CHAPTER 5

2889 Words
“MY PRINCESS!” mahinang tawag ni Venom sa anak. Walang sumagot dahil mahimbing pa rin itong natutulog. “My princess, gising ka na!” kumibot lang ang labi nito, ngunit hindi naman nagmulat kaya alam niyang gising na ito. “Fine, you can sleep all you want. Tampo na ako.” Sabi niya sa anak. “Daddy!” Tawag nito sa mahinang boses at nagkukunwaring kagigising lang mula sa pagkakatulog, pero alam ni Venom na nagpapanggap lang ito at gusto lang magpalambing sa kanya. Napangiti si Venom, dahil doon. “Sabi ko na eh, gising ka na, ikaw ah!” sabi niya. “Pwede bang hindi muna ako pumasok sa school, dad?” binuksan nito ang mga mata habang nagpapa-cute. “Hindi iyan gagana sa akin. Monday ngayon, hindi ka pwedeng mag-skip sa school and beside, sabi mo gusto mo laging nag-aaral.” “Syempre, gusto ko po dad.” “Alam ko, kaya naman nagulat ako na ayaw mong pumasok ngayon sa school. May bumubully ba sayo doon?” “Wala po Dad.” Umiling ito at umupo ng tuwid sa kama nito. “Hindi sila naglalakas-loob na ibully ako, because I'm strong princess of yours.” Sabay pakita pa nito ng braso. “Sadyang tinatamad lang po akong pumasok ngayon, eh!” Nakangusong dugtong pa nito. “Siguro, may assignment ka na nakalimutan mong gawin at natatakot kang mapagalitan ng teacher mo, ano?” “Dad, matalino po ako. Kaya hindi ko problema ang assignment. Tinatamad lang po talaga ako pumasok.” Nakalabing saad nito. “Kung gayon ay bumangon ka na riyan, ’diba sabi ko sayo bawal ka tamarin kapag school na ang pag-uusapan. Pwera na lang kung may sakit ka, syempre valid reason iyon at doon kita papayagang mag-absent.” Payo niya rito sabay upo ni Venom sa kama ng anak. “But D-dad, hayst sige na nga.” Napipilitang saad nito sa kanya. “So papasok ka na?” nakangiting tanong ni Venom sa anak kaya tumango ito sa kanya. “So hurry up,” sabay turo niya sa bathroom ng anak. “Oo na po, para isang beses lang na hindi ako papasok, eh, damot,” sabi nito at saka napasimangot. Napailing naman si Venom sa katigasan ng ulo ng kanyang anak minsan. She always want to get whatever she wants. Willing and ready naman siyang pagbigyan ito, pero kung sumosobra na ito ay nagiging mahigpit din naman siya dito minsan. Kahit spoiled ito sa kanya ay hindi naman niya hahayaang pabayaan nito ang pag-aaral kaya pagdating tungkol sa future nito ay ipinapaunawa niya rito na huwag pabayaan ang kanyang pag-aaral. Narinig na niyang naliligo na ito kaya lumabas na siya sa silid nito at tinawag si manang Eve para bihisan na ang kanyang anak. “HANDA ka na ba?” tanong ni Eve sa kanyang alaga habang naglalakad siya papalapit dito. “Okay na po.” Tinitigan ni Amalie ang repleksyon niya sa salamin at saka ngumiti. “Okay na po ba ang itsura ko?” sabi nito at umikot. “Ang ganda-ganda mo na, tara na.” Sagot naman nito sa alaga. Bumaba na silang dalawa sa sala, at ilang segundo lang ay nakakain na rin ang kanyang alaga kaya pupunta na sila sa pinapasukan nitong school. “Nanay Eve, ngayong wala na akong yaya, sino na ang maghahatid sa akin sa paaralan?” tanong ng bata kay Eve. “Ako na muna ang maghahatid sa'yo saka si Paeng.” Ang tinutukoy nito ang family driver ng mga Borromeo. “No Manang Eve, ako na ang maghahatid kay Amalie.” Sabat naman ni Venom mula sa likuran nilang dalawa, kaya humarap sila dito. Ngumiti naman ng malawak si Amalie sa sinabi ng kanyang ama. “Talaga Dad?” “Yes, my princess, maliban kung ayaw mo sa akin magpahatid?” “Siyempre po gusto ko.” Masayang saad nito at saka humawak sa kamay ng ama nito. Yumuko si Venom para pumantay sa anak kaya niyakap siya nito. “Salamat, Daddy.” Tumayo na si Venom ng pakawalan na siya ng anak at humarap kay Eve. “Handa na po ba ang baon niya?” “Oo, handa.” “Lets go, princess.” yaya nito sa anak at masaya silang sumakay ng sasakyan. INILABAS ni Venom ang cellphone ng tumunog iyon, bago pa niya buhayin ang sasakyan, binitiwan muna niya ang manibela at sinagot muna ang tawag, nasa kotse sila ng kanyang anak dahil ihahatid niya ang kanyang anak sa school. “Oh bakit ka napatawag?” tanong ni Venom kay Marcel na nasa kabilang linya. “Master, alam ko na kung nasaan siya,” “Si Hernandez?” “Yes master pero may kailangan kang makita.” “Hindi mo ba masasabi kung ano ito sa telepono?” “Hindi, master, kailangan mo itong makita ka agad.” “Fine. I will be there in a few minutes.” At Ibinaba na niya ang tawag. Napatingin si Amalie sa ama at nakita niya ang pagsimangot ng mukha nito. “Daddy, okay ka lang ba?” Tanong nito. “Yes princess. But uhm, honey.” Tumikhim siya at inalis ang bara sa kanyang lalamunan. “I'm sorry pero hindi kita maihahatid sa school.” “What? Bakit po?” Kumunot ang noo ng kanyang anak. “May importanteng bagay si Daddy na dapat asikasuhin. Pero huwag kang mag-alala, babawi ako sa susunod na araw, pangako.” At binuksan na nito ang sasakyan at bumaba roon. “Eh, Sino na ang maghahatid sa akin sa school?” Tanong ng bata na malungkot na nakadungaw sa bintana ng kotse . “Si manang Eve and Paeng na ulit ang maghahatid sa'yo.” Sagot niya. “Hmm. Sige na nga.” Nakasimangot ito. “Galit ka ba kay daddy?” “To be honest, yes po. But you've promised to make it up to me, so I will try not to remain mad at you after you make it up to me.” Tumawa ng mahina si Venom. “Sige tatandaan ko iyan.” Hinalikan niya ito sa magkabilaang pisngi. “Magkita tayo after school?” Tumango na naman ito at pagkatapos ay pinauna na niya itong umalis kasama ni manang Eve at ang driver. NAGHANDA na si Nanami para sa paghahanap bagong trabaho, hindi siya umuwi sa kanila at sa halip ay maghahanap siya ng trabaho ulit dito sa Maynila. At manatili pa rin siya sa apartment ng kanyang mga matatalik na kaibigan. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa salamin at saka umikot-ikot hanggang sa makumbinsi niya ang kanyang sarili na maayos na ang kanyang itsura bago pumasok sa publishing na kanyang aaplyan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at inilagay sa kanyang bag pagkatapos ay lumabas na siya ng apartment. Matapos ang ilang oras ay papauwi na si Nanami at naiinis ito dahil hindi siya natanggap sa mga publishing na kanyang inapplayan. Kaya sa sobrang inis ay hindi niya napansin ang isang batang babae na kanyang mababanga sana, mabuti na lamang at mahina iyon kaya hindi ito nasaktan ng malakas. “Sorry po,” Isang batang babae ang humingi ng tawad sa kanya. Tinitigan ni Nanami ang bata saka inilibot ang kanyang mga mata at tumingala siya sa langit para pigilang huwag mainis dito kasi bata lamang ito at may kasalanan naman siya dahil hindi siya tumitingin sa kanyang daraanan. Tahimik lang na nakatingin sa kanya ang bata. Bumaba din ang mga tingin ni Nanami sa bata. Nakasuot ito ng uniporme, kaya ibig sabihin kagagaling lang nito sa school , so sino ba ang kasama ng batang ito? “Okay lang? sa susunod mag-iingat ka at tumingin ka na lang sa dinaraan mo.” Ngumiti siya dito dahil nawala na ang inis niya kani-kanina lang. Yumuko naman ang bata sa kanya at humingi ng sorry at saka nagmamadali na itong umalis. “Hoy babe. nasaan si. . . Naputol ang boses ni Danie na papalapit sana kay Nanami, ng sumigaw ito mula sa likod niya, at saka ito sumisigaw na bumalik ang batang babae na kanyang nakabanggaan nakabanggaan kanina na nasa gitna na pala ng kalsada. Dahan-dahan namang tumingin si Nanami sa bata at nakita niya ang bata na nakatayo sa gitna ng kalsada, nakatingin sa umaandar na van, na papalapit dito. Bago pa man napigilan ni Nanami ang sarili ay agad siyang patakbong lumapit sa bata na nasa kalsada at sinunggaban ang bata at mabilis na hinila agad ito, para itabi sa gilid ng kalsada. Bumagsak sina Nanami kasama ang bata sa lupa sa gilid ng highway, ngunit na spraing naman ang kaliwang bukung-bukong ni Nanami at nasugatan din ang kanyang kanang siko na naituon niya upang di mabagok ang ulo ng bata habang yakap- yakap ang bata. Habang ang mga tao naman ay nagtipon-tipon sa paligid nila at si Danie naman ay agad na lumapit sa dalawa na sobrang nag aalala. “Okay lang ba kayo?” tanong ni Danie. Napaungol naman si Nanami sa sakit nang iangat niya ang kanyang sarili dahil nadaganan niya ang bata pero natumba ulit ito, dahil masakit ang kanyang paa. “Ayos ka lang po ba? Sorry po at salamat po sa pagliligtas niyo sa akin, sorry po talaga.” Nag-aalalang tanong ng bata na maiiyak na kay Nanami. “Amalie, Hesus maryosep kanina pa kita hinahanap anong nangyari sa'yo!?” Sigaw ng isang boses ng matanda at tumakbo papunta sa kanilang direction. “Oh my God, okay ka lang ba, Amalie?” ulit na tanong ni Eve na kasama ang driver nilang si Paeng. “O-Okay lang po ako, pero po si ate hindi siya okay.” Kinakabahang sagot ni Amalie sa kanyang nanay Eve kaya napalipat ang tingin ng mga ito kay Nanami. “Ay Oo nga, naku pasensya ka na at salamat sa pagliligtas sa alaga ko.” Si manang Eve at maluha luha itong nagpapasalamat kay Nanami. “Paeng tulungan mo siya at dalhin natin siya sa hospital, mukhang siya ang napuruhan.” Utos nito sa Driver ngunit umiling si Nanami. “Hindi na po, okay lang ako.” Mariing sabi ni Nanami at pilit na tumatayo, pero masakit talaga ang kanyang paa. “Sigurado ka bang ayos ka lang po?” nagaalalang saad pa rin ng bata kay Nanami. “Oo ayos lang ako, ikaw hindi ka ba nasaktan!” Tsineck ni Nanami ang bata at nakahinga siya ng maluwag ng makitang okay lang ito at walang kahit na anong pinsala. Inayos naman niya muli ang kanyang bag at hinawakan ng mahigpit ang kanyang telepono at tsinek din iyon, ngunit sa kasamaang palad ay nasira na ang screen niyon. Tumayo si Nanami ng ayos, kahit iika-ika ay nagpumilit itong maglakad pero inalalayan pa rin ito ni Danie. “Dalhin ka na namin sa hospital at baka mamaga iyang paa mo!” Habol pa ni Manang Eve kay Nanami pero umiling ulit ito. “Okay na po ako, ang alaga niyo na lang ang alalahanin niyo at baka may shock pa iyan kanina. Mauuna na po kami,” sabi ni Nanami. “Tara na Danie,” yaya na niya sa kaibigan. “Talaga bang ayos ka lang nag-o-offer na silang ipagamot ka bakit ayaw mo pa?” nalilitong tanong naman ni Danie kay Nanami. “Okay na sabi ako, ang gusto ko na lang ngayon ay umuwi,” sabi pa ni Nanami at saka nagpatiuna na siya kay Danie kahit iika-ika ito, pero hinabol pa rin siya nito at muli siyang inalalayaang maglakad. Samantala, tinitigan naman ni Amalie ang papalayong pigura ni Nanami, habang may ngiti sa mga labi nito. “Manang Eve, I like that woman, ang pretty niya, ngayon ko lang napansin,” sabi nito kay Manang Eve pero nawalan ito ng malay matapos niyang sabihin iyon kaya napasigaw si manang Eve sa gulat. Mabilis namang nasalo ni Paeng si Amalie bago pa ito bumagsak sa sahig. Agad niya itong kinarga. “Nakung batang ito, nahimatay na yata sa sobrang takot kanina, tara na Paeng iuwi na natin siya sa manyson.” Utos ng matanda kaya agad nila itong isinakay sa sasakyan. MANSION NG BORROMEO, pumasok si Venom matapos niyang makauwi. Kita niya ang mga kasambahay na nagpapabalik-balik sa second floor ng kanyang bahay na mukhang problemado at hindi mapakali. “Ano ang nangyayari?” Tanong niya matapos hablutin ang isang babaeng maid. Napatigil naman ang katulong na kinabahan habang ang iba naman ay tumigil sa kani-kanilang mga ginagawa. Pumuwesto si Marcel sa likod ni Venom at hinintay nila ang sasabihin ng katulong. Narinig ni Venom ang mga boses mula sa itaas, kaya hindi na niya hinintay na magsalita ang katulong na pinatigil niya at mabilis na nilagpasan niya ang mga kasambahay na pawang nanginginig sa takot at umakyat sa itaas kasunod si Marcel. Napakunot ang noo niya nang marinig ang mga boses na nagmumula sa kwarto ni Amalie kaya agad niyang binuksan ang pinto. Pumasok siya na hindi nagpapaalam na nandoon siya at nakita niya si Amalie na nakahiga sa kama at walang malay. Ang doktor ng pamilya na si Dr. Lim na isang half Chinese ang sumusuri dito, at sa bawat miyembro ng pamilyang Borromeo. Lalong lumalim ang pagkunot ng noo niya ng halos tahimik ang silid at hindi makatingin sina Manang Eve at katulong na si Mela na nag-aalaga kay Amalie habang wala pa ito ulit na personal maid. Walang nakapansin sa kanyang presensya kung hindi pa siya nagsalita kaya nagsilingunan ito sa kanya. “A-Anong nangyayari dito?” nag-aalalang tanong niya. Lumingon sa kanya si Dr. Lim at bahagyang yumuko. “Venom.” Bati nito sa kanya. “Bakit ka nandito?” tanong ni Venom na hindi pinansin ang pagbati ng doktor. “Nandito ako para tingnan si Amalie, master.” sagot nito. “Bakit? Wala naman siyang sakit kanina.” tanong niya kaya lalo siyang napakunot noo sa sinabi ng doctor. “Well. . .” tumingin si Dr. Lim kay manang Eve at sa iba na parang sinasabi sa kanila na sila na ang magpaliwanag. SINUNDAN ng tingin ni Venom ang mga katulong na nasa silid ng kanyang anak kaya pinagsalita niya ang mga ito. Tumingin naman ng diretso si Manang Eve kay Venom na kalmado, dahil wala na sa kanya ang takot sa kanyang alaga dahil sanay na siya dito kaya mahinahon itong nagpaliwanag. “Pasensya na Venom kasalanan ko. Hindi ko nabantayan ng ayos si Amalie kaya muntik na siyang mabanggaan sana ng van,” saad nito kaya napaatras si Venom sa shock at pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok. “Paanong masagasaan siya manang 'di ba, sabi ko sa'yo ay bantayan ninyo ng ayos ang anak ko?” Pigil na tanong ni Venom sa kanyang matandang mayordoma. Ipinaliwanag naman ni Manang Eve ang nangyari, kung paano napunta si Amalie sa kalsada hanggang sa muntik nang maganap ang aksidente at ang pagligtas ng isang babae kay Amalie sa kapahamakan. Halos mawalan ng balanse si Venom sa mga narinig. Tumingin siya sa kanyang anak at ikinuyom ang kanyang kamao para pigilan ang galit. Lumapit sa kanya si Dr. Bernard Lim at nagsalita matapos nitong macheck up si Amalie. “Wala kang dapat ipag-alala, Venom. Nawalan lang siya ng malay dahil sa gulat at kaba, pero sinisigurado kong magiging maayos din siya.” Pagpapaliwanag ng doktor kaya kahit paano ay nabawasan ang kanyang galit at pag-aalala. “Pero bakit hindi pa siya nagigising?” Tanong ni Venom sa mahinang boses. “Binigyan ko siya ng pampakalma. Magiging maayos din siya.” Walang sinabi si Venom at lumapit na ito sa kanyang anak. Dr. Bernard Lim took the cue to leave. Yumuko muna ito sa kanya at lumabas na ng silid na iyon. “Marcel!” mahinang tawag ni Venom sa kanang kamay niya. “Yes, master?” “Paalisin mo na sila manang bago pa magbago ang isip ko at baka maparusahan ko pa sila ngayon.” Bilin ni Venom kay Marcel. Hinila na ni Marcel ang katulong na si Mela habang tahimik namang nakasunod si manang Eve sa dalawa. Ngunit pinigilan niya ang mga ito, “Wait lang, hanapin n'yo pala ang babaeng nagligtas kay Amalie. Gusto kong magpasalamat sa kanya.” Habol pa nito kaya tumango sina Manang Eve, at tuluyan na silang lumabas. Nang makalabas na ang mga ito ay hinubad niya ang kanyang suit at jacket at naglakad papunta sa kinahihigaan ng kanyang anak na tahimik na natutulog pa rin at humiga sa tabi nito, niyakap niya ito at inilapit sa sarili habang hinahaplos niya ang noo ng anak. Gumalaw naman ito ng kaunti at yumakap papalapit sa kanya, ngunit hindi naman ito nagising. Isang banayad na halik ang binitawan ni Venom sa noo ng bata at bumuntong-hininga. “I'm sorry, princess, I'm really sorry. Dapat hindi na kita pinilit na pumasok sa paaralan. Dapat nirespeto ko ang desisyon mo. Ano kaya ang gagawin ko kung nawala k? Hindi ako mabubuhay kung may mangyari rin sa'yong masama. Wala na nga ang mommy mo, kaya hindi ko na kakayanin kung mawawala ka rin.” Bulong niya dito. “I'm sorry kung wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako sa oras ng panganib. I'm really sorry.” Isang luha ang tumulo sa kanyang mga mata. Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa kanyang anak, at saka napa hikbi kaya dumami ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD