Brooklyn
In fairness kahit mukhang hindi nya ako type eh masunurin sya sa nanay nya. Dagdag pogi points, ganun ba Brooklyn?
Inabot ko ang dala nya. "Extend my gratitude to your Mom."
Tumaas ang isang sulok ng labi nya. "Bakit kaya hindi ikaw ang mag sabi? May lakad pa ako. At saka hayun lang ang bahay namin o?" Itinuro nya ang katabing bahay na tanaw ko mula dito sa may pinto.
Napahiya naman ako dun. Where are my manners? Nauunahan kasi ako lagi ng magkahalong inis at pagnanasa sa lalakeng ito eh. Kasalanan nya ito!
"Fine, I'll drop by to see her after I eat. Happy now?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Tsk." Iyon lang at tinalikuran nya na ako at nagsimulang humakbang palayo sa akin.
Hindi ko rin natiis. "Did you already eat?"
He turned around and face me. "Bakit? Gusto mo akong kasalo? 'Yan na ba yung imbitasyon mo?" Nakakaloko ang mga salita nya.
I rolled my eyes. "I was just being polite! But I changed my mind, I'd rather eat alone than dine with a pervert like you." Tumalikod ako at akmang papasok na sa bahay dala ang container pero inilang hakbang nya ako at napasandal ako sa dahon ng pinto.
"Err — what the hell do you think you're doing?" Sino naman ang hindi mauutal sa posisyon namin ngayon. Ang lapit lapit ng mukha nya at katawan sa akin.
"Nakakailan ka na sa pagtawag sa akin ng pervert." Paanas na sabi nya. Halos pabulong sa may tenga ko.
"Isn't it the truth?" Matapang kong sagot sa kanya. I was gripping the container tight in my hand. Sheesh! Nakakalasing ang amoy nya. Ang bango bango.
"Hindi ka ba napapagod sa kaka inggles mo? Nasa Pilipinas ka na kaya mag tagalog ka."
Well, he has a point. Pero gusto ko lang syang asarin kaya panay ang inggles ko. Mukha namang hindi sya hirap umintindi.
"You can't tell me what to do." Asik ko sa kanya.
"Oh really?" I felt his breath fanning my neck. Hinipan nya ang tenga ko at sapat na iyon para mag init ang pagitan ng hita ko. F*ck!
"C-could y-you m-move away? You're too c-close." Sabi ko sa kanya.
"And if I don't?"
"Then I'll make you." Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob at nasabi ko iyon.
Narinig ko ang mahina nyang tawa. "I want to see you try, Brooklyn Dela Vega Saavedra." The way he said my name makes me want to melt in his arms. How did he know my name?
"H-how did y-you know m-my name?" Kandautal ako.
"Hindi mo ako naaalala o hindi mo ako namumukhaan? Alin?"
"Am I suppose to remember you?" Ako naman ang nalito.
"Sabagay, limang taon ka pa lang naman noon ng iuwi ka dito ng Mommy mo at hindi na kayo bumalik." Lalo akong nalito sa sinabi nya. My mother died when I was six on a car accident. Napakunot noo ako kahit hindi nya kita. Ganoon pa rin sa kanina ang posisyon naming dalawa. "Oh well, so much for friends forever." Bumuntong hininga ito at tumuwi ng tayo. Nakahinga ako ng maluwag ng malayo ang mukha at katawan nya sa akin. "I have to go." Pagkuway sabi nya at mabilis na lumakad palayo sa akin.
Ako ay nanatiling nakakunot. Pinagsasabi nya? Nagkita na kami? Friends forever? Psh. Whatever. Nang iangat ko ang takip ng container ay sumigid ang amoy ng adobo. Ayun lang, walang sinaing na kanin at gutom na ako! Hay buhay! Papapakin ko na lang. Umupo ako sa silya na nakataas ang dalawang paa at nagsimulang kumain. Ang sarap!
Nang matapos akong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko ay hinugasan ng mabuti ang container para ibalik sa nanay ni Quinn. Shems! Ni hindi ko alam kung ano ang apelyido nila. Tinuyo ko ang container at saglit na inilapag sa may coffee table. Umakyat ako sa taas at nag toothbrush. Kinuha ko ang isang bag ng chocolate sa maleta ko. Ibibigay ko na lang ito sa nanay ni Quinn. May isang bag pa naman ako. I love chocolates. Ang nakakapagtaka hindi naman ako tumataba at normal ang blood sugar ko. Siguro dahil active naman ako. Mahilig akong tumakbo at kahit anong sports. Madali sa akin ang pumick up ng kahit anong laro. Varsity ako ng soccer at basketball sa university bago ako napaaway. Letse kasing mga lalake 'yan. Hindi makuntento sa mga girlfriend nila, pati ako gustong patusin. Sorry na lang sila, wala akong type.
Ows? Hindi mo type si Quinn?? Napahilamos ako sa mukha ko. Puro na lang Quinn ang laman ng utak ko. Bwiset!
Isinara ko ang maleta ko at bumaba bitbit ang bag ng chocolates. Nasa may pinto na ako ng maalala ang container. Bumalik ako uli at kinuha. Hindi na ako nag abalang mag lock ng pinto. Wala naman sigurong mag aattempt pumasok sa bahay. At isa pa, saglit lang naman akong mawawala.
Ang init talaga dito. Sabi nila, buwan ng Marso ang sobrang init sa Pilipinas. Mabuti dito sa Batangas mas sariwa ang hangin. Kanina sa airport gusto ko ng himatayin sa banas, ang lagkit pa! Nag suot lang ako ng puting racerback at itim na shorts. Magsusuot sana ako ng sneakers pero tingin ko okay na itong sinelas ko. Itim na flip flops. Binaybay ko ang daan palabas ng driveway at lumiko sa kaliwa. Malapit lang ang bahay nila. Two storey din ito at moderno.. Hindi kasinglaki ng bahay ni Mommy at hindi mahaba ang driveway pero maganda ang disenyo at mukhang maaliwalas. May duyan sa gitna ng dalawang malaking puno. Gusto ko rin ng ganoon. Mag iipon ako at ipapalagay ko sa garden.
Nag doorbell ako at mayamaya ay lumabas ang isang babaeng sa wari ko ay ka-edad ni Mommy.
"Good afternoon po." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hello Brooklyn. Pasok ka." She smiled back.
Pumasok ako at inabot sa kanya ang bag ng chocolates at container ng binigay nyang ulam sa akin kanina. "Salamat nga po pala sa masarap na adobo."
"Naku, salamat dito. Mahilig ako sa tsokolate. Mabuti naman at nagustuhan mo ang luto ko. Dito tayo maupo." Tumigil kami sa terrace nila at naupo ako sa isa sa mga silya.
"Masarap po talaga." Puri ko sa luto nya.
"Gusto mo bang dito ka na lang maghapunan? Pagod ka pa sa byahe at siguradong tatamarin kang magluto."
"Nakakahiya po. Okay na po ako sa bahay, may tinapay naman."
"I insist. Dito ka na maghapunan. Ang Mommy mo noon ay madalas sa bahay namin. Palagi kaming nagluluto."
"Kaibigan nyo po si Mommy?"
"Oo. Hindi mo siguro ako natatandaan dahil hindi na kayo nakauwi uli." Lumambong ang mga mata nya. Naalala siguro ang pagkawala ni Mommy. "Matalik kong kaibigan ang Mommy mo. High school pa lang kami ay palagi na kaming magkasama. Sayang lang at maaga syang nawala."
"Ano po ang pangalan nyo Tita?"
"Anong Tita? Ninang mo ako Brooklyn." Bahagya syang natawa. "Noong bata ka pa, Mommy Ninang Tel ang tawag mo sa akin dahil hindi mo mabigkas ang S. My name is Stella Salcedo. Ano ba 'yan, pasensya ka na. Naiiyak kasi ako kapag naaalala ko ang Mommy mo eh. Sya kasi ang sumbungan ko ng mga problema ko noon. And looking at you now, para ko syang kaharap ulit. Magkamukhang magkamukha kayo at ang ganda ganda mo. Mas matangkad ka lang sa kanya."
Hala, kinakapatid ko si Quinn??
***