CHAPTER 11

2327 Words
PUMASOK si Nanami sa isang bakanteng kwarto. Iniwan ng katulong ang kanyang maleta sa may pintuan at umalis na. “Ito ba ang silid ko?” tanong niya kay Marcel. “Oo, katabi nito ang silid ni miss Amalie ang batang aalagaan mo.” “Hindi ko gets. Hindi ba dapat dinala mo muna ako sa master mo?” “At bakit kita dadalhin sa kanya?” “Kasi para enterview-hin muna niya ako.” “Ayaw muna niyang istorbohin siya tungkol diyan. Ako na ang bahala sa iyo, Miss Dela Cruz.” Sagot naman nito sa kanya. “Bakit?” “Dahil utos sa akin ni Master. Makinig ka, wala kang kinalaman sa amo ko. Ang trabaho mo ay alagaan ang kanyang anak na babae at iyon lang.” Biglang numukas ang pinto kaya naagaw ang atensyon nilang dalawa ni Marcel. Napalingon sina Nanami at Marcel sa pintuan at nandoon si Amalie, nakangiti ng malawak. “Miss Amalie,” mahinang tawag ni Marcel. “Ikaw nga.” Nakangiti sabi ni Amalie at namamanghang nakatingin sa kanya. Binigyan siya ni Nanami ng ngiti at pagkatapos ay naalala niya ang pagliligtas niya sa bata. “Hi, baby girl kumusta ka na?” magiliw na saad ni Nanami. Mabilis namang lumapit ito sa kanya at saka siya niyakap nito. “Hi po ako si Amalie, tinupad nga ni daddy ang aking hiling, salamat po at pumayag kayo na maging yaya ko.” Tuwang tuwang saad nito. “Hello din, I’m Nanami Heart but you can call me Nanami or ate Nanami.” Masaya rin niyang sabi dito. “Ilang taon ka na ba?” “Five year old po.” Humarap si Nanami kay Marcel. “Pwede bang umalis ka muna?” sabi niya dito. “Sure no problem.” Bahagya itong yumuko at saka lumabas ng kwarto. She cleared her throat afterwards and gave Amalie a pointed look. “Bakit mo nga pala ako gustong maging yaya?” tanong niya dito. “Basta po nang iligtas mo ako, bigla na lamang pong nakaramdam ako ng kakaiba sa inyo. Ang gaan po ng pakiramdam ko po sa inyo na para bang matagal na po kitang kilala.” Magiliw na sagot naman nito. “Okay pero makinig ka Amalie ah, gusto kong maging honest sa'yo, tinanggap ko ang trabahong ito kasi wala ako work bilang writer, dahil natanggal ako at ’di na ako nakakahanap ng ma-aaplayan, pero kapag nakahanap ako ulit ng publishing natatanggap sa akin ay magreresign na rin ako kaya hindi ito pangmatagalan. . .Kaya sana 'wag kang mag-expect na tatagal ako dito ah,” paliwanag niya sa bata para alam nito na kapag-aalis na siya ay hindi ito maging sagabal. “Ganoon po ba? S-sige po tatandaan ko po iyan pero sana po ay tumagal ka po rito, kasi gustong gusto ko po talaga kitang makilala at makasama pa ng matagal.” Sang-ayon naman ng bata sa sinabi niya. “Salamat parang magkakasundo tayo, Amalie right? sana kapag aalis na ako ay payagan mo ako agad ah!?” “Oo naman po, ang importante naman po ay kahit hindi permanente ay magkaroon tayo ng time para kilalanin natin ang isa’t isa.” Masaya si Amalie pero may kunting lungkot siyang naramdaman dahil hindi pala magtatagal ito sa pagiging yaya niya. “AYOS ka lang po ba, manang?” tanong ni Mela kay Eve hindi ito tuluyang natanggal ayon na rin sa pakiusap ni Amalie sa kanyang ama. “Oo, sa tingin ko, ayos lang ako.” Bulong ni Eve, at minamasahe ang sintido. Nakatayo si Nanami sa likod ng pinto at pinagmamasdan ang buong tagpong nasa kanyang harapan. Hindi na siya umimik simula ng tulungan nila ni Mela si manang Eve para ihiga ito sa maid's quarter. Bumaba siya kanina matapos nilang makapag-usap ng bata at naabutan niyang may nabubuwal na matanda kaya nagmadali niya itong tinulungan. Mabuti na lamang at may napadaan na isa pang babae at agad nilang tinulungang dalhin ang matanda sa maid's quarter. Si manang Eve ay patuloy na nagtataka na nakatingin na may pagkalito sa direksyon ni Nanami, iniisip kung nakita na ba niya ang magandang dalaga na iyon at ng maalala nito ang babae ay napatulala ito sa kanya. “Ikukuha kita ng tubig na maiinom manang.” Alok ni Mela at agad na lumabas ng kwarto. Bahagyang humakbang pasulong si Nanami, iniisip kung tututol ba ang babae sa kanyang presensya o hindi. Walang imik si manang Eve habang tahimik na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Nanami. Hindi komportable si Nanami na titigigan siya ng matagal ng iba kaya naisipan na lang niyang lumabas ng kwarto pero magiging bastos iyon sa matanda kaya kinausap na lamang niya ito. “Ano po ang nararamdaman mo ngayon?” malumanay na tanong ni Nanami. “Ayos lang ako, Iha nahilo lang ako kanina pero okay na ako. Kaya huwag ka ng masyadong mag-alala sa akin 'di ba ikaw iyong babaeng nagligtas sa alaga ko?” paniniguro ni Eve at may mainit na ngiti sa labi na nakatingin ito sa kanya. “Opo, ako nga po iyon. S-sige po baka kailangan n’yo ng magpahinga.” At aalis na sana pero sininyasan siya ng matanda na umupo kaya pumasok siya nang tuluyan sa loob ng silid ng matanda na hindi na nag aalinlangan. “Sigurado ka bang gusto mong pasukin ang trabahong ito?” tanong nito kay Nanami. “Po? Oo naman po, nawalan po kasi ako ng trabaho at sakto naman pong inaalok ako ng ama ni Amalie kaya po tinanggap ko na lalo na ngayong nahihirapan akong makapag-apply.” Mahabang sabi niya. “Kung sigurado ka na, dapat tapangan mo ang sarili mo, dahil hindi magiging madali ang buhay mo dito,” seryosong sabi naman ng matanda kaya napakunot ang kanyang noo. “Hmm! kaya ko naman po ang sarili ko at hindi naman po ako basta-basta nagpapadala sa takot basta po nasa tama ako.” Kompyensadong saad naman niya dito. “Gusto ko ang tapang mo, iha,” sabi naman nito. “Salamat po! Iyan nga rin po ang sabi ng mga kaibigan ko sa akin, kaya minsan nakakapagyabang ako ng hindi ko ikakaila.” She winked kaya natawa si manang Eve. “Palabiro ka din pala iha, at napakaganda mo rin, kaya nagtaka ako kung bakit tinanggap mo ang pagiging yaya.” Nakangiting sabi ng matanda. Ngumiti rin si Nanami at bahagyang yumuko, “Salamat po, wala po kasi ako time na maghanap ng bagong trabaho kaya po, tinanggap ko na lang po ito?” Pero ang totoo lahat ng applyan niya ay nireredjet siya kahit alam na Tumango tango naman ang matanda at kapag kuwan ay nagtanong ito. “Ilang taon ka na ba iha?" “Twenty eight na po ako.” Mahinahong sagot niya. “Ano nga pala ang pangalan mo?” “Ako po si Nanami Heart Dela Cruz po.” Medyo natahimik ang matanda nang sabihin ni Nanami ang buong pangalan niya. “Bakit po?” tanong naman niya ng hindi umimik ang matanda. “Wala naman nagandahan lang ako sa pangalan mo.” Nakangiti ng sabi nito. “Pwede bang tawagin na lamang kita sa pangalang Heart?” sabi nito kaya nagkibit balikat si Nanami. “Ayos lang po.” “Kung ganoon Heart, welcome ka dito.” Ngumiti naman siya dito. Bumalik na si Mela sa kwarto dala ang isang basong tubig. “Bakit ang tagal mo?” tanong ni Eve sa kanya. “Pasensya na po manang, kailangan kong tulungan ang iba pang mga kasambahay sa pag-aayos ng mesa kanina kaya ngayon lang ako nakabalik.” “Oh dapat na tayong bumalik sa kusina at baka hanapin na tayo ni Venom.” At sinubukan ni manang Eve na tumayo pero pinigilan siya ni Mela. “Huwag na po kayo mag-abala. Nagawa naman po namin ng tama, kaya hindi ninyo na kailangang mag-alala pa,” sabi naman ni Mela at muling inihiga ang matanda. “Sa tingin ko dapat mo po siyang pakinggan, manang Eve,” sabi niya ng tututol sana ang matanda. “Kailangan mo na pong magpahinga at baka po mapano ka pa.” “Hindi mo naiintindihan. Ayokong pagbayaran muli ng ibang tao ang mga pagkakamali ko. Minsan lang nangyari iyon, hindi ko na hahayaang mangyari ulit.” Ito ay bumangon. Naintindihan naman agad ni Mela ang sinasabi ni manang Eve at hindi na ito muling pinigilan. Habang si Nanami naman ay naiwan sa silid na iyon habang nakatitig siya sa paglabas ng dalawa. Nagsalubong ang kanyang mga kilay dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng matanda. “SALAMAT po manang Eve.” Masayang saad naman ng bata na hanggang tenga ang ngiti. Habang sinasalinan siya ng pagkain ang plato ng bata. “Sige kain ka na,” Napatitig si Amalie sa dulo ng mesa at napasimangot. “Nasaan po ang daddy ko?” “Pumunta na si Marcel para tawagin siya. Pupunta na siya rito anumang sandali. Kumain ka na,” saad naman ni Manang Eve. Napalingon si Amalie kay Nanami. “Ate Nanami, halika na saluhan mo akong kumain.” Masayang sabi ni Amalie kay Nanami. “I'm sorry princess pero hindi siya makakasama sa table na ito para kumain.” malungkot na sabi ni Eve, kaya napaisip din si Nanami kung bakit 'di siya pwede sumabay sa alaga. “Bakit po hindi?” malungkot namang tanong ni Amalie. “Hindi pinapayagan ng ama mo na kumain at sumabay sa inyo ang isang maid iha, ’diba alam mo na iyon.” “Bakit po hindi siya pumayag? Ako ang yaya ng kanyang anak at kailangan nasa tabi niya ako anumang oras. Anong masama kung kumain ako sa iisang mesa kasama nila?” Nagtatakang tanong naman ni Nanami. “Shhh.” Pinatahimik siya ni manang Eve at binigyan si Amalie ng isang sulyap. Pinagmamasdan naman sila ng bata na malungkot dahil hindi naman iyon nakakalimutan ng bata ang utos ng kanyang ama. “Hindi mo pwedeng kuwestiyunin ang awtoridad ng amo natin Miss Heart. Anuman ang kanyang sasabihin ay dapat gawin natin na walang anumang karagdagang argumento o pagtatanong. Hindi mahalaga ang opinyon mo sa bahay na ito.” Paliwanag naman ni Manang Eve kay Nanami. “Sabi ng sino manang?” tanong naman ng batang si Amalie mula sa mesa na nakaagaw ng atensyon kina manang Eve at Nanami. “Keep quiet miss Amalie. Kapag nag-uusap ang matatanda, huwag kang magsasalita or sasabat ah,” sabi naman ni Nanami sa alaga. “Miss Heart!” Maingat na tawag ni manang Eve, binigyan ng babala na tingin si Nanami. “Paano mo nasasabi ang ganyan kay Miss Amalie? Gusto mo bang mawala ng. . . “It's okay po manang Eve, she's right,” sabi naman ni Amalie. “But ate Nanami, you can join us, ako ng bahala kay daddy mag-explain.” Nakangiti namang sabi nito. Nagpakawala ng malalim na hininga si Nanami at nagkibit balikat. “'Wag na miss Amalie, sundin na lang natin ang patakaran ng daddy mo at baka pareho pa tayo mapagalitan, sasabay na lang ako kina manang mamaya.” “Sigurado ka po ba?” “Oo naman, sige na eat kana.” “Hi My princess, kumakain ka na pala,” “Good evening Daddy.” Humagikgik si Amalie at masaya itong bumati sa ama. Mabilis na iniyuko ni manang Eve ang kanyang ulo. ‘Sh*t. He's here.’ Saad ni Nanami habang inaayos ang damit at inayos ang buhok bago siya yumuko tulad ng kay manang Eve. Tumayo si Marcel sa likuran na tabi ni Nanami. Hindi naman sila pinansin ni Venom at nakatutok lamang ang tingin sa anak. “Hey, my princess. Kumusta ang maghapon mo?” At yumuko ito para halikan sa pisngi ang anak. “Ayos lang po ako, daddy. Kanina pa kita hinihintay na bumaba para sabay na tayong kumain.” “Oh. Nakita ko nga na halos hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo, lets eat na.” Tugon nito at umupo sa unahan ng mesa. “I asked my yaya to join us. Sana hindi ka magalit dad?” ”Yes my princess kung iyan ang gusto mo.” Nakangiti nitong sabi at sininyasan si Marcel na paupuin ang katulong. “Thank you dad.” Masaya namang pagpapasalamat nito sa ama. “Oh ate Nanami, sabay ka na sa amin, pumayag na si Daddy.” Alok ni Amalie sa kanya. “Huwag na kina manang na lang ako sasabay.” Sagot naman niya. Maingat na kinurot siya ni manang Eve sa tagiliran. “Aray manang masakit iyon!” Ungol ni Nanami sa matanda at lumayo dito ng bahagya. “Sumabay ka na utos iyon ni Master, huwag mong ipahiya ang alaga mo.” Bulong ni Manang Eve sa kanya. “Gawin mo lahat ng gusto mo ng anak ko.” Sang-ayon naman ni Venom sa anak. “Thanks daddy, ate Nanami join us, huwag ka na pong mahiya!” Pilit pa nito kay Nanami. Nag-alinlangan naman si Nanami pero umupo naman siya sa tabi ni Amalie at kumuha ng makakain. “Sorry my princess kung hindi kita nabisita kanina, may mahalaga lang akong meeting kaya ngayon lang ako nakauwi.” Ngumiti naman dito si Amalie; “It's okay daddy.” “You, alagaan mo ang anak ko ng mabuti, maliwanag.” Sambit nito kay Nanami nang hindi man lang lumingon sa kanya. Matapos nilang maghapunan. Tumayo na rin si Nanami at yumuko rito. “Makakaasa ka Sir Venom,” sabi naman ni Nanami. “Good! Bye na my princess may kailangan lang ako tapusin na work sa library.” Paalam nito sa anak bago ito naglakad palayo sa kanila. “Salamat ate Nanami, dahil sumabay ka sa amin mula ngayon ay sasabay ka na sa amin ni Dad kumain ah, alam na iyan ni Dad, kaya 'wag ka na pong mag-alinlangan sa susunod.” Masayang sabi ng kanyang alaga. Tumango na lamang si Nanami sa alaga at asaka ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD