Neneng o5

1997 Words
JULIO DE SILVA --- NAPAHUGOT naman ako ng malalim na buntong hininga habang nakasunod ang tingin kay Neneng. Hindi ko alam kung bakit siya umiiwas sakin. Kahit ramdam ko naman na gusto niya ang ginagawa ko. Kaya ko nga siya inalagaan noong may sakit siya para mapalapit siya sakin pero parang mas lalo lang siya lumayo. Naging mabait at sweet lang siya noong may sakit si Neneng. Hindi ko alam kung bakit nababaliw ako sa katulong ko. Siguro noong may nangyare samin at nalaman kung birhen pa siya kaya naging ganito ako. Unang nasilayan ko palang ang mukha niya ay may kakaiba na akong nararamdaman sa katulong ko kaya nga ninais ko siyang maangkin ng humingi siya ng tulong sakin. Hiniling kung makipagseks siya sakin dahil pinagnanasaan kona siya noon pa. Hindi nga ako makapaniwala na pumayag siya agad. Marahil mahal na mahal niya lang talaga ang ina kaya nagawa niya iyon. Humanga ako kay Neneng dahil gagawin ang lahat para sa pamilya niya. Nakaramdam ako ng inggit sa nanay ni Neneng dahil may gano'n siyang anak. Hindi katulad ng anak ko. Hindi manlang ako madalaw dito sa pilipinas. Gusto ko nga sila maglagi dito sa pilipinas para makasama ko sila pero mas mahal niya ang asawa niya. Hindi naman ako makapaghanap ng babaeng makakasama ko sa buhay dahil minsan na akong naloko. Simula no'n ay pinagbawalan na ako ng anak kona wag ng mag-asawa dahil baka daw makuha ko ay gold digger kaya simula no'n ay wala na akong denedate na babae at puro negosyo na lang ang inaasikaso ko. Pero nakakabagot 'din ang ganitong buhay. Bahay, trabaho lang ang ginagawa ko. Kaya minsan ay lumalabas ako at nagpipick up ng babae sa bar at dinadala ko sa motel para maglabas ng sama ng loob este ng init ng katawan. Minsan lang naman 'yun kapag naisipan ko lang mambabae. Minsan naman ay nakakawalang gana 'din kapag palaging ginagawa. Hindi naman kasi ako babaero na tao. Isa lang ang minahal ko at ang asawa ko lang namayapa na. Wala akong ibang naging babae sa buhay ko kundi ang asawa ko lang. Hindi ako babaero no'ng kapanahunan ko dahil marami akong mga kapatid na babae kaya hindi ako naging babaero. Naranasan ko lang maging babaero no'ng mamatay ang asawa ako. Kaliwa't kanan ang babae ko no'n pero lahat sila kinakama ko lang hanggang sa may nakilala akong babae. Bata pa siya. Actually mahilig ako sa bata dahil ang sarap nila dahil fresh pa. Pero niloko lang ako ng babaeng 'yun. Ang akala ko ay makakasama kona siya sa pagtanda ko pero nagkamali ako. Halos dalawang taon na kami ng babaeng 'yun tapos malalaman ko may iba pala siyang mahal at ginagamit lang ako. Simula noon ay hindi na ako nakikipaglapit sa mga babae. Nagpipick up na lang at nagpaparaos. After no'n ay wala na dahil mahirap na maloko ulet. Tapos ngayun kay Neneng naman ako nababaliw kapag nakikita ko siya. Paano ba naman nakakabaliw ang katulong. Maganda na at seksi pa. Nakakalibog pa ang katawan ng dalaga dahil napakaseksi nito at makinis. Nakakabaliw kapag nakikita ko siyang nakasuot na maiksing short at hapit na damit. Kaya nga palagi ako napapatingin sa kanya at hindi ko mapigilan. Magkaroon ba naman ako ng magandang katulong ay hindi ako malibugan. Bukod do'n ay mabait pa sa pamilya. Gusto ko ang mga gano'n babae, mabait sa pamilya. Parang namayapa kung asawa, napakabait niya sa pamilya. At hindi na rin kasi ako masyado lumalabas ngayun para magpick up ng babae at magpasabog. Basta nawalan na ako ng gana. Kaya si Neneng na lang ang pinagnanasaan ko ngayun. Gusto ko ulet maramdaman ang malambot niyang katawan pero paano ko naman magagawa 'yun kung palagi siyang lumalayo sakin. Napahugot ako ng hininga at lumabas na lang ng kwarto. Naisip kung hindi katulad si Neneng ng ibang babae na madali masilo. Parang mahirap siyang lapitan at kumbinsihin. Hindi ko nga alam kung bakit napapansin ko siya samantalang katulong ko lang naman siya. Hindi ko alam kung bakit ako nababaliw sa dalaga. Siguro dalawa lang kami dito sa mansion kaya napapansin ko siya. At wala lang ako mapagbalingan kaya si Neneng ang pinagnanasaan ko. Umalis na ako ng mansion at pumasok sa kumpanya ko. --- NENENG: MATAPOS KUNG MALINIS ang trabaho ko sa baba at ibang kwarto ay sa kwarto naman ng amo ko naglinis. Kaagad kung naamoy ang perfume na ginamit ng amo ko. Ang sarap sa ilong ang pabango'ng ginamit niya pero hindi ko alam kung anong brand. Pumunta ako sa banyo para kunin ang mga labahan ni sir saka nilabas sa kwarto. Una kung nilinis ang banyo ni sir Julio bago ang kwarto nito. Hindi naman madumi ang banyo ng amo ko kaya madali lang linisan. Kunting kuskus lang at punas tapos na hehe. Malinis naman sa gamit ang amo ko at hindi busabos kaya madali lang maglinis. Lumabas na ako ng malinis kona ang banyo. Sunod kung nilinisan ang walking closet nito. Kagaya ng banyo ay malinis 'din ang walking closet ng amo ko. Kunting kalat lang naman ang inayus ko doon dahil medyo magulo ang mga pambahay ng amo ko. Grabe nalula ako sa dami niyang mga damit at pants. Pati mga ginagamit niya sa trabaho ay napakadami 'din. Ganito talaga kapag mayaman maraming damit dahil marami silang pera. At halata ring masinop ang may ari dahil ang linis ng loob at walang gulo. Nang mapunta ako sa mga brief at boxer ni sir Julio ay napangiti ako. Halata kasi malaki ang kargada ng amo ko dahil ang laki ng nasa harapan no'n. " Ang laki naman nito." Nakangiti kung sambit at inamoy pa. " Ang bango." Kinilig pa ako sa ginawa ko. Kung makikita lang ako ng amo ko ngayun ay matinding kahihiyan na naman. Amuyin ba naman hehe. Matapos amo'y-amuyin ang brief ng amo ko ay tumayo na ako mula sa sahig at nag-walis na bago nag-mop sa loob. Nilinis ko 'din ang mga lagayan ng sapatos at mga sapatos. After that ay lumabas na ako at lumakad patungo sa kama. Nahiga ako do'n at tumihaya saka tumitig sa kisame bago humugot ng malalim na buntong hininga. Magpapahinga muna ako dahil kanina pa ako pagod. " Ang sarap ng ganitong buhay. Kailan ko kaya mapapahiga si inang sa ganitong kalambot na kama? Sana manlang mabigyan ko siya ng magandang buhay bago siya mawala sa mundo." Sabi ko sa aking sarili. Kumibot ang labi ko habang nakatitig parin sa kisame. Kung tutuusin ay pwede kung akitin ang amo ko at paibigin para gumanda ang buhay namin ni inang dahil halata naman na may pagnanasa sakin ang matanda. Gagamitin ko 'yun para gumanda ang buhay namin ni Inang. Pero hindi ko gagawin 'yun dahil kasalanan sa diyos 'yun. Kahit ganito naman ang ugali ko ay maka-diyos naman ako. Salbahe man ako minsan ay nagsisimba naman ako. Atsaka hindi ako gano'n na tao, manggagamit ng ibang tao para guminhawa ang buhay namin. Ayaw ko ng gano'n, gusto ko mahal namin ang isa't isa. Mayaman ka nga, masaya kaba? diba. " Pero saan naman kaya ako kukuha ng lalaking magpapagaan ng buhay namin?" Tanong ko ulet sa sarili ko. Kahit hindi mayaman basta kaya kaming buhayin ni inang. Kapagkuwan ay napabalikwas ako ng bangon mula sa kama at sumimangot. " Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Asawa agad? Ang sarap sarap ng buhay ko tsk." Sambit ko sa aking sarili at huminga ng malalim. Umalis na ako sa kama at nagsimula ng maglinis dahil mamalengke pa ako mamaya. Natuto akong mamalengke dahil sa amo ko. Tinuro niya sakin kung saan ang palengke, mall at simbahan. Actually ay palengke lang at mall pero nagtanong kasi ako kung saan ang simbahan para makapagsimba manlang ako tuwing linggo. Atsaka kapag linggo ay nakakapunta ako sa park. Mayroon kasi maliit na park malapit sa simbahan kaya natambay muna ako do'n bago umuwe. Kaya lang nakaka-bweset dahil napagkamalan akong ka date ng mga lalaking lumalapit sakin. Mukha ba akong naghahanap ng ka date? Hindi ko nga magamit ang cellphone na binili kung touch screen kasi nabobo talaga ako. Gusto ko sanang mag-paturo sa amo kung lalake kaya lang nahihiya naman ako. Matapos maglinis sa kwarto ni sir Julio ay sinalang ko naman ang mga labahan sa washing machine para mamaya ay sasampayin kona lang. Pumunta ako sa kwarto ko para magbihis dahil mamimili na ako. Isang simpleng blouse at pantalon ang sinuot ko. Ayaw kona kasing magsuot ng maliit na short dahil pinagtitinginan ako ng mga lalake sa labas. Putcha! Kung maraming manyakis samin mas marami palang manyakis sa manila, lalo na sa palengke. Kahit mukhang chararat napaka-angas, feeling pogi tsk. Matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at cheneck muna ang mga gamit sa mansion bago umalis. Ngayun na ako mamalengke para mamaya ay dere-deretso ang pahinga ko. Maaga pa naman kaya ayus lang. Naglakad na ako patungo sa sakayan ng jeep at nang makasakay ay nagpahatid ako sa palengke. Minutes lang ay nakarating agad ako sa palengke. Nakita ko na naman ang lalaking nangungulet sakin kapag namamalengke. Feeling pogi kasi si kuya, hindi naman. Bungi na nga ang lakas pang kunin ang number ko. " Hi ganda." Hindi ko siya pinansin kasi hindi ko naman siya kilala. " Wala ka pala pre, ey. Snob ka ni ganda." Sabi ng kasama niyang mataba. Isa pa 'yun, jusko ko. Namili na lang ako kesa maistress sa kanila. Pumunta ako sa suki ko ng karne. " Hi, ate." Magiliw kung bati kay ate Bebang. " Ikaw pala 'yan, neneng. Ano sayo?" Tanong niya sakin. Simula ng mamalengke ako dito ay kay ate bebang na ako namimili ng karne kasi mura lang kumpara sa iba. Kaya naman ay suki na niya ako at may discount pa. " Gano'n parin ate." Wika ko. " Oh sige, neneng." Ani ate at ginawa na niya ang mga order ko. Alam na kasi ni ate ang mga order ko kasi palagi ako sakanya namimili. " Hi neneng." Bati naman sakin ng trabahador ni ate bebang. " Hello po." Keme ko naman tugon. Hindi ko pinapansin si kuya kasi feel ko may gusto siya sakin. Hindi naman sa assuming ako pero mararamdaman ko naman kung may gusto ang isang tao diba? Una na do'n kinukuha niya ang number ko. Tapos nagtatanong kung may boyfriend ba ako. Tinatanong niya rin kung saan ako nagwowork. Basta marami siyang tinatanong about sakin. Sabi ni ate bebang pinsan daw niya ang lalake at wala pa daw asawa. Binatang binata pa daw ang lalake. Pakialam ko naman diba? Hindi ko naman siya type. Gwapo naman 'yung lalake, malaki katawan. Pero hindi ko naman siya gusto kaya hindi ko masyado kinakausap, mahirap na. Maya-maya'y sinabi sakin ni ate bebang kung magkano ang total na binili ko. " Salamat ate. Pero iwan ko muna huh? May bibilhin pa ako." Sambit ko na may ngiti sa labi. " Oh sige, neneng." Umalis na nga ako para bumili ng mga isda, gulay, prutas at iba. Magtataksi na lang ako pauwe kasi ang dami kung pinamili ngayun at hindi ko siya kaya kung magje-jeep lang ako. Nang matapos mamili ay nagmilktea muna ako sa binibilhan ko. Palagi ako bumibili ng milktea kapag namamalengke ako kasi bihira lang naman ako bumili no'n kapag lumalabas lang ako. Dalawa binili ko kasi ibibigay ko 'yung isa kay kuya Philip, pinsan ni ate bebang. Tinulungan niya ako dahil marami ang pinamili ko. " Oh." Inabot ko kay kuya Philip ang isang milktea ng makalapit ako sa kanya. " Salamat, nag-abala kapa." Wika ni Kuya na may ngiti sa labi. " Okey lang po. Tinulungan niyo ko ey." Aniya saka uminum ng milktea. Sarap na sarap ako sa milktea kaya palagi ako umiinum no'n. Wala kasi samin no'n at sa bayan ka lang makakabili. Malayo kasi kami sa bayan kaya malabo akong makabili ng milktea. Tumawag naman ng taksi si kuya dahil nakisuyo ako sa kanya at bibigyan ko sana ng pera pero tumanggi siya. Ayaw niya ng pera, diwag hehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD