CHAPTER 8

2573 Words
“ANO nga ulit na sinabi mong pangalan mo?” tanong ulit ni Venom. “Nanami Heart Dela Cruz?” sagot naman niya at binigyan niya ito ng may pagtatakang tingin. “Sure ka ba talaga na iyan ang pangalan mo?” may pagdududang tanong nito. “Alangan naman, eh! pangalan ko iyon. Bakit ba upset ka sa pangalan ko, eh, iyon naman talaga ang pangalan ko. Nanami ang pangalan ko, N-A-N-A-M-I,” Inimpasize pa niya ang pagkakasabi niya sa kanyang magandang pangalan. Mariing sinakal ni Venom si Nanami sa leeg dahil sa narinig na pangalan ng babae. Si Marcel at ang iba pang mga lalaki ay nakatingin lang kay Nanami at parang sanay na sa ugaling ipinakita ng kanilang amo, bagamat may awa na makikita sa mga mukha nito pero wala silang magagawa. “Ackk! Bakit mo ako s-sinasakal, nasasaktan ako.” Reklamo ni Nanami habang pinipilit niyang tanggalin ang kamay ni Venom sa kanyang leeg. Kinagat ni Nanami ang kanyang ibabang labi, at huminga sa kanyang ilong dahil nahihirapan na siyang huminga. Nang makita ni Venom na parang mawawalan na ito ng hininga ay bigla na lang pumasok sa kanyang isipan ang pangako niya sa kanyang anak kaya binitawan siya ni Venom at umatras ng isang hakbang. Napansin niya ang disappointment na bumabalot sa mukha nito. “Marcel!” tawag niya. “Yes, boss.” Sagot ni Marcel na nagmamadaling tumabi kay Venom na hindi inaalis ang tingin kay Nanami. “Dalhin mo siya.” At agad na lumabas ng kwarto si Venom, habang sinusundan siya ng dalawang lalaki. Habang si Nanami naman ay galit na nagsisigaw dahil sa pananakal ni Venom sa kanya at pagkaladkad sa kanya ng nangangalang Marcel. ”Praning ka ba? Bigla ka na lang nanakal.”Galit na sabi ni Nanami at sinamaan ng tingin si Venom. Ngunit hindi man lang ito humingi sa kanya ng sorry. Nang makarating sila sa isang silid na puno ng aklat ay umupo sila sa sopang naroon. Nakasandal ngayon si Nanami sa mesa at pinagkrus ang mga braso sa dibdib at masamang tumingin kay Venom. “Ano ba talaga ang tunay niyang pangalan?” Tanong ni Venom kay Marcel dahil kahit paulit ulit niyang tanungin ang babae ay Nanami pa rin ang sinasagot nito sa kanya. Kumunot ang noo ni Nanami, dahil hindi pa talaga ito naniniwalang Nanami ang pangalan niya. “Yes master tama ang sinabi niya, Nanami Heart Dela Cruz ang tunay niyang pangalan.” Pagpapatunay naman ni Marcel sa kanya. PUMASOK si Laila na nag-aalala at natatakot sa loob ng apartment nila ng kanyang mga kaibigan. “Anong sabi mo tungkol kay Nanami? Nasaan siya?” humihingal na tanong ni Laila kay Danie. ”Hindi ko alam. Pumunta kami dito at nakita namin si Adrian na kumakatok, tapos itinaboy ko siya. I thought Nanami ignored him on purpose but then I tried knocking, walang sumasagot. Kaya paalis na sana kami ni Luke ng mapansin namin bukas naman ang pinto, kaya pumasok kami at hindi namin nakita si Nanami sa loob ng bahay.” Paliwanag naman ni Danie sabay buntong hininga. “Nagtanong ka na ba sa mga kapitbahay natin?” “Lahat sila ay nagsabing hindi nila napansin si Nanami na umalis.” “Baka naman pumunta lang siya sa malapit na tindahan o kung saan man?” “Akala ko rin. Ngunit mahigit tatlong oras na kaming naghihintay sa pagbabalik niya, pero hindi pa rin siya dumadating.” “Ano pang hinihintay natin? Tawagan natin ang mga pulis.” At inilabas ni Laila ang phone niya. “Sa palagay ko ay hindi magandang ideya iyan,” sabi naman ni Luke. “Bakit hindi?” tanong naman ni Laila sa boyfriend ng kaibigan. “Una sa lahat, hindi na bata si Nanami. Pangalawa, tatlong oras pa lang siyang nawawala. Hindi pa ito seryosong kaso hanggang sa hindi pa umaabot ng bente kwatro oras o dalawang araw na nawawala.” Paliwanag ni Luke. “Eh, ano na lang ang gagawin natin?” Nagsimula ng maiyak si Laila dahil sa pag aalala sa kaibigang si Nanami. “Halika nga rito,” inakbayan siya ni Danie at hinila siya sa dibdib nito para pakalmahin. “Sigurado akong okay lang si Nanami malakas na babae at matalino ito. Alam nating lahat iyon, kaya kung nasaan man siya ay alam kung okay lang ito sa mga oras na iyon.” “Pero nag-aalala at natatakot ako. Paano kung may kumidnap dito? Paano kung ibinenta na nila siya bilang bayarang babae? Paano kung patay na pala siya sa mga oras na nawawala siya? Paano kung. . . “Paano kung okay lang ako?” biglang saad ng isang boses babae mula sa likuran nila na nagpatigil sa kanilang lahat lalong lalo na sa paglilintaya ni Laila. Mabilis na humiwalay si Laila kay Danie at humarap sa pinanggalingan ng boses at nakita nila si Nanami na nakatayo sa may pintuan. Na walang galos o pinsala maliban sa paa nitong nakacast pa rin. “Nanami!!” mabilis na lumapit si Laila sa kanya at niyakap ito ng mahigpit. “Oh my God, nandito ka na? Okay ka lang ba, sinaktan ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Laila. Lumapit naman si Danie sa kanila at saka tinanong ang kaibigan. ”Saan ka ka ba galing? Kanina pa kami nag-aalala sayo?” “Guys. . . Huminto si Nanami kaya naagaw ang atensyon nila at bumitaw sa pagkakayakap nila kay Nanami. “May sasabihin ako sa inyo.” Seryosong sabi nito kaya naghintay ang mga kaibigan ni Nanami sa sasabihin niya. SAMANTALA, “Ipinangako mong pipilitin mo siyang maging yaya ko, dad, nangako ka, bakit hindi siya pumayag?” Umiyak ang batang babaeng si Amalie sa ama. “Alam ko. Ngunit ang babaeng iyon ay ayaw pumayag na maging yaya mo kasi may trabaho na raw siya,” sabi naman ni Venom sa anak. “Nagsisinungaling ka dad!” Patuloy sa pag-iyak si Amalie habang sumisinok sinok pa sa kakaiyak; Gusto ko siya bilang yaya ko, eh!” Padabog pang saad nito. “Pero ayaw niya nga. Saka maraming babae diyan na mas bagay sa trabahong ito, my princess. Maniwala ka sa akin, kaya huwag na nating pilitin ang taong ayaw.” Nakukulitang sabi ni Venom sa anak. “HINDI, ayoko ng iba siya lang ang gusto ko dad, siya lang!” sigaw nito kaya napabuntong-hininga naman si Venom. “My princess!” “Huwag mo akong kausapin dad!” Walang pakundangan saad ng anak niya at napatayo pa ito. “Sabi ko sayo dad, kung hindi mo matutupad ang pangako mo, hinding hindi na kita mapapatawad.” Umiiyak na annito at tumakbo ito sa loob ng banyo sa kanyang silid at padabog na isinara iyon at doon nag iiyak ng umiyak dahil sa inis sa kanyang ama. “My princess, buksan mo ang pinto.” Mahinahong pakiusap ni Venom habang kumakatok, ngunit ayaw nitong buksan ang pinto at parang walang naririnig. “Umalis ka po dad sa kwarto ko. Ayoko pong makita ang mukha mo, naiinis po ako.” Sigaw nito mula sa loob kaya walang nagawa si Venom kundi hayaan muna ang anak na kumalma bago niya ulit ito kausapin. NASA loob ng kusina si Amalie, matapos niyang magkulong sa kanyang banyo. At ng masigurado niyang wala na ang kanyang ama ay lumabas na siya dahil nakaramdam siya ng gutom. Kaya pumunta siya sa kusina para kumuha ng makakain. Nakita siya ni manang Eve na hindi mapakali at malungkot ang mga mata na kumakain ng ice cream. Nang biglang pumasok doon ang mayordoma at hinarap ang bata para kausapin. “Hi iha!” “Hi manang kumusta po kayo?” matamlay na tanong nito sa mayordoma at muling kumain. Kumunot naman ang noo ni Eve, dahil iba ang kinikilos ng kanyang alaga at parang wala ito sa sarili. “Ayos ka lang ba iha?” nag aalalang tanong ni Manang Eve. “Ayos lang po ako.” “Hmmn! Hindi ka mukhang okay. Anong meron?” Napabuntong-hininga si Amalie habanf nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. “Masama ba akong anak nanay Eve?” “Ano? Syempre hindi, bakit mo naman nasabi iyan?” tanong ni Manang Eve sa bata at saka binitawan ang hinuhugasang gulay at pumunas ng kamay sa apron nito. “Hindi ko ba deserve maging masaya, manang?” “Siyempre, karapatan mong maging masaya. Bakit mo tinatanong ang lahat ng iyan?” “Kasi hindi na ako mahal ni Daddy,” sabi nito na naiiyak. “Ano?” Hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga katagang iyon sa batang ito sa edad na limang taon lamang. “Anong ibig mong sabihin?” Ngumuso naman si Amalie. “Sinabi ko kasi kay dad iyong tungkol sa magandang babaeng nagligtas sa akin at nakiusap ako sa kanya na alukin niya si ate na maging yaya ko, pero wala naman siyang ginagawa.” Pagkukwento ng bata sa kanya. “At?” “Nangako po siya, pero. . . “Pero?” Nagsalubong ang kilay ni Eve dahil hindi tinutuloy ang sasabihin. “Nagbago na naman ang pangako niya, sinabi niya sa akin na pumili na lang daw ako ng ibang yaya Paano niya nagawa sa akin iyon?” sabi nito at tuluyan na ng umiyak. “Baka hindi qualified iyong babae o baka hindi pumayag iyong babae. Pero sigurado akong may dahilan kung bakit nagbago ang isip ng daddy mo.” Katwiran naman ni Eve sa alaga. “Wala naman siyang sinabing dahilan or baka si Dad ang may ayaw kay ate. Gusto ko pa naman ang babaeng iyon manang Eve. Kaya dapat gumawa siya ng paraan.” Pagmamaktol nito. “Amalie, mahal dapat makinig ka sa iyong ama at gawin ang sinasabi niya. He wants the best for you, maniwala ka sa akin.” Saana lamang ni manang Eve sa alaga dahil wala na siyang masasabi sa bata. “If he really wants the best for me then he would get that girl as my yaya. Ano ang mahirap doon? Kahit hindi siya qualified. At least dapat sinubukan muna ni dad or pinilit niya kung ayaw noong girl.” Pagmamatigas na pangangatwiran nito kay Eve. “Hindi mo dapat inaaway ang iyong ama at dapat lagi kang nakikinig sa kanya.” Payo ni Eve. “Hindi ko naman po siya inaaway sadyang nangako kasi siya sa akin. At bakit mo po siya kinakampihan sabi mo sa akin mas mahal mo po ako kaysa kay daddy? Kaya dapat nasa side kita palagi manang.” Pagtatampo nito sa kanyang tagapag alaga na itinuturing niyang lola-lolahan. “Siyempre, kakampi mo ako. Iyon ang literal na dahilan kung bakit hinihiling kong makinig ka sa iyong ama. Dahil gusto ko na mapabuti ka palagi.” Pang aalo naman ni Manang Eve kay Amalie. “Pero kasi manang nangako kasi siya sa akin.” At pinunasan ang kanyang luha. Huminga ng malalim si Eve, dahil hindi na alam ang sasabihin pa sa alaga niya. “’Di ba tama naman po ako manang, once na nangako ka dapat tinutupad.” Nagkibit-balikat na lamang si Eve at hindi na nakipagtalo pa sa bata. “Ano ang gusto mong kainin?” pag-iiba na lamang na tanong niya sa bata. “Hindi na po ako nagugutom, manang salamat na lang po, nabusog na po ako sa ice cream.” Saad ni Amalie at umalis na ito sa kusina kaya napapailing na lamang si Eve sa katigasan ng ulo ng bata saan pa ito magmamana kundi sa dati niyang alagang si Venom. UMIINOM ng alak si Venom dahil nakukunsiya siya dahil hindi niya nagawa ang pangako niya sa kanyang anak. Sa unang pagkakataon mula nang mamatay ang kanyang asawa, ngayon lang may humawak sa kanya na babae. Bukod sa kanyang pinakamamahal na anak na si Amalie ng maalala niya kanina ang nangyari between her woman na nagligtas sa kanyang anak. Lahat kasi ng tao kapag nakikita siya na kahit tingin lang niya ay natatakot na ang mga ito lalo na dito sa teroryo niya at kahit saan siya magpunta. Ang kanyang aura lang ay maaaring magdulot ng takot sa kanila lalo na kapag nagagalit na siya. Ngunit iba ang babaeng kapangalan ng kanyang asawa. Kahit na nasakal na niya ito ay hindi man lang ito natakot sa kanya ngunit nagalit pa ito sa kanyang ginawa. Lalo na ng makita niyang tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata ay wala siyang nakitang takot sa mga mata nito. Nawiwirduhan din ito sa kanya lalo na ng mapatigil siya ng banggitin nito ang kanyang pangalan sa kanya. Muling lumagok si Venom ng alak at bigla na lamang nag-flashback ang pagpapakilala ng babaeng iyon sa kanya. “Ikaw ba ang master Venom na tinutukoy nila. Kung ikaw iyan, hindi ako natutuwang nandito ako. Sapilitan nila akong dinala dito, ako nga pala si Nanami Dela Cruz,” nagmamadaling sabi nito na naiinis ngunit nagpakilala naman ito sa kanya sa kabila ng pagtanggi nitong hindi siya ang nagligtas sa kanyang anak. At kaya niya ito nasakal dahil kahit anong tanong niya rito kung anong pangalan nito ay Nanami pa rin talaga ang pakilala nito sa kanya na akala niya ay namali lang ang dinig niya pero pinandigan talaga nito na iyon talaga ang kanyang pangalan. Bakit kapangalan niya ang asawa ko? Bakit kailangan niyang dalhin ang pangalang iyong na dapat ay sa pinakamamahal niya lang na asawa na babagay? Bakit hindi pwedeng iba na lang ang kanyang pangalan? “F*ck!” napasigaw si Venom sa inis at binasag ang hawak niyang bote ng alak sa dingding sa tabi ng pinto ng kanyang silid. Mas lalong umigting ang kanyang mga panga dahil sa inis at pagkadismaya ng malaman niya ang pangalan ng babae. At mas lalo siyang na inis ng tinanggihan nito ang alok niyang maging yaya ng kanyang anak na para bang nagmamalaki pa ito na kaya nitong tanggihan ang isang katulad niya. Pero sa kabilang banda ay maganda na rin iyon na hindi ito pumayag sa kanyang alok niya dahil hindi niya maatim na may makasamang kapangalan ng kanyang yumaong asawa lalo na at pareho pa sila ng mga mata ni Nanami na kanyang asawa na isa sa pinaka nagustuhang niyang sa pisikal na anyo ng kanyang yumaong asawa. Pero naiinis din siya, kasi hindi niya natupad ang pangako niya sa kanyang anak na gagawin niya ang lahat para lamang mapapayag ang nagligtas dito, pero binigo niya ito. Kukuha na sana ulit ng alak si Venom dahil nabasag na ang bote ng alak na ibinato niya kanina ng bigla na lamang may kumatok sa pinto. Kaya bumalik sa pakakasandal si Venom sa kanyang upuan, at inayos ang sarili. Bumukas ang naman pinto at pumasok si Marcel na nakasunod sa tabi nito si manang Eve na mukhang nag-aalala at natatakot. “Ano ang nangyayari?” napa-ayos ng upo si Venom. “Master,” yumuko silang dalawa. “Wala akong natatandaang pinapunta ko kayong dalawa dito.” Mariing sabi niya. “May problema po kasi,” sabi naman ni Marcel at seryosong nakatingin sa kanya. “Anong problema?” tanong ni Venom sa dalawa. “Tungkol ito kay Miss Amalie.” Kinabahan namang sagot ni manang Eve. Napatayo si Venom ng marinig niya ang pangalan ng kanyang anak. “A-Ano naman ang problema sa anak ko? Nasaan siya?" “N-nawawala naman siya at hindi namin siya mahanap.” Pigil hiningang sagot ng mga ito kaya napamura si Venom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD