---
MAAGA AKO NAGISING. Alas tres palang ng madaling araw ay gising na ako. Siguro sanay na talaga ang mga mata ko na magising ng maaga kahit isang linggo ako nakahilata dahil sa sakit ko.
Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Grabe ang lamig ng tubig sa madaling araw. Kapag malamig ang tubig sa probinsya ay nag-iinit ako ng tubig dahil subrang lamig talaga.
Hindi na ako nag-iinit ng tubig dito dahil tinatamad na ako lumabas.
After maligo ay pumunta na ako sa kusina para mag-almusal.
Kape at tinapay lang muna ang breakfast ko ngayun dahil kakain naman ako ng almusal mamaya. Ayaw ko kasing kumain ng kanin kapag nagtatrabaho ako. Inaantok ako kapag mabigat sa tiyan ang kinakain ko.
Kagaya ng dati ay kusina muna ang inuuna kung linisin dahil magluluto ako doon mamaya. At sunod naman ay ang dinning area. Doon kasi nag-aalmusal ang amo ko kaya need linisan.
Matapos kung maglinis do'n ay ang sala's naman ang sinunod ko. Mahirap linisin ang sala's dahil ang daming abubot at nakakatakot maglinis dahil maraming babasagin na gamit. Kaya nga inaabot ako ng isang oras sa sala's dahil ingat na ingat ako na wag makabasag at baka makabayad pa ako ng wala sa oras.
After one hour ay saka naman ako magluluto ng almusal ni sir Julio. Seven o'clock ang pasok ng amo ko sa work kaya 6am ay nagluluto na ako ng almusal.
Namiss ko ang pagluluto kaya ganado ako magluto ngayun. Pa kanta kanta pa ako habang sumasabay ang balakang ko sa kanta. Ganito ginagawa ko samin kaya madalas ay napagsasabihan ako ni inang na wag daw ako kumanta sa harap ng kalan at baka daw makapag-asawa ako ng matanda.
Hindi naman ako naniniwala dahil panahon pa 'yun ng kopong kopong. Atsaka iba na ang panahon ngayun. Wala ng maniniwala sa mga kasabihan na 'yan ngayun diba?
" Ang saya ah? Anong merun?"
Mabilis akong napalingon sa likuran ko ng marinig ko ang boses ng amo ko.
" Sir." Gulat kung sambit dahil nakakahiya kasi nakita niya akong sumasayaw. Nag-init tuloy ang pisngi ko sa hiya. Wala kasi nakakaalam na marunong akong kumanta at sumayaw dahil 'di ko pinapakita.
Si Inang at si Betty lang ang nakakaalam na marunong akong kumanta at sumayaw.
" Sorry, naisturbo ba kita?" Kapagkuwan ay tanong niya sakin na may ngiti sa labi at nakatitig sakin ng matiim.
" Ahm.." Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa labis na hiya kasabay ng pag-iwas ng tingin. Naiilang na naman kasi ako sa mga titig niya. At ito na naman ang puso ko dahil mabilis na naman ang t***k. " Hindi naman po sir."
" Pasensya kana huh? Nagugutom na kasi ako ey. Ano bang pagkain?" Tanong niya sabay lapit sakin at sinilip ang niluluto ko.
Hindi ko alam kung sinadya ba niyang idikit ang braso niya sa dibdib ko. May naramdaman kasi akong kiliti sa simpleng pagdikit no'n sa dibdib ko.
" Fried rice sir. Malapit na pong matapos." Aniya saka tinalikuran ang amo ko para tapusin na ang pagluluto.
Pumunta naman si sir sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung bakit ang aga niya nagising ngayun. Six thirty pa kasi ang baba niya para mag-almusal.
" Okey kana ba?"
Muli ay napapitlag ako ng sapuhin niya ang leeg ko dahilan para mapa-atras ako kasabay ng pagtitig ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sakin.
Natawa naman si sir Julio sa ginawa ko. " Ito naman, chene-check ko lang kung okey kana."
" Sorry po, pero maayus na po ang lagay ko." Wika ko.
" Mukha nga, umiiwas ka na naman sakin ey." Anito na may ngiti sa labi at napabuntong hininga. " Mas better pala na may sakit ka, kasi ang sweet mo sakin. Kapag wala ka naman sakit para akong may ketong na iwas na iwas." Naiiling na sabi pa ng amo ko.
" Sorry po."
Natatandaan ko 'yun. Nang magkasakit ako ay ang sweet ko nga sa kanya. Ewan ko kung bakit, siguro dala lang ng sakit ko. Namiss ko lang siguro ang pag-aalaga ni inang kaya nagawa ko 'yun.
Niyayakap ko pa nga siya kapag nilalamig ako ey. Kasi ang init ng katawan niya at gusto kung maibsan ang lamig na nararamdaman ko.
Ang sarap sa pakiramdam kapag may kayakap kapag may sakit. At si Julio ang nasa tabi ko noon kaya niyayakap ko siya. Dati kasi si inang ang kayakap ko kapag may sakit ako. Pero dahil wala si inang ay si Julio ang niyayakap ko.
" Pasensya na po sir. Gano'n po talaga ako kapag may sakit. Hindi ko naman po-"
" Ayus lang." Sansala niya sa sabihin ko. " Naiintindihan ko naman dahil may sakit ka. Sige handa muna ang almusal sa dinning area." Pagkasabi no'n ay lumabas na siya ng kusina habang nakaseryuso ang mukha.
Nakaramdam naman ako ng guilty dahil sa inasal ko. Nag-magandang loob na nga ang amo ko tapos minamasa ko pa. Ayaw ko lang masanay sa presensiya niya at baka hanap hanapin ko.
Mamaya mahulog pa lalo ang loob ko sa kanya. E 'di ako naman ang kawawa diba? Bored lang 'yan si sir kaya mabait sakin.
Malalim akong napabuntong hininga saka sinalin ang fried rice sa mangkok. At pagkatapos ay dinala ko sa dinning area. Nakita kung may kausap sa phone si sir Julio kaya hinayaan ko lang at kinuha ang mga niluto sa kusina para makakain na ang amo ko.
Nang matapos kona maihanda sa mesa ang mga pagkain ay nagtimpla naman ako ng kape saka dinala sa dinning area. Tapos ng makipag-usap si sir Julio sa phone at kumakain na kaya nilagay ko sa tabi niya ang isang tasang kape.
" Sumabay kana, neneng. Alam ko hindi kapa nakain." Wika ni sir sa walang emosyon ang mukha.
Nakaseryuso ito habang nakatingin sakin. Parang hindi na ako sanay kapag nakaseryuso siya. Mas gusto ko 'yung palaging nakangiti at palasalita.
" Opo sir." Tugon ko saka naupo sa tapat ng amo. hindi na ako nahihiyang sumabay sakanya kapag kumakain dahil palagi kaming sabay kumain no'ng may sakit ako.
Hindi lang ako sanay ngayun dahil ang tahimik niya habang nakaseryuso ang mukha. Noong may sakit kasi ako madaldal ang amo ko kaya palagi kami may topic. Ngayun naman ang tahimik niya at walang imik dahil siguro sa nangyare kanina.
Ayaw ko naman kasing masyado siyang mapalapit sakin. Mamaya mahulog ang loob ko sa kanya kapag subrang bait niya sakin.
Mabait si sir Julio at nakita ko 'yun noong nagkasakit ako. At hindi lang 'yun, ang sweet niya pa sakin kaya palagi na lang bumibilis ang t***k ng aking puso.
Ayaw ko lang masaktan kaya umiiwas ako. May pakiramdam kasi ako na nahuhulog na ang loob ko sa kanya kapag hinayaan ko siyang maging malapit sakin.
Kailangan kung tikisin ang nararamdam ko dahil ayaw kung umiyak sa huli. Hindi kami bagay dahil amo ko siya at katulong ako.
Hindi kami pwede kung sakali mang mainlove ako sa kanya dahil mayaman siya at mahirap lang ako.
Ayaw ko ng issue at gulo dahil hindi ko pinangarap iyon. Ang gusto ko lang ay makapag-asawa ako na mai-aahon kami sa hirap. Pero mahal ako at kaya ako ipaglaban.
" Mamalengke ka ba ngayun?"
Napaangat ang ulo ko at napatingin sa amo ng marinig ang boses nito. Nakita kung nakatitig siya sakin kaya kumabog na naman ang puso ko.
" Opo sir." Sagot ko saka nag-baba ulet ng tingin dahil nakatitig na naman siya. Kapag talaga tumititig sakin ang amo ko ay naiilang ako. Hindi ko kayang sabayan ang titig niya.
Narinig kung napabuntong hininga si sir Julio bago nagsalita. " Sige, kunin muna lang ang pera sa taas." Aniya saka tumayo nasa kinauupuan.
Muli ay tumingin ako sa kanya. Tapos na siyang kumain kaya tumayo na. Tumalikod na ang amo ko saka naglakad na palayo kaya nahabol kona lang siya ng tingin.
Napahugot ako ng malalim na hininga. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Parang ang bigat dahil ang seryuso niya. Parang namimiss ko 'yung Julio na nag-alaga sakin ng isang linggo.
Julio na sweet at mabait. Hindi 'yung ganito na parang ang lamig lamig niya. Pero ayaw ko naman masaktan kaya umiiwas ako.
Bakit ba ganito?
Maiinlove pa ako sa isang katulad pa ni sir Julio.
Napasapo ako sa mukha dahil sa inis na nararamdaman ko. Ganito marahil kapag dalawa lang kami sa loob ng mansion. Kung ano ano na lang nararamdaman ko. Pati bawal ay nararamdaman kona.
Hindi naman ako madaling mainlove sa isang lalake dahil namimili ako na swak sakin. Pero bakit kay sir Julio pa? Inlove ba ako sa kanya kaya ganito ako?
Pero bakit? Dahil naging sweet siya sakin at mabait kaya ganito ang nararamdaman ko?
Inis akong tumayo sa kinauupuan ko dahil naguguluhan ako. Ayaw kung mainlove sa kanya dahil ang tanda niya para sakin at hindi lang 'yun mayaman siya. Paano kung ayaw ng anak niya sakin diba? Atsaka magkakagusto ba sakin si sir Julio sa katulad ko?
Syempre maraming babae na mas maganda pa sakin at mayaman pa. Kaya lang naman siya naging mabait sakin dahil may sakit lang ako at walang ibig sabihin. Baka nga bored lang matanda at ako ang nakita.
Dapat iyon ang isipin mo, Neneng.
Sabi ko sa utak ko.
Nag ligpit na ako ng pinagkainan namin para makuha kona ang pera sa taas bago umalis ang amo ko.
Nang matapos ay iniwan ko muna sa lababo ang mga hugasan saka umakyat sa taas. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ay kumatok ako sa pintuan bago binuksan ang pinto.
Nagulat ako ng makita kung nakahubad si sir Julio habang nakatalikod sakin at napatulala. Parang may kakaiba akong naramdaman ng makita ko ang hubad niyang katawan.
Hindi ako napansin ng amo ko sa may pintuan dahil nakatalikod siya sakin habang nagsusuot ng brief. Kita ko tuloy ang bilogan niyang pang-upo. Minsan kona iyon nahawakan ng magseks kaming dalawa. God! Ang lambot niya.
Napakagat pa ako sa ibabang labi habang nakatitig sa hubad na katawan ng amo. Ang sarap titigan ng katawan ni sir Julio dahil napaka-macho nito at ang laki ng katawan.
Hindi halatang may edad na dahil yummy parin tignan. Alaga kasi ang katawan ng amo dahil palaging naggi-gym at nagjajaging sa umaga.
Subrang tigas 'din ng katawan ng amo ko dahil naramdaman ko 'yun ng minsang magseks kaming dalawa.
Feeling ko tuloy namamasa na ako habang nakatitig sa katawan ng amo ko at inaalala ang nangyare samin dalawa kaya hindi ko napansin na nakaharap na sakin ang amo ko.
Naka-tulala parin ako at nangangarap ng gising.
" Neneng."
Doon lang ako natauhan ng marinig ko ang boses ni sir Julio. Napakurap kurap ako ng mga mata kasabay ng pag-iwas ng tingin at napagtanto ang ginawa kaya napakagat ako sa ibabang labi dahil sa labis na hiya.
Shit! nahuli ako ugh!
Kinastigo ko ang aking sarili.
" Ahm.. sir." Hindi ko malaman kung anong sasabihin dahil nahuli ako ng amo ko habang nagbibihis ito. Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko habang kinakabahan.
Malay ko bang nagbibihis siya?
Bakit ka nakatitig?
Tanong ng isip ko.
" What?" Tanong ng amo ko.
Hindi ako makatingin sa amo ko sa labis na hiya. Pa-iwas iwas pa ako tapos makita ko lang nakahubad ang amo ko ay napapatulala na ako.
" Kunin ko lang po ang pera." Mabilis kung sagot para hindi ma-utal.
" Oh.. here." Ani sir Julio kaya tumingin ako sa kanya. Nasa bed table ang ilang libong pera kaya lumapit ako do'n. " Alam muna ba ang bibilhin mo?" Tanong pa ni sir Julio ng makuha ko ang pera sa ibabaw ng bedtable.
Tumango naman ako na hindi tumitingin dito. Pero ramdam ko ang mga titig niya kaya parang nag-iinit ako.
" Good. Umuwe ka kaagad. Baka saan kapa pumunta." Ani sir sa galit na boses. Nagtaka naman ako dahil bakit galit ang tono niya? Atsaka mag-gala? Wala nga akong alam dito sa manila.
Palagi nga lang ako nandito sa mansion at hindi maka-gala dahil wala akong alam sa maynila. Mamaya kasi ay maligaw pa ako kapag gumala ako.
Kahit sabihin na 3 months na ako dito pero wala pa akong alam na pasiyalan dito.
Tanging mall, palengke at simbahan lang ang alam ko.
" Sige po, sir." Paalam ko saka naglakad na patungo sa pintuan. Hindi na ako lumingon dahil ramdam ko naman na nakatitig siya sakin.
Napahugot na lang ako ng buntong hininga ng makalabas ng kwarto ni sir at lumakad na palayo ng silid.