CHAPTER 3

2228 Words
“PAGOD na ako.” Napabuntong-hininga si Laila habang papasok sa loob ng bahay, hinubad niya ang kanyang sapatos sa may pintuan. “Oh, kakauwi mo pa lang?” lumabas si Danie sa kusina, na kumakain ng cereal bitbit ang mangkok papalabas sa kusina nila. “Oo,” Humihingal ito at minamasahe ang kanyang binti habang ibinaba ang kanyang bag. “Maghanda ka na ng hapunan, nagugutom na ako,” sabay upo nito sa sopa. “Ako?” “Aba sino pa ba?” si Laila na pinadilatan ang kaibigan. “Syempre, nakalimutan mo na ba na si Nanami ang magluto ngayon?" “Oh!” Lumapit si Laila kay Danie at inagaw ang kutsara sa pagkakahawak nito. “Nagugutom na kasi ako. Nasaan ba siya?” “Lumabas siya kaninang tanghali, ngunit hindi pa siya bumabalik mula ngayon.” Sagot naman nito at hinyaang kainin ni Laila ang kinakain niya. Kumain lang si Laila ng tatlong kutsara ng cereal saka ibinalik sa kanya. Napahikab ito habang naglalakad papuntang kusina. “Ugh. Saan siya nagpunta? Gutom na ako.” “Pwede ka naman ikaw na ang maghanda ng hapunan para ngayong gabi at bukas na lang si Nanami.” mungkahi ni Danie at inubos na niya ang kinakain. “Niloloko mo ba ako? Pagod at gutom na talaga ako. Paano ako makakapag luto naduduling na ako sa gutom.” Umakto itong duling kaya dinuro siya ni Danie ng kutsara nito. “Kung ikaw na lang kaya ang naghanda ng hapunan dahil ikaw ang nandito.” Ngumuso si Laila. “Nagmamadali din ako, alam mo ng may date ako ngayon.” Nag pout si Danie. “Pumasok ka ba ngayon sa trabaho?” Tinaasan nito kilay si Danie. “Huh, day off ko kaya ngayon.” “Eksakto, kaya maanong nagluto ka na bago ka sana makipag date. . . naputol ang sasabihin ni Laila ng marinig nila ang tunog ng doorbell. “Ako na ang magbubukas.” Alok ni Danie at ibinigay niya kay Laila ang bowl at umalis para buksan ang pintuan. Makalipas ang ilang segundo ay bumalik si Danie na kasama ang isang binata na kasing edad nila. “Tingnan mo kung sino ang nandito!” Ngumisi si Danie sabay kindat kay Laila. Iniirap ni Laila ang kanyang mga mata habang ibinalik kay Danie ang mangkok. “Babe,” niyakap niya ang lalaki at naghalikan silang dalawa–Anong ginagawa mo dito?” “Hindi ba pwede pumunta dito, para makita ang maganda kong kasintahan?” Sabay yakap nito kay Laila. Humagikgik naman ito, “Siyempre, pwedeng pwede, so kumusta ang trabaho mo?” “Hectic sa schedule sa hospital, pero okay naman ako,” binigyan siya nito ng puting plastic bag–“May dinala nga pala ako sayo.” Kinuha ni Laila ang plastic bag sa kanyang kasintahan at sumilip doon, “Pagkain!” Napasigaw ito at agad na tumakbo papuntang kusina. “Kawawang Laila, gutom na gutom na.” Naiiling na saad ni Danie. “Halos kainin niya ako ng buo kanina, bago ka dumating. Salamat at niligtas mo ako kanya.” Pagbibiro ni Danie sa kasintahan ni Laila. Tumawa naman ng malakas si Raphael dahil sa kakingkuyan ni Danie. “Bakit? Wala pa ba kayong pagkain?” “Hindi ka nagkakamali ang plano ni Nanami ay patayin kami sa gutom, ngunit hindi siya magtatagumpay. Ang ibig kong sabihin, kanina pa siya wala, siya pa naman ang magluluto ngayong gabi. Hindi naman siya umalis para magtrabaho dahil wala na itong trabaho.” anito kay Raphael. “Ganoon ba mabuti pala ay naisipan kong dumaan dito.” Lumabas naman ng kusina si Laila habang kumakain na parang gutom na leon. “Kaya nga babe, ikaw talaga ang aking lifesaver, kaya mahal na mahal kita,” sabi nito sabay flying kiss nito sa kasintahan. “I know right,” sabi naman nito at sinalo nito ang halik sa hangin na ibinigay ni Laila at inilagay naman nito sa kanyang dibdib, sabay kindat. Napailing na lamang si Danie sa sobrang kaswetan ng magkasintahan habang napapatampal sa noo. “Kakaadwa kayo, ang hilig n'yong mang-ingit eww.” si Danie kaya natawa si Laila. “Pwede mo namang tawagan si Luke, para dalhan ka ng pagkain at para may lambingin ka rin, tse.” tawa ni Laila. “Ginagago ninyo ba akong dalawa?” Sinamaan sila ng tingin ni Danie. Nilabas nito ang phone niya at dinial ang number ng boyfriend niya. Naglakad na ito papalayo para kausapin ang kasintahan. Tumawa si Laila at pinulupot ang kanyang mga braso sa braso ni Raphael. “I love you babe pero,” inilapag niya ang plato niya sa may mesa na nasa sa sopa, “Pero mas mahal ko ang pagkain na dala mo.” “Aray.” Nagkunwaring nasaktan si Raphael at nagpasuray-suray paatras kay Laila. “Ang sakit niyon babe,” kaya natawa sila pareho habang si Danie naman ay kinikilig na rin na kausap nito ang boyfriend niyang si Luke. PUMASOK si Nanami na mukhang pagod na pagod at stressed. “Bumalik na ako!” Inihayag nito sa dalawa, tinanggal ang sapatos nito sa pintuan pa lang at pagkatapos ay ibinagsak ang kanyang katawan sa sopa ng makapasok ito sa loob ng apartment nilang tatlo. Walang sumagot sa dalawa kaya nagkibit-balikat ito at pumunta sa kusina habang humihikab pa. Pumasok bigla si Danie sa kusina at naniningkit ang mga mata nito kay Nanami. “Tingnan mo kung sino sa wakas ang nagpasyang bumalik sa bahay.” “Hi Danie,” bati niya. “Huwag mo akong ma hi, hi diyan, saan ka ba pumunta?” tanong nito. “Nagliwaliw sa labas?” Simpleng sagot nito, sabay buhos ng orange juice sa hawak nitong baso. “Ibig mong sabihin, gumala ka ng hindi kami kasama?” nagtatampong sagot naman ni Danie. “Gusto ko lang makapag-isip isip.” “Oh please. Amoy alak ka, kaya alam kung uminom kang mag-isa.” Inilibot ni Nanami ang kanyang mga mata. Binigyan siya ni Danie ng kakaibang tingin. “Teka, may dapat ba akong malaman?” “Wala ah, ang sabi ko paano ako makakapag-isip isip kung kasama ko kayo.” Pumasok naman si Laila at tiningnan si Nanami na may pag-uusig. “Hoy babae, saan ka ba galing at inabot ka ng ganitong oras?” “Nag isip-isip lang daw pero nagpakalunod lang pala sa alak, ni hindi man lang tayo isinama.” Pagsusumbong ni Danie kay Laila. “Hayaan mo na mas maganda nga iyan na makapag-isip isip siya,” sabi lang ni Laila kaya napairap si Danie. “So kumusta ang araw mo?” tanong ni Laila kaya napangiti si Nanami. “Okay lang naman, last na ang pagmumukmok ko na ito at bukas na bukas din ay maghahanap na ulit ako ng maaplayan na publishing para makapagsimula ulit ako sa pagsusulat,” sabi lamang ni Nanami. “Mabuti naman, 'wag ka na munang makipagrelasyon hangga’t hindi ka pa nakakabalik sa pagsusulat mo.” Anito kaya napangiti si Nanami. “Never ko na iyan ngayon gagawin ang mga lalaki sa akin ngayon ay isang lason na anumang oras ay papatay sa akin, kaya hindi ko na iyan iisipin pa.” Sagot naman ni Nanami kaya napangiti ang dalawa. “'Wag mo naman iyan isumpa, darating din na muli kang magmamahal ulit, kaya 'wag mo pa rin sasaraduhan ang puso mo. Pero sa ngayon ay dapat ang pagtuunan mo na muna ng pansin ay ang sarili mo at passion mo sa pagsusulat,” sabi naman ni Danie, kaya napailing naman si Nanami. ‘Hindi na ako muling magtitiwala sa mga lalaki, dahil pare-pareho lang silang manloloko at hindi makuntento sa isa.’ Sa isip niya habang inuubos ang malamig na juice na hawak niya. FIVE YEARS LATER Amalie! Amalie! “Oh Diyos! ko po, nasaan ang batang iyon?” Nanginginig na sambit ni Eve habang hinahanap ang kanyang alaga. Nilibot na niya ang buong bahay habang hinahanap nila ang batang iyon na limang taong gulang pa lamang. Lumapit si Eve kay Mela, ang totoong yaya ni Amalie. “Nasaan siya? Nahanap mo na ba?” nag aalang tanong nito, ngunit umiling lang ito habang kinakabahan. “Hindi ko po talaga siya makita, manang Eve," umiiyak na sabi ng babae. “Nasa kwarto lang siya kanina, habang umalis ako para kumuha ng makakain niya, pagbalik ko po doon ay wala na siya!” naiiyak na sagot nito sa kanilang mayordoma. “Hanapin mo siya, kapag nalaman ni Venom na nawawala siya pareho tayong malilintikan sa kanya.” Napahawak sa mukha si Eve sa sobrang kaba. “Kailangan natin siyang mahanap bago bumalik si Venom.” Lalong umiyak si Mela sa pag-iisip na kapag bumalik ang kanyang amo at hindi pa nila nakikita ang bata ay baka kung anong gawin niyon sa kanya. Mamamatay silang lahat kapag hindi nahanap si Amalie. Lalo na siya. Biglang bumukas ang pintuan sa harapan, habang hindi magkamayaw sa pag-aalala ang dalawang babae, kaya naagaw ang atensyon ng mga kasambahay at mga bantay na nasa loob ng Mansyon ng mga oras na iyon. Naglakad papasok si Venom at Marcel na seryoso ang mga mukha. “Master,” Nagsiyuko ang mga katulong ng makalapit sina Venom sa kanila at binati ang amo nila. “Naku, masama ito.” Bulong ni Eve sa sarili, habang kagat-kagat ang ibabang labi habang nakababa ang ulo. Pinagmasdan silang mabuti ni Venom, humakbang palapit sa kanila habang inilagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon nito. Lumipat ang tingin nito sa lahat ng naroroon hanggang sa makarating ang tingin nito kay Eve. Naglakad ito papunta sa matanda. “Ano ang nangyayari dito, bakit ganyan ang mga mukha ninyo?” naniningkit ang matang tanong nito sa mga kasambahay. “V-Venom, iho,” Itinaas naman ni manang Eve ang ulo nito at hindi makatingin kay Venom. “Narinig mo ako, manang, ano ang nangyayari dito?” Madiing sigaw nito. “Ahm. . . kasi. . . na. . .wawala. . . “Pasensya na po sir!” Napaluhod si Mela habang umiiyak ng husto nang sumabat ito sa pagsasalita ng mayordoma kaya naputol ang sasabihin ng huli. Napakunot ang noo ni Venom habang nakatingin sa dalaga. “Ano ang hinihingi mo ng tawad?” Tanong nito. Napayuko ito at malalim nahuminga at lalong yumuko na para bang mahahalikan na nito ang sahig. “P-pasensya na po sir. I'm sorr_ “Tumahimik ka!” Pumalatak si Venom at sumigaw na ikinagulat ng lahat. “Ayusin mo ang sinasabi mo, kundi malalagot ka sa akin, kaya magsimula ka nang magsalita ng ayos.” Napalunok naman ng madiin si Mela ng makita na niyang papalapit na ang kanyang kamatayan. “Ako po ay . . . naka. . . . hindi magkandaugaga ang babae sa pagpapaliwanag ngunit na uunahan siya ng kaba kaya hindi nito masambit ang gustong sabihin. Ginulo ni Venom ang kanyang buhok at huminga ng malalim. “Nasaan si Amalie?” sabay tanong nito kaya parang tumigil ang mundo ng kasambahay niya sa tanong ni Venom. “I'm sorry. . .I'm sorry, master, hindi ko pio sinasadyang mawala si A-amalie,” nanginginig na saad nito sa amo. “Ano, nasaan si Amalie?” Pag-uulit nito at sobrang bilis ng t***k ng puso ngayon ni Venom dahil sa galit. “Kung humingi ka ulit ng tawad, papatayin na kita.” Nagbabantang sabi nito—“Nasaan ang anak ko?” “I-iniwan ko lamang po siya sa kwarto niya kanina. Pagkatapos po pagbalik ko wala na po siya doon,” naiiyak na sagot ni Mela. “ANO?” “Venom. . .” Saad naman ni Eve pero malamig na tingin lamang ang iginawad ni Venom sa mayordoma kaya natahimik ito. Sa pagpikit ng kanyang mga mata ay sininyasan nito si Marcel, kaya sa isang saglit lang ay sakal na nito ang kawawang babaeng si Mela sa lalamunan. “Patawa. . .rin. . .nyo. . . po ako,” putol putol na sabi nito, dahil hindi ito, makapagsalita ng ayos dahil sa pagkakasakal sa kanya. Pawis na pawis ang katulong at malakas ang t***k ng puso nito dahil sa takot. Samantalang para namang tumigil sa pagtibok ang puso ni Venom dahil nangako siyang hinding hindi na niya ipapakita sa mundo ang kanyang emosyon at takot sa ganitong sitwasyon, pero pagdating sa kanyang anak ang mga emosyon niya ay hindi niya maitago lalo na kung para sa kanyang anak. Naisip lang niyang nawawala ito ay nadudurog na ang kanyang puso. “Ano pang ginagawa niyong lahat dito? Magpatuloy sa paghahanap hanggang sa mahanap ninyo si Amalie. Kung anuman ang mangyari sa anak ko. . .isinusumpa kong papatayin ko ang bawat isa sa inyo.” Maawturidad na saad niya habang nakatutok ang tingin niya sa mga ito. “At ikaw,” Itinuro nito ang yaya ng kanyang anak. “Ipagdasal mo sa sinumang Diyos na pinaglilingkuran mo na mahanap nila ang aking anak at kung hindi, ikaw at ang iyong pamilya ang magbabayad, kapag may nangyaring masama sa aking anak.” Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay sininyasan niya si Marcel na bitiwan na nito ang babae. At nagmamadali na siyang umakyat sa taas para doon hanapin ang kanyang anak. Habang inalis naman ni Marcel ang kamay niya sa leeg ni Mela na namumutla na at sumunod sa iba pang naghahanap sa anak ng amo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD