa switch para buksan ang ilaw. Nang makarinig siya ng mahinang kaluskos mula sa sala. Bumilis ang t***k ng puso ni Laila sa takot habang tumingin siya sa direksyon kung saan niya narinig ang ingay. “S-Sinong nandyan?” kinakabahang tanong niya, inaabot ang kanyang bag para gawing panangga kung sakali. Mabigat pa naman iyon kasi puro makeup at pabango ang laman niyon bukod sa kanyang wallet at maliit na payong kaya makakasakit din ito. Nakarinig siya ng shuffling sound at nakita niya ang isang madilim na pigura ng tao na nakatayo sa sopa. Napasigaw si Laila ng gumalaw ito kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin kaya nagtaasan ang buhok ng madilim na pigura ng taong iyon, kaya sa sobrang takot ay napaatras ito at biglang bumagsak siya sa sahig. Nakapikit ng mga mata si Laila habang umiiyak, “Ahh, lumayo ka sa akin, aswang ka!” iyak nito at tumayo habang sumipa-sipa pa ito sa hangin. Nakarinig siya ng mga yabag nang may papalapit sa kanya mula sa kanyang likuran. Kaya napatigil siya sa paggalaw. “Huwag ninyo akong patayin please! Lumayo kayo sa akin. Pakiusap huwag ninyo akong patayin. Pangako hindi ako sisigaw. Huwag po. . . “Laila, ako ito si Nanami, bakit hindi mo binubuksan ang mga ilaw at nagsisigaw ka diyan!?” Binuksan ni Nanami ang mga ilaw at nagliwanag ang buong lugar. Natigilan si Laila at nagmulat ng kanyang mga mata. Inilibot niya ang kanyang paningin bago ibinalik ang tingin kay Nanami na nakatingin sa kanya na may pagtataka sa mukha nito. Umayos si Laila ng tuwid sa pagkakatayo at tumingin sa sopa kung saan kanina ay may nakita siyang isang madilim na pigura ng tao. “Anong, b-bakit nawala?” Nag-crack ang boses niya and she cleared her throat. “Ikaw ba ang nakatayo diyan kanina?” Tahimik na tumango si Nanami, “Oo nagtataka nga ako kung bakit hindi ka nagsasalita at bigla ka na lang sumigaw kaya nagmamadali akong binuksan ang mga ilaw.” Kinakabahang tumingin si Laila kay Nanami. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim, pinapakalma ang kanyang sarili. “Walang hiya ka akala ko kung sino na, aatakihin ako sa puso dahil sa'yo. May palipad lipad pa iyang buhok mo na mahaba dahil sa hangin. Kaya akala ko aswang ka na.” Talak niya kay Nanami kaya napahalakhak ito. “Sorry naman, hindi kasi ako makatulog kaya hinintay na lang kitang dumating. At saka kaya nakabukas ang bintana dahil ang init at gusto ko na natural na hangin lang ang dumampi sa akin, kaya binuksan ko ang bintana.” Hindi magkandaugaga si Nanami sa kakatawa. “Eh bakit kasi hindi ka umiimik, kaya nagpagkamalan kitang aswang tapos bigla ka na lang nawala at may bigla na lang may tao sa likuran ko?” tanong niya kay Nanami. “Kasi nga binuksan ko ang switch ng mga ilaw, habang nagkakakawag ka riyan, kaya hindi mo yata napansin na nagmadali akong naglakad para sa mga switch.” Natatawa pa rin paliwanag ni Nanami. Napataas ang kilay ni Laila at hinampas niya si Nanami, “Kapag inulit mo pa iyon, sa'yo ko na ipapatama ang mga sipa ko.” Nakabusangot na sabi naman ni Laila kay Nanami. “Sorry na ikaw kasi 'di ka kaagad nagbubukas ng ilaw.” “Tse, kuh kung nagkataon na inatake ako sa puso, mumultuhin talaga kita kapag ako namatay.” Nakangusong sabi nito. “Nasaan pala si Danie?” tanong ni Laila ng mahimasmasan ito. “Wala nga eh, doon daw siya matutulog sa boyfriend nitong si Luke.” Sagot naman ni Nanami habang inaayos ang nagulong buhok niya kanina. Natahimik si Nanami at nag-alinlangan itong nagsalita. “Nga pala, dumating si Dad, kanina.” Nanlaki ang mga mata ni Laila, “Nagbibiro ka ba?” “Hindi, totoo talagang pumunta dito si Dad!” “So, anong sabi niya, bakit daw siya pumarito?” nawala ang ngiti ni Laila at napalitan ito ng pag simangot. “Pinapauwi na niya ako sa bahay!” Malungkot na sagot ni Nanami sa kaibigan. PUMASOK si Venom sa loob ng kanyang silid at laking gulat niya ng makita niya ang kanyang anak na payapang natutulog sa kanyang kama. Walang nangahas na pumasok sa kanyang kwarto. Kahit si Eve dahil iyon ang utos niya. Kaya siguro hindi nila mahanap sa labas dahil nandito siya sa silid nilang mag-asawa. Nakahinga siya nang maluwag at tahimik siyang lumapit kay Amalie, akala niya nawawala na ito. Mabuti na lang at dito siya sa silid niya pumunta, dahil kung sakaling nakalabas ito ng mansyon ay talagang mananagot ang mga tauhan niya. Maingat niyang binuhat ang kanyang anak mula sa kanyang kama at lumabas ng silid niya. Nakatayo si Marcel sa harap ng pinto nang lumabas siya. Gumaan ang pakiramdam ng lalaki ng makita niya si Venom na karga-karga ang kanyang inaanak. Naglakad sila pabalik sa sala, at maingat si Venom na bumababa para hindi magising ang kanyang anak. Nang makita sila ng mga katulong at guwardiya ay naka-kahinga rin ang mga ito ng maluwag at nabawasan ang kanilang kaba. Nakaluhod pa rin si Mela na umiiyak at nakayuko, habang hinihintay ang kanyang katapusan kaya hindi pa nito nakikita na nasa ama na nito si Amalie. “Ikaw!” tinuro ni Venom si Mela kaya nataranta ito at biglang napatayo, nakita nito ang alaga na nasa mga bisig na ng kanyang amo. “Halika dito lumapit ka!” utos ni Venom kaya napatanga ang katulong. “Si. . .sir?” kinakabahang sagot nito. Sinamaan siya ng tingin ni Venom, nang hindi pa siya lumapit dahil kinakabahan siya sa nakakatakot na tingin ng kanyang amo. Agad na tumayo si Mela at humakbang palapit sa amo. Itinaas nito ang kamay sa ere na para bang bibigyan siya ng sampal pero tumigil ito. Nakapikit naman si Mela at naghihintay ng kanyang katapusan, pero ilang segundo ang lumipas ay wala pa siyang nararamdaman. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita niyang nakatitig sa kanya si Venom ng madilim. “Sorry po sir! Ako ay humihingi ng paumanhin, hindi ko po siya nabantayan ng maayos, sa susunod po ay hindi na ako malilingat kay Amalie. Sorry po!” Napuno ng hikbi ni Mela ang sala hanggang sa tuluyan na itong umiiyak. “Mag-impake ka na ng mga gamit mo dahil sisante ka na!” Seryosong sabi ng kanyang amo. “P-po, pero po sir.” Nauutal na tutol nito. “Venom pasensya na rin.” Mahinahong sabi ni Manang Eve—Pero baka pwede mo naman siyang bigyan pa siya. . . “Isa pang salita manang Eve, sasama ka na sa kanyang umalis dito.” Galit na pinutol ni Venom ang kanyang mayordoma sa pagsasalita, bago ito umakyat para dalhin sa sariling silid nito ang kanyang anak. PUMASOK si Marcel sa loob ng opisina ni Venom at tumikhim ito para kunin ang atensyon ni Venom.Tumingala si Venom sa kanya at nagbuga ng usok ng sigarilyo sa ere. “Kumusta anong balita?” sabi nito. “Ayaw pa rin niyang magsalita.” Sagot naman ni Marcel. “Pahirapan mo pa siya ng maigi, hanggang sa umamin siya.” Tugon niya kay Marcel. After five f*cking years and they are yet to find that damn b*stard. Five freaking years and it feels like the idiot doesn't exist. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Venom para sumukong hanapin ito. Patuloy niyang hahanapin si Dee, ​​hanggang sa matagpuan niya ito at pagbayaran niya ito ng mahal sa ginawa nito sa kanyang mahal na asawa. At kahit patay na ito ay handa niyang hilahin ito sa hukay para lang patayin ito ng paulit-ulit. “Hindi kami titigil sa paghahanap. Magtiwala ka lang at makikita rin natin ang hayop na iyon,” sabi ni Marcel kaya napatango siya. “Sige, pwede ka nang umalis.” Yumuko si Marcel sa kanya at saka lumabas na ito ng opisina. Nakaupo si Venom sa swivel chair at nakasandal ang kanyang likod habang hawak-hawak niya ang larawan ng kanyang yumaong asawa. Umiiyak ito ng mga sandaling iyon dahil sobra na niya itong namimiss. Sinubukan ni Venom na ngumiti, pero hindi niya magawang gawin iyon. Kinakain pa rin siya ng guilt at kalungkutan. Pakiramdam niya ay wala siyang kwentang tao, asawa at ama. Siya ay nalulunod sa kadiliman at hindi maka ahon ahon. Itinabi ni Venom ang larawan ng kanyang asawa at naglabas ng pocket knife. Naninikip ang kanyang dibdib na halos hindi na siya makahinga, kaya kailangan niya muling parusahan ang sarili. Iniangat niya ang kanyang manggas at tinitigan ang iba't ibang galos sa kanyang kamay. Mahigit limang taon na niyang pinaparusahan ang kanyang sarili at walang balak na huminto hangga't hindi niya nakukuha ang hustisya para sa kanyang asawa. Inumpisahan niyang hiwa-hiwain ang kanyang kamay hanggang sa dumugo iyon ramdam niya ang talas ng pocket knife na humihiwa sa kanyang laman hanggang sa masatisfied siya. Pagkatapos niyon ay pinagmasdan niya ang paglabas ng dugo sa kanyang mga sugat, ngunit wala siyang naramdamang sakit sa halip ay gumaan ang pakiramdam niya matapos niyang parusahan ang sarili. UMALINGAWNGAW sa apat na sulok ng silid ang hiyaw at pag-iyak ng isang lalaki. Walang awa siyang pinahihirapan ni Venom at ng kanyang mga tauhan. Pakiramdam ng lalaki ay talunan siya at isang mahinang nilalang. Halos hindi na makilala ang kanyang mukha. At halos mawalan siya ng isang mata dahil namamaga na iyon sa kaka suntok sa kanya ng lalaki na nanganagalang Venom. Nawalan na rin ito ng mga ilang daliri sa kanyang magkabilang kamay. Nagkaroon siya ng iba't ibang hiwa mula sa iba't ibang blades sa buong katawan nito. Ngunit tumanggi at nananatili itong hindi nagsasalita tungkol sa kanyang amo. Masyado itong loyal at kahit buhay niya ang kapalit ay hinding hindi ito magsasalita. Nabahiran ng dugo ng lalaki ang puting damit ni Venom, pero parang wala lang ito sa lalaki. Kumportable siyang umupo sa upuan matapos niyang pahirapan ang bihag niya. Humarap ito sa lalaki na halos hindi makamulat ang mata o makapagsalita. May hawak na screwdriver naman si Marcel habang hinihintay ang utos ng kanyang amo. “Simulan mo nang magsalita, dahil kapag ako nawalan na ng pasensya ay puputulan na kita ng ulo.” Sigaw ni Venom sa lalaki. Sinubukan ng lalaki na imulat ang isang mata niya, pero imposible niya itong magawa. “Magsalita ka na sabi.” Muling dumagundong ang nakakatakot na sigaw ni Venom dahil naiinip na ito sa kakahintay. Tumango si Venom kay Marcel kaya ipinulupot nito ang braso sa leeg ng lalaki at itinaas nito ang ulo ng lalaki, para mas makita ni Venom ang mukha nito. “F-f*ck you,” Nagawa pang sabihin ng lalaki habang nakangisi ito kay Venom. Binigyan naman ni Marcel ang lalaki ng isang malakas na suntok sa sikmura kaya sumuka ito dugo habang umuubo. “Mamamatay ka na’t lahat-lahat iyan lang ang sasabihin mo!” gigil na sabi ni Venom sa lalaki at muli itong sumuka ng dugo. “Ah nagmamatigas ka pa, baka sa ipapakita ko sa'yo ay magbago na ang isip mo at magsalita ka na.” Ayaw sana ni Venom na may madamay pero wala siyang choice kundi, takutin na ang lalaki sa ibang alam niyang paraan. Sininyasan niya ulit si Marcel kaya kinuha nito ang laptop na nasa bag na dala nito at ibinigay kay Venom. Binuksan ni Venom ang laptop at ipinakita ang nasa screen niyon sa lalaki, kahit ng hihina ay pilit niyang iminumulat ang mata at sa kakarampot na paningin ay nakita niya ang nasa screen. Limang segundo niyang tinitigan ang screen at muntik na siyang mawalan ng malay ng makita ang kanyang asawa at anak na nakatali sa isang upuan at walang malay. “Hindi. . . 'wag mo idamay ang pamilya ko. . .” Nagmakaawa bigla ang lalaki at tila isa itong aso na nabahag ang buntot dahil sa nakita. Ikinaway naman ni Venom ang kamay at pinalapit si Marcel at ibinigay ang laptop na hawak nito, sabay ngisi. “Hindi ko sila sasaktan, trust me. Wala silang ginawang mali sa akin, pero kailangan ko lang silang idamay dito, dahil nagmamatigas ka, now tell me, nasaan ang amo mo?” Nakahinga ng maluwag ang lalaki dahil sa narinig ngunit nadagdagan ang kaba nito ng muling nagsalita si Venom. “Ngunit wala akong maipapangako sa iyo na hindi ko sila gagalawin, oras na lokohin mo ako at maling impormasyon ang ibigay mo sa akin.” Seryosong dugtong pa ni Venom. Nanginginig sa takot ang lalaki, “I d-don't know kung nasaan ang kinaroroonan niya. I s-swear, nagsasabi talaga ako ng totoo.” Sabi nito. “So wala ka talagang pakialam sa pamilya mo.” anito habang nagbago ang mukha ni Venom at muli iyong nagalit. “Nagsasabi ako ng totoo h-hinatid ko lang siya sa airport at pagkatapos n-niyon ay umalis na ako, p-pero may isang tao ang mas alam kong makakapag turo niyon sa yo.” Nauutal na saad nito. “Sino?” madiing tanong ni Venom. Nilabas muli ni Marcel ang laptop at nagsimulang esearch ang pangalan na ibinigay ng lalaki sa kanila. Makalipas ang ilang segundo ay lumabas sa screen ng computer ang impormasyong tungkol sa taong nangangalang Lucas Hernandez. “Siya ang kanang kamay ni Master Dee at siya ay kasalukuyang nasa Canada.” Dugtong pa ng lalaki. “Sige sa ngayon ay ligtas ang iyong pamilya ngunit ikaw naman ay mananatili muna sa akin,” tumayo na si Venom at saka tumango ito kay Marcel. “Ikaw na ang bahala sa kanya at pakawalan mo na ang asawa't anak niyan,” sabi ni Venom kay Marcel bago nito kinuha ang jacket niya at naglakad palayo doon. Ang sumunod na marinig sa iniwang silid ni Venom ay isang masakit na sigaw mula sa lalaking pinahirapan niya kanina. Padabog siyang lumabas sa bodegang iyon na matatagpuan sa malawak na lupain ng mga Borromeo na pag aari ni Venom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD