Kabanata IV

1630 Words
NAPAHIGPIT ko ang paghawak sa aking baso. Uminit ang dugo ko nang marinig ang sasabihin niya at binabalak ko na sanang itapon ang laman nitong kape sa mukha niya dahil sa kabastusan na lumabas sa kanyang bibig nang napatingin siya sa kamay ko bago inangat ang paningin sa akin. “Ayaw kitang gulatin pero minamadali mo ako.” Aniya at nagkibit balikat na para bang wala ibang choice kung hindi ang sabihin iyon. Hindi ako makapaniwalang may ganitong klaseng lalake na desente kung manamit pero kasalungat ang pag-uugali na nabubuhay sa mundo. “Maia, I’m not forcing you to accept it.” Patuloy niya pero ang kinaiinis ko ay ang pag-ngisi ng kanyang labi. “God,” hindi makapaniwalang sambit ko. Kinagat ko ang aking labi at umiling. “I’m not a p********e, Signor. Hindi ako katulad ng ibang babae sa tabi tabi na madaling makuha sa pera.” Pahayag ko. “I will never betray my husband!”  Pumikit siya, kinakalma ang kanyang sarili at nang muling pagkadilat ng kanyang mga mata ay direkta at matalim itong tumitig sa akin. “Yes, I know you can’t.” Tumatangong aniya. Bumaba ang paningin niya na para bang may naalala siya. “Madali akong kausap, Maia. Kung hindi mo gusto, wala akong magagawa pero binabalalaan kita, hindi ko pwedeng hindi aksyunan ang ginawa ni Rowan.” Aniya at tumayo. Aalis na sana siya nang mabilis akong humarang sa dinadaanan niya. Bumaba ang paningin niya sa akin. “May iba pa bang paraan? Ayaw kong makulong si Rowan, marami pa siyang hindi nagagawa sa buhay.”  Matagal at matalim niya akong tiningnan. “Mahal mo ba ang asawa mo?” hindi ako nakapagsalita sa tanong niya. Kahit ako ay nalilito kung mahal ko ba siya kaya ako nagmamalasakit sa kanya.  “Bakit natahimik ka?” tanong niya at ngumisi. Maya-maya ay naramdaman ko ang kanyang hintuturo sa aking baba at pilit na inaangat ang aking ulo. “Kung hindi, madali lang ang gawin ang offer na ‘to. This would also benefit you, trust me.” Mahinang sabi niya. Mahigpit kong naikuyom ang aking kamao at umiling. “Lend me your money. Ibabalik ko hanggang may pera na ako.” Ani ko. Napaiwas siya ng tingin at tumawa. “Saan ka kukuha ng pambayad? Mangungupit ka kay Rowan? Balita ko nasa bahay ka lang, walang ginagawa kung hindi ang hintayin ang asawa mo.” Aniya. Siguro ay narinig niya ito mismo kay Mr. Leondo, hindi sekreto ang paghihigpit ni Rowan sa akin kung ano ang gusto kong gawin sa buhay. Kahit lumabas lang ng bahay ay gusto niyang malaman kung saan ako pupunta at hindi pwedeng hindi siya kasama. “Napakasimple lang ng offer. Katawan lang ibabayad mo.” Aniya, tonong nang iinsulto.  Halos dumugo ang labi ko dahil sa pagkagat ko nito. Ni hindi man lang siya nasindak sa sariling sinabi. Naramdaman ko ang kanyang kamay na pumasada sa aking braso paibaba sa aking mga daliri at ang init mula sa kanyang katawan nang bahagya niyang nilapit ito sa akin. Nanigas ako ng aking kinatatayuan nang umabot ang kamay niya sa gitnang bahagi ng aking katawan, bahagyang nanunuya.  Napapikit ako nang mariin. Ni kamay ni Rowan ay hindi umabot sa parteng ‘yan. Ito pa nga bang lalakeng ito na ilang araw ko pa lang nakilala? Bakit hindi ko magawang manlaban? Para bang may bumubulong sa aking isang demonyo na hindi dapat siya saktan? Maraming beses sa ilang minuto ko siya gustong sampalin dahil sa kapangahasan niya pero imbes na magkaroon ng lakas na sampalin at itapon sa kanya ang kape, tila kusang nanghihina aking isipan gawin ang bagay na iyon. “You have days to think about my offer. No need to rush.” Aniya at nilapit ang mukha sa aking tenga. “Kahit alam ko na ang sagot.” Bulong niya at ngumisi. Naiwan akong nakatulala sa kawalan. Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan sa likuran ay doon ako nagkaroon ng lakas ng loob para bumaling sa kanya at tingnan siyang humahakbang palabas. Bakit sa tono ng pananalita niya’y tila may alam siyang dapat kong malaman? Napailing na lamang ako at dismayadong umuwi mga ilang sandali bago siya tuluyang umalis. Gusto kong hanapin ang sarili ko minsan pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano? Kung may kadenang nakakabit sa aking leeg at pilit akong binabalik kung saan dapat ako mamalagi — kay Rowan.  DAHAN dahan kong sinara ang pintuang nang makabalik ako. Agad kong inalis ang scarf at agad na nagtungo sa dining table para tingnan kung ginalaw ba ang pagkain niluto ko pero agad akong napahinto nang mapansin na nakabukas na ang ilaw dito. Lumabas mula sa kitchen si Rowan na may dala dalang bote ng alak. Agad na lumakas ang pintig ng puso ko sa kaba na baka tanungin niya ako at hindi ko alam ang aking isasagot. Pero unti unting napawi nang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at lumapit sa akin para dampian ako ng halik sa pisngi. “Mabuti naman at nakabalik ka? Akala ko maliligaw ka na.” Aniya. “Hindi ko naman nakalimutan ang lugar.” Pagsisinungaling ko, ni minsan ay hindi naging pamilyar sa akin ang Roma. “Kumain ka na ba? Anong oras ka pala dumating?” tanong ko, pasimpleng umiiwas sa tanong kung saan ako nanggaling at kung ano ang ginawa ko.  Ikinawit ko ang hibla ng buhok ko sa likuran ng aking tenga at binasa ang aking ibabang labi nang lumapit ako sa kanya para pagsilbihan siya. Hindi na bago ang gabing ito sa naunang gabi magmula noong nagising ako. Kung hindi taga silbi, tagasalo naman ng sigaw at reklamo niya sa kanyang ama o mga tao sa opisina. Minsan naman ay pinapagaan ang loob niya tuwing dismayado siya sa kanyang sarili. “One hour before you came.” Aniya. Napatingin ako sa pagkain, hindi niya ginalaw. Walang bawas pero medyo malamig na ito. “Hinintay kita para sabay na tayo kumain.” Pinilit kong ngumiti at tumango. Isa ito sa bihirang gawin ni Rowan, ang sumabay sa akin kumain. Madalas siyang galit o wala sa mood tuwing umuuwi kaya nakakapanibago. “I hope you enjoyed going outside.Cheer?” tanong niya at itinaas ang baso na naglalaman ng champagne. Hindi ako umiinom ng alak kaya ang baso ng tubig ang aking binangga sa kanyang baso. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi niya ako tinanong kung saan ako nanggaling. Kung madalas ko ba itong gagawin ay hahayaan niya lamang ako? Abala siya sa pagkain habang ako naman ay hindi masubo subo ang aking isang kutsarang pagkain. Naalala ko ang ngisi ni Signor at ang kanyang boses. Hindi ito mawala sa isip ko, pinilit kong alalahanin kung saan ko siya nakita pero naging dahilan lang naman iyon na pagsakit ng ulo ko. Napabitiw ako sa kutsarang hawak at pinagdikit ang aking hintuturo sa aking sentido. “Are you okay?” tanong sa akin ni Rowan. Malumay ang kanyang boses pero nang tiningnan ko siya ay parang ibang tao ang nakikita ko. Taong gusto ko tanungin kung saan niya pinaggastusan ang ni withdraw niya sa fund.  Nangingitim ang ibaba ng kanyang mga mata at ang balbas niya naman ay tumutubo na. Stress na stress ang mukha niya kaya minsan ay nakakaawa siyang tingnan pero pinipilit niyang pinapagaan ang atmosphere dito sa bahay kahit nakapabigat na at minsan parang binabahayan na ng lungkot at galit. Nakahawak siya sa aking likuran at saka ako ngumiti. “Huwag kang mag-alala.” Ngumiwi siya at muling bumalik sa iniinom niya. “Kaya ayaw kitang payagan na lumabas dahil baka hindi kayanin ng utak mo ang klima sa labas.” Sabi niya pa. Hindi na ako muling nagsalita pa at baka kung makikipag argue ako sa kanya ay umabot sa hindi maganda ang usapang naming dalawa. “Ikaw kumusta ang araw mo?” tanong ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at nilagok muli ang champagne.  “Walang pinagbago. My father still hates me.” Tugon niya. Hindi agad ako nakapagsalita, kahit anong sikap niya mapansin ng Ama ay hindi pa rin umuubra. “Do you trust me?” tanong ko at saka ko ipinatong ang aking braso sa kanyang balikat. Napatingin siya sa akin.  “Ano bang klaseng tanong ‘yan? Asawa kita, Maia. Malamang!” aniya at sinundan ng tawa. Ngumiti ako at ipinatong ang aking ulo sa kanyang balikat at napatingin sa kawalan. Gustong gusto kita tulungan, Rowan kahit sa anong paraan. Ayaw kong masira ang relasyon natin pero baka sa paraang gugustuhin ko ay baka hindi mo na ako kayang hawakan pa. Unti unti kong pinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung saan ko gustong kumawala at bakit pinipigilan ako ng konsensya na ‘wag pabayaan ang buhay na ito, kasama si Rowan. NABABALOT sa sariling dugo ang isang babae sa aking tabi. Hindi ko maalinag ang kanyang mukha pero malinaw ang kanyang pag-iyak. “Loi…” Aniya. Pilit ko siyang inaabot pero bumibigat ang aking braso sa tuwing sinubukan ko siyang abutin. “Ipaalam mo ako sa kanya.” Agaran akong nakabangon nang tumunog ang aking cellphone. Tumama ang liwanag mula sa araw na kumakawala sa bintana. Nakapa ko ang aking katabi at napansin na wala na roon si Rowan.  Isang umaga na binisita ng isang panaginip na naman pero sa tuwing nagigising ako ay nalilimutan ko ang detalye. Mabilis kong kinuha ang cellphone at lalabas na sana para tingnan kung nakapag breakfast na ba si Rowan o tumungo na siya sa kanyang trabaho kung hindi lang ako natigilan nang marinig ang isang pamilyar na boses. “Good morning, baby.” Sa tonong nang-aakit at tila nanunuya, hindi ko na kailangan tanungin kung sino siya.  “Signor?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD