CHAPTER 6

2578 Words
‘MUNTIK ng may mangyaring masama sa ating prinsesa me amore. I'm sorry.’ Tahimik na umiiyak si Venom habang pinagmamasdan ang kanyang anak na mahimbing paring natutulog. Bumalik na naman ang sakit na kanyang nararamdaman. Napakabigat ng kanyang dibdib na halos hindi na siya makahinga. Kailangan niya ulit parusahan ang kanyang sarili. Kaya bumangon si Venom sa kama nang kanyang anak at dali-daling lumabas ng silid ng kanyang anak. Pumunta siya sa kanyang silid patungo sa kanyang kwarto. Binuksan niya ang pinto at pumasok doon dumiretso ito sa banyo. Hinubad niya ang puting sando at kinuha ang maliit na pocket knife na lagi niyang dala-dala at mga druga na nakatago sa lihim na kabinet na nasa dingding niyon. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw niyang may pumapasok sa kanyang silid kung hindi lang naman siya or si Marcel ang papasok doon. Nagha-hyperventilate ulit siya at ang sakit ay lumalala sa bawat segundong lumilipas. Pinunit niya ang benda na meron siya sa kanyang braso na tumatakip sa mga papahilom na niyang sugat at sinimulan na naman niya ulit pagpapahirap ang kanyang sarili, matapos niyang inumin ang drugs na nagpapagaan sa kanyang sakit na nararamdaman. KINABUKASAN pumasok si Amalie sa silid ng kanyang ama, na parang walang nangyari dito. “Daddy? Are you awake?” mahinang saad nito sa kanyang ama. Iminulat ni Venom ang kanyang mga mata at tumingin sa kanyang anak. “My Princess?” “Good morning daddy.” Hinalikan siya nito sa pisngi kaya napangiti si Venom. “Kumusta ka my princess?” niyakap niya ito. “Ayos lang po ako.” “May nararamdaman ka bang sakit?” Umupo ito ng ayos kaya umupo na rin si Venom. “Wala po daddy, I'm okay po, ikaw po are you okay?” Malambing na saad nito. “Bakit mo na tanong my princess?” “Hindi kasi maganda ang itsura mo. Tinakot ba kita kahapon, sorry daddy ah.” Malungkot na sabi nito kaya ngumiti siya dito. “Nabalitaan ko ang tungkol sa muntik ka na raw mabangga. Sinisisi ko ang sarili ko ng malaman ko iyan, sana pala hindi na lang kita pinilit na pumasok sa school kahapon.” “Sorry dad, 'wag ka sana magagalit kay nanay Eve ako po ang may kasalanan gusto ko kasi sana pumunta sa mall, pero dahil hindi nila ako pinayagan kasi raw po ay magagalit ka kaya po tinakasan ko sila. Sorry talaga dad, pero dad alam mo bang may nagligtas sa akin doon.” Kwento nito kaya napabuntong hininga siya. “Sabi nga sa akin nila manang Eve, nakilala mo ba siya?” tanong niya dito. Tumango ito at saka ito ngumiti. “Alam mo Dad, mabuti nga at pinilit mo akong pumasok kahapon, kung hindi ka pumayag ay hindi ko sana siya makikilala.” Malawak ang ngiti nito. “Ah, sino siya?” “Ang babaeng nagligtas sa akin.” “Nakilala mo ba siya?” “Yes dad, hindi ko po makakalimutan ang mukha niya, ang pretty niya.” Kinikilig na sabi nito. Tumawa naman si Venom sa reaksyon ng kanyang anak. “Gusto mo ba siyang makita ulit?” tanong niya sa anak. “Opo dad, pero may request po ako, pwede mo ba siyang operan na maging tagabantay ko?” nakangiting sabi nito at nagpuppy eyes pa para lang pumayag siya dito. “Baka hindi siya pumayag,” sabi naman ni Venom kaya nalungkot si Amalie sa sinabi ng ama. “Pero pwede natin siyang sabihan malay natin, baka need din niya ng work, at pumayag siya sa io-offer natin.” “Okay,pero kapag hindi siya pumayag, ‘wag ka sanang malulungkot ah, my princess?” dugtong pa niya. “Pero dad, gusto ko siya bilang yaya ko.” “Hindi naman kasi natin mapipilit ang tao kung ayaw niya,” sabi niya. “But Dad, walang imposible sa iyo at isa pa, nangako kang gagawin mo ang lahat para sa akin. Tatalikuran mo na ba ang pangakong iyon ngayon?” Nagmamadaling umiling si Venom, “Syempre hindi, hinding-hindi ko 'yan gagawin. Pero 'di natin mapipilit ang isang tao kung ayaw niya, pero sige titingnan ko ang aking magagawa,” sabi na lamang niya sa anak. “Pangako?” “Pangako.” “Yes, thank you daddy, you're the best. I love you.” Masayang saad nito. “Pero, bakit gusto mo siyang maging yaya, my princess?” tanong niya. Nagkibit-balikat ito. “Sa totoo lang po dad, hindi ko rin po alam. Pero ang alam ko gusto ko siya at gusto ko siya maging kaibigan at syempre bilang yaya na rin.” “Sure ka na ba sa gusto mo?” tanong naman niya kaya tumango ito ng maraming beses na ikinangiti ni Venom. “WHAT'S wrong, my princess? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo.” Napansin ni Venom ang tamlay sa kilos ng kanyang anak. Kumunot naman ang noo ni Amalie. “Hindi po ako nagugutom.” “Bakit?” Inilapag niya ang kanyang kutsara sa mesa at itinuon ang buong atensyon sa kanyang anak. “Dad, nangako ka.” Napataas ang kilay ni Venom, “Nangakong ano?” “’Yong si ate na nagligtas sa akin. Sabi mo kukunin mo siyang yaya ko? Nangako ka na pupuntahan natin siya, pero ilang araw na po. Hindi pa natin siya hinahanap.” She pouted. “Wait 'yon ba ang dahilan kung bakit hindi ka kumakain?” “Hindi ko maiwasang isipin siya, dad. Gusto ko siya at gusto kong mapalapit sa kanya. Gusto ko siyang mapasalamatan ulit.” “Bakit gusto mo siyang makilala?” “Iniligtas niya ang buhay ko.” “Paano kung hindi naman siya mabuting tao?” “Alam ko pong mabait siya, dad. Siya lang ang matapang na tumulong sa akin at iniligtas niya ako. Utang ko sa kanya ang buhay ko.” Parang matandang sabi nito. “’Wag mong sabihin 'yan. Wala kang utang sa kanya. Kaya kong bayaran ang anumang halaga na gusto niya para sa pagliligtas niya sa'yo.” “Daddy,” bumuntong-hininga si Amalie at parang maiiyak na–Utang ko sa kanya ang buhay ko. Mamatay na sana ako n'ong araw na iyon, kung hindi dahil sa kanya.” Napatingin siya sa kanyang anak, talagang gusto nito ang babaeng nagligtas dito. Kaya napabuntong-hininga ito. Wala naman masamang pagbigyan niya ang kanyang anak kung sa ikakabuti naman nito. “Sweetheart?” “Po?” “Bakit gusto mo ang babaeng iyon bilang yaya mo?” Nagkibit balikat si Amalie. “Kasi ang galing niya. Saka feeling ko hindi siya masaya sa work niya, kita ko sa mukha niya.” “Paano mo naman nalaman?” napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ng anak. “Nakabanggaan ko siya ilang minuto bago ang aksidente. Kita ko sa kanya na parang hindi siya masaya ng lumabas siya sa isang building, kung saan yata siya nagwowork.” Sabi pa ni Amalie. “My princess, pwede bang iba na lang ang kuhanin natin na yaya mo? Sigurado akong maraming babae na mas bagay sa posisyon na iyan, hindi naman kasi tama na kunin natin siya kung may trabaho na pala siya.” “Ngunit dad, siya lang ang gusto ko. Sapat na ang tiwala ko sa kanya at sa pagliligtas niya sa akin alam kung mabuti siyang tao. At alam kong safe ako kapag siya ang makakasama ko, kaya please dad, pumayag kana? Please!” Paano ba niya matatanggihan ang kanyang anak kaya napabuntong-hininga na lamang siya, “Sige na nga, sasabihin ko kay Marcel na bilisan niya ang paghahanap sa babaeng iyon?” nakangiting saad naman niya. “Thank you dad, please dad, ipangako mo na hahanapin mo siya at gagawin mo siyang yaya ko.” Itinaas ni Amalie ang kanyang pinky finger at saka inilapit sa kanya. “Kailangan ko ba talagang mangako? Parang wala na talaga ako choice kundi igrant ko ang kagustuhan mo.” Napapakamot si Venom sa kanyang noo, dahil mana talaga sa kanyang asawa ang kanyang anak. Idinadaan siya sa pangako-pangakong iyan. Inilabas ni Venom ang kanyang hinliliit at ikinawit sa hinliliit ni Amalie at tuluyan silang nag pinky promise sa isa't isa. “Hindi mo na masisira ang pangako mo dad sa akin. Hindi kita mapapatawad kung babaliin mo ang pangako mo sa akin.” Nakangising sabi nito sa kanya. “Sige na dad kain na tayo dad. Gutom na pala ako.” Anito at excited na itong kumain. Tahimik na nakatingin lamang si Venom sa anak, habang napapailing. Naisahan yata siya ng kanyang anak kaya napangiti siya sa sarili. “Sino kaya ang babaeng iyon? At ano kayang meron dito para magustuhan siya ng aking anak, kahit hindi pa naman nito iyong lubusang kilala?” sa isip ni Venom habang kumakain na sila. “GAANO pa ba katagal?” tanong ni Marcel. “Maximum time, mga ten minutes. Wait ka lang diyan. Malapit ko ng ma-hack ang CCTV footage ng kalyeng iyon pati na ang building kung saan siya galing.” Sagot naman nito kay Marcel. “Ayoko pang mamatay ka bro, kaya ito na dinadalian ko na ng husto para sa iyo,” sabi ni Boa, na isang hacker habang tutok ang mata sa monitor ng computer nito. Nagpakawala naman ng malalim na paghinga si Marcel habang ginugulo ang kanyang buhok at nagsimulang maglakad pabalik-balik. “Pwede ba 'wag kang malikot, nagagambala mo ako.” Saway nito kay Marcel. “Tumahimik ka na lang at ipagpatuloy mo na iyang trabaho mo.” Napaungol na sabi ni Marcel. Napuno ng mga malakas na pag-click ng keyboard ang silid na iyon at ang mabibigat na paghinga ng dalawang lalaki. “Tapos na!” May pilyong ngisi sa mukha si Boa, habang lumalayo sa computer. Napatingin siya sa wrist watch niya at mas lalong lumawak ang ngisi sa mukha niya. “Pitong minuto lang paano ba iyan, dadagdagan mo bayad sa akin.” “Oo na basta pera sa'yo ’di ka mautakan.” Napairap na sabi ni Marcel kaya natawa naman si Boa. Iginala ni Marcel ang kanyang mga mata habang nakatitig sa screen. Nag-play sa screen ng computer ang footage ng eksenang nangyari noong isang araw sa inaanak. “F*ck, close call iyon. Siguradong hindi makakaligtas si Miss Amalie kapag nabanga siya ng sasakyan na iyan ang bilis ng takbo.” Bulong ni Boa, naglabas ng isang pakete ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa. “Kaya nga siguro ganoon na lang kadisperada si master na mahanap iyan, dahil utang na loob niya ang kaligtasan ng kanyang anak sa babaeng iyan,” sang ayon namang sabi niya kay Boa. “Paano n'yo malalaman ang tungkol sa personal information ng babaeng iyan? Video lang iyan kung saan siya nagtatrabaho at kung paano iniligtas ng babae si miss Amalie?” tanong ni Boa kay Marcel. Inilipat niya ang video sa kanyang cellphone at tumayo ng maayos. “Tapos na.” Lumapit siya sa pinto ngunit huminto at lumingon kay Boa, “Huwag ka nang makialam tungkol sa mga trabahong tulad nito at tumutok ka na lang sa pag-hack sa lokasyon ng bastard na iyon, na sinusubukan mo paring gawin sa nakalipas na limang taon,” sabi niya bago tuluyang umalis kaya napakamot nang ulo si Boa. Kapansin-pansing din ang pagbuntong-hininga nito sa sinabi ni Marcel, “Kasalanan ko bang may sa palos ang lalaking iyon.” Bubulong bulong na sabi nito. NAG-IISA lamang si Nanami sa apartment nilang magkakaibigan. Umalis sina Laila at Danie para magtrabaho, at naiwan siya dahil nagpapagaling pa siya ng paa kaya hindi muna siya makakapaghanap ulit ng aaplayan. Nakaupo siya sa sofa, habang nag si-cellphone nang makarinig siya ng mga katok sa pinto. Natigil siya sa panonood ng movie at tumayo habang iika-ika itong naglakad at lumapit sa pinto para buksan iyon. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita ang dalawang lalaking naka-itim na suit habang madilim na nakatingin sa kanya. “What the h*ll? Sino kayo?” Tumabi ang dalawang lalaki at dumaan ang lalaking nasa likod ng dalawa at walang kaabog-abog itong pumasok sa loob ng kanilang apartment. Habang ang mga kamay nito ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon at seryosong nakatingin sa kanya. Tinitigan sila ni Nanami habang nakaawang ang bibig at nagtataka sa mgalalaking bigla na ang dumating. She found it very inrespectful of them to come into her house, just that without waiting for an invitation. Maingat siyang umatras palayo sa kanila, nakakuyom ang kanyang kamao at anumang oras ay handa siyang labanan ang mga ito, kapag may hindi maganda itong gagawin sa kanya. Nakasuot ng dark glasses ang isa sa mga lalaki. Samantalang ang mga lalaking nasa likod nito ay walang suot na salamin ngunit may mga baril namang nakasuksok sa tagiliran nila. Kaya napalunok si Nanami at kinakabahang nagtanong sa mga ito. “S-Sino kayo?” Sinubukan niyang maging matapang ngunit pinagtaksilan siya ng kanyang boses. She was f*cking scared. Sino ba naman ang hindi matatakot, wala siyang kasama sa bahay at walang paraan na makalaban siya sa mga ito dahil tatlong lalaki ang nasa harapan niya habang siya ay nag-iisa lamang. Humakbang pasulong ang lalaking nakasalamin at diretsong nakatayo sa harapan niya. “Ikaw ba si Nanami Heart Dela Cruz?” tanong nito kaya napatango siya. “Y-yes, ako nga a-anong kailangan n'yo sa akin?” nagtatakang tanong niya. “Pinadala ako dito ni Master Venom upang anyayahan ka kung pwede ay makipagkita ka sa kanya, ngayong araw.” Pormal na saad ng lalaking nakasalamin. “Excuse me? Hindi ko kilala ang sinasabi mong Venom, baka nagkamali kayo ng napuntahan.” Pagtatanggi ni Nanami. “Tama kami ng pinuntahan ikaw si Nanami Dela Cruz right?” kaya tumango si Nanami. “Look miss Dela Cruz, wala na kaming time na magpaliwanag, ang mabuti pa ay sumama ka na lang sa amin.” “No a-ayoko, hindi ko nga kayo kilala, tapos sasama pa sainyo. Kapag hindi kayo tumigil sa kahibangan n'yo tatawag ako ng pulis.” Pagbabanta niya kaya napangiti ang lalaki. “Ayokong masaktan ka miss, trust me at kahit tumawag ka ng pulis ay isasama ka pa rin namin.” Mauturidad na sabi nito at hindi na tinag sa pangbabanta niya sa mga ito. “Labas kayo, pag hindi pa kayo umalis dito tatawag na talaga ako ng pulis.” Ngunit parang wala talaga sa mga ito ang banta niya at ikinumpas ng lalaki ang mga daliri nito at sa gulat ni Nanami ay mabilis na lumapit ang lalaki na nasa likod ng nakasalamin at mabilis na lumapit sa kanya. “Kunin mo siya.” “Teka-teka, 'wag kayong lalapit kundi sisigaw ako.” Nagpapanik na na sigaw niya. Hahawakan na sana ng lalaki si Nanami ng itinulak niya ito at mabilis na kinuha ni Nanami ang flowers vase na nasa mesa na malapit sa sopa at humarap siya sa lalaki at umatras. “Wag kang lalapit, kundi babasagin ko ito sa mga ulo niyo!” “Miss Nanami, iniimbitahan ka lang namin, kaya 'wag ka ng tumangkang tumakas.” Kinagat ni Nanami ang ibabang labi na halos lumabas na ang dugo niyon habang pinipigilan ang kanyang paghinga. “’Wag sabi kayong lalapit sa akin hindi ko naman kayo kilala at iyang sinasabi ninyong master Venom na iyon kung sino man siya.” “Kaya nga, ka namin inaanyayahan para makilala mo ang ama ng batang iniligtas mo nitong mga nakaraang mga araw.” Paliwanag ng lalaki kaya napahinto si Nanami sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD