CHAPTER 7

1367 Words
NAKARINIG siya ng katok sa pinto at makalipas ang ilang segundo ay pumasok si manang Eve. Kaya pinapasok ito ni Venom. Nakatayo ito sa harapan niya at naghihintay ng pahintulot nito para makalapit sa kanya. Hindi niya pinansin ang presensya nito at tahimik lang muling nagbasa ng isang mahalagang bagay sa kanyang laptop. Nakaramdam ng pang-iinsulto si Eve, ngunit hindi siya nangahas na magsalita at baka mahalaga ang binabasa nito sa laptop. Makalipas ang kinse minuto ng matiyagang paghihintay nito sa amo ay sa wakas ay isinara na nito ang takip ng laptop at saka ito tumingala sa kanya. Sumandal si Venom sa upuan at kumaway ito na nagsasabing pwede na siyang lumapit dito. Humalukipkip si manang Eve at naglakad palapit sa desk ni Venom at saka huminto sa harapan nito. “May kailangan ka ba manang?” seryosong tanong ni Venom. Naramdaman ni manang Eve ng kirot sa kanyang puso ng pagmasdan ang kanyang alaga ng halos tatlong pung taon. Parang may tumusok sa kanyang puso na isang matalim na kutsilyo, dahil wala na ang dati niyang alaga na masayahin at palabiro, nagbago na ito ng tuluyan mula ng mamatay ang asawa nitong si Nanami. “Gusto sana kitang kumustahin, Anak kung okay ka na?” sabi niya rito. “Okay naman ako manang Eve, sino bang nagsabi sa'yong hindi ako okay?” “Huwag mo ng itago ang sakit na nararamdaman mo, iho, simula bata ka pa ako na ang nag aalaga sayo kaya kilalang kilala na kita.” “Manang 'wag ka ng magsabi ng anumang mga salita na pagsisisihan mo,” sabi naman ni Venom kaya napakunot ang noo ni Eve. “Pagsisihan ko, hindi ko ito pagsisihan dahil gusto ko lang napayuhan ka, itigil mo na ang pagpapahirap mo sa sarili mo,” ‘So alam ni manang Eve na pinaparusahan niya ang kanyang sarili.’ Umangat ang balikat ni Venom at mabilis niyang kinalma ang sarili. “Ano ang nagbigay sa iyo ng lakas ng loob para payuhan ako, manang Eve? Hindi ibig sabihin na purke para na kitang nanay kung ituring ay hindi ko na kayang paalisin ka dito.” “Tinatakot mo ba ako?” Tumigas ang mukha ni Venom. “Hindi kita tinatakot manang ang akin lang ilugar mo ang sarili mo ngayong wala na sina mommy dahil maid na lang kita dito at amo mo na lang ako, wala kang karapatang maging nanay ko dahil hindi naman kita ina.” Masasakit na salita ang lumabas sa bibig ni Venom kaya napatigil si Manang Eve sa narinig. Nangingilid ang mga luha nito pero hindi ito umiyak. “Nagagawa mo na akong pagsabihan ng ganyang mga bagay, hindi na talaga kita kilala, iho, nagbago ka na ng tuluyan. Kinalimutan mo na na itinuring mo akong ina, bago pa dumating sa buhay mo ang asawa mo. . .Pero sige kung iyan ang gusto mo, ilulugar ko na mula ngayon ang aking sarili sa kung ano ang gusto mong itrato sa akin. Pero ito lang ang tandaan mo, nandito lang ako lagi sa tabi mo at kapag bumalik na ang dati kung alaga wiling ko pa rin siyang alagaan at ituturing na parang tunay kong anak,” sabi pa nito at saka ito lumabas ng silid. Ginulo ni Venom ang kanyang buhok matapos na lumabas si Manang Eve sa library niya. Bumalik siya sa pagkaka-upo sa upuan niya kanina at saka napabuntong hininga. Habang si Eve naman ay nakatayo pa rin sa pintuang nilabasan niya. ‘Nagbago na talaga siya. Naging halimaw na ito dahil sa labis na galit at lungkot ng mamatay ang asawa nito. Pero naniniwala pa rin siyang nagtatago lang ang mabait na Venom na kanyang inalagaan sa sulok ng pagkatao nito at alam niyang babalik pa rin ito sa dati.’ Nailing na sabi niya sa kanyang sarili bago ito tuluyang lumayo doon. NAGMAMANEHO ang itim na van sa isang malaking lumapain at pumarada sa parking lot ng isang magarang mansyon. Hindi nakita ni Nanami ang lugar kung saan siya dinala ng tatlong lalaki kanina dahil nakatulog siya sa byahe. Nagising siya ng maramdaman niyang may humawak sa kamay niya at hinila siya palabas ng sasakyan. Tumingin si Nanami sa paligid at pinagmamasdan ang kapaligiran na mangha siya sa ganda ng tanawin na nakikita niya sa paligid dahil sa ganda ng hardin na bumabalot gitna ng napakalaking bahay.. “Nasaan ako?” “Nasa mansyon tayo ng mga Borromeo, kaya sige na maglakad ka na at kanina pa tayo niya hinihintay ni Boss.” Seryosong sagot lamang sa kanya ng lalaki. Pumasok na ang lalaki kasama si Nanami. Siya iyong lalaking nakasuot ng itim na salamin kanina sa bahay ni Nanami. “Saan lugar n'yo ba ako dinala? At bakit mo ako dinala dito?” Nagkibit-balikat lamang si Marcel dahil paulit ulit na lang ang tanong ng dalaga sa kanya. “Ako si Marcel at gusto ni Boss na makilala ka niya.” pagpapakilala ng lalaki sa kanya. “Sino ba ang Venom na iyon at nasaan siya?” Nagtatakang tanong ni Nanami sa lalaking nangangalang Marcel. “Makinig ka, wala akong oras para sa mahabang usapan na ito. Mas mabuting si boss na lang ang kausapin mo sa bagay na iyan.” “Ano kasing kailangan ng boss mo at kailangan ninyo pa akong dalhin dito?” “Dahil kailangang mapapayag kita, kaya kita kinuha at dinala dito, gusto kang kunin ng amo ko, bilang isang yaya ng batang iniligtas mo noong nakaraang araw.” Patuloy na sabi ni Marcel kaya napakunot lalo ang noo ni Nanami. “Yaya?” Nanlaki ang mata niya. “Oo.” Seryosong sabi nito kaya nagsimula siyang tumawa dahil akala niya ay binibiro lang siya ng lalaking ito. “Ngayon nakikita kong nagbibiro ka lang. Mukha ba akong yaya sa'yo? Maling tao yata ang inaalok ng boss mo?” Inilabas ni Marcel ang kanyang telepono at pinindot ang footage ng video para mapanood niya. “Hindi ba ikaw ang nasa video?” Kumunot ang noo niya. “Sa tingin ko nga pero baka magkamukha lang kami pero hindi ako siya.” Pagsisinungaling ni Nanami nang hindi man lang pumipikit ang mata. “Nagsisinungaling ka, ikaw ito at basi na rin sa mga paa mong hindi pa gumagaling.” Napatinging sabi naman ng lalaki at tumingin sa paanan niya. “Wala akong pakialam kung maniwala ka sa akin o hindi, ngunit hindi ako ang babaeng iyan.” Matigas niyang sabi. “Kaya pwede ba ihatid nyo na lang ako sa bahay at baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko.” “Kung hindi ikaw, bakit ka natigilan kanina nang sabihin kong hinahanap ka ng ama ng batang iniligtas mo?” “Wala lang iyon, nagtataka lang ako kanina kaya ako natigilan at saka hindi ko naman gusto kanina na sumama sa inyo, sapilitan n'yo nga lang akong kinuha.” Pagtataray ni Nanami. Magsasalita na sana si Marcel ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Venom kung saan nila dinala si Nanami sa parti ng mansyon. Napaawang ang bibig ni Nanami nang mapatingin siya kay Venom, hindi niya makakailang napaka-hot at gwapong lalaki ang ama ng bata na pumasok sa kinaroroonan nila. “How can one be this attracted to someone they just met for the first time?” sabi niya sa kanyang sarili. Kumunot naman ang noo ni Venom ng makita niya ang babaeng kasama ni Marcel. Tumayo ito ng tuwid at inayos ang damit nito at ang nagulong buhok. “Ikaw ba ang master Venom na tinutukoy nila? kung ikaw iyan, hindi ako natutuwang nandito ako. Sapilitan nila akong dinala dito, pero ako nga pala si Nanami Dela Cruz,” biglang pakilala niya dahil sa bilis ng kanyang pagsasalita, kaya nalaman tuloy ng lalaking kumuha sa kanya na nagsisinungaling siya tungkol sa pagdi-deny niya na siya ang babae sa video. Pero sa pagtataka ni Nanami ay biglang natulala si Venom ng mabanggit niya ang kanyang pangalan, kaya nagtataka siyang napatingin sa lalaki. Ngumiwi naman si Nanami sa nakita niyang reaksyon ng lalaki, na para bang gulat na gulat. “Bakit parang gulat na gulat ka? Ngayon ka lang ba nakakita ng babae?” Nagtatakang saad ni Nanami sa nangangalang Venom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD