Kabanata V

1774 Words
“PAANO mo nakuha ang number ko?” tanong ko kay Signor sa kabilang linya. Hindi siya nagsalita, narinig ko lang ang mahinang kaluskos at kanyang hininga. “Magic.” Tipid niyang sabi na para bang hindi na importante kung paano niya nakuha iyon. Kung sabagay maaari niyang hingiin kay parents ni Rowan, tutal malaki naman ang tiwala ni Mr. Leondo sa kanya.  “Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko.  “You don’t have to get mad while asking, Maia. Wala pa naman akong sinasabing masama.” Aniya at humalakhak. Kinalma ko ang sarili ko, kapag napag alaman ito ni Rowan na may tumatawag sa akin siguradong magdududa siya. Kailangan kong iwasan ang pakikipag usap kay Signor para hindi kami mapanghalataan. Pero paano ang offer niya? “Have you thought about it?” tanong niya. Kahit hindi niya sabihin ang buong detalye alam ko ang tinutukoy niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Gusto kong tanggapin pero hindi ko gustong mabahiran ng kasamaan ang pagsasama namin ni Rowan. Hindi ganito ang buhay mag-asawa, hindi ba? “Huwag mo na pahirapan ang sarili mo, Maia.” Patuloy niya. Narinig ko ang doorbell mula sa kwarto. Pinagtaka ko kung sino ang naroroon nang ganito kaaga kaya dali dali akong bumaba para salubungin ito. Napahinto ako sa pagpihit ng doorknob nang mapansin na wala na ang sapatos ni Rowan na madalas niyang gamitin sa pagpunta ng trabaho. Mukhang natutulog pa ako nang umalis siya at hindi na nag abalang gisingin ako. Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Noon, madalas siyang nagagalit sa tuwing wala akong hinahandang almusal sa kanya ngayon ay mukhang naintindihan na niya. Napawi ang ngiti ko nang makita ang mukha ni Signor sa labas ng pintuan. Nakangiti siya habang nakatapat ang kanyang phone sa kanyang tenga. “Anong ginagawa…” hindi ko pa natapos ang aking sasabihin nang humakbang siya papasok na para bang kaharian niya ang pamamahay ng asawa ko at kapangahasan ang tanungin siya kung bakit siya naroroon. Nilibot niya ang buong paningin sa buong bahay. “Signor, hindi ka pwede rito!” hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses dahilan ng pag echo nito sa apat na sulok ng condo. Sinara ko ang pintuan at humarap sa kanya. Hindi man lang siya nasindak sa boses ko na para bang nasanay na siyang marinig ang mga nagtataasang boses ko. “Makikita ka ng asawa ko. Ano na lamang ang iisipin niya? Na pati asawa niya ay inaagaw mo rin?” ang CEO position na dapat sana para kay Rowan ay napunta sa kanya. Kung hindi lang malakas ang kapit niya sa board at sa may-ari ng Kledd. Sa wakas ay nakuha ko ang atensyon niya. Dahil mas matangkad siya sa akin, bumaba ang matalim na paningin niya sa akin saka niya itinago ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa niya. “Wala kong inagaw. Siya ang may inagaw sa akin.” Aniya sa kalmadong tono ang nilagpasan ako.  Sinundan ko siya ng tingin atsaka niya pinagsadahan ng palad ang sofa saka napatingin sa wedding picture namin ni Rowan na nakakabit sa dingding. “You look very different in that photograph. Sigurado ka bang ikaw ‘yan?” nagbibirong tanong niya at sinundan ng pagtawa. Natigilan naman ako sa kanyang sinabi. Mukha ko ang nasa picture bakit niya tinatanong? “I mean, ang sigla ng mukha mo riyan kumpara ngayon.” Patuloy niya at napawi ang tawa nang napansing hindi ako umiimik. “Please go out, Signor.” Ani ko at tinuro ang pintuan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso kaya mabilis akong umiwas. “Why are you afraid that Rowan might find out about us? Doon din naman tayo tutungo, Maia.” Nang aakit na aniya. Pumikit ako nang mariin. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa tuwing naririto si Signor. Kung sakali ring mapag-alaman ni Rowan ang tungkol sa sekreto naming pagkikita ay wala akong ibang sisisihin kung hindi ang sarili ko. “Please, Signor.” Pagmamakaawa ko, taliwas sa boses ko kanina. “Hmm. I would love to hear you saying that on my bed.” Aniya. Naramdaman ko ang kanyang hintuturong pinasadahan ang aking pisngi. Bolta boltahe namang kuryente ang dumaloy mula sa aking batok pababa ng aking likuran dahil sa kanyang ginawa. “Tired and naked.” Napayukom ang aking kamao. Kailangan kong pigilan ang sarili ko at baka magbago pa ang isip niya at i-atras ang offer niya sa akin. Narinig ko ang kanyang pag-ngisi. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa sofa at itinaas ang kanyang isang tuhod. Ang dalawang kamay naman ay namamahinga sa sandalan habang naka-angat ang ulo. Para siyang hari talaga kung gumalaw, hari na bastos at walang modo.  “My husband is working hard habang ikaw ay inaabala ang buhay ng ibang tao.” Wika ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at saka tumaas ang isa niyang kilay.  “Dahil may negotiation na hindi pa natatapos. You are part of my job, Maia.” Aniya. “Magbihis ka. May pupuntahan tayo, kung hindi mo gustong umalis, ako ang magbibihis sa ‘yo.” Patuloy niya na para bang wala akong ibang choice kung hindi ang sumunod sa gusto niya. “Sa ayaw at sa gusto mo.”  NAPATINGIN ako kay Signor na abala sa pagmamaneho. Wala akong natatandaan na isa siya sa mga kakilala ko bago ako nawalan ng alaala pero kung makapag-usap siya sa akin ay para bang hindi ako stranghero sa kanyang paningin. Straight to the point at hindi nagdadalawang isip kung dapat bang ilabas ang nilalaman ng loob niya o hindi na. Compared to Rowan, he looked confident and egotistic naman kung magalita. Si Rowan ay may pag-alinlangan sa kanyang sarili, kapag nadidisappoint siya ay wala siyang ibang sinisisi kung hindi ang sarili niya pero hindi siya nag i-improve. He was stuck in the idea of ‘tatanggapin ako kung sino talaga ako’.  He stretched his arm when he parked his car outside the hotel. Agad bumilis ang t***k ng puso ko, hindi mawari kung ano ang gagawin namin dito. Nang humarap ako ay biglang nagtama ang mga dulo ng ilong naming dalawa ni Signor. Sasampalin ko na sana siya kung hindi ko lang napansin na kinakalas niya ang seatbelt ko. Napansin ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi bago lumayo sa akin. “Kahit ang pabango mo ay nagbago na rin.” “Ano ang ginagawa natin dito?” tanong ko, hindi pinansin ang kanyang sinabi. Kumindat siya at naunang lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan.  “We’ll see.” Tipid niyang tugon. This is a luxury hotel, hindi basta basta ang pumapasok na mga guest dito at hindi rin ma-a-afford ng munting salapi lamang. Medieval ang painting sa itaas ng malaking aranyang may kulang kahel na liwanag. Mayroon akong nakitang modelo na madalas kong mapanood sa telebisyon na kasama ang isang matandang naka suit and tie.  Hinawakan ni Signor ang aking likuran habang nakikipag-usap siya sa mga receptionist at nang matapos ay binigyan siya ng isang card. Pinagkunot noo ko kung ano ang gagawin niya hanggang naglakad kami patungo sa isang mahaba ang malawak na pasilyo. Napatingin naman ako sa mga panauhin na may magagarang kasuotan habang ako naman ay nakasuot lamang ng cardigan at itim na scarf. Nakalugay ang aking natural na buhok na bahagyang tumatakip sa aking mukha ang mga tumatakas na hibla. “Ano ba kasi ang gagawin natin dito?” bulong ko sa kanya nang pagbuksan kami ng staff ng pintuan. Agad bumungad sa akin ang napakarami at napaingay na tao habang naglalaro ng card game at sari saring kulay ng chips. May mga babaeng kumakandong sa mga matatandang mayayaman habang naglalaro at pinalilibutan ng mesa ng mga manonood.  “Bibigyan kita ng sagot kung saan winawaldas ni Rowan ang pondo ng kumpanya.” Bulong niya sa aking tenga habang hawak hawak niya ang aking dalawang balikat. Iginiya ako ni Signor na lumapit roon at nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang mukha ni Rowan na seryosong nakatingin sa mga hawak hawak na baraha at sa chips sa kanyang giliran. “Totoo ang sinasabi mo, he is working hard but not in the office. Nandito siya halos apat na beses sa isang linggo, nagsusumikap na baka palarin at manalo. Nang sinubukan niyang maglaro, hindi na siya natigil hanggang hindi na sariling pera ang winawaldas niya.” Mahina ngunit mariing patuloy ni Signor at sinundan ng nanunuyang tawa. “Ayon sa mga naging kalaro niya, pampalipas oras niya ang sugal sa tuwing dismayado siya at ito lang ang nakikita niyang paraan para mabayaran ang pondong ninakaw niya.”  Huminga nang malalim si Signor. “Hanggang ngayon nakatikom pa rin ang bibig ng financial at auditor staff sa anumalyang ginawa niya.” “Isipin mo. Maia. Why Mr. Leondo never gave his trust to his own son? Why did the board of directors choose me and not Rowan?” tanong niya. Ikinawit niya ang buhok ko sa likuran ng aking tenga at bahagyang dinikit doon ang kanyang labi, sending chills down to my spine as his hot breath lingered on my neck.“Nakasalalay sa mga kamay mo ang kapalaran ng asawa mo at kapalaran ng mga taong idinawit niya.” “Keep playing, Rowan, until you pay off your debts!” pabirong sigaw ng isang kalaro niya. Napakagat ako ng aking labi nang may napagtanto. “Do you want me to inform Mr. Leondo? Mahalaga sa akin ang position ko at willing akong sabihin ang totoo para lang hindi madawit ang pangalan ko.” Aniya at lalo akong nanghina nang sinadya niyang idiin ang labi niya sa aking tenga. Napapikit ako nang mariin. Bakit ko ba tinutulungan si Rowan gayong mali naman ang ginagawa niya? Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa ito pero nawawalan ako ng lakas ng loob. Takot at awa ang tanging nararamdaman ko sa kanya. Kung itong sugal ang naging kasiyahan niya at hindi ako ay maiintindihan ko siya. Kung may maitutulong lang sana ako para mapagaan ang loob niya. Pakiramdam ko ang laki ng pagkukulang ko magmula noong nawalan ako ng alaala. Hindi ko nagampanan bilang mabuting asawa sa kanya. Mabilis akong lumayo kay Signor at bumaling sa kanya. “Salamat at dinala mo ako rito. Napagtanto ko ang lahat na hindi ko kailangang tanggapin ang alok mo.” Diretsahan kong sabi at naglakad palabas.  Kaya kong tulungan si Rowan, sa malinis na paraan pero parang narinig niya ang nasa isipan ko sa sumunod niyang sinabi. “Saan ka hihingi ng tulong kung ni isang tao ay wala kang maalala?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD