CHAPTER 10

2382 Words
MAAGANG nagising si Nanami at mabilis siyang naligo at nagbihis. Nakasuot siya ng black plain blouse at white sneakers. Pina-high ponytail niya ang kanyang buhok at nilagyan lang niya ng light makeup ang kanyang mukha. Nakatayo siya sa harap ng salamin kahit ordinary lang ang kanyang ayos ay hindi makakaila ang kagandahan at kasiksihang niyang taglay. Si Nanami ay hindi katulad ng ibang mga babae na palaging insecure sa kanilang katawan. Nagtitiwala siya sa kanyang sarili at alam niyang kaya niyang akitin ang sinumang lalaki, kahit wala pa siyang gawin sapat na ang mala-anghel niyang ganda at ang mata niyang parang nangungusap. Kinindatan niya ang kanyang repleksyon at naglakad patungo sa kama. Nakalagay doon ang mga damit niya na maayos na nakalagay sa kanyang dalawang maleta. Sinimulan na niyang sarhan ang mga maleta ng pumasok si Danie sa kanyang silid na hindi man lang kumakatok. “Good morning.” bati nito sa kanya. “Good morning din.” Sagot naman niya. “Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” “Hindi,” simpleng sagot ni Danie at sinimulang tulungan si Nanami na ibaba ang mga maleta sa kama. “Pero kailangan mo bang gawin ito, Nanami?” “Oo naman, kailangan ko ngayon ng trabaho dahil kapag nalaman ni Dad na wala na ako work mapipilitan akong umuwi sa amin, at iyan ang ayaw kong mangyari,” saad naman niya. “Nanami, bakit ba ayaw na ayaw mo bumalik sa inyo?” tanong naman nito. “Alam mo naman ang sagot diyan, ’di ko maatim na umuwi hangga't nandoon ang Matildang iyon.” Nakasimangot na sagot naman niya sa tanong nito. Napabuntong hininga naman si Danie at inabot nito ang kamay ng kaibigan; Alam kong concern ka lang sa akin at ipinagpapasalamat ko iyon sa inyo ni Laila. But just like Laila said, this is my choice. Kaya kong magpasya kung ano ang mabuti para sa akin at kung ano ang hindi. At promise iingatan ko ang sarili ko doon. Basta huwag na huwag nyo ito sabihin kay Dad kapag hinanap niya ako, ah?” pakiusap ni Nanami sa kanyang kaibigan. “Sige na nga basta mag-iingat ka roon at lagi mo kami tatawagan tuwing gabi ah,” sabi na lamang ni Danie at saka siya niyakap ng mahigpit. “Tatandaan ko iyan Danie, thank you!” “Basta 'wag kang maiinlove sa amo mo ah, kasi sabi mo bata pa ang ama ng batang iniligtas mo at walang ina, baka naman mainlove ka doon, kawawa naman iyon sa'yo.” Pagbibiro ni Danie sa kanya. “Sira, baka siya pa ang mainlove sa kagandahan ko!” pagbibiro naman ni Nanami kaya nagtawanan silang dalawa. “HERE,” dinala ni Danie ang isang plato ng omelet kay Nanami at umupo ito sa harap niya habang hinihintay nila ang susundo kay Nanami. “Kainin mo ito bago ka umalis, para hindi ka gutumin sa byahe.” “Aw. Napaka-caring mo talaga sa akin. Sigurado ka bang wala kang crush sa akin?” pagbibiro ni Nanami. “Yuck, ibalik ko na nga lang itong pagkain mo sa kusina, nagsisimula ka na namang magkaroon ng ligaw na imahinasyon, tungkol sa kasarian ko,” diring-diring saad ni Danie at sinubukang agawin ang plato niya ngunit mabilis itong inilayo ni Nanami kay Danie. “Hahaha, biro lang ito naman bestmode agad.” Tawa ni Nanami kaya nagsambakol ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Baliw ka kasi at tsaka hindi tayo talo at may Luke na ako, mukha mo.” Napangingiti ng sabi ni Danie sa kanya. Sumama naman sa kanila si Laila habang humihikab pa ito ng umupo ito sa katabi ni Danie. “Nasaan ang plato at pagkain ko?” tanong nito kay Danie.” Kaya naputol ang asaran ng dalawa. “Doon sa kalan kuha ka na lang.” Tinuro ni Danie ang kalan. Lumapit si Laila sa may lutuan maya lang ay lumapit ulit ito sa kanila na dala ang sarili nitong plato na may laman ng pagkain at umupo sa tabi nila at tumingin ito kay Nanami. “Saan punta mo at bihis na bihis ka?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “Ngayon ang alis ko at pupunta ako ngayon sa bago kong trabaho.” Sagot niya habang ngumunguya. “Ngayon na ba iyon bakit hindi mo ako ininform?” may pagtatampong saad nito sa kanya. “Haler paano naman kita aabisuhan eh, busy ka boyfriend mo.” Taas kilay naman niyang sagot dito. “Sorry naman, naglambing kasi siya sa akin kung pwede doon muna ako sa bahay niya at syempre dahil ang yummy niya, kaya pumayag ako, sorry kung dalawang araw akong hindi naka-uwi dito sa bahay.” Nakangising saad nito kaya napangiwi sila ni Danie. “Kahit kailan talaga masyado kang obsessed diyan sa bf mo kaya nakakalimutan mo na kami madalas.” Pagsesermon naman ni Danie sa kaibigan nila. “Alangan naman sayo ako ma-obsessed eh, siya ang bf ko.” Biro naman ni Laila kay Danie kaya umaktong nasusuka si Danie. “Yuck, doon ka na lang sa bf mong hilaw at dütay.” Inis namang saad ni Danie kaya kinurot ito ni Laila. “Mas dütay ka at ’di ka pa tuli,” Halagpak na tawa ni Laila kaya ginatihan nito ng kurot si Laila na tatawa tawa habang naghabulan na ang dalawa kasi wala ni isa sa kanila ang gustong magparaya sa kurutan nila. “Hoy tama na nga iyan kumain muna kayo.” Saway niya sa mga ito pero parang hindi siya narinig at patuloy lang silang nagbabardagulan. Natatawa na lamang niyang pinapanood ang mga kaibigan. ‘Mami-miss ko sila.’ Naisip niya sa sarili habang na iiling sa dalawa. Inubos na niya ang kinakain habang ang dalawa naman ay nagbubugbugan na lang habang nag-aasaran at hindi na nagalaw ang mga kinakin nila. Isang malakas na busina ang nagpatigil sa harutan ng dalawa niyang kaibigan habang siya naman ay natigil sa balak na pag-inom ng tubig at napatingin sa labas. Tumigil si Laila sa paghabol kay Danie habang si Nanami ay tumayo. Nagkatinginan silang lahat para makasigurado sa narinig hanggang sa makarinig na naman sila ng isa pang busina. “Sa tingin ko nandito ang sundo ko,” sabi ni Nanami habang nakatingin sa labas ng bintana. “F*ck, kinakabahan ako.” namutawi sa bibig niyang saad. “Aww so talagang aalis ka na at tinanggap ang trabahong iyon?” si Laila kaya tumango siya at nilapitan siya ng mga ito. “Mamimiss kita at ang kadramahan mo sis.” Ngumuso si Laila at pinigilan na 'wag maiyak. “Ako rin. Mamimiss ko kayong dalawa.” “Halika nga dito,” Ibinuka naman ni Danie ang kanyang mga braso at niyakap silang dalawa ni Laila. “Maging ligtas ka sana roon, okay?” “Promise, magiging ligtas ako doon at mag iingat.” Pangako naman niya sa mga ito. “Just be safe okay, kung mahirapan ka doon, pwede kang mag-quit ah, magsabi ka lang sa amin ni Laila at susunduin ka namin doon.” Pagbibilin ni Danie. “Oo, salamat sa inyo ah, ang bilin ko Danie at Laila, huwag nyo masabi kay Dad kung nasaan ako maliwanag.” “Oo kami ng bahala kay tito, ingat ka doon.” Sabay na sabi ng dalawa kaya napangiti siya. ISANG ITIM na kotse ang nakaparada sa harap ng apartment ng tatlo. Napatingin sina Danie sa sasakyan, mukhang mayaman ang magiging amo ng kanilang kaibigan. Bumaba ang isang may edad ng lalaki sa sasakyan at lumapit sa kanila. “Miss Nanami?” tanong nito sa kanila. Tumaas ang kamay ni Nanami bago nito sinagot ang tanong ng lalaki. “Ako po si Nanami.” pagpapakilala naman ni Nanami sa lalaki. “Sumama ka na po sa akin, kanina ka pa po hinihintay ni Miss Amalie,” magalang na saad naman ng medyo may edad ng driver. Kinuha nang driver ang maleta niya mula kina Danie at Laila at ipinasok iyon sa trunk ng kotse. “Tara na po.” yaya ulit ng driver. “Sige po, oh paano aalis na ako ingat kayo palagi ah,” Niyakap ulit ni Nanami sina Laila. “Mahal ko kayong dalawa.” dugtong pa niya sa mga ito. “Mahal ka rin namin, mamimiss ka namin,” Sabay na sabi ng dalawa. “Huwag kayong magpapatayan ah, wala na ako para umawat sa inyo.” Biro pa niya kaya nagtawanan silang tatlo. “Oh sige na aalis na kami, Bye!” kumaway siya sa dalawa na malungkot at nag flying kiss muna sa mga ito bago siya sumakay sa front set ng sasakyan sa katabi ng driver. Pumasok na rin ang driver matapos magpaalam ito sa kanyang mga kaibigan na binilinan pa naman ng mga ito na umingat daw sa pagdadrive dahil kasama ako nito. Ini-estart na nito ang sasakyan at humarap kay Nanami. “Ayos na po ba ang set belt mo, ma'am?” “Opo, ayos na po ako, tara na po.” Magalang niyang sabi. “Sige.” Humarap na ito sa unahan at agad pinaandar ang sasakyan papalayo sa kanilang apartment. Nagpakawala ng malalim na hininga si Nanami habang nakasandal sa mainit na leather seat na may malungkot na mga mata. Pinipigilan talaga niya na ’wag maiyak, pero tumulo pa rin ang kanyang mga luha. Mamimiss talaga niya ang kanyang mga kaibigan lalo na ang mga kakulitan ng mga ito. MANSION NG BORROMEO NAKATULOG siya sa byahe dahil ang sumunod na lang niyan nalaman ay ginigising na siya ng driver. Nag-inat siya habang bumababa sa sasakyan at tumingin sa paligid. Sobrang ganda talaga ng itsura ng bahay. Ibinigay ng driver ang kanyang maleta sa isang lalaking naka-itim na suit. “Sundan mo ako.” Anito at walang anumang naglakad na ito paalis. Sumunod siya sa lalaki. “Maghintay ka rito.” Anito at iniwan ang maleta sa tabi niya bago naglakad palayo. Kumunot ang noo ni Nanami. “Anong nangyayari at iiwan pa siya sa labas ng mansyon?” tanong niya sa kanyang kanyang sarili. Makalipas ang ilang segundong paghihintay ay lumabas ang lalaking nakausap niya noon na sapilitan siyang dinala noon dito. “Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sayo o matatakot.” Sagot niya dito ng hindi siya nito kinikibo ng tanungin niya ito kung papasok pa ba sila o hindi. “Ang daldal mo pa rin,” pansin nito sa kanya. ‘Madaldal? Excuse me?’ sa isip siya. “At nakakainis ka pa rin, baka akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin noon,” gigil niyang saad dito pero ngumiti pa rin siya dito ng pilit. “Ako nga pala si Marcel, pakilala nito sa kanya.” “Siguro naman alam mo na ang pangalan ko.” Sarkistong sagot naman niya dito. “Yeah. Sundan mo na lang ako,” sabi na lamang nito at tumalikod na ito sa kanya para sana pumasok sa loob ng mansyon, kaya lang ay pinigilan niya nito. “Hindi mo ba ako tutulungan sa aking mga maleta?” “Nope, ewan mo na lang iyan diyan at ang maid na ang bahala sa mga gamit mo.” Maya-maya lang ay may lumabas na isang babae sa pintuan at niyuko ang ulo sa kanila. “Siya na ang bahala riyan, halika ka na.” Tumango na siya at umalis na sila at umakyat na sa taas ng makapasok na sila sa loob ng mansyon. Samantala, “Narinig kong may bagong yaya na kinuha para kay Miss Amalie.” Sabi ng isang maid na kasamahan nila. “Oo. narinig ko rin 'yon. Nakilala mo na ba siya?” “Hindi pa pero gaya ng dati alam kong hindi iyon makakatagal dito, tiyak na matatanggal din iyan sa trabaho bago matapos ang buwang ito.” Tsismis naman ng kausap nito. “Bakit mo naman nasasabi iyan?” “Hindi ba ito din ang nangyari sa iba? Ang bawat yaya ni Amalie ay laging hindi nagtatagal sa trabaho mawala lang ang anak ni Master Venom, isisisi lagi sa yaya at tatanggalin agad ni hindi nga binibigyan ng second change ang mga yayang nag-aalaga kay Miss Amalie. Saka hindi na ito bago sa atin.” “Sabagay. . .! “Anong ginagawa niyong dalawa dito?” tanong ni manang Eve sa dalawang katulong na nagtsitsismisan nang pumasok ito sa kusina. “W-Wala po, manang.” Sabay na sagot ng dalawa. “Tigilan ninyo iyang tsismisan kung mahal n'yo pa ang buhay n'yo ah, hala at maghanda na tayo ng tanghalian,” utos naman ni Manang Eve habang umiiling iling ito sa dalawa. Aligaga namang sumunod ang dalawang katulong sa utos ng mayordoma nila. NAGLALARO si Amalie ng paborito niyang laro, ang Candy crush sa kanyang tablet habang pababa siya ng hagdan. Nakarating siya sa sala at naupo sa sopa, habang hindi inaalis ang tingin nito sa kanyang nilalaro. Bumaba ang kasambahay na tumulong kay Nanami na maiakyat ang mga maleta nito at tumungo sa kusina, ngunit pinigilan ito ni Amalie at kinausap. “Ate Mia, pwede mo po ba akong dalhan ng isang basong gatas?” “Syempre naman, Miss, Amalie.” “Salamat!” Habang nakatutok pa rin ang mata sa tablet. Makalipas ang isang minuto, bumalik ang dalaga na may dalang baso ng gatas at inilapag ito sa mesa, sa harap ni Amalie. “Salamat po ulit,” muling sabi ni Amalie at tumingala ito sa katulong. “Nasa itaas ka ba kanina?” “Opo.” “Bakit po, ano ginawa mo doon?” “Tinulungan ko ang bagong pasok na maid na dalhin ang mga gamit nito sa magiging silid niya,” sabi naman nito. “Bagong maid?” ulit ni Amalie. “Oo, iyong bagong yaya mo.” Nanlaki ang mga mata ni Amalie dahil sa narinig, “B-bago kong yaya!?” gulat na saad niya dito at napatayo ito ng wala sa oras. “Oo, bakit po miss Amalie, hindi mo po ba alam na may bagong yaya ka na?” naguguluhang tanong naman ng dalagang katulong. Sa gulat nito ay bigla na lamang nitong binitiwan ang tablet na tangan at muntik na itong mahulog sa sahig. Mabuti na lamang ay naagapan iyong masalo ng katulong. Habang si Amalie naman ay sabik na tumakbo sa itaas ng bahay sa tuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD