Chapter 2

1082 Words
Brooklyn  Saglit akong natigilan ng makita ang hawak nya at pakiramdam ko ay naubos ang dugo sa mukha ko. Tumindig ako at lumapit sa kanya saka hinablot ang underwear ko. "I don't even know your name. Invitation my ass, pervert!" Pinaningkitan ko sya ng mata at ibinulsa ang thong ko. Isinuot ko bilis bilis ang sinelas ko. I heard him chuckle. "Quinn and I am not a pervert." "Whatever!" Inirapan ko sya at sinimulang hilahin ang maleta habang kapit ko sa kabilang kamay ang stilettos kong pula. "Kailangan mo ng tulong?" Natatawang tanong nya. "Mukhang hirap na hirap ka na." Nakakailang hakbang pa lang ako ay hinihingal na ako. Kung bakit naman kasi hindi pa ipinasemento ni Mommy ito. "Kaya ko!" Pagsusuplada ko sa kanya. "Okay, sabi mo eh." Patuloy ako sa paghila at ng lingunin ko sya ay palabas na sya ng gate. Tingnan mo itong taong ito, nagpapapilit lang ako ay nilayasan na ako. Tagaktak ang pawis ko ng marating ko ang pinto ng bahay. Finally! Nagbukas ang pinto at iniluwa ang isang babaeng nasa mahigit singkwenta ang edad. Sya siguro ang katiwala namin. "Hello po." "Ikaw si Brooklyn ineng?" Tumango ako. "Kamukhang kamukha mo ang iyong yumaong ina. Maupo ka muna at pawis na pawis ka. Ikukuha kita ng maiinom." "Salamat po." "Sana ay pinindot mo ang doorbell para natulungan kita sa gamit mo." May doorbell? My goodness hindi ko naisip 'yon. Hindi ko kasi alam ang ieexpect sa bahay ni Mommy. Batangas is a small town. Malay ko bang ganito kalaki ang bahay nya. "Manang Elsa, dito po ba kayo tumutuloy?" Uminom ako ng tubig. At least ay may kasama ako. Tumango ito. "Oo, pero ngayong gabi ay hindi na. Ikinuha kami ng apartment ni Sir Miguel. Habang nandito ka daw ay hindi kami titigil dito." "Po? Ako lang po mag isa sa bahay na ito?" Gulat na sabi ko. Hindi ko akalain na tototohanin ni Daddy ang banta nya sa akin. "Ang bilin nya ay tuwing katapusan pupuntahan kita dito para mag general cleaning. Bukod doon ay wala na." Anak ng tipaklong! Ako ang maglilinis ng buong bahay? Pati yung pool sa labas? "Ganoon po ba?" Bagsak ang balikat ko. "Matanong ko lang po, nagpapadala naman po si Daddy ng pambayad ng utilities para sa bahay hindi ba?" "Oo buwan buwan. Pero ngayong narito ka na daw ay ikaw na ang bahalang mag budget. Ang allowance mo ay sampung libong piso. Doon mo na daw kukunin ang pang kain at pambayad ng ilaw at tubig." My God! So no partying or shopping for me. I mean, ngayon ko lang naisip — may mall ba dito at mga club? "Pinuno ko ang ref ng pagkain at may bigas dyan. May rice cooker naman kaya makakapagsaing ka. May tinapay din sa table. Pang isang linggo lang ang nabili ko dahil iyon lang ang labis sa padala ng iyong Daddy. O sya, mauuna na ako sa iyo. Nakahanda na ang kwarto mo. Ang sabi ng iyong Mommy noon ay ang kwarto sa unahan na may balkon ang kwarto mo. Inayos ko na 'yon at malinis ang latag. Magugustuhan mo dahil nasa harap ay swimming pool at magandang hardin. Ito nga pala ang susi ng bahay at pati ng mga kwarto. Mag iingat ka. Kapag kailangan mo ng tulong ay puntahan mo lang sina Quinn. Mabait ang batang iyon pati ang kanyang ina, si Stella." Mabait? Si Quinn? Baka yung nanay nya pa. Pero hindi ko isinatinig ang opinyon ko. "Salamat po Manang. Hihintayin ko po kayo sa katapusan. Ingat po kayo." Nang makaalis sya ay humilata ako sa sofa. This house is huge. Maganda ang bahay nj Mommy. Ang alam ko ay pinagawa nya ito bago pa nya nakilala si Daddy. My Mom was an orphan at naswerteng ampunin ng isang mabait na mag asawa na walang anak. Sadly, my adoptive grandparents died in a car accident when Mom was only twenty one. Naiwan sa kanya ang ilang ari arian ng mga ito at kaunting pera. Iyon ang ginamit ni Mommy sa pagpunta sa Canada at nagtrabaho bilang Nurse at doon nya nakilala ang aking ama. My Mom's portrait is hanging on the wall. Her name is Belinda Dela Vega. Looking at her portrait is like looking at myself five years from now. Based on the date of her photo, she was twenty five. Ito ang edad na ikinasal sya kay Daddy. Napatingin ako sa maleta ko sa sahig. Sh*t! Paano ko ngayon bibitbitin ang maleta ko sa taas? Napahilamos ako sa mukha ko. Binuksan ko ang maleta ko at kinuha ang patas ng damit saka inakyat sa kwarto ko. Nakailang panhik panaog din ako at awa ng Diyos ay nadala ko na lahat sa kwarto. Bigla kong nakita ang repleksyon ng sarili ko sa salamin. Ang dungis ko na. Nagpasya akong maligo. Nai-lock ko na ang pinto sa ibaba. Buti na lang may water heater si Mommy dito. Sarap na sarap ako sa pagligo. Mamaya ay maliligo ako sa pool. I sent a text message to my Dad to let him know I arrived safely. As usual, I didn't get any reply. I am still using my number from Toronto. Nakalimutan kong bumili ng sim card kanina para sa local number. Nakita ko ang detalye ng wi-fi sa may fridge kanina. I got in successfully. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan. I connected it to the internet as well. I will be doing online classes for my last year in University. Panis lang sa akin ito basta ba may internet. Shems! Dagdag na naman sa ilaw at tubig ang bill mg internet. May cable pa nga pala. March break pa namin ngayon at sa first week pa ng Abril ang resume ng klase. Nakaramdam ako ng gutom at antok pero pinili kong tumulog na lang. Mamaya na ako kakain. Nagising ako ay alas kwatro na ng hapon at kumakalam na ang sikmura ko. Bumaba ako at kumuha ng tinapay. Nakarinig ako ng katok sa pinto at ng buksan ko ay hindi ko inaasahan ang taong nakatayo sa harapan ko. Si Quinn, may dalang plastic container at amoy na amoy ko ang bango ng adobo. "Bago ka mag sungit at mag isip ng kung ano ano — ayaw ko rin magpunta dito pero sabi ng nanay ko dalhin ko daw ito sa iyo at baka nagugutom ka na. O kunin mo na." Mukhang bagot ang mukha at iniumang sa akin ang dala nya.           ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD