---
ISANG LINGGO AKONG NAGKASAKIT kaya isang linggo rin akong hindi nag-trabaho. Hindi naman ako inobliga ni sir na magtrabaho dahil may sakit nga ako. Bagkus ay inalagaan niya pa ako habang may sakit ako. Sweet no?
Biruin niyo amo, inaalagaan ang katulong? Saan kapa hehe. Saan kaya merun ganitong amo? hehe.
Bago siya umalis ng mansion para magtrabaho ay nagpapadeliver muna siya ng pagkain dahil 'di marunong magluto si sir Julio. Then bago siya umalis papunta sa trabaho niya ay sinisiguro niyang may pagkain na ako at gamot.
Para sakaling wala siya ay maayus ako. Nahihiya na nga ako dahil inaalagaan niya pa ako. Pero sabi naman niya ay ayus lang dahil sakanya kung bakit ako nagkasakit. Parang sinisisi niya ang sarili niya kung bakit may sakit ako ngayun. Wala naman akong sinasabi at tahimik lang ako.
Pagdating naman sa gabi ay nag-uuwe siya ng pagkain at sabay kaming kakain sa kwarto ko imbes sa dinning area. Walang arte arte at doon siya kumakain.
Natutuwa naman ako dahil 'di ko akalain na may ganitong ugali pala ang boss ko. Mabait, malambing at sweet.
Hindi niya ako pinapagalitan para magtrabaho. Pinapagalitan pa nga niya ako kapag kumikilos na ako dahil 'di pa daw ako magaling.
Nahihiya na kasi ako sa amo ko. Biruin niyo wala na akong ginagawa tapos inaasikaso pa niya ako diba? Nakakahiya kaya 'yun. Kahit naman laking probinsya ako ay hindi naman ako ignorante. Alam ko kung saan ako nakalagay. Hindi dapat ako nagiging kampante kung mabait ang amo ko diba?
Pero alam ko naman na mabuti siyang tao. Sa isang linggo kung hindi nagtrabaho ay wala akong narinig mula sa kanya. Ang tanging maririnig ko lang ay ang pag-aalala niya sakin. Kaya palagi na lang bumibilis at kumakabog ang puso ko kapag andiyan lang siya.
Hindi ko alam kung bakit. Pero kapag malapit lang siya sakin. Kapag wala naman siya ay kampante ang puso ko. Ewan ko ba.
Hindi naman pwede na inlove ako sa amo kasi malabong mangyare 'yun. Pero bakit bumibilis ang t***k ng puso ko?
Atsaka minsan namimiss ko siya kapag mag-isa lang ako sa kwarto ko. Namimiss ko 'yung pag-aalaga niya sakin. Inlove na ba ako sa kanya?
Hindi pwede. No.
Hindi ako pwede mainlove sakanya dahil matanda na siya at bukod do'n ay amo ko siya, katulong lang ako. Kaya lang naman may nangyare samin dahil sa nangutang ako sa kanya. Atsaka kaya lang mabait siya sakin kasi may sakit ako.
Mabait lang siya period.
Napatitig ako sa pintuan ng kwarto ko ng pumasok si sir Julio na may dalang pagkain. Hindi siya pumasok ngayun dahil day off daw niya. Magaling na ako pero hindi parin niya ako pinapakilos. Bukas na lang daw para mas makapagpahinga ako ngayun.
Panigurado ay ka bundok na ang labahan ko dahil isang linggo na akong hindi naglalaba. At subrang alikabok na ng mansion. Mahihirapan ako nito subra dahil ako lang naman ang katulong sa mansion.
Malaki nga sweldo pero bugbug naman sa trabaho.
" Kain na tayo." Wika ni sir ng makalapit saka nilagay ang tray sa maliit na mesa. Doon kami nakain ni sir na dalawa kapag sabay. Nasanay na siya at parang gusto ako palaging kasalo sa pagkain.
" Wow." Sambit ko ng makita kung masasarap ang mga ulam. Bale tatlong putahe siya at parang galing sa karinderia ang mga ulam. " Saan mo binili 'to sir?" Tanong ko habang tinutulungan ko siya mag-salin ng ulam sa mangkok.
" Diyan sa labas. Nagsasawa na kasi ako na puro fastfood ang kinakain natin." Tugon ni sir.
Nitong mga nakaraan araw kasi ay puro kami fastfood chain. Minsan naman ay galing sa mga restaurant pero hindi ko trip mas gusto ko pa jollibee kaya iyon binibili ni sir.
Natutuwa nga ako dahil sinusunod niya ang gusto ko. Para tuloy kaming mag-asawa habang kaming dalawa lang dito sa mansion at inaalagaan niya ako.
Feeling ko ay masarap magmahal si sir Julio dahil ngayun pa nga lang ay nakikita kona kung paano niya ako alagaa.
" Bakit?"
Napakurap kurap ako ng mga mata ng marinig ko ang tanong ni sir Julio sakin dahil 'di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.
Ngumiti naman ako kasabay ng pag-iling. " Wala po."
" Bakit? Naalala mo siguro tatay mo no?"
Natawa ako ng malakas ng sabihin ni sir Julio iyon. Seryuso? tatay talaga? Hindi nga siya mukhang tatay ey. At parang hindi tumatanda sa kanyang itsura. Sabagay ay alaga ni sir ang sarili niya.
Palaging nag-eexercise at maingat sa pagkain. Ngayun lang siya kumakain ng mga ganito dahil sakin.
" Hindi po. Mas matanda pa po ang tatay ko sainyo. Atsaka patay na po siya." Aniya.
" Sorry."
" Ayus lang po sir." Aniya na may ngiti sa labi. " Salamat 'din po pala sa pag-aalaga sakin huh?" Kapagkuwan ay sambit ko.
" Wala 'yun. Kain na." Aniya na nagsimula ng kumain si sir
Magana naman akong kumain dahil ang sarap ng ulam ngayun. May sinigang, adobo at gulay. Paminsan minsan naman ay napapalingon ako kay sir at nginingitian ko siya.
Kaya lang bumibilis ang t***k ng aking puso kapag nginingitian niya rin ako. Paano ba naman lalo siyang gumagwapo sa paningin ko kahit may edad na si sir Julio.
OH EM GI!
---
AFTER NAMIN MAG TANGHALIAN ni sir Julio ng sabay ay nagkusa na akong maghugas dahil nakakahiya na talaga at okey na naman ako. Talagang pinilit ko siya dahil ako ang katulong parang siya na ang katulong ngayun.
" Ako na baka mabinat ka." Wika ni sir sa mahinahong boses habang kinukuha ang pinggan mula sa kamay.
Ako naman ay nilalayo ko sa kanya ang pinggan na hawak para 'di niya makuha. " Ako na ho sir. Okey na naman po ako ey. Atsaka nakakahiya na po talaga." Wika ko.
Kaya lang makulet ang matanda. Ganito siguro kapag may edad na, makulet. Okey na ako ey, kung tutuusin ay pwede na ako kumilos. Kaya lang itong amo ko, ang Oa. Kailangan daw bukas na ako maglinis. Baka daw mabinat ako, wala naman samin ang binat binat.
Kakapilit ni sir Julio sa pagkuha ng pinggan sakin ay magkadikit na ang aming katawan at nayayakap na niya ako dahil nasa loob ako ng mga braso niya.
Natigilan lang siya ng mapansin na nasa loob na ko ng mga braso niya at napatitig sakin. Nagkatitigan kami habang magkahinang ang mga mata namin dalawa.
Kumabog naman ang puso ko habang nasa loob ako ng mga braso niya at magkadikit ang aming mga katawan. Corner na ako dahil nasa likod ko ang ang lababo. Ramdam ko tuloy ang init na nagmumula sa kanyang katawan.
Para tuloy lalagnatin na naman ako habang magkadikit ang aming mga katawan. At parang may nararamdaman akong kakaiba sa aking katawan.
" Sir." Sambit ko dahil parang nag-iinit ako. Lalagnatin ba ako ulet?
" Neneng." Sambit naman niya sa pangalan ko habang titig na titig sa mga mata. May nakikita akong emosyon sa kanyang mga mata habang matiim na nakatitig.
" A-ako na po maghuhugas." Kapagkuwan ay sabi ko kasi 'di ako pwede magpadala sa sinasabi ng katawan ko. Kagagaling ko lang sa sakit at baka madala na naman ako sa hospital kapag hinayaan ko si sir.
Atsaka haler, hindi naman kami ni sir Julio. Bakit ako magpapahalik o magpapagalaw sa kanya. Kaya lang naman nangyare 'yun kasi need ko ng pera.
Pero aaminin ko, namimiss kona ang halik niya sakin at haplos niya. Ang sarap naman kasi humalik ni sir Julio at nakakahibang ang mga haplos niya. Kaya lang hindi ako pwede magpadala sa sinasabi ng katawan ko dahil kawawa ako sa huli. Tama na 'yung nangyare samin at hindi na dapat maulet pa.
" Sorry, sige hugas kana." Aniya at lumayo sakin kasabay ng pagbuntong hininga.
" Sige po." Tumalikod na ako kay sir at napakagat sa labi. Ramdam ko pa kasi ang init ng katawan ni sir sakin. Parang dumikit sa katawan ko ang init niya.
Hindi pwede, kailangan kung pigilan kung anoman 'tong nararamdaman ko. Tigang lang si sir kaya ako ang nakikita niya.
Walang patutunguhan ang init ng katawan ko dahil ako lang ang kawawa sa huli.
Tinapos kona ang paghuhugas ko saka bumalik sa kwarto at naglock ng pinto para hindi makapasok si sir Julio.
Nagkulong lang ako sa kwarto habang nanunuod ng TV. May sariling Telebisyon kaya nakakanuod ako ng Tv. Kapagkuwan ay tumunog ang cellphone ko.
Hindi na pala siya de keypad dahil nakabili na ako ng mga cellphone ng mga taga maynila. Touch screen na ang gamit ko ngayun pero bihira ko lang gamitin dahil nabububo pa ako. Medyo nahihirapan pa ako kahit tinuruan na ako ng binilhan ko dati.
Mura lang naman ang bili ko mga 3 thousand. Nanghihinayang kasi ako kapag 'yung mahal ang binili ko. Kailangan kung magtipid dahil may pinag-iipunan ako. Kailangan ko kasi ipaayus ang bahay namin dahil sira sira na.
Atsaka hindi naman ako materialestic na tao. Kaya na lang naman ako bumili ng touch screen kasi sabi nila maganda daw. Maganda nga, nakakabubo naman.
Ang madalas ko parin gamitin 'yung de keypad kasi madali lang gamitin.
" Hello?" Sagot ko sa tawag. Si Betty ang tumatawag.
" Mabuti naman at sinagot mo? Aba! kanina pa ako tawag ng tawag sayo." Mataray niyang wika mula sa kabilang linya.
" Sorry, naghugas kasi ako ng pinggan. Bakit ang init ng ulo mo?" Tanong ko dahil ang init init ng ulo niya.
Narinig kung napabuntong hininga si Betty sa kabilang linya at parang badtrip ito.
" Buset na lalaking 'yun. Hindi ako pinaraos tsk." Sumbong ni Betty sakin at panigurado ay mahaba na naman ang nguso nito.
Ganito naman si Betty kapag nabibitin sa seks kinakausap ako o kaya tumatawag sakin para lang magsumbong.
Malibog 'din kasi ang babaeng 'to ey, kapag hindi nakakaraos ay nagagalit at mainit ang ulo. Mabilis kasi matapos si Obet ang boyfriend ni Betty kaya nabibitin ang kaibigan ko.
Minsan pinagtatawanan kona lang si Betty dahil pati sa pagseseks ay pinoproblema pa niya.
" Ang bagal mo naman kasi labasan ey. Nauunahan ka tuloy ni Obet." Pang aasar ko sa kanya kasabay ng pagtawa.
" Ang sabihin mo hindi magaling mag-romansa ang lalaking 'yun kaya ang tagal kung labasan." Galit parin na sabi ni Betty.
" Tumagal nga kayo hindi parin magaling?" Anang ko sakanya.
Palagi naman sinasabi ni Betty na hindi daw magaling si Obet pero tumagal naman sila ng tatlong taon. Ganito lang talaga ang kaibigan ko. Kapag nabibitin sa seks ay kung ano ano sinasabi.
" Mahal ko ey."
" Mahal mo pala ey. Magdusa ka diyan. Kung gusto mo magsarili kana lang." Turo ko pa sa kanya.
" Ayaw ko nga! Hindi masarap." Parang nagdadabog na sabi nito. Panigurado ay subrang sama na ng mukha ni Betty ngayun.
" Bahala ka."
" Teka nga muna, kumusta kana pala? Magaling kana ba?" Maya-maya'y pag-iiba niya ng usapan. Alam ni Betty na may sakit ako dahil sinabi ko sakanya.
Hindi na nga ako nakauwe sa bicol at pinadala kona lang ang pera para ma-operahan si inang. Okey na daw ang ina ko at nagpapagaling na sabi ni Betty.
Nalulungkot ako dahil 'di ako nakauwe samin kasi nga sumabay pa ang sakit ko. Pambihira kasi ang lalaking 'yun ey, inararo ang p********e ko.
" Oo, magaling na ako. Si inang? kumusta?" Tanong ko.
" Okey naman siya. Hinahanap ka." Aniya.
Napahugot naman ako ng hininga dahil miss na miss kona ang inang ko.
" Sabihin mo kapag pinayagan ako ng amo ko ay uuwe 'din ako." Malungkot kung sambit.
" Sige, basta mag-iingat ka diyan huh? Namimiss na kita ey."
" Miss na rin kita, namimiss kona ang inuman natin at mga bonding." Aniya habang nakanguso.
Namimiss kona ang bonding namin ni Betty. Kapag may extra kaming pera ay nag-iinuman kami ng kaibigan ko. Iyon lang ang bisyo namin dalawa hanggang sa malasing kami.
Mahina lang kasi kami sa alak. Dalawang bote lang na mutcho ay bagsak kaming pareho kaya sa bahay kami nag-iinuman dahil mahirap na kapag sa ibang bahay kami nag-iinuman.
" Basta sabihan mo ako kung kailan ka uuwe para masundo kita sa bayan." Wika ni Betty.
" Sige."
" Sige na, mamaya na ulet bes. Hahanapin ko muna ang lalaking 'yun." Paalam niya sakin kaya nagpaalam na rin ako.