Brooklyn | Pilipinas
Baon ang sampung libong piso sa bulsa ko at nakasukbit ang backpack habang hila ang maleta ay naglakad ako palabas ng airport. I put on my Versace sunglasses immediately. Ang init init ng klima dito ngayong Marso at nanlalagkit na ako. Pakiramdam ko ay kumapit na lahat ng alikabok sa mukha at lahat ng parte ng katawan ko.
Ang kulay puti kong long sleeves ay kulay gray na sa itim ng usok galing sa mga tambutso ng sasakyan. Mabuti na lang at maong ang shorts ko. Lumapit ako sa isang taxi na nasa pila.
"Hi, I need to get to Batangas. How much is the fare?" Tanong ko sa driver na may katandaan na. Sa hula ko ay malapit na syang magsitenta.
Ngumiti ito. "One thousand pesos po Ma'am one way pero babalik pa po ako dito sa Maynila kaya bale dalawang libo po."
Agad akong nagkwenta sa isip ko kung magkano sa dollar 'yon. Singkwenta dolyar lang pala. Parang galing lang ako sa bahay namin papuntang airport. "Okay po Manong." Ibinigay ko ang address sa kanya.
Umibis sya ng sasakyan at inilagay ang maleta ko sa trunk habang naiwan sa akin ang backpack ko. Naupo ako sa loob at nakakwentuhan ko si Manong Efren.
May dalawa daw syang anak at parehong babae. Pawang may mga asawa na at tig isang anak. Silang mag asawa na lang sa bahay nila. Namamasada daw sya para hindi mainip sa bahay. Sisenta y sais na si Manong at hindi sapat ang pension na nakukuha nya kaya nagdadrive sya ng taxi paminsan minsan para may pangdagdag sa bayarin.
Isang oras lang ang byahe mula sa airport papuntang Batangas, salamat sa Star Toll at bumilis ang byahe pero nakaidlip pa rin ako. Alas onse na ng umaga ngayon dito at sa Toronto ay alas onse ng gabi.
"Ineng Brooklyn, gising na. Nandito na tayo sa harap ng bahay nyo." Tinapik tapik ako sa braso ni Mang Efren.
Naalimpungatan ako at napatuwid ng upo. "Nandito na po pala tayo. Pasensya na po kayo, nakatulog pala ako."
"Ayos lang Ineng, siguradong pagod ka sa byahe. Gabi yata ngayon sa bansang pinanggalingan mo." Nakangiting sabi nito.
Bumaba ako ng taxi at naglakad papunta sa gate. Ibinaba ni Manong ang maleta ko at inabot ko sa kanya ang bayad ko.
"Manong, heto po ang tatlong libo. Pang date nyo na po ni Manang." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Naku Ineng, maraming salamat. Hindi ko na tatanggihan iyan. Sya nga pala, ito ang address namin sa Maynila kung sakaling magawi ka o kailanganin mo ng tulong. Huwag kang mahihiya, bukas ang tahanan namin para sa iyo."
"Salamat po. Ingat po kayo pag uwi." Kumaway ako sa kanya at tinanaw ang taxi na umaandar na palayo.
Binuksan ko ang gate at hinila ko ang maleta ko papasok. Hindi ko alam kung ilang beses akong natapilok kahit nakakailang hakbang pa lang ako mula sa bukana. Medyo mahaba ang driveway na hindi sementado at puro graba papunta sa bahay na bato ni Mommy.
"Sh*t!" Nasira pa ang gulong ng maleta ko. Lalo akong mahihirapang hilahin ito ngayon. Kung magtapak na lang kaya ako? Masakit sa paa ang graba! Pakiramdam ko ay isang malaking bato ang hinihila ko. Sa inis ko ay itinumba ko ang maleta at umupo sa ibabaw nito at bubulong bulong na nagmura. Dinampot ko ang isang graba at itinapon palabas sa gate.
"Ouch! F*ck!" Narinig kong may nagsalita. Tinamaan ko pa yata.
Napalingon ako sa pinagbatuhan ko at nanlaki ang mata ko ng makita ang isang matangkad na lalake na may bahagyang kahabaan ang alon alon na buhok. Matangos ang ilong, mapulang labi na parang ang sarap halikan. F*ck! Sari sari na ang naiisip ko. Bakit kasi ang gwapo ng lalakeng ito. Tumayo ako at hirap na naglakad papunta sa kanya. Reminder to self: mag flats ka sa susunod.
"Did I just hit you?" Napangiwi ako.
"Ano sa tingin mo?" Salubong ang kilay nito at mukhang inis. Nagulat ako sa mata nya, kulay mapusyaw na asul. Hawak nito ang gilid ng leeg na mamula mula. "Kung napataas taas ang bato mo ay tinamaan na ako sa mata."
Pogi na sana ang sungit lang. "But it wasn't high enough so I only hit your neck." I rolled my eyes.
"Aren't you supposed to apologize? Bakit parang ako pa ang may kasalanan na natamaan ako?" Napahilamos ito sa mukha nya. Halatang inis na.
F*ck apology. Wala naman syang dugo at mukhang hindi naman malakas ang tama sa kanya ng graba. "Remind yourself to use the sidewalk across from my house."
Having said that, I turned around and walked back to my luggage. "Akala mo naman kung sinong hulog ng lupa! Bwiset!" Pero hindi pa ako nalalayo sa kanya ay natapilok na naman ako at bago ako tuluyang mag sungaba ay nasalo na nya ako. "Oh sh*t!"
Amoy na amoy ko ang sabon na ginamit nya at pati toothpaste. Ang lapit lang ng mukha nya sa akin. Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa dalawang matipunong braso na nakapalibot sa akin.
"Baka matunaw na ako nyan." Ngumisi sya.
Napahiya naman ako at namula. Nakatitig na pala ako sa kanya kanina pa at hindi ko alam kung gaano katagal.
"Okay na ako." Pinilit kong ilayo ang sarili ko sa kanya at tumayo.
"Gusto mo bang buhatin kita hanggang bahay mo? Kung bakit naman kasi nakatakong ka ng ganyan kataas eh ang tangkad mo na?"
"What do you care? I love these shoes."
Bigla itong bumunghalit ng tawa. "Mahal mo nga ang sapatos mo, eh yung buhay mo hindi mo mahal? Kung natapilok ka kanina, may sprain ka na sa paa at siguradong gasgas yang binti at maganda mong mukha."
He finds me beautiful? Ay shems! Bigla akong kinilig na naman.
"Wala ka bang sinelas sa maleta mo?" Tanong nya sa akin.
"I have flip flops." Bakit nga ba ngayon ko lang naisip 'yon?
Binuksan ko ang maleta ko sa gitna ng driveway at sa harap nya para kunin ang sipit ko.
"Found it!" Pero nang bunutin ko sa maleta ang sinelas ay may napasama at nasalo nya.
"Black lacy thongs huh? Is this an invitation?" Nakangising sabi nya sa akin.
Tinakasan ng dugo ang mukha ko. First day at my mother's hometown and I'm in trouble already. What's his name again?
***