CHAPTER 9

2276 Words
“ANONG sinabi mo?” sigaw ni Venom at pinukpok ang mesa nang sobrang lakas kaya nahati ito sa gitna. Mariing napalunok si manang Eve, kinakalikot nito ang mga daliri habang ninanais na bumuka ang bibig para magsalita pero parang nakadikit na ang mga labi nito sa sobrang kaba. Takot na takot siya sa susunod na gagawin ni Venom. Hindi ito magdadalawang isip na panagutin nito ang lahat kapag may nangyari masama sa anak nitong si Amalie. Kinagat ni manang Eve ang kanyang labi at iniisip kung saan siya magsisimulang magpaliwanag dito. “P-Pinuntahan ko siya sa kanyang silid dahil hindi pa ito kumakain kaya hinatiran ko na lang ito roon, pero pagdating ko doon wala siya.” Nauutal na sagot ni manang Eve. “Anong? paano siya nakalabas na wala man lang nakapansin isa man sa inyo?”galit na saad ni Venom. Napaatras si manang Eve, dahil kita niya sa mga mata ng alaga niya ang sobrang galit at pag-aalala nito sa anak nito. “Kung may mangyaring masama sa anak ko. Ay ihanda ninyo na ang inyong mga buhay at ipagdasal na nandito lang siya sa loob ng bahay kundi patay kayo sa akin.” Padabog itong nagmamadaling lumabas ng opisina niya na katabi lang ng silid nilang mag-asawa. At hindi man lang tumingin sa dalawang naiwan sa loob. Hinimas naman ni Marcel ang likod ng matanda at pinakalma niya ito bago sinundan si Venom. “Master!?” tawag nito sa kanya; Wag kayong mag-alala pinapatingnan ko na kay Boa ang lahat ng CCTV camera na nakapaloob dito para mahanap natin agad si Miss. Amalie.” Report naman nito sa kanya. “Habang ginagawa niya ito, dapat mo pa ring hanapin siya at ang iba sa bawat sulok nitong bahay at kung wala siya ay hanapin ninyo siya kahit saan. Huwag kayong tumigil sa paghahanap hangga't hindi siya nakikita, maliwanag.” Maautoridad na sabi naman ni Venom at dumeretso ito sa kanyang kwarto at hindi na hinintay pang sumagot si Marcel sa kanya, umaasang makikita niya ulit doon ang kanyang anak tulad noong una itong nawala. WALA si Amalie sa kwarto ni Venom gaya ng iniisip niya. Nasaan kaya siya? Umalis ba siya ng bahay? Kung oo, paano? Dahil maraming bantay sa bahay. Walang paraan na makaalis siya nang walang makakakita sa kanya? Mga katanungang gumugulo sa kanyang isipan na unti-unting nagpapabaliw sa lahat ng sitwasyong ito. Hindi niya kayang mawala ang kanyang pinakamamahal na anak. Mamamatay siya kapag may nangyaring masama dito. Ngunit una muna niyang papatayin ang mga tauhan niya sa bahay dahil sa mga kapabayaan nila. Tiningnan muli ni Venom ang kwarto ng kanyang anak at baka nagtatago lang ito pero wala talaga doon ang kahit saan niya hanapin. “Amalie!” Sigaw niya habang tumutulo na ang kanyang mga luha. He hate showing his weakness pero paano niya ito maitatago kung literal na nanawawala ang kanyang anak. Ang anak na ngayon ang kahinaan niya at hindi niya iyon ikinahihiya. Nagmamadali siyang lumabas at tiningnan ang compound. From the swimming pool area to the garden, to the playground at kung saan-saan pa, pero wala ni isang bakas na nandoon ang kanyang anak. Halos baliktad na niya ang bahay niya kakahanap ng sa kanyang anak, pero halos isang oras na siyang naglilibot ay hindi pa rin niya ito mahanap-hanap. Mawawalan sila ng trabaho kapag hindi nahanap si Amalie dahil lahat sila ay sisisantehin niya pag nagkataon. Pero hindi lamang ang kanilang mga trabaho ang mawawala sa kanila kundi pati na rin ang kanilang mga buhay, pinapangako niya. Bumalik si Venom sa loob ng bahay at itinulak niya ang sinumang nakatayo sa kanyang daraanan. Pagdating sa loob ay narinig niya ang isang tinig na naguguluhan. “Ano pong nangyayari?” tanong ni Amalie sa kanya at binigyan sila ng nagtatakang tingin. Lumingon si Venom sa kasama ng kanyang anak at nakita niyang nakatayo sa tabi nito si Paeng na mahigpit na nakahawak ang kamay ng anak sa matanda. “My princess?” tawag ni Venom at dali-dali itong lumapit sa anak. Inalis nito ang kamay sa pagkakahawak ni Paeng at tumakbo papunta sa ama. “Anong nangyayari dad, bakit po kayo nagkakagulo?” “Oh my God!” saad ni Venom at yumuko pababa para pantayan ang kanyang anak at saka niyakap niya ito ng mahigpit. Ayaw niyang bumitaw sa takot na kapag ginawa niya iyon ay baka mawala na naman ito sa kanyang paningin. “Saan ka ba galing bata ka, kanina ka pa namin hinahanap?” nag-aalalang tanong niya sa anak. “Ano pong ibig mong sabihin? Kailan ako nawala?” tanong nito at ipinulupot ang maliliit na braso sa matipunong katawan ni Venom. “Alam mo ba kung gaano ako nag-alala at natakot dahil akala ko ay nawawala ka na naman?” “Dad,” humiwalay ito sa pagkakayakap ngunit hindi niya inalis ang pagkakayakap niya sa katawan ng kanyang anak. “Sagutin mo ang tanong ko, saan ka galing?” “Kasama ko lang po si manong Paeng, daddy!” “Saan kayo pumunta at ni wala man lang kayong paalam sa akin pati na sa mga kasambahay?” Napatingin si Venom sa lalaking nakatayo sa harapan niya habang nakayuko ito. “Nagtampo po kasi ako kay manang Eve, dahil ipinagtanggol ka niya sa hindi mo pagkuha ng babaeng gusto ko bilang yaya. Kaya pinuntahan ko po si manong Paeng at nagpasama ako na mamasyal kami sa may manggahan para po malibang. I'm sorry po dad kung natakot at nag-alala ka sa akin, hindi na po ulit ako aalis na walang paalam, sorry po talaga.” Paliwanag nito. “Sa susunod 'wag kang aalis na walang pasabi at magpapasama kung kani-kanino ng hindi ko alam, sobra mo akong pinag-alala alam mo ba iyon?” Pakiusap ni Venom sa anak kaya tumango ito. “Sorry po talaga Dad, sana ’wag mo pong pagalitan si mang Paeng, dahil ako po ang nagpumilit na samahan niya ako.” Pakiusap din ng kanyang anak sa kanya. “S-Sige, basta sa susunod huwag kang aalis na hindi ako kasama maliwanag?” sabi na lamang niya sa anak. Sinamaan naman ng tingin ni Venom si Paeng kaya lalo itong yumuko, bago naglakad silang mag-ama papalayo sa mga ito. Pumasok na sila sa loob habang karga niya ang kanyang anak. “'Wag ka na ulit mawawala ng ganyan, naririnig mo ba, my princess?” Sabi niya pagkapasok nila sa silid nito at umupo sila gilid ng kama at kinandong niya ang kanyang anak. “Opo, daddy, hindi na po mauulit, but dad remember you asked me for anything and you will do it as an apology for not taking me to school because of work?” biglang sabi nito. Tumango si Venom sa tanong ng kanyang anak. Alam na naman niya kung saan naman ito patungo ang kanilang usapan. “Gusto ko talaga ang babaeng iyon bilang yaya ko. Iyon ang hinihiling ko,” Sabi nito at bumagsak ang mga luha nito sa mata; Please, dad. Pakiusap.” Nagsusumamong saad nito kaya nawalan ng masasabi si Venom sa anak. “Sige gagawa ako ng paraan para pumayag siyang maging yaya mo.” Suko na si Venom kaya nagtatalon sa tuwa si Amalie sa sinabi ng kanyang ama. “ANO, wala ka pa ring na kukuhang trabaho?” bulalas ng dalawa niyang kaibigan. “Paano na iyan ’di wala ka ng maaplyan?” sabay na tanong nila Laila. “Wala!” malungkot na saad ni Nanami. “Hayaan mo na makakahanap ka pa rin ng ibang publishing na mapapasukan,” Sabat naman ni Danie. “Pero teka, bakit hindi mo na lang igrab iyong pagiging yaya na inaalok ng ama ng batang iniligtas mo, noong nakaraang araw ng akala namin ay nawawal?” si Laila at masama naman itong tiningnan ni Danie. Na ikwento na kasi ni Nanami ang lahat mula kahapon matapos siyang sumama sa bahay ng ama ng iniligtas niya. “Kaysa naman, nahihirapan siyang maghanap ng mapapasukang trabaho, eh may lumalapit ng opportunity kay Nanami,” sambit naman ni Laila. Dahan-dahang tumango si Nanami nang hindi inaalis ang tingin sa text message na ipinadala ng Marcel ang pangalan alalay yata ito ng Venom na iyon. “Masama ito,” sabi naman ni Danie sabay iling. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong naman ni Laila kay Danie. “Hindi siya nababagay na maging yaya lang graduate siya ng Business management tapos dyan lang sa pagiging yaya, siya babagsak.” Katwiran naman ni Danie. “Graduate nga siya pero hindi naman niya ginagamit at nagpapakahirap lang siya maging writer, tapos ang malas pa niya sa kanyang mga pinapasukang publishing.” Ingos naman ni Laila. Habang si Nanami ay napapaisip naman sa sinabi ni Laila. “Wala na yata ako choice kundi pasukin na nga iyan, kaysa naman babalik ako kina daddy sa bahay.” Malungkot na sabi naman ni Nanami. “Pero, sis pag-isipan mo ng maayos ang desisyon mo, para hindi ka magsisisi sa huli.” Payo naman ni Danie kaya napatango-tango si Nanami.Maya maya ay nagsalita ulit si Nanami. “Nakapagdesisyon na ako, Danie. At saka, kailangan ko rin muna sigurong magpahinga sa pagsusulat kasi nitong mga nakaraang buwan, nawawalan na rin ako ng mga ideya sa mga sinusulat ko.” Malungkot pang sabi nito. SAMANTALA, Nagawa mo na ba ang inuutos ko sayo?” tanong ni Venom kay Marcel kaya tumango ang huli. “Oo, kaya baka bukas or mamaya ay tatawag iyon sa akin para sabihin na tatanggapin na nito ang alok mo, master.” Sagot naman ni Marcel kay Venom. “Good, makakaalis ka na, salamat!” Sabi niya kaya lumabas na nang opisina si Marcel. Napangisi naman si Venom, dahil sa wakas ay magiging masaya na ang kanyang anak. Dahil natupad na niya sa kanyang anak ang hinihiling nitong yaya. Siya lang naman ang gumawa ng paraan para hindi matanggap sa kahit anong ina-applyan ang babaeng iyon. Binayaran niya ng mahal ang may ari ng mga publishing na bawat inaaplayan nito kapalit ng hindi pagtanggap ng nga ito sa babaeng iyon. Dahil hindi naman masyadong mga sikat ang mga publishing ay madali niyang mga nasilaw sa pera ang mga iyon. MAY kumatok sa pinto at sakto naman na papalabas nang banyo si Nanami habang nakatapis lang ito ng tuwalya sa katawan. “Sino iyan?” tanong niya. “Ako ito si Danie.” Sagot naman ng kumatok. “Bukas ang pinto. Pasok ka na.” Pinihit ni Danie ang doorknob at itinulak ang pinto at pumasok na ito ng tuluyan. Napatingin ito sa katawan niya at napabumuntong-hininga. “Dapat sinabi mo sa akin na magbibihis ka.” Iniirap naman ni Nanami ang kanyang kaibigan, habang sinimulang lagyan ng lotion ang kanyang braso. “Bakit pa pareho naman tayong babae wala ka nga lang matres hahaha.” Biro ni Nanami kaya sinamaan siya ng tingin ng kaibigan. “Tsk, may matres ako 'noh.” nakaingos na sagot naman nito. “Nasaan ni wala ka ngang dede at may lawit pa.” Pang-aasar na sabi ni Nanami. “Tse, ’di ikaw na ang may matress, wala ka namang jowa.” Balik na pang-aasar nito sa kanya. “Bakit ka nga pala nandito?” pag-iiba na tanong niya. “Iyong phone mo kasi naiwan mo sa baba, ang dami ng tawag diyan,” sabi nito at ibinigay sa kanya. “What, amin na.” Sabay agaw ni Nanami at tiningnan ang kanyang cellphone. “Labing anim na missed calls na mula kay Daddy? Ano kayang kailangan nito.” Nagtatakang tanong niya nagkibit balikat naman ang kaibigan. “Aba 'di tawagan mo siya para malaman mo.” Suggest naman nito sa kanya. Napakunot ang noo niya habang nakatingin pa rin sa phone niya at hindi niya alam kung tatawagan ba niya ang kanyang daddy, nang makita rin niyang may miss called din si Adrian kaya napasimangot ito. Napansin ito ni Danie kaya nagtanong ito.“Okay ka lang ba?” “Tumawag din si Adrian.” “Akala ko na naman kung ano na, bakit ba tumatawag pa ang mukong na iyan sa'yo?” “Aba malay ko doon.” Sagot naman ni Nanami at wala siyang pakialam kung bakit ito tumawag sa kanya. “Sure ka na ba na papayag ka ng maging yaya ng batang iniligtas mo?” maya maya ay tanong nito sa kanya. “Oo, my choice ba ako wala na nga ako trabaho dahil sa kagagawan ng Venom na iyon.” Sabi niya at napasimangot. “Sabagay pero ang taas ng sahod mo roon, kaysa babalik ka sa inyo para lamang pakisamahan ang maldita mong madrasta at ama mong toxic,” sabi naman ni Danie kaya natawa si Nanami. “Sige na alis ka na mamaya ko na tatawagan si Daddy magbibihis na ako. Kaya umalis ka na sa kwarto ko at baka pagsamantalahan mo pa ako,” natatawang sabi niya sabay lapag ng phone niya sa kama at tinulak na si Danie papalabas ng kanyang silid. “Yuck, ’di tayo talo girl, mas maganda pa katawan ko sa'yo. Tse!” Sabi naman ni Danie kaya natawa ng malakas si Nanami. Napasandal si Nanami sa pinto at nagpakawala ng malalim na hininga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at saka huminga ng malalim. Bakit pa ba siya tumatawag sa akin? Ang kapal naman ng mukha niya matapos ng ginawa nito sa kanya, ay magpaparamdam pa ito? Nakaraan na ang lahat sa kanila kaya dapat hindi na ito tatawag sa kanya. Magpakita lang talaga ito sa kanya ay dadagdagan pa niya ang sampal na iginawad niya dito noon hanggang sa humiram na ito ng mukha sa ahas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD