“ANO ang ginagawa mo dito?” hindi makapaniwalang tanong ko. Pumikit ako nang mariin nang hindi siya nakapagsalita agad. Siya ito dapat ang may karapatan tanungin ako nang ganyan. Muntik kong makalimutan na siya ang bagong CEO ng Kledd. Kailangan ang presensya niya rito.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin nang tumayo siya. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa at nakatingin siya sa labas ng malaking bintana. “Should I be the one to ask you that question?” tanong niya sa malamig na tono. Sumulyap ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.
“I’m sorry, babalik na lang ako kung nandito na si Papa.” Ani ko at pinihit ang doorknob pero halos mapatalon ako sa gulat nang pinigilan niya ang doorknob. Kahit hindi naman direktang nakahawak ang kanyang kamay sa akin, bolta boltahe namang kuryente ang dumaloy sa aking katawan nang magdikit ang mga balat namin.
Sinadya niyang ipadausdos ang kanyang kamay paitaas sa aking braso. Agad ako napabitiw sa doorknob at kunot noong napatingin sa kanya. Tumingin lamang siya sa akin, bahagyang nakangiti ang kanyang mga mata. Bakit? Para saan siya nasisiyahan?
“Pumunta ka sa bahay nila kung gusto mo makita si Mr. Leondo.” Aniya. “As what I observed from your reaction, may napag-alaman kang isang sekreto.” Patuloy niya. Ang pag kunot ng aking noo ay unti unting napawi at napalitan ng pagkabigla. Hindi, hindi niya dapat malaman ang tungkol sa pagdukot ng salapi ni Rowan sa kompanya.
“Hmm? Maia?” pangungumpirma sa akin ni Signor. Hindi ko alam kung ilang beses kong inilayo ang mga mata ko sa kanya para hindi siya matingnan. Para bang nakakasilaw at nakakapaso sa tuwing kami ay nagkakatitigan.
“Aalis na lang muna ako. I’m sorry for interrupting your work, sir.” Sinubukan kong tumalikod pero mabilis na humarang ang kanyang braso sa aking harapan, kinukulong ako para hindi ako tuluyang makalabas ng office. Mabilis akong bumaling sa kanya.
“Sorry isn’t enough, Maia. We can talk about it. Responsibilidad ko naman ang mga concerns ni Mr. Leondo as newly hired CEO.” Wika niya. Pumikit ako nang mariin at yumuko. Hindi lang ang mukha niya ang pamilyar sa akin, pati na rin ang kanyang amoy at boses. “I bet it is about the consecutive withdrawal of the Company's fund?” patuloy niya na nakapagpamulat ng aking mga mata sa gulat.
Ngumisi siya nang makita ang reaksyon ko. “Paano mo nalaman…” Hindi ko tinapos ang aking katanungan. Malamang, malalaman niya ang tungkol doon lalo na’t ite-take over sa kanya ang responsibilities bilang isang CEO. Hindi ko alam kung paano natago ni Rowan ang tungkol lahat dito, pero siguradong magtataka si Signor at hahalugbugin niya ang buong transactions ma reconcile lang ang record.
I don’t want Rowan to get caught. May pangarap pa siya, may kailangan siyang ipakita sa kanyang Ama at bilang isang asawa niya, narito ako para tulungan siya. “I can help you and your husband with it.”
“Of course, you have to.” Tugon ko sa kanya.
Inalis niya ang brasong nakaharang sa dadaanan ko at humakbang sa aking giliran, partikular sa likuran ng pintuan para mapigilan ang paglabas ko. Buong katawan niya ang hinarang doon. Ano nga ba ang kailangan niya sa tulad ko? “Kung lulutasin ko ang problema niya in legal ways, posibleng kakasuhan siya ng sarili niyang Ama at malalagay sa panganib ang current position niya at ibang taong involved.” Aniya.
“What do you mean?” may paraan para hindi mangyari ang bagay na iyon? May ideya siya pero sa maling paraan? Hindi agad siya nakapagsalita, nakatingin lamang siya sa aking mga mata nang matagal. Umiling ako at napatingin sa kawalan. “Isa lang hinihiling ko. Sana manatiling sekreto ang lahat ng ito.” Pakiusap ko sa kanya.
Huminga siya nang malalim at bumaling chandelier na nasa ibabaw. “You never changed,” narinig ko ang mahinang boses niya pero hindi ko na nakuha ang laman ng salita.
“Mr. Goncuenco, please. I’m begging you.” Pagmamakaawa ko at hindi ko na namalayan ang paghawak ko sa kanyang braso. Napatingin siya sa kamay ko at doon ko na napagtanto ang ginawa ko. Pumikit siya nang mariin na para bang ang laki ng problema niya bago niya ako tiningnan muli.
Nang maidilat muli ang kanyang mga mata at matalim itong ipinukol sa akin. “Dolce Amore Cafe & Restaurant, Via Cavour Street, 7pm. I’ll wait for you there.” Aniya at pinihit ang doorknob saka binuksan nang malaki ang pinto. “May mga negotiation na hindi dapat dito tinatalakay.” Patuloy niya.
Wala pa akong nakukuhang sagot mula sa kanya pero bakas sa reaksyon ng kanyang mukha at pag igting ng kanyang panga na may mahalaga siyang sasabihin sa akin. Hindi ko alam kung bakit namin tatalakayin ang mga bagay na iyon. Madali lang naman ang sagot, oo tutulungan niya si Rowan o hindi, at hahayaan niyang malaman ng ama nito ang anumalyang ginawa ng asawa ko. Para saan madali lang sagutin ang mga bagay na iyon, hindi ko alam kay Signor. Parang nahihirapan siya.
I went back home after talking to Signor. Sasabihin ko ba kay Rowan ang nakita ko? O hindi? Ayaw kong maging dagdag iyon sa madalas na pag init ng kanyang ulo. Naghanda ako ng makakain nang sumapit ang gabi. Kailangan kong makipagkita sa kanya ngayon dahil alam kong mahalaga ang sasabihin niya tungkol sa fund withdrawal.
Kumuha ako ng note at nagsulat ng paalala saka ko ipinatong sa ibabaw ng nakatakip na pagkain. Huminga ako nang malalim mga ilang sandali. Hindi mawari kung bakit napaka importante sa akin ang isalba si Rowan mula sa kahihiyan, mula sa pangmamalupit ng kanyang Ama sa kanya. Siguro dahil isa ako sa mga saksi kung paano siya maliitin ng Ama despite everything he worked hard on his company.
Ganito rin ba ako noon sa kanya before I lost my memories? Kung hindi lang ako nawalan ng alaala, marahil natulungan ko siya bilang kanyang asawa. He doesn’t have to suffer this much. Kailangan ko na talaga mapag konsulta sa doctor to see kung ano ang pwedeng gawin para manumbalik ang ala-ala ko. Pain reliever lang ang iniinom ko tuwing sumasakit ang ulo ko. Kung may sapat na oras lang sana si Rowan para samahan ako sa ospital at kung hindi lang sana ako pinipigilan.
Inihiga ko ang aking ulo sa mesa at napatingin sa sariling repleksyon sa salamin na nasa giliran. I looked so pale, kulang na lang ilagay ako sa kabaong. Hindi ko alam kung dahil sa malamig na klima o sa natural ko itong kulay. Nawawalan na ako ng sigla dito pero hindi ako pwedeng sumuko. Rowan needs me, lalo na’t may problema siyang tinatago ngayon.
Nag-ayos ako bago ako lumabas ng condo. Nagsuot ako ng hanggang tuhod na cardigan at kulay maroon na scarf. Malakas ang pintig ng puso ko at baka magkasalisi kami ni Rowan dito pero sigurado akong bihira lang ang pagdating niya nang maaga.
Hindi ko kabisado ang Roma. Sumakay ako ng bus at nagtanong tanong kung saang lugar ang tinutukoy niya. Bukod sa hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito, nahihirapan din akong intindihin ang kanilang lenggwahe. Tinago ko ang aking mukha sa scarf at nang makita ang signage na may nakasulat na sinabi na streets ni Signor kanina ay bumaba na ako.
Binuksan ko ang naturang Cafe at agad akong sinalubong ng isang waitress na sa tingin ko ay pinay. Kaunti na lang ang mga customers, nabibilang lang sa aking mga daliri. “Are you Maia Giltendez?” tanong sa akin ng isang matangkad na lalake. Bumaba ng paningin ko sa kanyang name badge.
Genesis. Hindi ako sigurado kung pinoy siya pero sa kanyang pananalita at mukha ay masasabi kong oo. Tumango ako at saka niya tinuro ang isang silid na may nakasulat sa pinto na ‘For VIP customers only’.
“T-thank you.” Pasasalamat ko at humakbang papunta roon pero napahinto ako at muling lumingon sa kanya. “Signor Goncuenco. I was looking for him.” Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko pero malakas ang kutob ko na si Signor ang may pakana noon.
“He is patiently waiting inside.” Tipid niyang tugon at saka umalis. Binuksan ko na ang pinto at doon ko nakita si Signor na nagbabasa ng dyaryo. Nakadekwatro ang kanyang mga paa at may mainit na kape sa kanyang harapan. Nilakasan ko ang loob ko at lumapit sa kanya dahilan ng pagkuha ko ng kanyang atensyon.
“Take a seat.” Imbita niya. Tumango ako at umupo sa harapan niya. Hindi ko napansin na may isa pang kape na nakalatag sa mesa. “You’re late. Malamig na ang kape mo.”
“Hindi ako pamilyar sa lugar at ngayon lang ako nakapunta sa ganito kalayo.” Wika ko. Naibaba niya ang dyaryo at napatingin sa akin. Hindi ko maipukol ang mga mata ko sa kanya.
“Hindi ka ba pinapasyal ng asawa mo?” tanong niya. Hindi ako sumagot, hindi na niya kailangan malaman ang tungkol doon dahil kabilang sa personal na ang mga bagay na iyon.
“I'm in a bit of a hurry. Kung pwede, ‘wag natin pag usapan ang hindi importanteng bagay. Nandito ako para malaman ang sagot mo at kung paano matutulungan si Rowan.” Napatingin ako sa wall clock. Kapag nagtagal ako hanggang eight-thirty o’clock dito, malalagot ako kay Rowan.
Pinag ekis niya ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib sabay ngisi nang bahagya. “Fine.” Tipid niyang sambit.
“I’ll finance your husband’s billion debts with my own money. Walang makakaalam tungkol sa sekretong ito, tungkol sa krimen na ginawa ng asawa mo...” Agarang nilapit ang mukha sa akin at tiningnan ang aking labi. Mabilis akong lumayo nang mang-init ang aking mukha sa kanyang ginawa. “If you agree to have s*x with me.”